Chapter 14

On repeat: Champagne Problems - Taylor Swift

***

Every year, may nakatakdang goal setting ang lahat ng stores.

Kaya naman on an early November morning, pinarada ni Trish ang kotse sa tabi ng silver van ni Sir Mario.

Madilim pa ang kalangitan at malamig na ang simoy ng hangin.

Nagpapaalala na malapit na ang kapaskuhan.

Nagmamadali siyang lumakad papasok.

Nakangiti at magalang siyang binati ni Mang Nerio.

Kahit puyat, laging masayahin ang guwardiya kaya naman maraming natutuwang customers dito.

Para kasing hindi ito nauubusan ng positivity sa katawan kahit pa alam ni Trish na marami din itong problema sa buhay.

Ang laging sinasabi ni Mang Nerio, kung papatalo siya sa pagsubok, kawawa naman ang anim niyang anak.

"Manong, para po sa inyo." Inabutan siya ni Trish ng ziplock bag na may bacon at cheese sandwich na dala niya para sa mga kasamahan.

Naging ugali niya na dalhan ng pagkain ang mga guwardiya dahil nakikita niya kung gaano kahirap ang trabaho ng mga ito.

Mabait din sa kanya ang mga ito lalo na si Mang Nerio na parang anak ang turing sa kanya.

Ito ang pinakamatanda sa apat na guwardiya sa tindahan nila.

Kaedad niya din ang panganay na babaeng anak nito at umpisa pa lang ay magaan na ang dugo nito kay Trish.

"Naku, Mam. Thank you po. Nag-abala pa kayo." Nahihiyang sabi ni Mang Nerio sa kanya.

"Wala pong anuman." Magiliw na sabi ni Trish habang pinagbubuksan siya nito ng pinto.

Napalingon siya sa dining area ng may makitang babaeng nakaupo doon.

Nakatalikod ito at hindi niya makilala kung sino dahil nakatalikod ito.

Maiksi ang buhok at mukhang busy sa phone dahil naiilawan ang mukha nito.

Nang mapatingin si Trish sa glass panel at makita ang anino ng babae, hindi siya makapaniwala sa nakita.

"Mam Angie?" Excited na sabi niya habang nagmamadaling lumapit dito.

Humarap ito sa kanya at napangiti si Trish sa nakita.

"Nagpagupit ka?" Patiling tanong niya habang tinititigan ang bagong pixie haircut ng kaibigan.

"Oo." Tumayo si Angie at nagbeso silang dalawa.

Nakaugalian na nilang dalawa ito kapag nagkikita.

"Akala ko nagbibiro ka lang?" Lumakad sila papunta counter at tinulak ni Trish ang pinto.

"I need a change." Sabi ni Angie.

"Ganyan talaga ang brokenhearted." Pabirong sabi ni Sir Mario na nasa office at nagchecheck ng mga emails.

"In fairness, bagay sa'yo." Puri ni Trish sa kaibigan.

"Talaga?" Hinawakan ni Angie ang buhok na pixie ang style ng gupit at bumagay sa bilugan niyang mukha.

"Oo. Lalo kang bumata." Segundo ni Sir Mario.

Tumayo siya at tinabihan silang dalawa.

"On the way na ang mga kasama natin. Ipakilala ko muna kayo sa mga borrowed manager."

Sumama sila sa loob ng kusina.

Doon nila naabutan ang isang lalake na sa tingin ni Trish ay kaedad lang nila.

Namataan niya ang name badge.

Brendan ang nakalagay na pangalan.

Maputi siya, may dimple sa kaliwang pisngi at heart-shaped ang mukha.

Nakausap na siya sa phone ni Trish kapag naghihiraman sila ng stocks sa kanya-kanyang store.

Cute pala ito sa personal.

"Kilala mo si Mam Trish, Sir Brendan?" Nakangiting tanong ni Sir Mario.

Napansin ni Trish na merong extra sa smile nito ngayong umaga.

Medyo naasiwa siya.

"Hindi pa po, Sir. Pero nakausap ko na siya sa phone." Tumingin sa kanya si Sir Brendan at nag-smile.

"Single si Mam Trish, Sir. Pareho kayo."

Nagulat si Trish sa sinabi ni Sir Mario.

Biglang uminit ang mukha niya.

Bigla ding namula ang mukha ni Sir Brendan.

"O, pareho pa kayong nagblush." Natatawang sabi ni Sir Mario.

Napatingin si Trish kay Angie.

Umikot ang mga mata nito.

Halatang naalibadbaran sa pagiging candid ni Sir Mario.

"Matchmaker din pala kayo, Sir?" Pabiro pero may halong katarayan na tanong ni Angie sa store manager.

"Bagay naman sila di ba?" Hindi nagets ni Sir Mario ang manner ng pagkakatanong ni Angie.

Parehong natameme si Trish at Brendan.

Hindi alam kung paano lulusutan ang panunukso ng nakatatandang manager.

Tumikhim bigla si Sir Brendan.

"Sir, mga Mam, check ko lang po ang schedule kung nandito na lahat ng opening crew." Tinaas niya ang hawak na plastic clipboard.

"Sige, Sir. Nasa office lang ako kung may kailangan ka."

"Okay po." Ngumiti ulit sa kanila si Sir Brendan bago sila iniwan.

Nagsabi naman si Angie na sa dining area lang sila ni Trish tatambay.

"May kailangan pa ba kaming ihanda, Sir, para sa pag-alis natin?"

"Wala na. Naihanda na lahat kahapon ni Mam Evelyn."

Lumabas na sila ng kitchen.

Nakita nilang humahangos na papasok si Alyana.

"Late ka na." Tiningnan ni Sir Mario ang relo niya.

"Sorry po, Sir." Humahangos na pumasok ito sa kusina.

"Naninibago ako sa batang iyan." Sabi ni Sir Mario.

"Dati hindi naman iyan nalilate. Malimit daw gumimik ngayon kasama sina Ivy."

Nagkatinginan lang si Angie at Trish.

"Sir, nagbreakfast na po ba kayo? May baon po akong sandwiches. Pabaon ni Mommy." Iniba ni Trish ang topic.

"Tamang-tama. Hindi pa ako kumakain."

"Magbubrew ako ng coffee para makapag-breakfast tayo." Volunteer ni Angie.

"Good idea."

"Sige, Sir. Dalhin ko na lang sa office kapag ready na." Sabi ni Trish.

"Ang suwerte ko naman sa mga manager ko. Sobrang maasikaso."

Habang naghahanda ng almusal nilang lahat, napansin ni Trish na tahimik lang si Angie habang kumukuha ng mga Styrofoam cups para sa drinks nila.

Nilapitan niya ito.

"Gie, okay ka lang?"

"Oo naman." Nakasmile siya pero parang umiilag.

"Bigla kasing nagbago ang mood mo."

"Lilipas din ito." Isang pilit na ngiti na naman.

Mag-uusisa pa sana si Trish pero halatang ayaw pag-usapan ni Angie kaya hindi na siya nangulit.

Habang kumakain sila sa dining area, nagkikuwentuhan sila pero halatang pilit ang pagiging masaya ni Angie.

Mula ng magbreak sila ni EJ, napansin ni Trish na bigla na lang nagbabago ang mood ng kaibigan.

Nandiyang ang saya nilang nakikipagdaldalan sa mga katrabaho tapos bigla na lang mananahimik na parang may narinig o nasabi na hindi niya nagustuhan.

Pati mga kasama nilang manager, sinabihan siya na ganyan daw talaga si Angie dati pa.

Kapag nag-aaway sila ni EJ, malimit ang mood swings.

"Hinahayaan na lang namin siya." Payo ni Mam Evelyn.

"Magiging okay din naman siya."

Habang nagkikuwento si Angie tungkol sa papa nito at sa hindi mamatay-matay na tsismis tungkol dito at kay Wilma, nahalata ni Trish na hindi lang ang breakup ang dahilan kung bakit aloof si Angie.

Hindi niya lang alam kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit biglang nabadtrip ito ngayong umaga eh ang saya-saya naman ng magkita sila kanina.

Nang dumating na lahat ng kasamahan nila, sabay-sabay silang sumakay sa van.

Si Sir Mario ang driver at katabi niya sa passenger seat si Mam Evelyn.

Si Mam Mica, may sariling puwesto sa likod ni Sir Mario.

Magkakatapat naman ang upuan nina Sir Bryan, Justin at Roger pero solo ito sa upuan.

Dumiretso sa pinakalikuran si Angie at umupo sa tabi niya si Trish.

"Ready na kayo?" Tanong ni Sir Mario pagkasuot ng seatbelt.

"Ready na, Sir." Sabay-sabay nilang sagot.

Pagkaalis, sumandal si Angie sa upuan at tinakpan ang mukha ng baong hoodie.

Ang hoodie na hindi na tinanggap ni Trish ng sinoli ito ni Angie.

Dahil halatang ayaw nitong makipag-usap, kinuha ni Trish ang earphones at sinaksak sa jack ng phone.

Hinanap niya agad ang playlists ni Taylor.

Nang makahanap ng gustong kanta, ang una niyang pinatugtog ay This Love mula sa 1989 album.

Sa isang resort sa San Pablo ang venue ng goal setting.

Recommendation ito ni Mam Mica.

Nakarating na kasi siya sa resort at nagustuhan niya dahil sa bukod sa pasok sa budget, malinis at tahimik ang lugar.

May Olympic-sized pool din na ginawa niyang additional selling point.

Tiningnan nila ang images sa Google pati ang reviews.

Maganda at malinaw ang filtered pictures ng lugar.

Pero dahil nakarating na doon si Mam Mica, justified naman daw ang mga images.

May truth in advertising dagdag pa niya.

Nakumbinsi naman si Sir Mario kaya tinawagan nito agad ang resort para magpareserve.

Martes ang napili nilang araw.

Sobrang busy kapag weekend ayon sa receptionist na nakausap nito.

Hindi ideal na doon sila magmeeting sa ganoong araw dahil maingay bukod sa malamang walang available na spot para sa kanila.

Habang nasa biyaye, pinagmamasdan ni Trish ang mga lugar na dinadaanan nila.

Hindi pa siya nakakarating sa San Pablo kaya excited siya.

Noong una, puro kalsada at sasakyan kasi nasa expressway sila pero ng lumabas na sila dito, puro puno ng niyog at mga kabahayan na gawa sa kahoy at semento ang pumalit.

Very idyllic ang lugar.

Feeling niya, nasa probinsiya siya kahit di naman malayo sa Maynila ang San Pablo.

Minsan, tinitingnan niya si Angie.

Tulog na tulog ito.

Medyo naghihilik pa nga dahil sa pagkakahimbing.

Ang iba nilang kasama, may kanya-kanyang mundo.

Si Mam Mica, nakatutok sa phone niya.

Minsan napapangiti sa mga nakikita.

Si Sir Mario at Mam Evelyn todo ang daldalan.

Pinag-uusapan nila ang mga anak.

Tatlo ang anak ni Sir Mario at dalawa naman ang kay Mam Evelyn.

Magkaedad ang mga panganay nila at parehong lalake.

Hindi naman allergic si Trish sa mga bata pero minsan, nakakasawa ng tingnan ang napakaraming pictures ng mga anak nila.

Naiintindihan niya naman na kapag may anak na, nagi-iba na talaga ang takbo ng buhay.

Sa mga bata na umiikot ang mundo ng mga magulang.

Pero parang wala ng ibang bukambibig si Sir Mario at Mam Evelyn kaya nakakabore minsan.

Si Sir Justin at Bryan, parehong tulog dahil sila ang closing kagabi.

Engaged na si Sir Justin at invited silang lahat sa wedding.

Si Sir Bryan, may longtime girlfriend pero mahilig tumingin sa mga babaeng customers lalo na iyong są tingin nila eh mga hot at single.

Kapag nagkasama sila ni Sir Roger, nakatanghod ang dalawa sa food warmer o di kaya sa gilid ng counter.

Kapag may nakitang maganda o may itsura, sisigaw ng counter check.

May nakatakip na malaking headphones sa tainga ni Sir Roger at mukhang tulog din ito.

Pinuntahan ito minsan ng babae na nabuntis niya daw.

Muntik pang mag-eskandalo ang babae dahil pilit na pinapaalis ni Sir Roger.

Kung hindi pa sila kinausap ni Sir Mario sa isang sulok sa function room, baka nagwala ang babae at tuluyang hiniya si Sir Roger.

Exciting ang buhay nila sa store.

Hindi lang dahil sa mga nangyayari sa miyembro ng management team kundi pati na din ng mga crew at customers.

Nang mabalitaan nila na break na si Angie at EJ, ito ang naging headline.

Hindi alam ni Trish kung paano lumabas ang balita dahil wala siyang pinagsabihan tungkol sa nangyari.

Dahil wala namang nakakaalam sa nangyari sa kanila ni Marky, walang nag-usisa sa kanya.

Nang may nadaanang lubak si Sir Mario, pumatong ang ulo ni Angie sa balikat ni Trish.

Ni hindi man lang ito nagising.

Hinayaan niya na lang na manatili sa ganoong puwesto ang kaibigan.

The first time na nakitulog siya sa bahay nito, nalaman niya na parang mantika ito kung matulog.

Nang magising kasi ang papa ni Angie, hindi man lang ito naalimpungatan sa kalansing ng mga kaldero sa kusina.

Mabigat ang ulo ni Angie.

Pero mas mabigat ang pakiramdam niya.

Nanibago siya kasi mula ng umalis sila, wala pa din itong kilo tapos tinulugan siya agad.

Bago ang araw na ito, excited pa naman silang dalawa.

Namili pa sila ng susuotin sa mall.

Rash guard ang binili ni Angie.

Siya naman, two-piece bathing suit.

Nang lumabas siya ng fitting room, hindi niya alam kung imagination niya lang pero parang natulala si Angie ng makita siya.

Hindi naman kasi siya pabaya sa katawan bukod sa okay din ang metabolism niya.

Kahit mahilig siya sa mga fatty at oily foods, hindi talaga siya tabain.

Dahil meron silang workout equipments sa bahay, namimaintain niya ang magandang figure.

Flat ang abs niya at tone ang arm ang legs muscles dahil sa kakaexercise nila ng Kuya Charlie niya dati.

Lalo pang nadevelop ang lakas niya ng mag-enrol siya sa boxing class.

Kapag nakashorts siya at tank top, ang daming pumupuri sa kanya.

Aminado naman siya na nakakaboost ng confidence niya ang mga flattering comments.

Pero she had to work out to achieve the figure she has now.

Tiningnan niya ulit si Angie.

Siguro nga puyat siya kasi maga-aala-una na sila natapos magchikahan sa text.

Naging habit na nilang dalawa na kahit magkasama sila sa store, nagtsitsismisan pa sila sa text kapag nasa bahay na.

Pero kahit close na silang dalawa, may mga bagay pa din na bago niya lang natutuklasan.

Tulad na lang ng nangyari kaninang umaga.

Ang saya-saya nila noong una silang magkita tapos after siya ipakilala ni Sir Mario kay Sir Brendan, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Ayaw namang magsabi kung ano ang dahilan.

Hindi naman siya manghuhula.

Kapag ganito ang mood ni Angie, nawiwindang siya.

Para kasing bigla na lang may dingding na nakapagitan sa kanila

Pinikit niya na din ang mga mata.

Unti-unti ng naglaho ang tunog na boses ni Sir Mario at Mam Evelyn.

Tanging ang boses na lang ni Taylor Swift ang narinig niya bago siya tuluyang nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top