Chapter 10
On repeat: Someone To You-Banners
***
Dumalaw si Marky kina Trish ng sumunod niyang day off at niyaya siya nitong mamasyal.
Wala sana siyang balak gumala dahil gusto niyang magpahinga na lang sa bahay pero pinilit siya ng boyfriend na umalis.
Sinigunduhan pa ito ng mommy niya kaya lalong hindi na siya nakatanggi.
Pumunta sila sa BGC at doon na din sila naglunch.
Habang kumakain, tinanong siya ni Marky tungkol sa trabaho.
Sinabi niya na okay naman ang work niya.
"Ikaw? Kumusta ang buhay call centre?" Kinuha niya ang isang tempura gamit ang chopstick.
"Okay din. May surprise nga ako sa'yo kaya niyaya kitang lumabas."
"Ano iyon?" Kumunot ang noo niya.
"May opening for IT team lead. Napromote kasi ang dating may hawak ng position."
"Nag-apply ka?" Excited na tanong ni Trish.
"I did. I have an interview next week."
"Wow. That's good."
"I know. Bago lang ako pero inencourage ako ng manager namin. Wala naman daw masama kung susubukan ko. The worst that could happen ay hindi ako ang mapili."
"Sinabi mo na kina Tita?"
"Oo. Excited nga din si Mama. At the same time, worried din siya kasi lalo daw magiging stressful ang work ko."
"Ano bang work ang walang stress?" Sinubo ni Trish ang isang California roll.
"That's true. Kaya lang, kung management ang level, ganoon din ang level ng stress."
"I'm sure kayang-kaya mo. High school pa lang tayo, magaling ka na talaga sa computers. Isa pa, magaling ka din namang makisama."
"Thank you." Hinawakan ni Mark yang kamay niya na nakapatong sa table at marahang pinisil ang mga daliri.
"Sabi ng mommy mo, hindi ka daw nakauwi noong nagdaang bagyo."
Natigilan si Trish.
Hindi niya akalain na pati ang bagay na iyon, ikukuwento ng mommy niya kay Marky.
"Hindi nga ako nakauwi. Susubukan ko sana kaso malakas pa din ang ulan tsaka sobrang dilim. Nakakatakot."
"Oo nga daw eh. Doon ka daw sa kasama mo nakitulog?"
"Uh huh." Iyon lang ang nasabi ni Trish.
Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa pag-stay niya kina Mam Angie.
Nang dumating sila sa bahay nito, malakas pa din ang ulan.
Bago sila nakapasok sa bahay, nabasa na sila dahil sukob sila sa iisang payong.
Hindi na kasi bumukas ang payong niya kaya kalahati ng katawan nila, parehong basa ng ulan.
Luma na ang up and down na bahay nina Mam Angie.
Hindi masyadong kalakihan ang sala.
Sa tapat nito ay may pintuan papunta sa kusina at sa kanang bahagi ay may hagdan papunta sa ikalawang palapag.
Dalawa ang kuwarto sa taas.
Ang isa ay okupado ng papa niya at ang maliit na kuwarto ay kay Mam Angie.
Pinahiram niya si Trish ng damit pantulog dahil basang-basa ang suot niya pati sapatos at medyas.
Kasya ang T-shirt pero ang jogging pants maikli.
Mas matangkad kasi siya kay Mam Angie.
Nagtawanan nga sila kasi parang pantalon ng clown.
Nang matutulog na sila, sa kama siya pinahiga ni Mam Angie.
Hindi siya pumayag.
Sinabi niya na sa sahig na lang siya matutulog.
Nahihiya siya na pati sa higaan, inoffer pa nito sa kanya eh siya na nga itong nakikitulog.
Pero ayaw namang pumayag ni Mam Angie.
"Ba't di na lang tayo sa kama matulog?" Mungkahi niya.
"Pareho naman tayong babae."
"Sure ka?"
"Oo naman."
Nang tabi na sila sa higaan, dikit ang mga braso nila dahil sa liit ng kama.
Hindi sila agad nakatulog dahil nagdaldalan pa sila.
Kinuwento ni Mam Angie, or Angie daw kung sila lang dalawa tutal friends na naman sila, na dati silang nakatira sa Sampaloc.
"Ba't kayo lumipat sa Cavite?"
"Pinamana kasi ni Tita kay Papa ang bahay na 'to. Matandang dalaga siya at siya ang nag-alaga kay Papa noong namatay ang lolo at lola ko. Dahil hindi naman makakabili ng bahay sina Papa sa Manila dahil bukod sa sobrang mahal eh maliit lang naman ang kita niya, imbes na ibenta ang bahay, lumipat kami dito."
"Eh ang mama mo? Nasaan na siya?"
"She died two years ago. Hit and run."
"I'm sorry." Hinawakan niya sa braso si Mam Angie.
"It's okay. Tanggap ko na naman. Si Papa ang nahirapan. Nadepressed siya sa nangyari. Ngayon lang siya medyo nakakabawi." Lumungkot ang tono ni Angie.
"Nahirapan ako ng lumipat kami dito. Ang totoo nga, ayokong sumama. Sinabi ko kay Papa na iwan na lang ako sa Manila. Magboboard na lang ako sa bahay ng isa kong barkada. Siyempre hindi siya pumayag. Nag-away pa nga kami kasi nagpumilit ako. Hindi din naman ako nanalo."
"Lahat pa ng friends mo nasa Manila?" Tumagilid si Trish at humarap kay Angie.
"Oo. Nang lumipat kami dito, hindi ko na sila masyadong nakakausap hanggang sa tuluyan ng nawala ang communication namin."
"What about Facebook? Puwede naman kayong magconnect doon di ba?"
"Puwede naman kaso iba pa din iyong face-to-face conversation di ba? Tsaka hindi ako nakakasama sa mga gimik nila kaya kapag nagkikuwento sila kung saan sila pumunta or anong movie ang pinanood nila, iba talaga. Para akong silent spectator. Wala ako mismo sa lakad nila kaya wala akong emotional connection sa nangyari."
"Ikaw?" Tumagilid din si Angie.
"What about me?"
"Taga-Cavite ba talaga kayo?"
"Hindi. Sa Marikina kami nakatira dati. Doon kami lahat pinanganak. Dito nakabili ng bahay sina mommy kaya noong third year high school ako, lumipat kami dito."
"Nahirapan ka din ba?"
"Noong umpisa. Kasi tulad mo, lahat ng friends ko, nandoon. Wala kaming kakilala sa bagong lugar at school na nilipatan ko kaya I have to start over. Pero wala naman akong magagawa kasi kung anong sabihin ni Daddy, iyon ang masusunod. Isa pa, nangungupahan lang kami sa Marikina. Gusto nila na magpundar ng sariling bahay at dito sila nakahanap ng afford nilang bilhin."
"Nakakausap mo pa ang mga friends mo?"
"Hindi na. Nahanap nila ako sa Facebook. Nakikita ko ang mga posts nila. Nila-like ko to be polite. Bihira akong mag-comment kasi tulad mo, I'm also a silent spectator."
"Nakuwento ni Mam Mica na nakita ka daw niya dati na may kasamang lalake sa parking lot."
"Sabi ko na nga ba eh. Hindi makakalampas sa matalas na mga mata ni Mam Mica ang pagdalaw ni Marky."
"Boyfriend mo?"
"Oo. We met noong third year high school ako. Naging kami noong senior na ako at first year college na siya."
"Wow. Ang tagal niyo na pala."
"We actually broke up noong second year college ako. Medyo nasakal ako bukod sa busy ako sa studies. Pero hindi masyadong nagtagal ang break up namin. Pinuntahan niya ako sa school after a few months. We talked at nagkabalikan."
"Seloso ba si Marky?"
"Hindi naman masyado. Tama lang. I'm really not sure." Natawa siya dahil parang hindi niya masyadong kilala ang nobyo.
"It's just that bata pa kasi kami pero nakikita ko na planado na ni Marky ang lahat sa amin. Sinabi niya dati na ako ang gusto niyang pakasalan. Natakot ako, Angie. I was only eighteen tapos kasal na ang nasa isip niya. Gusto ko pang i-enjoy ang buhay ko habang bata pa kami."
"Anong sabi ni Marky?"
"Masama daw ba na ako lang ang babaeng gusto niyang mahalin?"
"Wow!"
"I know. I mean, wala namang masama pero feeling ko, ayokong matali sa mga plano niya."
"Bakit ka pumayag na magkabalikan kayo?"
"He was so heartbroken. Naguilty ako."
"That's your reason?"
"Oo. Ang sama ko ba?"
"Ewan ko. Kung ako ang nasa posisyon ni Marky, baka hindi ako pumayag na magkabalikan tayo. Sinabi mo ba sa kanya na nagi-guilty ka kaya ka pumayag na makipagbalikan sa kanya?"
"Hindi ano? Baka hindi iyon pumayag. Pero enough about me. Balita ko may boyfriend ka."
"Sino naman ang nagsabi sa'yo?"
"Basta."
"Basta o ang name eh Alyana?"
Natawa si Trish.
"Close kayo ano?"
"Oo. She was very nice to me umpisa pa lang."
"Hindi tulad ko na sinupladahan ka."
"I'm sure hindi naman intentional ang pagsusuplada mo."
"Hindi naman. Pero hindi ako tulad ni Mam Mica na first time pa lang mameet ang mga trainees, akala mo matagal na niyang kakilala."
"Are you changing the subject?"
"Ano nga ulit ang pinag-uusapan natin?"
"Ang boyfriend mo."
"Si EJ. Boyfriend ko nga siya. Or I don't know."
"What do you mean you don't know?"
"Basta. It's complicated."
"That's so cliché."
"Cliché na kung cliché."
"So ikaw, why are you still with EJ kung complicated naman pala ang relationship ninyo?"
"Nakuwento na naman siguro sa'yo ni Alyana ang details about my love life di ba?"
"Hindi naman. Besides, sa'yo ko mismo gustong marinig ang details ng complicated relationship mo."
"On and off kami. Nagcheat siya sa akin dati. Pinatawad ko. I was partly to blame din naman kasi kung bakit siya nangaliwa."
"Are you really blaming yourself sa nangyari?"
"Ganito kasi iyon, Trish. Napabayaan ko siya ng time na iyon."
"Valid naman siguro ang reason mo ano?"
"Oo naman. Magulo ang isip ko ng mga time na iyon. Naaksidente si Mama then kinuha siya agad sa amin. Nadepressed si Papa so ako ang umako ng mga responsibilidad na naiwan sa akin. Hindi ko na nga din naasikaso ang sarili ko eh. Natatakot kasi ako na baka kung ano ang mangyari kay Papa."
"See? Where does his cheating fit in the picture?"
"It doesn't. Pero alam mo naman ang mga lalake di ba?"
"Ang sabihin mo, babaero talaga ang boyfriend mo. Hindi mo na siya kailangang i-defend dahil alam naman ng lahat kung ano siya."
Biglang tumahimik si Angie tapos tumagilid ulit.
Tinitigan nito ang kisame.
Siya naman ang naguilty.
Nang hindi pa din ito nagsalita, siya na ang bumasag sa katahimikan.
"I'm sorry, Angie. I'm not in a position to judge him."
"Tama ka naman eh. Ang tanga ko lang di ba? Kahit alam ng lahat na niloloko ako ni EJ, heto ako at nagpapakamartir."
"Hey." Hinawakan niya si Angie sa braso, "lahat naman tayo nagiging martir pagdating sa pag-ibig. Tingnan mo nga ako. Kahit gusto kong i-explore at i-enjoy ang buhay ko, I'm still with Marky."
"Bakit hindi mo gawin ang gusto mo? Remember, you have a choice."
"Hindi naman kasi ganoon kadali."
"Iyan din ang lagi kong sinasabi. Para sa iba, madaling hiwalayan si EJ. Pero para sa akin, it's not that easy."
"Kung meron kang choice, let's say wala si EJ or ako wala si Marky, anong gagawin mo?"
"Magpapakatotoo ako sa sarili ko."
Nagulat si Trish sa sinabi ni Angie.
Tumagilid ulit si Angie at humarap sa kanya.
"I'm bisexual." Walang kakurap-kurap na pag-amin nito.
"Oh." Iyon lang ang namutawi sa bibig ni Trish.
"Alam ba ng mga kasama natin sa store?"
"Hindi. Si Sir Mario at Mam Evelyn, parehong super religious. Mabait sila, supportive. Pero pagdating sa ganitong bagay, I'm not sure kung maiintindihan nila."
"Ba't mo naman nasabi iyan?"
"Kung alam mo lang ang sinasabi nila tungkol kay Alyana. Kung hindi lang siya magaling at sobrang maaasahan, baka nasibak na iyon."
"Paano nila nalaman ang tungkol kay Alyana? Isa pa, ano naman kung lesbian siya? Hindi naman nakakabawas ng pagkatao ang sexual orientation niya."
"Para sa'yo. Pero sa ibang tao, it matters a lot. At paano mo nalaman na lesbian si Alyana?"
"Sinabi niya sa akin."
"Ikaw? Paano mo nalaman?"
"Narinig ko sa iba. Tsaka obvious naman kung paano niya titigan at i-treat si Ivy. Laging prio ang mga pending order at siya pa mismo ang nag-aabot." Tumawa si Angie.
"Kaya kahit close ako kina Sir Mario at Mam Evelyn, may mga bagay na hindi ko puwedeng i-share sa kanila."
"Bakit mo sinabi sa akin?"
"Mukha kang mapagkakatiwalaan. Maliban na lang kung mali ako."
"Oo naman. Your secret is safe with me."
"Hindi naman ako worried eh. Ang totoo nga, proud ako about it. Kung hindi maintindihan ng iba kung bakit attracted ako sa both sexes, problema na nila iyon."
"Ikaw, Trish?"
"What about me?"
"Are you really straight?"
Hindi niya nasagot ang tanong.
Long after nakatulog na si Angie, iniisip pa din niya ang tungkol dito.
Oo.
Straight siya.
Iyon ang pagkakakilala niya sa sarili niya.
Noong high school at college, nagkakacrush siya sa mga babae pero hanggang doon lang iyon.
Pero may bigla siyang naalala.
Noong second year college siya, naging close siya sa isang professor.
Si Mam Nicole, ang prof niya sa Psych.
Maganda manamit, makinis ang kutis, matalino, petite. Cute.
During the first day of class, nagulat siya ng pumasok ito.
Akala niya classmate nila kasi ang bata ng itsura.
Pero ng dumiretso sa harapan at tumayo sa podium, she was all ears.
Oo nga at favorite niya talaga ang psychology at tsaka magaling magturo si Mam Nicole.
Pero maaga siyang dumarating sa klase kasi alam niya na maaga ding pumapasok ang prof niya.
Nagkukuwentuhan sila before class.
Umabot din ito sa point na nagi-stay siya after class.
Pero ng may mga usap-usapan tungkol sa closeness nila, siya na ang umiwas.
Natakot kasi siya na baka mapahamak si Mam Nicole kapag nakarating sa dean nila ang tungkol sa pagiging malapit nila.
Pero iyon nga ba talaga ang dahilan?
Nilingon niya si Angie.
Nakatalikod ito at tulog na tulog na.
May mga memories na bumabalik kay Trish at hindi niya maintindihan kung bakit hindi siya mapakali.
Bakit pinag-iisipan niya ang tanong ni Angie kung straight ba siya talaga?
Why is she doubting herself all of a sudden?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top