Chapter 20
On repeat: Hurting Inside-FOJ
***
Trabaho ang salvation ni Angie lalo na noong hindi niya makausap ang ama.
Ito din ang ginagamit niyang motivation kapag nakakarating sa kanya ang mga kalokohang ginagawa ni EJ.
Dahil sa nangyari sa kanila ni Trish noong birthday niya, trabaho muli ang pinagtuunan niya ng lakas at atensiyon.
Kapag naiisip niya ang nangyari sa kanilang dalawa, mabilis ding nawawala sa isip niya dahil sa dami ng mga big orders na patuloy na dumarating.
Bukod sa mga ito, nandiyan din ang mga tao na parang hindi mauubusan ng pera.
Bago magbukas ang tindahan, may ilang mga customers na naghihintay na sa labas.
Senyales ng delubyo na ang tawag ay Pasko.
Dalawang taong hindi niya maramdaman ang kahulugan ng okasyon na ito dahil sa pinagdaraanan ng ama at dahil na din sa dalamhating dulot ng pagpanaw ng kanyang ina.
Kaya laking pasalamat niya na sobrang busy sila sa store.
Wala siyang time para maging malungkot.
Ang pagiging abala ay maganda hindi lang para sa isip niya kundi pati sa katawan niya.
Kapag pagod kasi siya, pagdating sa bahay ang gusto niya lang gawin ay matulog.
Hindi niya alintana ang kalasingan ng kanyang ama at ang kamiserablehan nito.
Ito ang pinipilit niyang gawin pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Trish.
Hindi niya plinano ang mga sinabi niya dito.
Pero hindi niya din kayang magkunwari.
Mahal niya si Trish.
Naaawa man siya sa sitwasyon nito, kailangan niyang marinig ang bagay na matagal niya ng kinakaila.
Kung pumayag man ito na maging sila, ayaw niyang matulad kay Marky.
Paano kung topakin si Trish?
Paano kung mapagtanto niya na hindi niya gusto ang makipagrelasyon sa kapwa babae?
Kung hindi niya alam ang gagawin sa sarili niya, paano nito ihahandle ang mga pagsubok na dala ng relasyon nila?
Hindi naniniwala si Angie na sapat ang pagmamahal para magbago ang isang tao.
Ginawa niya na iyon dati kay EJ pero ano ang kinalabasan?
Imbes na magbago, patuloy siya nitong niloko.
Ayaw niya na ganoon ang mangyari sa kanila ni Trish kung sakaling naging sila.
Nagulat ang mga nasa party dahil sa pagwawalk-out na ginawa nito.
Naabutan siya ni Alyana sa kusina habang binibiyak ang yelo gamit ang matalim na kutsilyo.
Nagtalsikan sa sahig ang yelo at pati ang plastic, gula-gulanit na.
"Mam, tama na po iyan, mahina ang kalaban." Nagbibirong sabi ni Alyana ng pumasok ito sa kusina.
May hawak siyang bote ng beer at nakatayo lang sa pintuan.
Saka lang siya tumigil sa ginagawa ng marinig ang sinabi nito.
"Ano po ang nangyari kay Mam Trish?" Lumapit ito sa kanya.
Nilapag ni Angie ang kutsilyo at hinarap si Alyana.
"Ewan ko." Pagkakaila niya.
"Mam, hindi naman sa nakikialam po ako pero halata ko naman po na hindi lang friendship ang meron kayo ni Mam Trish." Pinatong niya sa lababo ang bote ng beer.
Tiningnan niya ang dating crew.
Noong bago pa lang si Alyana, nahuli nito agad ang loob ni Angie dahil bukod sa masipag magtrabaho, madaling makaintindi.
May mga bagay din siya na nasasabi dito tungkol sa trabaho na hindi nito dinadaldal sa mga kasama.
Doon nakuha ni Alyana ang tiwala niya.
Pero dahil personal na bagay, hindi siya nagsalita kahit pa gusto niyang maglabas ng sama ng loob.
"Alam niyo po, ang pinakamadaling part eh iyong magmahal." Tumungga ito.
"Ang mahirap eh kung mamahalin ka din ng taong mahal mo. Iyan po ang naramdaman ko para kay Ivy. Noong una ko po siyang nakilala, alam ko na may boyfriend siya. Doon pa lang, alanganin na ako. Paano nga kung straight nga siya? Sayang ang effort tsaka masasaktan lang ako."
Hindi pa din kumikibo si Angie.
Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ni Alyana.
"The more na nakilala namin ang isa't-isa, doon niya inanim na may feelings siya para sa akin."
"Hindi ko po inasahan na sasabihin niya iyon. Kasi hindi naman po ako sure kung ano ang gusto niya. Kaya naman po ng umamin siya, sobrang saya ko."
"Paano kung hindi siya umamin sa'yo?"
"Eh di ganoon talaga, Mam."
"Hindi mo sasabihin sa kanya na mahal mo siya?"
"Di ko naman po kailangang sabihin kasi pinapakita ko naman sa kanya."
"What if hindi ganoon ang interpretation ni Ivy sa mga kinikilos mo?"
"Hindi naman po siya tanga, Mam."
Kahit alam niyang prangka si Alyana, nagulat pa din si Angie sa sinabi nito.
"Nakita niya po kung ano ang treatment ko sa iba kong kaibigan kumpara sa kanya. Alam niya na po na ibang level ang care na binibigay ko. Di ba alam niyo naman po na sinusundo ko siya sa store kapag closing siya? Kahit pinapapak ako ng lamok, nagtitiyaga akong maghintay sa kanya."
"Eh paano ang boyfriend niya?"
"Iyon din po ang isang reason kung bakit di ko maamin kay Ivy ang feelings ko. Sila pa kasi noon. Ayoko siyang pilitin na magdesisyon. Gusto ko na siya ang kusang gumawa noon para sa sarili niya."
Napaisip si Angie.
Naalala bigla si Trish.
"Kung anuman po ang nangyayari sa inyo ni Mam Trish, kung maganda man o hindi, nakikita ko na mas sigurado kayo sa sarili ninyo kesa sa kanya."
"Bakit mo naman nasabi iyan?"
"Obvious kayo, Mam. Kahit noong kayo pa ni EJ, kahit niloloko niya kayo, loyal pa din kayo sa kanya. Pinagtatanggol niyo siya lagi kay Mam Mica. Nakikita ko din ang care na binibigay ninyo kay Mam Trish. Ang mga dati kong mga kasama, pinag-uusapan nga kayo kapag gumigimik sila. Tinatanong nila ako pero ang lagi kong sinasabi, hindi ko alam. At kahit may alam ako, hindi naman ako magkikuwento sa kanila."
"Ganoon ba talaga ako ka-obvious?"
Natawa si Alyana.
"Kasi naman, Mam, pag-alam niyo na padating si Mam Trish, nakatayo na kayo sa food warmer at nag-aabang."
Tumawa din si Angie.
"Baka i-tsismis mo ako sa iba ha?"
"Bakit ko naman po gagawin iyon? Bukod sa malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil sa mga bagay na tinuro niya sa akin pati sa pagiging mabait ninyo, alam ko naman na delikado sa trabaho ninyo. Kung tanggap eh di sana hindi ako lilipat sa franchise."
Hindi niya man inamin ng diretso kay Alyana ang tungkol sa kanila ni Trish, ramdam ni Angie na naiintindihan nito ang pinagdaraanan niya.
Bago siya bumalik sa trabaho, hinanda niya ang puso at isip sa pagharap kay Trish.
Hindi magiging madali.
Nakakapanibago.
Bukod pa diyan, sigurado niya na may magu-usisa kung bakit nag-iiwasan silang dalawa.
Malamang si Mam Mica.
Hindi iyon makatiis eh.
Pero mabuti na lang at saliwa ang schedule nila ni Trish.
Pauwi na siya at papasok pa lang ito.
Tatlong araw na silang hindi nagkikibuan ni Trish at nasasanay na din siya sa sitwasyon nila.
Ang hindi niya lang inasahan ay ng bigla siyang pumasok sa office at nakita na nagkukumpulan ang mga kasamahan niya.
Napapagitnaan nila ni Mam Trish.
"Mam Angie, tamang-tama at nandito ka." Hindi maitago ang excitement sa boses ni Sir Mario.
"Ba't excited kayo, Sir?" Sinulyapan niya Mam Trish na tahimik lang.
"Tingnan mo 'to." May inabot na card sa kanya si Sir Mario.
"Ikakasal na si Mam Trish."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top