Chapter 22

On repeat: We Are Broken-Paramore

***

Mabilis na lumipas ang mga araw dala ng walang tigil na pagtatrabaho.

Napansin ni Angie na lalong nanahimik si Trish.

Parang ang lalim ng iniisip palagi.

Dumating na din siya sa punto na parang nagsisisi siya sa sinabi niya dito.

Pakiramdam niya, she was not a good person ng dineretsa niya si Trish.

The other part of her was relieved na tinapat niya ito.

There was no easy way to do it.

Ayaw niyang makipagcompromise when it came to her happiness.

Tama na ang naging martir siya minsan noong sila pa ni EJ.

Nang dumating ang araw ng Christmas party ay excited na ang mga crew.

Pagpasok pa lang niya, ang bukangbibig ng mga ito ay ang event na gaganapin mamayang gabi.

Biniro pa nga siya ng grill crew kung hinanda niya ang susuoting gown.

Natawa lang siya sa tanong nito at dumiretso na sa table niya sa kitchen station.

Humupa na din ang mga big orders kaya kahit papaano ay nakakahinga na sila kahit konti.

Closing pa din ang shift niya sa araw ng party kaya imbes na umuwi pa para magbihis, binaon niya na lang ang susuotin sa gabing iyon.

Nasa stockroom siya at nagi-inventory ng bumukas ang pinto.

Pumasok si Mam Mica at ang unang banat nito sa kanya ay meron itong sasabihin.

"Alam mo ba na hindi na tuloy ang kasal ni Mam Trish?" Umupo ang kaibigan sa ibabaw ng sako ng bigas.

Hindi niya alam ang tungkol dito.

Noon pa man, di niya naman talaga ugali ang makitsismis.

Nagiging updated siya sa mga nangyayari sa store dahil ang mga kasamahan niya ang lumalapit sa kanya para magkuwento.

Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Trish noong birthday niya, naputol na ang communication nilang dalawa.

Maliban na lang kung meron itong kinalaman sa trabaho, hindi na talaga sila nagkikibuan.

"Saan mo naman nalaman iyan?" Inalis niya ang tingin sa binibilang na kahon ng mga spaghetti.

"Kay Sir Mario. Tinanong niya daw kasi si Mam Trish kung may registry siya para sa kasal. Sinabi ni Mam na hindi na matutuloy."

"Anong sabi ni Sir Mario?"

"Tinanong niya daw si Mam Trish pero ang sabi lang sa kanya, huwag na lang pag-usapan ang nangyari."

"Bata pa din naman kasi si Mam Trish di ba?"

"Kunsabagay. Sinabi niya din iyon kay Sir. Hindi pa daw siya handa mag-asawa."

"Buti at hindi na siya kinulit ni Sir? Kilala mo naman iyon di ba? Mahilig sa tsismis."

"Korek ka diyan. Pero kahit naman may sabihin siya, buhay naman iyon ni Mam Trish di ba? Tsaka hindi biro ang mag-asawa. Eh kung ako nga na nasa tamang edad na eh ayoko pa talaga. Gusto ko magsawa muna sa buhay dalaga. Kapag may asawa na, iba na ang priority. Mawawalan ako ng budget para sa make-up at tsaka sa mga gimik ko di ba?"

Tumango lang si Angie.

Tumayo na si Mam Mica.

Kailangan niya daw ng box ng catsup dahil naubusan ng ang counter station.

Pagkaalis niya, pinagpatuloy niya ang pagbibilang.

Pero hindi tulad kanina na buo ang concentration niya, distracted na si Angie.

Naisip niya ang nangyari kay Trish.

Hindi na siya umaasa pa na magiging sila.

Unti-unti niyang tinanggap sa sarili na malabo ng mangyari iyon.

Sigurado siya sa gusto niya.

Si Trish naman, hindi alam kung ano ang gagawin sa buhay niya.

Hindi relasyon ang kailangan ni Trish kundi space.

Space para malaman kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

Naiintindihan ni Angie ang bagay na iyon.

Kung siya man siguro ang nasa kalagayan nito, iyon din ang gusto niya.

Ang magkaroon ng pagkakataon na ayusin ang sarili niya.

Pagdating ng gabi, nakita ni Angie ang mga crew na maagang dumating para tulungan sina Mam Evelyn na maghanda para sa party.

Alas-singko pa lang ay sinara na nila ang function room para makapagdecorate sa loob.

Masayang nagtatawanan ang mga crew.

Hindi nila alintana ang pagod at stress.

Habang nagmamasid, naalala ni Angie na ganoon din siya bago siya naging manager.

Malaya, wala masyadong responsibilidad at masaya kahit pa kapos sila sa pera.

Puwede pa din naman na maging ganoon siya pero nagbabago talaga ang tao dahil sa mga karanasan sa buhay.

Ang pagkamatay ng kanyang ina ang pinakamalaking dagok sa buhay niya.

Nasundan pa ng depression ng kanyang ama.

Pero napagtagumpayan niya naman ang lahat ng pagsubok.

Nandito pa din siya, nakatayo, humihinga.

Patuloy siyang lumalaban kahit nasasaktan.

Alas-otso nagsara ang tindahan para makapaglinis sila.

Pagkalock ng pinto, dumagundong ang mga K-pop songs sa sound system na ni-rent para sa party.

Sumasayaw ang ibang crew habang naglilinis.

Dumating na din ang mga managers para tumulong sa paghahanda.

Tinukso ng mga crew sina Sir Roger at Sir Bryan dahil nakaporma ang mga ito.

Pagdating ni Mam Trish, napa-wow si Sir Roger dahil elegante ito sa suot na sparkly blue dress.

Tumigil si Mam Mica sa page-encode sa computer at tumayo para tingnan si Mam Trish.

Pinilit ni Angie na huwag tumingin at patuloy siya sa pagtatype ng inventory sa computer.

Naaninag niya naman si Trish.

Kahit hindi niya ito makita, naniniwala siya sa mga kasama na lalo itong gumanda ng gabing iyon.

There was still a part of her that still hurts.

Namimiss niya din naman kasi ito.

Ang pangungulit nito at ang pagiging caring.

Kapag binubuksan niya ang drawer, naaalala niya na may makikita siyang energy drink o di kaya chocolates.

But those were only wishful thinking.

A lot changed between them the night of her birthday.

Maybe it was for the best that she was honest.

Ngayon lang masakit dahil bago pa ang nangyari sa kanila.

Darating din ang time na makakarecover na siya.

Si Angie ang huling pumasok sa function room.

Naghiyawan nga ang mga kitchen staff pagpasok niya.

Unlike Trish who wore a dress, casual lang ang outfit niya.

Ripped jeans, chic long-sleeved satin top pero bumawi siya sa suot na gingersnap leather pumps.

Hindi nakaligtas kay Mam Mica at Mam Evelyn ang sapatos niya.

Lalo kasi siyang tumangkad.

While they were pointing out her shoes, napalingon si Trish.

Nagtama ang tingin nila.

She was the first one to look away.

Alam ni Angie ang kahinaan niya pagdating sa pag-ibig.

She wore her heart on her sleeves.

Kapag nagmahal siya, todo.

Hindi 50/50, 60/40 or 70/30.

Pinag-aaralan pa rin niya na mahalin muna ang sarili niya bago ang ibang tao.

Dahil kapag nasasaktan siya, todo din.

Pinilit niyang mag-enjoy ng gabing iyon kahit may pader na namamagitan sa kanila ni Trish.

Napansin niya din naman dito na hindi na ito aburido.

Ang lakas makipagkulitan sa mga crew.

Walang inhibition na sumali sa mga games.

Nagpalit pa nga ng rubber shoes para mas malaya siyang makatakbo.

Kaya niyang dalhin ang sarili niya kahit nakadress.

Aliw na aliw kay Trish hindi lang ang mga crew kundi pati na din ang mga managers.

Habang nanonood sa kakulitan nito, lalong namiss ni Angie ang mga kulitan nilang dalawa dati.

Nakaramdam na naman siya ng lungkot.

Pero tulad ng lagi niyang ginagawa, pilit niyang winaksi sa isip niya ang mga naiisip.

She had her time with Trish.

Marami silang good memories.

She should be happy that she had those to keep.

Mali ba siya to aspire for more?

Hindi naman siguro.

Pagkatapos ng isang game, lumapit si Sir Mario sa harapan at kinuha ang microphone stand.

Sinabi niya sa lahat na oras na pala kumain.

Tumayo si Angie dahil kailangan niyang mag-CR.

Imbes na pumunta sa staff room, sa CR na lang siya ng customers pumunta.

Tinulak niya ang pinto at nagulat ng makitang nakatayo si Trish sa tapat ng salamin.

Nakapatong ang mga kamay nito sa lababo, basa ang pisngi at namumula ang ilong.

Natigilan si Angie.

Nagdalawang-isip kung didiretso sa cubicle o kakausapin si Trish.

Hindi na siya nito pinahirapang magdesisyon.

Lumapit ito sa pintuan at akmang lalabas.

Hindi natiis ni Angie ang dating kaibigan.

Tinanong niya ito kung anong problema.

"Wala."

"Eh ano iyan? Tears of joy dala ng excitement para sa Christmas party?"

Pinaglapat ni Trish ang labi niya at pinigil ang tumawa.

"Look," Panimula ni Angie.

"I know we haven't been okay since my birthday. At hindi din kita pipilitin na makipag-usap sa akin kung ayaw mo. But I would like you to know that I'm still your friend."

Bumuntong-hininga si Trish.

"Do you really mean that or naaawa ka lang sa akin?" Pumatak ang luha ni Trish.

"Both."

Natawa ito sa sagot niya.

"Can we go upstairs to talk? Sa stockroom kung puwede. Ayokong may makakita sa akin dito."

"Oo naman."

Naunang lumabas si Angie at sinundan siya ni Trish.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top