KABANATA 8

"Sa bahay niyo siya natulog kagabi?!"

Bahagya kong inilayo ang phone sa tenga ko. Kausap ko mula sa kabilang linya si Kim. Break sa trabaho at si Kim ang unang tumawag sa 'kin. Syempre, isang katanungan lang ang nasa aking isipan ngayon; Papaano niya nalaman?

"Hays naku! Sinabi lang naman ni Penny sa 'kin. Nag-chika minute kasi kami kaninang umaga. Biruin mo, alam niya ang number ko dahil hiningi niya sa isang babae na nakita niyang kausap ko! I like her, bruh!"

Bumuntong-hininga na lamang ako. Hindi naman kailangang isabi pa ni Penny sa iba ang nangyari kagabi.

"Hello? Nariyan ka pa ba?"

Tumawa ako. "Oo, Kim."

"So, 'ayun na nga, totoo ba? Totoo ba na magkasama kayo kagabi?"

"Oo, pero hindi magkatabi."

"You sounded like disappointed ka dahil riyan."

Napailing ako nang humagikhik siya. "Anyway, kumusta ang trabaho kagabi? Big time ba?"

Sa paraan ng pagsasalita niya ay parang 'di niya pa alam na pamilya ni Penny ang nagpasweldo sa 'kin kagabi.

"Malaki ang sweldo. Salamat sa pag-recruit sa 'kin."

Nag-usap pa kami patungkol sa trabaho hanggang sa kailangan na naming magpaalam. Bahagya akong nakasandal sa isang glass door nang tumunog ang phone ko.

From Penny:
Sunduin mo ako mamayang 5. Puntahan mo 'ko sa faculty room.

Nangunot tuloy ang noo ko sa nabasa. Gusto kong h-um-indi dahil wala naman akong nakikitang rason para sunduin ko siya, pero malaking bahagi ng pagkatao ko ang gusto siyang makita, at 'yon na ang pinakataka-taka sa lahat. Ibinalik ko sa phone ang bulsa at pumasok sa silid.

"May mali ba sa 'kin?" Si Richard na nag-d'-drama ang nabungaran ko. Kataka-taka at 'di niya na napapansin ang mga dancers na bumabati sa kaniya.

"Sino?" tanong ko. Alam kong babae ang dahilan.

"Si Penny. Sinabihan ko siya na ako nang susundo sa kaniya pero sinabi niyang may susundo na raw sa kaniya. Feeling ko biro niya lang 'yon."

"May susundo sa kaniya." Nagulat ako sa sarili nang sumagot ako.

"Huh? Paano mo nalaman? Alam mo ba kung sino ang susundo sa kaniya?"

"Oo. Ako." Napalitan ng gulat ang mga mata niya na mayamaya ay sumingkit.

"Sinasabi ko na nga ba at may gusto 'yon sa 'yo. Tungkol nga sa 'yo ang kinukuwento niya kapag magkasama kami." He smiled. "'Di bale, kahit iisang babae lang ang nagugustuhan natin, magkaibigan pa rin tayo. Kumbaga, friendly competition ang labanan natin ngayon."

"Hindi ko siya gusto, Richard," nasabi ko. "Gusto ko siya, oo, pero hindi sa paraan na iniisip mo--" natigil ako sa pagsasalita. "Nasa trabaho tayo, 'wag na lang natin pag-usapan."

Kagaya ng sinabi ni Richard, hindi naman nagbago ang liksi niya. Matapos niyang magdrama ay bumalik na ang kaniyang sigla. Ika pa nga niya, sisiguraduhin niya nang siya na ang susundo kay Penny sa susunod. At, sa 'di namamalayan, ginagawa ko na ang sinabi ni Penny sa 'kin. Matapos kong magbayad sa drayber ng tricycle ay napatingala ako. Nandito ako ngayon sa harap ng paaralan na pinag-t'-trabahuan ni Penny.

Uwian na ng mga bata, kaya marami akong estudyante na nakakasalubong. Ang iba sa kanila ay kumakaway dahil kilala nila ako bilang kuya ni Jave.

Kaagad kong natunton ang faculty room dahil may mga guro na nakatambay sa pinto nito. Nang makalapit ako ay nagbulungan sila. Suot ko ang isang kulay itim na maong at maroon na vneck t-shirt. Kahit papaano ay umangkop ang suot ko sa lugar na tinatapakan ko.

"'Di ba ikaw ang kapatid ni Jave?" bulong ng isang guro sa 'kin. Hula ko ay kasing-edad ko lang 'to. "Tama nga ang iba, magkamukhang-magkamukha kayo--"

"Jaxe!" Napatingin ako sa isang banda nang boses ni Penny ang nagpasindak sa mga kumakausap sa 'kin. I see ... Kahit pala rito ay ganiyan pa rin ang ugali niya. "Akala ko 'di mo na ako susunduin! Tatawagan ko na sana si Richard, eh."

"Kanina pa nakauwi si Richard," ang lumabas sa bibig ko at nagpatianod sa hila niya. Sa isang long table ay nag-uusap ang mga guro. Tamang sulyap lang ang iba at tanong sa pangalan ko ay bumalik na sila sa sariling ginagawa.

"Ganoon ba? Edi mabuti at sinundo mo talaga ako!" Inaya niya akong umupo sa isang couch na in-occupy lang namin dalawa. Sa maliit na table ay nakalatag ang parang mga gamit niya kagaya ng chromebook, big notebook at red ball pen.

"Ano pala'ng meroon ngayon?" Natanong ko lang dahil parang may handaan na magaganap.

"Ahh, birthday kasi ng Principal naming kalbo. Ang pangit naman kung 'di ko tatanggapin ang alok niyang salo-salo. Edi, 'di na ako makabayan kapag nagkataon," tatawa-tawa niya at napatitig sa 'kin. "Ang ganda ng ayos natin ha! Para kang galing sa date!"

Umiling lang ako.

"Anyway, salamat dahil pinatulog mo ako sa bahay mo."

Katahimikan. May ibang napatingin sa 'min.

"Paki-hinaan ng boses mo, Penny. Baka kung ano'ng isipin nila."

"Kagaya ng? Ano namang maiisip nila?"

Bumuntong-hininga ako. "And you told Kim about that, did not you?"

"Ano namang meroon? Dapat lang malaman niya, 'no!"

I scoffed. "Why so?"

"Baka umasa, eh. Alam mo na... Malakas ang kutob ko na may pagtingin siya sa 'yo."

Sa sobrang gulat ay dinaan ko na lang sa mahinang pagtawa ang lahat. "Do you think she likes me?"

May nasabi akong nagpasingkit sa mga mata niya. "Do you like her, then? Ganoon ba ang gusto mong sabihin?"

"Wala akong sinabing ganiya--"

"Pero 'yon ang gusto mong i-interpret ko!" Namumula ang mga pisngi niya. Nagkaroon tuloy ako ng gana na balingan ang suot niya. Naka teacher uniform siya na may ribbon sa may bandang leeg. Naka-skirt na hanggang tuhod at magiging sinungaling na ako kung sasabihin kong 'di 'to bagay sa kaniya. Naka-heels pa siya kaya noong nakatayo kami kanina ay halos pantayan niya na ang tangkad ko.

"Hindi ko siya gusto, Penny," untag ko. Pansin ko kasi ang paninitig niya sa 'kin. Para siyang naiiyak na naaasar. "She is my friend and I am her friend."

"Friend? Hindi ako naniniwala. Sa tagal niyo nang magkasama dalawa, malabong 'di pa kayo nagkaka-develop-an ng feelings."

"Kailan pa naging basehan ang panahon sa pagmamahal, Penny?"

Umirap siya. Irap na 'di ko madalas nakikita sa kaniya. "Kita ko kung papaano kayo tumingin sa isa't isa--"

"Papaano?" I suppressed my chuckle.

"'Yong with feelings! Ano pa nga ba?"

"Guni-guni mo lang 'yan--"

"Guni-guni mo lang 'yan, my ass.  For your information, a girl and a boy can't be friend without falling for each other."

"And I and Kim are exemptions."

Umirap siya.

"Why won't we just normalize boys being friends with girls without issue?" Kinalabit ko siya gamit ang braso ko. "Bakit ang hirap mong suyuin?"

Nag-iwas siya ng tingin. Dumaing ako nang tumayo siya at sinipa ang binti ko. Damn, woman.

"Kukuha na lang ako ng makakain natin. Dami mong sinabi, 'eh mapapawi ba no'n ang gutom ko? Normalize-normalize ka riyan. Tumigil ka nga."

Natatawa kong pinagmasdan ang likod niya papalayo. Nagpakita ang Principal na nagpasalamat sa mga nandito. Ang mga guro ay abala na sa pagkain at pag-uusap. Puno ng tawanan ang lugar.

"Here, kumain ka nang marami." Inilapag ni Penny ang punong-punong pinggan.

"Hindi ko 'to mauubos."

"Ano naman kung hindi? Ahh, basta damihan mo ang pagkain."

"Payat ba ako sa paningin mo?"

Nagbaba siya ng tingin sa katawan ko at lumunok. "Hindi naman. Sakto lang. Pero sa tingin ko, mas maganda kung magpapataba ka."

Nagsimula na kaming kumain, at panay ang kwento niya habang kumakain. Panay rin ang silip niya sa laptop niya na parang may ch-in-i-check.

"Sweldo na namin bukas. Alam mo ba 'yon?" bulong niya. "Hindi ko na 'yon babawasan para mabilis tayong makapag-ipon."

Sa isip-isip ko naman, malabo talagang matupad ko ang pinangako ko sa mga lalaki na 'yon.

"'Wag kang mag-alala. Tutulungan naman kita. Malalampasan din natin 'to." Pasimple niya pang tinapik ang dibdib ko at humalakhak. "Pasalamat ka at 'di na kita kinukulit about sa relasyon mo with Kim."

"Hindi nga kami."

"Pero gusto mong maging kayo?"

"Hindi rin."

"Papaano 'pag gusto niya? Edi, gusto mo na rin siya?"

I let out a deep sigh. "Gusto mo ba ako?"

Nanlaki ang mga mata niya. Naka-hang pa ang pansit sa bibig niya. "Baliw ka ba? Ba't naman ako magkakagusto sa maraming abs--?" Natampal niya ang sariling bibig. "O baka ikaw talaga ang may gusto sa 'kin?"

"Para kang bata. Alam mo ba 'yon?"

"Gusto mo na ako, 'no? Kasi pinatulog mo ako sa bahay mo, eh."

"Kahit si Kim ay nakatulog na rin naman na sa bahay namin."

"What?" Mabilis ang pagtaas ng kilay niya. "Lasing din ba siya noon? Sino ang nag-aya? Ikaw ba o siya? Ilang beses na? Tinabihan mo ba siya?"

May malapit na water dispenser kaya nagsalin ako ng tubig at binigay sa kaniya. Sa bilis niya ba namang magsalita, 'di na kataka-taka na nabulunan siya. Pero mukhang wala lang naman sa kaniya kahit na 'di na maintindihan ang mga pinagsasasabi niya.

"What should I do to make you believe that we're not together?"

She scoffed. "Wow, english 'yon, ha."

Nagpatuloy siya sa pagkain pero nahuhuli ko siyang bumabaling sa 'kin. Mukhang 'di pa rin kombinsido.

"Maam Penny, nobyo mo?" tanong ng isang bakla na sa tingin ko ay isa ring guro. Nasa dulo ito ng table pero dahil sa malakas ang kaniyang boses ay rinig ng lahat ang kaniyang sinabi.

"Hala? Ang baba naman ng standard ko kung oo," si Penny at ngumiwi sa 'kin.

Tumawa ang lahat, at 'yong iba ay pabiro siyang inirapan. I can see that Penny being with this group people make her 'her'. Ramdam ko ang sigla niya na kahit nakatulala siya ay alam kung payapa ang isipan niya.

"So, can I know your standards?" napabaling siya sa 'kin nang magtanong ako. I was giving her a raised brow, challenging her.

"Mataas." Humalukipkip siya. "I mean, ang standard ko! Kung ano-ano iniisip mo riyan, eh!"

What? May side meaning ba ang sinabi niya?

Humalukipkip ako.

"Tatawagan ko ulit si Kim kapag may free time ako." Nag-type siya sa kaniyang laptop, wala nang laman ang sariling plato. "Alam mo na, to know her more. Baka makatao rin siya kagaya ko."

"She is actually friendly. Makatao, perhaps?"

Umusok ang ilong niya. "Makabansa rin ba?"

"Bakit siya ang pinag-uusapan natin?" Pasimple kong tiningnan ang bag niya na nasa tabi niya. Hindi kasi ito sarado kaya halata ang nasa loob. "May manliligaw ka?"

"What?" Lumubo ang pisngi niya.

Ininguso ko ang mga bulaklak na mukhang mamahalin. Nagtiim-bagang ako. "Kanino galing? Kay Richard?"

"Hmm, galing sa delivery boy."

"Ang delivery boy ang nagbigay sa 'yo?"

"Oo malamang, sino ba ang ibang magbibigay sa 'kin edi ang delivery boy."

"'Yong delivery boy ang may gusto sa 'yo kung ganoon?"

"Boba, hindi! Siya lang nga ang naghatid. Delivery boy nga, eh, meaning  ang nag-de-deliver. Hays, ang loading mo naman."

Hindi ko na siya kinulit. Ang gusto ko lang naman malaman ay kung sino ang nagbigay sa kaniya. Malabong kay Richard 'to galing dahil pinapaalam naman sa 'kin ng lalaki na 'yon ang mga moves niya kay Penny.

"Happy Birthday again, Sir!" bati ng lahat, saka na kami nagsitayuan.

"Hey! Taken ka na ba?" Lumapit ang isang guro na nakasalubong ko kanina sa pinto.

Bigla namang pumagitna si Penny at pinahawak sa 'kin ang bag niya na may mga bulaklak pa sa loob.

"Woy, Jesica, naiwan mong naka-on ang electric fan sa room niyo," halata ang pagsisinungaling ni Penny, pero kaagad naman na naniwala ang babae at tumakbo.

"You lied. Akala ko ba makatao ka?" I whispered.

"Parang gusto kang i-flirt, eh. Besides, white lies ang sinabi ko." Ngumuso siya at inalis ang bulaklak mula sa bag at inilapag sa sofa. "Iiwan ko na lang muna 'to rito."

"At kukunin mo bukas?" Napalabi ako.

"Hmm, oo. Sayang, eh. Amoy dollars pa naman."

Naglakad kami hanggang kailangan na naming mag-abang ng tricycle. "Nagmamadali ka ba?" natanong ko. Pansin ko ang pagiging balisa niya.

"May sumusunod kasi sa 'kin. Kaya dalian mo na riyan!" Tinampal niya ang braso ko.

Mabilis naman kaming nakahanap ng tricycle. Saktong pagsakay namin ang pagtigil ng isang magandang sasakyan sa harap ng gate.

Narinig ko ang pagsinghap ni Penny.

"Manliligaw mo?"

Nanlaki ang butas ng kaniyang ilong. "Papaano mo nalaman?!"

"Halata sa mukha mo." Sumandal na lang ako at hinayaan na sakupin ng ingay ng umaandar na tricycle ang pandinig ko. "Mukhang mayaman 'yon, ha, halata sa sasakyan."

"Baka sa Papa niya 'yon. Alam mo naman ang mga tao ngayon, ang hilig manghiram ng mga gamit."

Natawa na lang ako. "Kilala mo? Ano'ng pangalan?"

"Kuya, sa Boulevard Street lang. Kapag lumiko po tayo, makikita natin ang pangalawang bahay, 'ayun po ang sa 'min."

Naunahan ko sa paglabas ng pera si Penny kaya nagtago siya ng ngiti. "Galante ka na ngayon, huh?"

"So, saan mo siya nakilala?" marahan kong tanong, yakap-yakap pa rin ang bag niya.

"Kuya, saan daw po kayo nagkakilala?" Imbes na sa 'kin ay sa driver pa siya humarap.

"Po?" Nahihirapang tanong ni Manong.

"Nag-d'-drive siya. 'Wag mong disturbuhin," humalakhak siya sa ani ko. "Sige, mukhang ayaw mo naman siya ikuwento sa 'kin."

"Fine!"

Napapikit ako habang nakangiti. "So sino siya?"

"Kilala mo ba 'yong babae na gusto ka sanang i-flirt kanina?"

"She was just being friendly."

"Friendly ba 'yon?" Umusok ang leeg niya.

"Yeah. What about 'yong manliligaw mo?"

Tumahimik saglit at ginamit niya ang sandali na 'yon para lumunok. "So, nakilala ko siya sa flirty na 'yon kasi magpinsan sila. Si Cymon ang sumundo sa kaniya noong nakaraang araw kaya--" natutop niya ang sariling bibig. "Hindi siya si Cymon! Ang tinutukoy ko ay mamon!"

"Sounds manly," komento ko. "Kaedad natin?"

Kumuha siya ng biscuit sa bag niya at 'di ako sinagot.

"Your sugar daddy?"

"What the fuck?!" Sinuntok niya ang panga ko.

"What the?" reklamo ko at hinimas ang sariling panga. Tiba-tiba 'ata ako nito kapag siya ang kasama ko palagi.

"Sorry! Ikaw kasi, eh! Tini-testing mo ang pagiging makakalikasan ko!" Bumuntong-hininga siya. "Mas bata siya sa 'akin -- sa atin. Nag-aaral pa."

"A kid."

"A man!" aniya.

"Okay, a man, huwag mo na akong suntukin."

Umirap siya. "Ang sa 'kin lang naman, gusto kong mag study first na lang muna siya, ang kaso--"

"Kaso gusto mo rin siya?"

"Boba hindi, ang kaso ayaw ko siyang masaktan. Sapagkat ako ay isang Pilipino na ayaw makapanakit ng kapwa niya Pilipino. Ito ang ang aking tungkulin sa bansa na 'to."

Pati ang drayber ay natawa na rin sa kaniyang pinagsasasabi.

"And he reaches your standard?"

Tumango siya.

"Okay, why won't you just accept his 'love' for you?"

"Bakit madiin ang 'love'? Nang-aasar ka ba?"

"Ano?" Umiling ako. "Ano ba ang tama? Like? Feelings?"

Natahimik kaming dalawa, at wala na rin akong balak na kausapin siya.

"Manong, nandito na tayo," rinig kong aniya.

Binawi niya ang bag sa 'kin at umirap.

"What?" I shifted on my seat.

"Wala rin pala akong masasakyan bukas ng umaga. P'wede bang magpahatid sa 'yo?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top