Chapter 13
On repeat: Driver's Licence-Olivia Rodrigo
***
Panahon na para magbakasyon at si Angie ang unang nasa line-up.
Nang unang araw ng bakasyon niya, maaga siyang nagising dahil pupunta sila ni Trish sa Tagaytay.
Nagtaka ang papa niya ng makita siya sa kusina.
"Akala ko bakasyon ka?" Hinila nito ang upuan at inabot ang baso ng kape na nakahanda na sa lamesa.
"Opo. Aalis kami ni Trish at susunduin niya ako mamaya."
"Saan kayo pupunta?"
"Sa Tagaytay, Pa. Maga-unwind."
"Tama iyan. Wala ka ng ginawa kundi magtrabaho. Mabuti ang paminsan-minsan eh mag-enjoy ka naman. Ano nga iyong kasabihan tungkol kay Jack?"
"Sino pong Jack?"
"Iyong all work no play ba iyon?" Kumuha ito ng isang slice ng tasty at pinahiran ng butter.
"Ah. All work and no play makes Jack a dull boy."
"Iyon nga. Tama naman ang kasabihan di ba? Dapat ang utak, binibigyan din ng oras para magpahinga. Para kapag nagtrabaho ka na ulit, mas fresh na ang isip at katawan mo."
Pagkatapos mag-almusal, iniwan siya ng papa niya bago mag-alas otso.
Iyon kasi ang start ng pasok nito sa factory.
Naligo na din siya at naghanda dahil nagtext si Trish na darating ito bago mag-alas diyes.
Balak nilang pumunta muna sa SM para bumili ng mga babaunin sa lakad nila.
Sa Tagaytay na lang sila manananghalian dahil gusto nila parehong kumain ng bulalo.
Matagal na din na hindi siya nakakapunta dito kahit malapit lang ito sa tirahan nila kaya naman sobrang excited niya.
Nang magtext ulit si Trish at sinabi na malapit na ito sa lugar nila, pumunta siya ulit sa CR para pagdating ni Trish ay aalis na sila.
Nang tumunog ulit ang cellphone niya, mabilis na binasa niya ang text at nagmamadali siyang lumabas ng bahay.
Hindi na pinatay ni Trish ang makina.
Pero bago sumakay si Angie ay tinanong niya ito kung gustong gumamit ng CR.
"Sa mall na lang."
"Okay." Umakyat na siya sa kotse at umalis na sila agad.
Pinagtitinginan sila ng mga kapitbahay habang dahan-dahang lumalabas ng iskinita.
Nabanggit ng papa niya na nagtatanong si Aling Linda kung sino daw ang laging naghahatid sa kanya.
"Huwag mo na lang pansinin si kumare." Paalala ng papa niya.
"Kumain ka ba bago umalis sa inyo?" Tanong niya kay Trish.
"Oo naman. Hindi puwedeng gutumin ang mga bulate ko." Nakangiting nilingon siya nito.
"Buti pumayag ang parents mo na umalis ka?"
"Hay naku. Pahirapan nga magpaalam. Akala kasi nila, si Marky ang kasama ko. Nang malaman nila na hindi, nasermonan ako."
"Sana nagsabi ka na lang sa akin na hindi ka pinayagan. Puwede naman nating i-cancel ang lakad natin."
"Ano ka ba? Gusto ko din namang gumala ngayon ano? Sobrang busy natin at kailangan kong mag-unwind."
"Eh ayoko lang naman na magalit ang parents mo."
"Galit sila kasi ayoko ng makipagbalikan kay Marky."
"Buo na talaga ang isip mo? Ayaw mo na talaga sa kanya?"
Nagmenor si Trish dahil red light.
Tumigil siya sa likod ng itim na van.
"Guilt is not a good reason to stay in a relationship. Oo at disappointed ang parents ko sa naging desisyon ko pero ayoko din naman na sayangin ni Marky ang buhay niya dahil sa akin. He deserves to be with someone who wants the same things he does."
"Eh paano ka? Hindi ka ba nanghihinayang sa pinagsamahan ninyo?"
"Nanghihinayang din. Pero tulad nga ng tanong mo sa akin dati kung mahal ko talaga siya, I realized na I see him more as a friend than a boyfriend. Siguro darating din ang time na I will meet the one who's truly meant for me. Iyong taong ipaglalaban ko talaga ng patayan."
"Grabe. Huwag naman sanang umabot sa ganoon."
"Well, alam mo na kung anong ibig kong sabihin."
"To be honest, I don't think nameet ko na din iyong taong ipaglalaban ko ng patayan."
"Promise me something?" Pinaandar na ni Trish ang sasakyan.
"Ano iyon?"
"Kapag nakilala mo na ang taong iyon, ipapakilala mo ako."
"Oo naman. Ikaw ang unang makakakilala sa kanya."
"Okay."
Inalis ni Angie ang iPod sa console at naghanap ng mapapakinggan.
Tumigil siya sa pagi-scroll at binalik ang iPod sa console.
Nilakasan niya ang volume at sinabayan nila ang kanta na Getaway Car.
Kumpleto ang album ni Taylor Swift sa music library ni Trish.
Kahit nakashuffle ang mga kanta, hindi maaari na walang tutugtog sa mga awitin nito.
Kung noong una eh pinapalitan niya dahil hindi naman siya fan nito, kalaunan ay naappreciate niya ang galing nito bilang songwriter.
May mga phrases sa lyrics na kumukuha ng atensiyon niya.
Minsan nga ay nahuhuli niya ang sarili na nagko-quote kapag meron silang pinag-uusapan ni Trish na nagpapaalala sa kanya ng mga kanta ni Taylor.
Pagdating nila sa SM, dumiretso sila agad sa grocery.
Hinila ni Trish ang isang cart at parang bata na tumungtong dito at nagpagulong sa maluwag pang tindahan.
Maaga pa kasi kaya hindi pa masyado marami ang shoppers.
Nasa aisle sila ng mga chips at pilit na inaabot ni Trish ang pack ng imported potato chips ng may biglang nakita si Angie.
"Trish, wait lang ha?" Iniwan niya ang cart at ang nagtatakang kasama.
Mabilis ang lakad niya at ng makita ang hinahanap ay sinundan niya sa aisle ng mga canned goods.
Doon niya naabutan si EJ na nakapulupot ang braso sa kasamang babae.
"EJ?"
Biglang binitawan ni EJ ang babae.
"Akala ko nasa Baguio ka?" Nanginginig ang bibig at kamay niya.
Nakatingin lang sa kanila ang babae tapos tumalikod at hinarap ang mga lata ng Century Tuna.
"Angie, I can explain." Nilapitan siya ni EJ at hinawakan sa braso.
"Bitawan mo ko."
Napatingin sa kanila ang dumadaan na empleyado.
"Huwag kang mag-eskandalo dito."
"Don't flatter yourself." Iritadong sabi niya sa soon-to-be ex-boyfriend.
"Magsama kayo ng babae mo." Tumalikod na siya at muntik ng mabangga sa cart na tulak-tulak ni Trish.
Kumunot ang noo nito ng makita siya at si EJ na pilit inaabot ang kamay niya.
"Angie, mag-usap tayo." Tumayo si Angie sa tabi ni Trish at pinatong ang mga kamay sa handle ng cart.
"Wala na tayong pag-usapan pa." Tinulak niya ang cart pero humarang si EJ.
"Huwag ka ngang ganyan. Magkaibigan lang kami at sinasamahan ko lang naman siyang magrocery." Pagpupumilit nito.
"Hindi ako tanga. Siguro kailangan ko lang talagang makita mismo ang mga kalokohan mo." Pinagtitinginan na sila ng mga staff sa grocery.
Naaliw sa nakikitang drama na nangyayari.
"Angie, ikaw ang mahal ko. Please naman? Mag-usap tayo ng maayos."
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Matigas ang tono ni Angie.
"Umalis ka diyan kung ayaw mong sagasaan kita." Mabilis na tinulak niya ang cart.
Tumayo sa gilid si EJ at hinayaan na siyang umalis.
Habang nasa check-out, nakatulala lang si Angie.
"Gie, sure ka na gusto mo pa ding umalis tayo?"
"Oo naman. Hindi ko hahayaan na sirain ni EJ ang lakad natin."
Pagbalik nila sa kotse, binalibag ni Angie ang pinto.
Nagsorry siya kay Trish dahil napalakas ang pagsasara niya tapos bigla na lang humagulhol.
Tinakpan ni Angie ang mukha ng dalawang kamay at patuloy na umiyak.
"Sigurado ka talaga na gusto mong tumuloy sa Tagaytay?" Hindi muna pinaandar ni Trish ang sasakyan.
Umiiyak na tumango si Angie.
"We don't have to go. Kung gusto mo, ihatid na lang kita ulit sa inyo." Inakbayan niya ang kaibigan.
"Gusto ko, Trish. Umalis na lang tayo please?" Utal na pakiusap nito.
"Ikaw ang bahala."
Inalis niya ang pagkakaakbay kay Angie at pinaandar na ang sasakyan.
"Ang laki kong tanga."
Nasa loob sila ng isang bulalohan.
Kabubukas lang ng kainan ng dumating sila at sila ang buena mano.
Pinili ni Trish ang lamesa sa bandang likuran para meron silang privacy ni Angie.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo." Hinawakan niya ito sa kamay.
"Wala namang ibang may kasalanan kundi ako. Hinayaan ko ng matagal na panahon na gaguhin ako ni EJ tapos ano? Heto ako at parang gaga na walang tigil sa pag-iyak."
"Umiiyak ka ba dahil alam mo na niloko ka o dahil naiinis ka sa sarili mo?"
"Pareho."
"Gusto mo balikan natin si EJ tapos gulpihin ko? Pandak pala iyon eh. Magaling lang pumorma."
"Sira." Iyak-tawang sabi ni Angie.
"Kahit unano iyon, nag-aral iyon ng judo."
"Judo lang pala eh. Nag-enrol ako dati sa boxing classes. Kayang-kaya ko siyang patumbahin."
"Huwag na." Natatawa na lang si Angie sa mga sinasabi niya.
"Save mo na lang ang effort mo dahil he's not worth it."
"Hindi naman pala siya worth it eh. Then you should save your tears for the one who deserves it."
Natigilan si Angie sa sinabi niya.
Parang biglang nabuksan ang mga mata at tainga.
"Imbes na umiiyak ka diyan, kumain na lang tayo kasi lumalamig ang bulalo. Tingnan mo," Sumandok ng sabaw si Trish, "sayang ang cholesterol-inducing goodness nito." Hinigop niya ang sabaw at dahil hindi lahat pasok sa bibig niya, tumulo tuloy ito sa baba niya.
"Nagkalat ka pa." Inabot ni Angie ang napkin at pinunasan ang baba niya.
"Ang messy mo talaga kumain. Dapat sa'yo meron kang bib." Patuloy siya sa pagpunas ng baba ni Trish.
"Ako na." Kinuha ni Trish ang napkin pero nahawakan nito ng mahigpit ang kamay niya.
Nagkatinginan silang dalawa at binawi ni Angie ang mga kamay niya.
"Kumain na nga lang tayo para makapamasyal tayo pagkatapos."
"Okay." Nakangiting kinuha ni Trish ang kutsara at nagsandok na ng kanin.
Sa Picnic Grove sila tumuloy pagkatapos maglunch.
Gusto kasi ni Angie na maglakad-lakad pero ayaw niyang pumunta sa mataong lugar.
Malamig ang simoy ng hangin at medyo makulimlim.
Naiwan ni Angie ang jacket kaya pinahiram siya ni Trish ng suot na hoodie.
"May extra jacket ako sa kotse kasi lamigin ako."
"Eh bakit sa Tagaytay tayo pumunta kung lamigin ka pala?"
"Wala lang. Change of scenery. Tsaka sariwa ang hangin dito."
Umupo sila sa ilalim ng puno.
"Alam mo ang weird?" Sabi ni Angie.
"Ano ang weird?" Bumunot si Trish ng damo tapos tinapon din.
"Masakit ang nangyari at hindi pa totally nagsisink in ang lahat pero may part sa puso ko na parang guminhawa."
"Tell me about it. Ganyan din ang naramdaman ko ng makipagbreak ako kay Marky."
"Bakit ganoon? Kanina, para akong nasampal ng makita ko si EJ at iyong kasama niya. Pero after kong umiyak, parang nawala ang mabigat na nakadagan sa puso ko."
"Hindi ko din alam. Siguro, we finally let go of the baggage na dinadala natin? Baka we were both holding on to something na imbes makabuti eh nakakasama na pala."
"Siguro nga. I think may part sa isip ko na umaasa na magbabago pa si EJ. Na baka dumating ang time na marealize niya na ako talaga ang mahal niya."
"Do you really think that will happen?" Nakataas ang kilay ni Trish.
Nagkibit-balikat lang si Angie.
"Wishful thinking na lang siguro iyon."
"Do you really love him?"
"Ewan ko. I think it was more of utang na loob sa part ko. Si EJ kasi ang nasa tabi ko noong wala na akong makitang pag-asa."
"Baka sa part ni EJ, he was thinking the same thing."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Baka dahil alam niya na may utang na loob ka sa kanya kaya inisip niya siguro na kahit anong gawin niyang panloloko, hindi mo siya iiwan."
"I don't think he's like that."
"Paano ka nakakasiguro? May mga tao naman talaga na ganyan. They help you not because they are doing it out of the goodness of their heart kundi dahil alam nila na darating ang panahon na puwede nilang gamitin ang ginawa nilang tulong to their advantage."
"Kilala ko si EJ. Hindi siya ganyan."
"I'm not saying that he is. Pero bakit kahit girlfriend ka niya, he kept betraying your trust?"
Hindi siya nakasagot.
"Alam mo, when I broke up with Marky, narealize ko na ang cruel ko sa kanya. Imbes na maging honest ako, lagi kong ginagamit ang guilt to keep being with him. Pero selfish ako kasi alam ko naman na I don't feel the same way for him pero dahil duwag ako, hindi ko magawang sabihin ang totoo. I held on to the relationship kahit alam ko na wala nang patutunguhan."
"Baka naman sobrang harsh mo lang sa sarili mo?"
"Hindi ako harsh. I was a coward. Takot na baka mali ang maging desisyon ko at magsisi ako sa huli. But like what you said to me before, I always have a choice. Hindi man madali ang pumili but I have the option to stay miserable or to take a leap of faith and see what happens when I jumped."
"Did you like what you see?"
"Yes. I'm still getting used to it pero it was worth trying. Look at me. I mean look at us. We're here together. Magkasamang nagsi-share ng heartaches."
"Sorry at nasira ko ang araw natin. Hindi ito ang plano ko."
"Don't be sorry. Hindi mo kasalanan ang nangyari. When you think about it, baka nga blessing in disguise pa 'to. Malay mo, after all the crying and the self-pity, may maganda namang mangyari di ba?"
"Sana nga, Trish. Right now, medyo magulo pa ang isip ko. Hindi ko pa fully napaprocess ang nangyari."
"Basta," Hinawakan niya ang kamay ni Angie, "nandito lang ako para sa'yo. Kung okay sa'yo ang offer na sapakin ko si EJ, magsabi ka lang."
"Hindi na kailangan. Pero it's good to know na kaya mong makipagsapakan para sa akin."
"Oo naman. What are friends for di ba?"
"Yes. What are friends for."Tumango si Angie.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top