Chapter 21
On repeat: Honesty-Billy Joel
***
Nakatakda ang kasal ni Trish sa darating na Pebrero.
Habang abala ang magulang niya at ang magulang ni Marky sa paghahanda, ang nasa isip niya ay ang sinabi ni Angie.
Tama nga kaya siya sa sinabi na kapag hindi siya magdedesisyon, ibang tao ang gagawa nito para sa kanya?
Kapag nakikita niya ang excitement sa magkabilang panig, doon niya napapatunayan na malamang totoo nga ito.
Naisip niya si Marky.
Nagdesisyon ito.
Kung tama o mali man ang ginawa niya, gumawa siya ng aksiyon.
Hindi siya nanahimik.
Ginawa niya ang sa tingin niya ay tama para sa kanya.
Hindi nga lang siya nagtagumpay.
Ang naging kapalit ng desisyon niya ay ang pagpunta ng magulang niya sa bahay nila para kausapin ang magulang niya.
Wala silang kaalam-alam na pinagkasundo na pala sila.
Pinuntahan niya si Marky sa ospital bago ito lumabas.
Nanonood ito ng TV at nagulat ng makita siya.
Nangayayat ang dati niyang nobyo.
Ang kanang kamay ay bagong palit ang benda.
Hinila niya ang isang upuan at umupo sa tabi nito.
Kinumusta niya si Marky.
Inangat nito ang kanang kamay.
"Heto nagpakatanga." Pilit itong tumawa.
"Alam mo naman siguro kung ano ang pinunta ko dito di ba?"
"Nasabi sa akin ni Mommy."
"At payag ka sa gusto nilang mangyari?"
"Mahal kita, Trish. High school pa lang tayo, alam mo na iyan. Wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin? Hindi mo ba talaga ako minahal?" Nagmamakaawa ang mga mata nito.
Tiningnan niya si Marky.
Nasa ospital ito dahil sa ginawang desisyon.
Dahil nagpakatanga siya.
Pero nilakasan niya ang loob at ginawa ang bagay na dudurog sa puso ng mga magulang niya.
Naisip niya kaya ang mga ito ng maglaslas siya?
Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya ng ginawa niya iyon?
"Trish, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?"
Kung hindi ka magdedesisyon, ibang tao ang gagawa noon para sa'yo.
Iyon ang laging pumapasok sa isip niya.
Kapag nasa trabaho siya at nakikita na parang hindi apektado si Angie sa nangyari sa kanila, nasasaktan siya.
Nanghihinayang sa pinagsamahan nila.
Hindi mahirap mahalin si Angie.
Ang totoo nga, masuwerte ang taong makakapiling nito.
Kapag nagmahal kasi si Angie, buong-buo.
Siya ang may problema.
Hindi si Angie o si Marky.
Naguguluhan siya sa sarili niya.
Naiipit sa gusto niya at sa mga bagay na gusto ng magulang niya.
Pero kung hindi siya kikilos, hanggang kailan siya padadala sa agos na gawa ng ibang tao?
"A non-answer is still an answer." Nilingon niya si Marky.
Nakatitig ito sa kanya at nakadama siya ng takot sa puso niya.
Paano kung mali ang ginawa niyang pagpunta dito?
Paano kung magtangka na naman si Marky at magtagumpay na ito.
"Ang tanga ko talaga." Sabi nito.
"Marky, huwag mong sabihin iyan."
"Eh ano ang gusto mong sabihin ko? At bakit ka pumayag na ikasal tayo? Dahil ba sa nakokonsensiya ka sa nangyari sa akin?"
"Marky..."
"Trish, ano ba talaga ang gusto mo? Do you get satisfaction from breaking my heart?"
"That's harsh."
"Harsh? You know what, I don't know why it took me a long time to see it pero you always do this. Magiging okay tayo tapos darating na lang ang time na bigla kang makikipagbreak sa akin. Samantalang ako, I have always been honest with you. From the start, you know what I feel about you. I can't say the same thing about you because there was something in you that always hesitated at hindi ko alam kung bakit."
"It's because you never listen."
"I never listen?"
"Oo. When we are on break, pinagpipilitan mo pa din ang sarili mo. Tatawag ka, magtitext. You never gave me the space I needed to figure out what I wanted to do with myself."
"Because you never tell me what's going on. You are not completely honest with me or with yourself."
Nagkatitigan silang dalawa.
For the first time since they have known each other, napagtanto ni Trish na ngayon niya lang nakitang nagalit si Marky.
Maybe it was not really anger.
It was brutal honesty on his part.
He was being brave.
More than she could ever be.
"Nang sinabi ni Mommy na pumayag ka sa gusto nilang mangyari, sa palagay mo ba I was completely happy with their decision? Nasa ospital ako dahil I made an attempt to end it all. Pagod na ako sa paghihintay sa'yo, Trish. Pagod na ako sa kakaasa na babalik ka. When I woke, the recovery gave me time to think about my life and what I'm doing with it. For a moment, I was happy when they told me we are getting married. I thought, sa wakas, matutupad na din ang pangarap ko na magkasama na tayo. I will be with the one girl that was meant for me. Pero habang tumatagal, habang ako lang mag-isa dito and I was alone with my thoughts, I asked what I was doing. This is the 21st century for chrissakes. Why did I agree to an arrange marriage? Tapos ngayon nandito ka. You look as if you lost everything. I almost lost my life because of my stupidity, Trish. Huwag mo ng dagdagan ang misery ko by not telling me what you really feel about this arrangement."
Marky made another decision.
He opened another door for Trish.
Nakita niya iyon and this time, she went in.
Sinabi niya dito ang bagay na kinakatakot niya.
Kahit nangangamba sa magiging resulta ng pagtatapat niya, pinili niya na maging totoo kay Marky.
Iyon ang isang bagay na lagi niyang pinagkakait dito.
In doing so, pareho silang nasasaktan.
"How long have you known na bisexual ka?" Mahinahon na ang tono ni Marky.
"A long time."
"At sinarili mo dahil natatakot ka?"
Tumango si Trish.
"Kaya ba parang lagi kang nag-aalangan?"
"Saan?"
"Kapag naglalambing ako sa'yo, you don't seem comfortable. O baka naman dahil hindi ka talaga kumportable sa akin?"
"Comfortable naman ako sa'yo sa ibang bagay."
"But not the intimate parts."
"Oo. Siguro. I don't know."
"Or baka dahil hindi ka comfortable with yourself?"
"Baka nga."
Huminga ng malalim si Marky.
"Mabuti na lang at nakapag-usap na tayo."
"Bakit naman?"
"At least now, kaya ko ng kausapin sina Mommy."
"Bakit? Hindi ka din ba payag na ikasal tayo?"
"Noong una, I was okay with it. Ang gusto ko kasi eh makasama ka. But now that you told me the reason, hindi fair para sa ating dalawa ang makasal sa isa't-isa. Lalo na sa'yo."
"Ang isa pa, ayoko pang mag-asawa, Marky. Bata pa ako. Marami pa akong pangarap sa buhay. Besides, I don't think I'm ready to raise a family."
"I am ready. At least I think I do. Pero kung mag-aasawa ako, I would like to find a woman who will commit to the marriage, or to me, all the way."
"At hindi ako iyon."
"I don't think so."
Nagtawanan silang dalawa.
This time, wala na ang tensiyon.
Trish felt her lungs expand.
Sa loob ng ilang araw na stress siya sa arrange marriage at wedding preparations, she felt a shift in her world.
Tumayo na siya at nagpaalam na kay Marky.
"Don't worry about my parents, ako na ang bahala sa kanila." Pinisil ni Marky ang kamay niya.
"Ako na din ang bahala kina Mommy."
"Are you sure kaya mo?"
"Oo naman."
"I'm sure pareho tayong mapapagalitan."
"But at least we are doing it for ourselves."
"Tama ka diyan."
Bago siya umalis, she kissed Marky on the cheek.
"Thank you for everything."
"Salamat din, Trish. This was all I needed. Ang maging honest ka sa akin at sa sarili mo."
On her way out, nakasalubong ni Trish ang nurse.
Pumasok ito sa kuwarto ni Marky at narinig niya ang masayang pagbati dito ng dating nobyo.
She smiled when she heard him laugh.
That's all she ever wanted.
To know that he was going to be alright.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top