Chapter 1
On repeat: Dreams-The Cranberries
Bata pa lang si Trish, ang pangarap niya ay magtrabaho sa Jelly Burgers.
One of her fondest memories was going there on Sundays with her family after mass.
Most of the time, hindi nila kasama ang daddy niya kasi nasa abroad ito.
Pero kapag umuuwi naman siya , ito ang una nilang pinupuntahan.
Wala kasing branch ang Jelly Burgers sa Abu Dhabi dahil it was based talaga sa Pinas ng panahon na iyon.
Dahil alam ng daddy niya na favourite nila ang burgers at buttermilk fried chicken, ito ang una nilang destinasyon kapag dumarating siya.
Ang dami nilang pictures sa restaurant kaya naman memorable ito kay Trish.
Part na ito ng family nila.
Dito sila nagcecelebrate ng mga milestones—graduation, birthdays, reunion pati na din kapag may mga achievements sa school.
Kapag binalikan niya ang kabataan niya, hindi puwede na wala sa picture ang Jelly Burgers at ang red background na may malaking logo ng brown hamburger bun, thick and rich beef patty, bright yellow cheese, green and leafy lettuce at vibrant orange na tomato slice.
Kilala na nga sila ng mga managers at crew sa branch na malapit sa bahay nila kasi malimit silang pumunta dito.
Ang Kuya Eric niya, noong nanliligaw pa lang kay Mariel na asawa na nito ngayon, doon unang nag-date.
Kuwento pa nga ni Mariel, hindi naubos ni Eric ang inorder na spaghetti dahil sa sobrang nerbiyos.
Ang Kuya Charlie niya naman, doon malimit tumambay kasama ang mga barkada niya.
Nagsummer job pa nga ito dati at natapos niya ang two-month contract.
Ang daming masasayang kuwento ng kuya niya at naging positive talaga ang experience niya sa restaurant dahil nagkaroon siya ng maraming kaibigan bukod sa natuto siyang magluto.
Kaya naman nabuo sa isip ni Trish na kapag nakagraduate na siya, doon siya maga-apply.
Wala talaga siyang ibang kumpanya na gustong pagtrabahuhan.
Nang sinabi niya sa parents niya kung ano ang gusto niyang gawin, pinayuhan siya na huwag lang sa isang kumpanya mag-apply.
"Paano kung hindi ka matanggap?" Tanong ng daddy niya.
"Dad, sisiguraduhin ko po na matanggap ako. Doon ko talaga gustong magwork eh."
"I don't think it's wise na masyado kang nakafocus diyan sa Jelly Burgers. Marami namang magagandang kumpanya. Isa pa, hindi madali ang trabaho sa fast food. Iyong anak ng kumare namin ng mommy mo, nagresign kasi patay-patayan ang oras at workload. Lagi daw pagod. Minsan uuwi at diretso tulog na dahil exhausted sa trabaho."
"Ito talaga ang gusto ko, Dad. Kung pinayagan niyo nga akong magtrabaho ng part time eh maga-apply sana ako."
"Pasalamat ka nga na iyan lang ang inatupag mo. Hindi madaling pagsabayin ang trabaho at pag-aaral."
"Basta subukan ko po muna. Kung hindi ko talaga kaya, eh di magreresign ako. Sabi niyo nga, madami namang kumpanya diyan."
"Ikaw ang bahala." Binalikan ng daddy niya ang binabasang diyaryo.
Pati ang kursong kinuha niya, business management.
Kahit kinukumbinsi siya ng mommy niya na nursing ang kunin, pinaglaban niya ang gusto niya.
Ilang beses din silang nagtalo dahil dito.
Ang sabi kasi ng mommy niya, madali siyang makakapag-abroad kung magnanursing siya.
Ilang pinsan niya na ang nakaalis dahil puro sila nurse.
Kung hindi sa US ay sa Canada nakapagtrabaho ang mga ito.
Meron din sa Israel at sa Singapore.
Pero ang naging major argument na ginamit niyang rason ay takot siya sa dugo.
"Mommy, paano ako makakapasa kung maisip ko pa lang ang dugo eh hihimatayin na ako?" Katwiran niya.
Hindi naman kasi siya nagsisinungaling.
The first time na dinatnan siya, naabutan siya ng mommy niya na nakahandusay sa banyo.
Nang makita niya ang panty, bigla na lang siyang natumba.
Buti na nga lang at hindi nabagok ang ulo niya ng bumagsak siya sa sahig.
Kaya kahit gustong ipagpilitan ng mommy niya ang gusto, pumayag na din ito na mag-apply siya sa ibang course.
Binawi na lang ni Trish sa matataas na grades at pagiging dean's lister ang disappointment ng mommy niya na hindi siya nagnursing.
Nang makatapos siya bilang summa cum laude, naiyak ito dahil sa sobrang proud sa kanya.
Umuwi pa ang daddy niya para maka-attend sa graduation niya.
Tuwang-tuwa sila sa achievements niya.
Kung puwede lang na sa Jelly Burgers sila magcelebrate, iyon sana ang gusto niya.
Kaso sa isang mamahaling restaurant sila dinala ng daddy niya dahil special occasion ang graduation niya.
Sa kanilang tatlo kasi, siya talaga ang pinakamatalino at diligent.
Ang Kuya Eric niya, masaya ng makakuha ng passing grade.
Ganoon din si Charlie.
Pahirapan na mag-aral ang mga kapatid.
Lagi ngang nangungunsumi ang mommy nila dahil hirap sa dalawang lalake.
Sa kanya lang hindi ito namuroblema kasi may kusa siyang mag-aral.
Nag-apply siya agad bilang management trainee after graduation.
Dahil sa magandang credentials at sa galing niyang sumagot during the interview, natanggap siya agad.
Gusto niyang maimpress ang employer kaya naman pati mga management courses, kinareer niya.
Perfect niya lahat ng standardized tests ng company.
Nang-iannounce ng facilitator ang store assignment kung saan sila mamamalagi sa loob ng anim na buwang probationary period, hindi siya makatulog sa sobrang excitement.
Sa Dasmariñas siya na-assign.
Kahit mahigit isang oras ang biyahe mula sa bahay nila sa Imus papunta sa store assignment niya, hindi siya nagreklamo.
Ang sabi ng facilitator nila, ganoon daw talaga sa umpisa.
Bihira ang naa-assign malapit sa lugar kung saan sila nakatira.
Inisip na lang ni Trish na siguro part ito ng training.
Siguro sinusubok ng company ang willingness at flexibility nila bilang future managers.
Sinabi din ng facilitator na peak ang Store 128.
I-ready niya daw ang sarili niya kasi siguradong mapapalaban siya.
"Ano po ang ibig sabihin ng peak?"
"Mabenta doon, Mam. Laging maraming tao kasi malapit sa mga pabrika at business establishments.
Hindi pa man niya nakikita ang lugar eh kinabahan siya.
Sa first day ng duty niya, kahit alas-otso ang start ng time, alas-siyete pa lang ay dumating na siya.
Hindi kasi siya masyadong nakatulog ng nakaraang gabi.
Inisip niya kung naihanda niya na lahat ng kailangan niya sa training kahit ilang beses niya ng tsineck ang bag niya.
Nakalagay na ang manual, notebook, ballpen pati na din ang name badge niya.
Siyempre, hindi puwedeng mawala ang phone, charger pati ang baon niya.
Malaki ang Store 128.
Tiningnan niya na sa Internet ang tindahan to give her an idea about the place.
Pero pagdating niya, mas malaki ito kumpara sa pictures.
Malawak ang parking lot sa tapat at gilid ng tindahan.
Sa likod nito ay may grocery store at sa gilid ay may malaking tindahan ng mga construction materials.
Pinarada niya ang kotse sa tabi ng isang silver van.
Bago bumaba, hinawakan niya ang rosary na nakasabit sa rearview mirror.
Nagsign of the cross siya at nagdasal.
Nilapitan niya ang guwardiya na nakatayo sa harap ng pintuan.
Nagpakilala siya dito at sinamahan siya nito sa loob ng tindahan para abisuhan ang store manager.
May kausap sa phone ang manager na kalbo, mataba at maliit. Inangat nito ang isang kamay para sabihin na maghintay si Trish saglit.
Suot ng manager ang uniform na black pants, polo shirt, red necktie at silver badge kung saan nakalagay ang pangalan at designation.
Iniwan na siya ng guwardiya at bumalik na ito sa puwesto niya sa pintuan.
Habang nakatayo, naulinigan ni Trish na mukhang bad trip sa kausap ang store manager kasi mataas ang boses nito.
Crew siguro ang nasa kabilang linya kasi narinig niya na walang ibang nakaschedule sa grill station.
Kahit first day ng training niya at wala pa siyang actual experience sa pagmamanage ng isang store, naiintindihan ni Trish na kahit sino, maiinis kung absent ang crew.
Lunes pa naman.
Pero hindi niya alam kung ano ang reason kung bakit hindi makakapasok ang crew.
Biglang bumukas ang pinto at dumiretso ng tayo si Trish.
Humingi ng pasensiya sa kanya ang store manager na nakatingala sa kanya tapos inabot ang isang kamay para pormal na magpakilala bilang si Sir Mario.
"Welcome to the real world, Mam Trish." Pabirong sabi nito.
Kanina habang naghihintay, naisip niya na baka pati sa kanya mahigh-blood ito.
Medyo nabawasan ang nerbiyos niya ng ngitian siya ng manager.
"Mam, dito ka muna sa office at aayusin ko lang ang ang grill station. Absent kasi ang crew kaya walang ibang gagawa."
"Okay po, sir."
"Darating naman si Mam Angie ng 7:30. Ito-tour kita sa tindahan kapag okay na ang lahat."
"Sige po."
Pinagmasdan niya ang maliit na opisina.
Pahaba ito at sa pinakaloob ay may desk kung saan nakapatong ang dalawang computer monitors.
Sa ibabaw ay may open shelves kung saan nakapatong ang makakapal na manuals.
Sa ilalim naman ng desk ay may drawers kung saan naman nakalagay ang mga color-coded folders.
Sa kinatatayuan niya ay may pahabang formica table at sa ilalim nito ay may metal silver vault.
Nang tumingala siya ay may white cabinets kung saan may laminated label na may nakasulat na put your belongings here.
Sa ibabaw ay nakapatong ang isang picture frame pati ang apat na glass plaques ng mga awards.
Nakagown ang mga tatlong babae at ang apat na lalake kasama si Sir Mario ay nakasuit and tie.
Binuksan ni Trish ang isang cabinet.
May nakalagay na water bottle at hardbound copy ng The Hunger Games kaya binuksan niya ulit ang isa.
Bakante ito.
Doon niya nilagay ang bitbit na manual at ang dalang purse.
Kasalukuyan niyang binabasa ang nakasulat sa isang plake ng bumukas ang pinto sa bandang counter area na nasa tapat din ng manager's office.
Natigilan ang dumating na babae ng makita siya.
Lampas balikat ang buhok nito at may bangs na nakahawi sa kanang bahagi.
Nakamake-up siya at red orange ang matte colored lipstick.
Suot niya din ang standard black uniform na may stitched red logo sa kaliwang breast pocket pero hindi niya suot ang scarf.
Saglit silang nagkatinginan ni Trish.
"Hi." Nagsmile siya bago tuluyang maging awkward ang lahat.
Tumango lang ang bagong dating tapos dire-diretsong pumasok sa pinakaloob ng office at marahang sinara ang pinto.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top