KABANATA 7

"Bumalik ka na sa trabaho mo."

Nag-iwas pa siya ng tingin sa 'kin, at sinunod ko na rin ang sinabi niya. Para na rin muli kong makita ang Mama at marinig ang mga sasabihin niya. 'Di ko alam pero gusto ko na tuloy makisawsaw sa relasyon nila. Gusto kong alamin pa ang bawat detalye nito para kung may way para matulungan ko sila ay talagang gagamitin ko 'yon.

Nang nasa venue na ako ay nagpapatuloy pa rin sa pagsasalita ang Ginang, at ngayon na mas malapitan ko siyang napapanood ay magkamukha-magkamukha talaga sila ni Penny sa paningin ko.

"As you know, everyone, kung gugustuhin namin ay pwede namin siyang patirahin muli sa bahay, pero I think she still needs time to think on her own," matapos niyang magsalita ay nagsitanguan ang lahat. "Hindi pa naman huli ang lahat, 'di ba? She can still study law and abandon her current job now."

Mabait siya. Maamo siya magsalita. Pero 'di ko nagustuhan ang sinabi niya. How can she belittle Penny's profession if lawyers can't graduate without teachers? Ang ibig kong sabihin ay angat na angat ang pagiging guro dahil sila ang gagabay sa mga mag-aaral. Without them, there are no professionals.

Masyado akong natulala at mabuti na lang may isang waiter ang tumawag sa 'kin. Napatingin ang ibang guest sa 'kin, pero 'di ko na lang pinagtuunan ng pansin. Bumalik ako sa counter habang iniisip na nasa posisyon ako ni Penny. Talagang, 'di ko matatanggap na nila-lang ang pagiging guro ko.

At, ang mas masakit sa lahat sa side ni Penny ay sa magulang niya pa mismo naririnig ang mga masasakit na salita.

"Oh, ba't ka nagmamadali?" tanong ng isa sa mga kasama ko nang kaagad akong nakapagbihis into formal attire. "Nakuha mo na ba sweldo mo? Malaki, 'no?"

Sa ganda ba naman ng event at sa yaman ng pamilya ni Penny, piso lang marahil sa kanila ang ten thousand.

"Oo. Ikaw? Hindi ka ba uuwi?" Ngumiti ako.

"Mamaya pa 'ata. Sige, mukhang nagmamadali ka talaga, eh."

Tumango ako at patakbong binalikan si Penny. Kabadong-kabado ako dahil akala ko ay 'di ko na siya muling maaabutan. Ilang oras akong nawala kaya marahil ay napagod siya kakahintay kaya 'di na masukat ang saya ko nang namataan ko siyang nakaupo sa isang sofa, ngayon ay nakasuot na ng jacket na may hood, pilit na tinatabunan ang sariling mukha.

"Penny, shot?"

Tinaasan niya ako ng kilay. Nagulat din ako sa sariling sinabi.

"Seryoso ka?" Tumawa pa siya at tumingin sa paligid. "Tapos na ang trabaho mo? Ano pa'ng sinabi ni Mama? Hulaan ko, wala na namang kabuluhan, 'no?"

Umiling ako at namulsa sa harapan niya. I wanted to hug her right now. I was just finding for a right timing. "Tumayo ka na. May malapit na bar sa labas. Doon tayo..."

Nag-aalinlangan pa siya, kaya marahan kong hinila ang braso niya. "You know, Penny, hindi ako nagbibiro."

"'Di mo ako aawayin dahil gagastos ka na naman dahil sa 'kin?"

Ako na naman ang natawa sa sinabi niya. "Ang yaman pala ng pamilya mo. Ba't di mo sinabi sa 'kin? Malaki ang sweldo ko. Parang isang buwan akong nagtrabaho."

Hindi lang siya umimik. Nanibago ako dahil wala siyang sali-salita nang magsimula siyang maglakad. Pumunta na nga kami sa isang malapit na bar at swerte dahil sa pinakadulo ay may available na pwesto. Kaagad kong pinagmasdan ang mukha niya nang nagpunas siya ng luha. 'Di talaga ako nasanay. I would rather see her mocking me at 'di 'yong ganito na sobrang nakakabingi ang katahimikan niya.

"Hindi ko naman gustong ganito ang setup ng pamilya namin, e'!"

Hinayaan ko na lang siya dahil batid kong kailangan niyang mailabas lahat ng sakit ng dibdib niya. Naka-dalawang bote na siya kaya nagiging mabagsik na rin ang paraan ng pagsasalita niya.

"Kung isampal ko kaya sa kanila ang sweldo ko nang malaman nila na 'di lang laro-laro ang trabaho ko?!"

May mga luha pa rin sa mga mata niya at dinadaan na lang sa tawa ang lahat.

"You should talk to them kapag okay ka na," paalala ko sa kaniya at hinaplos ang noo niya. Malagkit na 'to dahil sa pawis kaya inipit ko na rin ang buhok niya para 'di siya mahirapan. "Halata naman na mahirap silang intindihin pero pamilya mo pa rin sila. Communication is they key sa situation niyo. Sabi ng Mama mo kanina, 'di ka na raw nagpapakita sa kanila--"

Tinulak niya ako at inuntog ang noo sa noo ko. Pinabayaan ko na lang at dinaan na lang sa pagsinghap ang lahat.

"Bangag ka pa? Baka iisipin pa ng mga no'n na kailangan ko ng tulong nila! Nah! Never!"

"Bakit? Hindi ba?" s-u-mama tuloy lalo ang timpla ng mukha niya dahil sa tanong ko. "Ang ibig kong sabihin ay 'yong mga utang mo. Kaya ba natin 'yon bayaran sa lalo't madaling panahon? At isa pa, karapatan nilang malaman ang nangyayari sa 'yo."

"Ano? Sasabihin ko sa kanila na kailangan ko ng pera?" Humalakhak siya. "Edi aakalain lang ng mga no'n na wala talagang kwenta ang trabaho ko!"

"Saan," lumanghap ako ng sapat na hangin, "mo ba ginamit ang ganoong kalaking pera? Hindi ako naniniwala na para lang 'yon sa mga bagay na gusto mong bilhin."

Natahimik siya at naiwan sa ere ang kamay na may hawak na bote. 'Di na rin siya makatingin sa 'kin.

"Ba't mo naman naitanong iyan?" Mapait siyang ngumiti.

Nang napansin na 'di niya na talaga kayang hawakan ang bote ay kinuha ko na 'to mula sa kaniya. 'Di ko na lang pinagtuunan ng pansin ang pagdaloy ng kung ano sa katawan ko nang hawakan ko ang kamay niya.

"It's a long story, pero ang mahalaga ay sa maayos naman napunta ang pera," sagot niya habang ang mga mata ay nakatitig sa kamay naming magkalapat. "Isa sa kamag-anak namin ang nagkasakit. She is not recognized as one of our family member because she pursued education. Tinago ng pamilya namin ang ganiyang kaliit na bagay."

Pinabayaaan ko siyang isandal ang sariling ulo sa dibdib ko. Kung ito ang magbibigay ng lakas sa kaniya, araw-araw ay ako na ang kusang yayakap sa kaniya.

"Hindi ko naman pwedeng basta na lang iwan relative ko na 'yon. She needed my help. We share the same principle in life. Pero, putanginang pamilya, ba't ayaw nilang tanggapin ang makakapagpasaya sa 'min?"

Humikbi pa siya nang humikbi. Grabe ang epekto ng mga luha niya sa 'kin. Kung pwede ko lang talaga 'to nakawin mula sa kaniya ay ginawa ko na.

"Liquor, plea...se," bulong niya sa 'kin at humigpit ang hawak sa bewang ko.

Sa wari ko ay dalawang oras na kaming nandito. She was drunk at gusto pa talagang maglasing. Pero sa huli ay nag-taxi na lang kami. The bad thing was 'di ko alam ang location ng tinutuluyan niya. Ni hindi ko na nga siya magising.

"Hmm, Jaxe! Nosoon ako?" halinghing niya mayamaya.

"Diyos ko!" ang naging reaksyon ng kapatid ko na nagising dahil sa ingay ng babaeng kasama ko. Nanlalaki ang mga mata niya at halatang galing sa malalim na pagtulog. "Si Ma'am, kuya, ba't kasama mo?"

"She's drunk," ani ko at hinubad ang polo saka marahan na pinahiga si Penny sa tabi ni Jave. Automatic na napatayo ang kapatid ko, Naghihintay ng sasabihin ko. Kahit naman Elementary pa ang kapatid ko ay ang pangit pa rin tingnan kung ipagtatabi ko sila ni Penny. Siguradong magwawala ang babae na 'to kung saka-sakali.

"Sana ay tinanong mo kung saan siya nakatira, Kuya," suhestyon ni Jave. "Or pwede ring bigyan mo na lang siya ng hotel room good for one night, 'di ba po?"

Umiling lang ako sa kaniya. Kung tutuusin ay pwede ko naman siyang i-drop sa hotel. Hindi naman masyadong mahal ang magagastos ko since bukas na bukas ay siguradong babalik na kaagad siya sa kaniyang ulirat. Pero ngayon ay talagang nalilito ako sa sarili ko. Gusto kong masiguro na ligtas siyang gigising.

"Ano nang plano mo, Kuya?" tanong sa 'kin ng kapatid ko.

"Kumain ka na ba?"

Napailing siya. "Tumikim lang ako ng milo."

"May binili akong kaldereta. Kumain ka na. Pasensya ka na kung masyado akong nagabihan." Pasimple kong kinumutan ang umuungol na si Penny bago pinaghandaan ng makakain si Jave. Siguradong gutom na gutom na ang bata na 'to. "Kumusta ang school?"

"I got the perfect score in our science quiz."

Ngumisi ako. "Keep it up."

Habang kumakain siya, hinanda ko na ang higaan naming dalawa sa sahig. Mas mabuti kung mag-isa na lang talaga si Penny sa kama para na rin maging matiwasay ang pagtulog niya. Ginamit ko na rin ang namataan kong karton para 'di masyadong malamigan ang likod namin ng kapatid ko.

"Lasing siya, 'di ba?" Tapos na pa lang kumain ang kapatid ko. 'Di ko namalayan dahil nawili ako kakamasid kay Penny. Hindi siya mapakali sa higaan at panay pa ang tawag niya sa 'kin. Tinangka ko nga siyang lapitan kanina pero niyakap niya ako kaagad nang mahigpit kaya nagdadalawang-isip na tuloy akong lapitan siyang muli.

"Oo, Jave, may problema sa pamilya kaya nagpakalasing."

"Ang ganda talaga ni Ma'am, Kuya. Bagay kayo."

Nakatanggap siya ng batok sa 'kin. "Aray. Nagsasabi lang naman ng totoo. "
Tumawa pa ang bata. "Teka, Kuya, 'di mo ba bibihisan ng bagong damit si Ma'am? Basang basa na ng pawis ang damit niya, eh."

Napalunok ako at nagkamot ng tenga. "Kailangan pa ba talaga 'yan? Mukhang... Okay naman na siya, ah."

Sa huli nag-volunteer siya na maghahanda ng maipangpupunas sa leeg ni Penny at ako naman ay naghanap ng damit na kasya sa kanya. Napaisip tuloy ako kung papano ko siya mabibihisan nang 'di siya hinuhubaran.

"Ako na lang ang magpupunas, tulungan mo akong palitan ang damit na suot niya," utos ko. Mas mabuti na nga lang 'ata kung si Jave na lang ang maghuhubad sa basang damit ni Penny. Punong-puno ng malisya ang utak ko na halos uminit na rin ng katawan ko sa tuwing nadadampi ang mga daliri ko sa balat niya.

"Tapos na kuya, pwede ka nang tumingin."

Gumaan ang dibdib ko at hinarap ko silang muli. Suot-suot na ni Penny ang damit ko. Bagay na bagay at kasya na kasya 'to sa kaniya

"Kuya, bakit ayaw mong tumabi sa kaniya? Eh, 'di ba, kapag magkarelasyon ang ibig sabihin ay pwede nang magtabi?" Humalakhak siya at kahit ganiyan siya ay batid kong alam niya naman na ang sagot sa tanong niya.

"Matulog ka na lang diyan." Pinalo ko siya sa pwet.

Bago ako tuluyang humiga katabi ang kapatid ko ay tiningala ko si Penny na stable na ang paghinga. "Good night, Penny. Salamat sa pagsabi mo ng problema mo sa 'kin."

Parating nag-sh'-share ng problema si Kim sa 'kin pero iba talaga ang epekto ni Penny sa 'kin. Mas magaan ang loob ko sa mga kwento niya. At higit sa lahat, kulang ang salitang 'salamat' dahil ngayong gabi pakiramdam ko mas lalo ko pa siyang nakilala.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Buong akala ko ay ako gugulat kay Penny, pero kabaliktaran pala no'n ang nangyari.

"Hello, Jaxe! Kumusta ang tulog mo? May hangover ka ba? Gusto mo bang humigop ng lucky me?" Maliksing Penny ang nadatnan ko. May pasayaw-sayaw pa siyang nalalaman habang hinahanda ang pagkain. Katabi niya naman si Jave na ginaganahan sa pagkakataon dahil may nag-s'-serve sa kaniya.

"Ikaw 'ata ang may hangover." Tumayo ako at pumunta sa gripo para maghilamos ng mukha. Magkatabi na tuloy kami at batid kong may nais siyang sabihin.

"Inalagaan mo ako kagabi..." aniya at bumuntong-hininga. "Kaya talagang babawi ako sa 'yo... Napagastos ka pa tuloy nang dahil sa 'kin." Sinilip niya ang mukha ko. "Kumain ka na. Ako ang naghanda ng agahan natin. Alam mo naman ako, makatao, makabansa."

"Anong oras ang start ng class mo?" Umupo ako sa tabi ni Jave. "Pwede ka naman 'atang um-absent muna ngayong araw--"

"Para saan? Naku, ni hindi nga ako nahihilo, bwhahaha! Papaano ba 'yan... Nagmumukha na akong astig nito."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top