Fast as Flash
Copyright © 2016 by girlinparis
***
"Gusto ko lang sabihin na..." Tumungo 'yung babaeng nasa harap niya. Namumula na ang mga pisngi nito at pinaglalaruan ang mga daliri niya.
"E kasi.. G-gusto kita Jeremy. 2nd year palang tayo, crush na kita. Sana hindi ka mailang-"
"No. It's okay. So... shall we start dating then?"
Kung hindi ko lang kaibigan ang isang to, napanganga na ako sa nasaksihan ko kaso sanay na ako eh. Ilang babae na ba ang umamin sa kanya at dinate niya? Hindi ko na ata mabilang.
"Si Flash ka ba? Ang bilis mo eh! So kelan na ang date niyo niyan?"
"Alam mo namang kapag may umaamin saking babae, there's no way I will reject them."
E kung umamin na kaya din ako sa'yo? "Ano. Naspeechless ka diyan."
"Wala ka pa ba talagang nagugustuhan?"
"Meron na kaso.. hindi pa siya umaamin."
Napatigil naman ako sa paglakad. "Huy. Teka. Di nga? Sino? Kilala ko ba?"
"Hindi." Ngumiti siya sakin tapos hinigit ako pauna sa kanya. "Wag mo na nga masyadong pakaisipan yun. Papakilala ko din siya sa'yo."
Nawalan tuloy ako ng lakas ng loob umamin sa nalaman ko. Bakit pa? E may gusto na pala siya.
Dumalas ang mga araw na iba't ibang babae ang nakadate ni Jeremy. Minsan sinasama niya ako sa mga date niya, yun nga lang nasa malayo ako syempre.
Naisip ko minsan kung bakit ko to ginagawa. Mahal ko siya di ba? Pero bakit hinahayaan ko na lang siyang makipagdate sa iba? Isa lang ang sagot ko. Kahit kelan hindi niya ako kayang mahalin. Sa tinagal tagal ko sa tabi niya ni hindi ko man lang naramdaman na mahal niya ko ng higit pa sa kaibigan pero ako? Matagal ko na siyang palihim na minamahal.
Ang hirap sa dibdib. Parang pinipiga lalo na at nakikita ko ang mga babaeng lumalapit sa kanya, ang mga babaeng kasama niyang tumatawa. Sa tinagal naming magkaibigan, sana nagawa ko rin 'yun.
"Alam mo sa lahat ng babaeng nakadate ko, iba to."
"Paanong iba?"
"Hindi siya katulad ng iba na babaguhin ang sarili para lang magmukhang perpekto sa paningin ko. Alam mo 'yun. Kahit na alam niyang matuturn off ako sa kanya, hindi siya natatakot ipakita ang totoong siya. Sa totoo lang, interesado ako sa kanya."
Ito na ata ang kinatatakot ko. Alam ko namang darating sa puntong to eh. Na may magugustuhan siya sa mga dinate niya. Imposible naman kasing wala sa sobrang dami nila!!
"E di.. Ligawan mo!!" Wag please.
Tumigil siya sandali at tumingin sa mata ko, "Sa tingin mo?"
No. Humugot ako ng hininga at sinabing, "Oo. Tutal, maganda din naman siya. Bonus 'yun. Wag mo ng pakawalan."
Sana hindi niya narinig ang pait sa boses ko. "Siguro nga panahon na."
Pagkatapos ng nangyaring yun malimit na lang kaming magkita ni Jeremy. Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito dahil lang magkakagirlfriend siya. Nasanay kasi ako na kung nasan ako, nandun din siya kaya ang hirap mag-adjust. At saka mas gusto ko na rin to, baka sakaling mawala ang nararamdaman ko.
Pauwi na sana ako ng makabangga ako ng lalaki. Parehong nagpatak ang gamit namin kaya pareho kaming napaupo. "Tulungan na kita."
Ang boses na 'yun. Napatunghay ako at nakumpirma na siya nga ang nasa harap ko. "Jeremy/Aina." sabay naming sabi.
"Long time no talk ah-"
"Alis na ko." Bago pa ako makaalis, hinigit niya ko sa braso.
"Jeremy please."
"Bakit ka ba umiiwas?" Hindi ako makatingin sa mata niya dahil alam kong any minute, bubuhos na ang luha ko. Nanatili pa ring nakapako ang tingin ko sa lupa.
"Aalis na ko. Iniintay na ako-"
"Namiss kita." Nagulat ako nang bigla na lang niya akong niyakap. Bakit ka ba ganito, Jeremy. Wag mo na akong pahirapan. Please.
"Hindi ka man lang ba magsasalita? Hindi mo ba ko namiss?" ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko habang nakayakap sa bewang ko. Bigla na lang niya akong sinilip ng may kumawalang hikbi sa bibig ko. "Teka-bakit ka umiiyak?"
"Hayaan mo na ako Jeremy. Puntahan mo na lang yung girlfriend mo." Bigla siyang kumalas sa akin at tiningnan ako ng maigi. Sinubukan niyang iangat ang baba ko para tingnan siya pero iniiwas ko lang din ito.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Bakit ka umiiyak?"
"You won't be happy for my reason."
"Just answer me, Aina!! Hindi mo alam kung gaano ako kalungkot ng bigla ka na lang umiwas sakin ng walang dahilan."
"Lahat ng bagay may dahilan."
"Then tell me! Iintindihan naman kita eh-"
"Dahil mahal kita!!" Hindi nakaiwas sa akin ang pagkagulat sa mukha niya. Alam kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko pero ano bang magagawa ko? Para na akong sasabog sa loob. Hindi ko na ata kayang ilihim sa kanya ang nararamdaman ko.
"Narinig mo? O gusto mong ulitin ko ulit para magising din ako sa katotohanang nagpapakatanga lang ako sa'yo? Ano nagulat ka? Ang galing kong magtago no? Pero alam mo.. Sobrang sakit na din pala. Dito." Tinuro ko ang puso ko. Hahawakan sana niya ako sa mukha pero umiwas ako.
"Ganun ba talaga kadali sa'yo ang lahat, Jeremy? Umamin lang sa'yo ang isang babae tapos liligawan mo na siya? Paano naman ako? Matagal na ko sa tabi mo pero ni minsan hindi mo ipinakitang interesado ka sakin na kahit ipagsigawan ko pa sa'yo, hindi mo maririnig."
"Bakit hindi mo sinabi sakin?"
Hindi ako sumagot. "Bakit ngayon lang?"
Huminga ako ng malalim at hinayaang bumuhos ang luha sa mata ko. Wala na akong pakialam kung anong itsura ko ngayon. Basta sasabihin ko na sa kanya lahat. Hindi na ako magiging duwag.
"Dahil hindi ako katulad ng mga babaeng dinate mo, Jeremy. Hindi ko kayang umamin katulad nila dahil wala akong lakas ng loob. Mali ba kung umasa akong may lalaki ring aamin sa akin na mahal niya ako? Mali ba kung umasa akong... I-ikaw yun?"
Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ulit ito. "Pero naisip ko rin, paano kung naging tayo... Maging masaya man tayo tapos ano? Paano kung magkasakitan tayo? Mababalewala lang ang friendship na iningatan natin ng 7 years. Mas hindi ko ata kakayanin 'yon kaya umiwas na lang ako sa'yo para pag nakaharap na ulit kita, babalik na ako sa dati, na lahat ng ginagawa mo ay wala ng malisya para sakin."
"I-I have no idea you felt that way.." Nakita ko ang awa sa mga mata niya. Pero para saan? Dahil ba hindi niya ako kayang mahalin pabalik?
"Huwag mo akong kaawaan."
"Hindi kita kinaaawaan.. It's just that.. It's just.."
Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin. Para siyang nahihirapang magsalita. Nakaawang lamang ang bibig niya. Humugot siya ng napakalalim na hininga tapos ay hinawakan ang kamay ko. Babawiin ko sana ito ng higpitan niya ang pagkapit dito.
"It's just that.. I felt the same way about you. Pero kinalimutan ko iyon dahil magkaibigan tayo. Hindi ko sinabi dahil natakot ako na baka umiwas ka sa akin."
"At nangyari nga." sagot ko.
Tumungo siya. "Nakipag-date ako sa ibang mga babae para ituon ko ang atensyon sa iba. Kapag may umaamin sa akin, kinikilala ko sila pero sa lahat ng 'yon.. kahit isa sa kanila walang humigit sa'yo. Noon hindi ko pa alam ang sagot pero ngayon alam ko na. Ikaw pala kasi ang hinihintay ko."
Naramdaman kong may pumatak na tubig sa ulo ko. Napatingin ako sa paligid at nakita kong umaambon na pala. Tatalikuran ko na sana siya ng bigla niya akong hinigit sa braso.
"Baka mabasa tayo lalo ng ulan."
"Mahal kita, Aina. Please give me a chance para patunayan sa'yo 'yon. I can't lose you. Not again."
Hinawakan niya ako sa balikat at tiningnan sa mata. Nakakunot ang noo niya. Kita kong may tubig sa sulok ng mata niya. Umiiyak ba siya o dahil lang ito sa ulan?
"Lumalakas na ang ulan."
"Wala akong pakialam. Sagutin mo ako. Will you give me a chance-"
"Paano si Annika?"
May pagtataka sa mata niya. "Annika is just my friend. We never dated. She's in love with someone else. Tinutulungan ko lang siya kay Enzo. From all the girls I've dated.. ni isa sa kanila wala akong nagustuhan. Kahit anong pilit kong kalimutan ka hindi ko kaya. Forgive me if I'm not brave enough to tell you how much you mean to me. Forgive me if all I did was to wait for you to confess kahit na alam kong iba ka nga pala sa kanila. Forgive me, Aina. I may not be a perfect man-"
"No, Jeremy. Forgive me for not telling you all the things I want to say and all the things you want to hear."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagsimula na ring tumulo ang luha sa mata ko. Naramdaman ko rin ang mainit niyang luha sa balikat ko sa gitna ng malamig na ulan.
"You know I always hated rain. Sobrang dami ko atang painful experience sa ulan. Laging may nawawala, laging may umaalis, at laging may nasasaktan. Minsan nga umasa ako na pwedeng mabaliktad 'yon."
Nakayakap siya sa bewang ko habang nakapulupot ang mga braso ko sa leeg niya. Hindi namin pinansin ang malamig na hangin at ulang pumapatak sa langit. Sobrang init ng pakiramdam ko nang dahil na rin sa yakap niya.
"I told myself that I must find someone who I can enjoy the rain with. And I found him today. Thanks to you." Nginitian ko siya tapos ipinatong ang noo ko sa noo niya.
"So shall we start dating then?" Aniya sabay ngisi.
"Ano ka si Flash? Ang bilis mo ah! Ligawan mo muna ako!"
Binatukan ko siya at napahawak agad sa ulo niya. Mahal na mahal ko talaga si Jeremy. Sana pareho kaming tama sa naging desisyon namin. Sana pareho kaming sumaya. Simula ngayon, magiging matapang na ako para ipagsigawang mahal ko siya.
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top