KABANATA 6

"Tayo lang?"

Tanong iyon ni Penny kay Richard. Tumayo na ako at wala nang pakealam sa sasabihin nilang dalawa. The music started, and the dancers again gathered. Pre-occupied ang utak ko sa 'di malamang dahilan kaya kapag may nagtatanong na 'di makuha-kuha ang simpleng instructions ay nagagalit na kaagad ako.

Richard noticed it, and I apologized for being unprofessional. Wala na si Penny pero naiirita pa rin ako sa kaniya, lalo na sa pagpunta niya rito. She should have met Richard in other place at 'di rito since this a workplace, not a dating place.

"Okay ka lang?" tanong ni Richard sa 'kin. I wanted to thank him for treating the dancers good but my ego could not accept the fact that this was the first time I got irritated to the bone. "'Di ba may trabaho ka mamaya? Gusto mo bang sumabay sa date namin ni Penny kapag tapos na ang trabaho mo?"

At ano'ng magiging papel ko kasama sila? Third wheel? Alalay?

"Mukhang alam ko na ang problema mo, kailangan mo ng jowa ngayon din at-- woah -- easy!" humalakhak siya pero wala na 'yong humor nang tumayo ako at 'di siya kailanman pinansin.

Dito sa pinapasukan ko, si Richard lang ang tinuturing kong matalik na kaibigan, pero ngayon, pakiramdam ko gusto ko siyang suntukin sa mukha.

Kailangan ko na muna 'ata ng pahinga. Hindi pwedeng mataas ang pressure ng dugo ko lalo na mamaya sa sideline ko.

Penny: hindi mo ako pinansin kanina. alam mo na masakit yon sa pakiramdam? yon bang ang lamig ng hangin tapos marerealize mo na di ka talaga enough sa kaniya

Kumunot ang noo ko at mag-t'-type na sana nang maalala kong galit dapat ako kaya 'di ko na pinagpatuloy.

Kim: Ready ka na? Susunduin na lang kita mamaya sa apartment niyo

Ako: Salamat, Kim.

Kik: No problem!

Iba't ibang tao ang nakakasalamuha ko rito. Nakausap ko na rin ang sub ni Kim kaya medyo gumaan ang loob ko.

"Man--!" sigaw ni Richard sa 'kin "-- may date kami ni Penny mamaya. Ayaw mo talagang sumama?" Hindi pa rin nababawasan ng enerhiya ang katawan niya. "Galit ka ba sa 'kin o sa babaeng 'yon o sa 'ming dalawa o talagang galit ka sa mundo?"

Galit ako sa sarili ko.

"Sa susunod na lang ako sasama sa inyo. Marami pa akong gagawin. May sideline pa ako, 'di ba?"

"P'wede namang sumama ka sa ami--"

"Ayaw ko. Date niyo 'yan."

"Pero, Pre, 'di ako sigurado kung magiging komportable siya kung ako lang ang kasama niya. Babae siya, lalaki ako."

Naiintindihan ko ang pinupunto niya.

"Magpasama ka kay Giselle."

"Agay ka! Hindi p'wede 'yon! Dapat lalaki at baka akalain niyang babaero ako kung babae ang isasama ko!"

Bumuntong-hininga ako. "Dalhin mo siya sa maraming tao para komportable siya. Ipakita mo rin parati na interesado ka sa mga sinasabi niya. May iba siyang kinukuwento na 'di kapani-paniwala pero dapat hayaan mo lang siyang magkuwento."

Katahimikan...

"Woah! Dami mong alam, ah! Salamat!"

At kumaripas siya ng takbo.

Bumalik ako sa trabaho nang lutang na lutang pa rin. Pakiramdam ko ay nagsisisi ako. Pero bakit naman? Wala naman akong dapat na pagsisihan, ah.

"'Yong account mo, Ser, daming posts from your fans, anong masasabi mo?" sabi ni Christine noong nakita niya ako. Syempre, wala akong alam sa sinasabi niya. Nag-o-open lang naman ako ng account para mag-check ng messages at 'di na pupunta sa profile, unless needed.

"May alam ka bang trabaho? Pang-sideline sana."

Noong nakaraang buwan kasi ay may isa siyang ni-recommend sa 'kin at malaki rin ang naitulong no'n. A job for one day lang 'yon at nagbigay lang ako ng flyers sa mga tao para i-promote ang isang product. Maganda ang kinita ko ro'n kaya nagbabaka sakali akong may maitutulong muli siya sa 'kin.

"Syempre naman! Ikaw pa! Maraming bagay na trabaho sa 'yo, eh, no! Ba't 'di ka pa kasi tumigil sa pagiging dance instructor... pwede ka naman maging product promoter, full-time, mas malaki pa ang sweldo?"

Naisip ko na rin 'yan. Pero mas mahal ko ang pagsasayaw higit pa sa kung ano mang trabaho, kaya 'yon nga ang dahilan kung bakit gusto ko pang magtagal sa trabaho na 'to, nagkataon lang talaga na kailangang-kailangan ko ngayon ng pera.

"Mahal kong Jaxe, kailangan ko talaga ng dalawang tao para sa promotion na 'to since 'yon ang sabi sa 'kin ng manager ng bagong bukas na restaurant. Kung may kakilala ka, p'wede mo na rin siya i-invite."

"Kailan pala 'yan?"

"Next tomorrow. Day-off mo 'yon, 'di ba? So, arat na, bebe ko!" Bahagya akong umiwas sa kaniya dahil todo ang paglapit niya sa 'kin.

"About sa kasama ko... Pwede ba kung babae?"

"Basta magaling sa marketing... Alam mo na, sales talk, mga ganiyan. And madaldal para kabog ang masa, ganoon!"

"May kakilala ako. Si Penny."

"Pussy?"

"Penny," pag-uulit ko. "Madaldal ba kamo? Edi pwede siya."

"Familiar ang name. Ah basta, may tiwala ako sa 'yo! Ikaw nang bahala! Ibibigay lang ng manager ang flyers."

Tumango kami at siya ang unang nagpaalam. Gusto ko na sanang i-text si Penny about sa bagong racket namin pero ayaw ko naman siyang gambalain dahil siguradong naghahanda na 'yon ngayon para sa date nila ni Richard. Baka iba pa ang isipin noon.

Nag-commute muli ako. Naabutan ko si Jave na nag-aaral at 'di ko na kinausap pa para 'di ma-distract.

"Saan ka, kuya?" aniya nang mapansin na iba na ang suot ko. "Gwapo natin, ah. May date?"

"Trabaho."

"Ay, weh."

Sinamaan ko siya ng tingin.

'Di nagtagal ay dumating na si Kim. Dala niya ang sariling sasakyan.

"Wala ka 'ata sa mood?"

Umayos ako ng upo. "Wala 'to."

"Limang oras lang pala ang event. Sanay ka na rito kaya hakang-haka mo na 'to." She smiled cheerfully at me. "Fighting!"

'Di na sumama sa 'kin si Kim at okay naman na sa 'kin 'yon. Mas focused ako sa okasyon at kung gaano ito kagrande. Mukhang malaki-laki nga ang kikitain ko rito. Hindi na ako makapaghintay pa...

"Mr. Villanueva, ikaw ba 'yong isa sa mga ni-suggest ni Kim?" isang babae na mukhang organizer ng event. "So, pumunta ka na lang doon sa kitchen dahil naroon na rin ang ibang mga kasamahan mo. Mabilis lang ang event na 'to pero dapat walang papalpak. Kahit gwapo ka pa, wala akong sinasanto."

Nagtawanan kaming dalawa, at sinunod ko 'yong sinabi niya. Sanay na sanay na ako sa ganito -- ang maglakad-lakad habang sinisigurado na ang bawat guest ay may hawak na wine.

Napaka-elegante rin ng mga tugtog. Halatang mayayaman talaga ang mga nakapalibot sa 'kin ngayon.

"Hello, everyone, thanks for coming in here tonight..."

Napatingin ako sa stage nang may magsalita. Isang matangkad na ginang ang nakita ko. Pamilyar siya sa 'kin pero 'di nga lang mabanggit ng dila ko. May kahawig talaga siya.

"Penny," bulong ko nang makita ang isang babae na nakatanaw lang sa ginang na kamukha niya. Hindi imposible na magkadugo sila pero syempre marami pa rin akong pagtataka. Papaano nangyari? Ang ibig kong sabihin ay bakit tila walang plano si Penny na magpakita?

Kung 'di ko nga lang kabisado ang itsura niya ay baka 'di ko nga rin siya namataan dahil nga sinadya niyang magpatabon sa ibang guests.

Nilapitan ko na siya. I hugged her waist and she seemed so surprised at my movements. Dinaan ko na lang sa tawa ang lahat. Sadyang... Gusto ko lang talagang pagaanin ang loob niya.

"Jaxe?" bulong niya, nanlalaki ang mga mata, pinagmamasadan ang suot ko. "Alam ko naman na magiging waiter ka pero bakit sa event na na 'to?"

"Ano namang meron?" I threw my lopsided grin. "Ayaw mo bang makita ko ang iyong ina?"

Mas lalo siyang naging problemado. "'Wag mo nang dagdagan ang iniisip ko, jusko. Gwapo ka pero 'di ka dapat t-in-o-tolerate."

Tumaas ang kilay ko nang may naalala. "Nasaan pala si Richard?" I thought they were dating? Akala ko ba ay ginagawa na ng kaibigan ko ang mga payo na sinabi ko sa kaniya kanina. "At bakit ayaw mong magpakita sa Ina mo? Hindi mo ba siya na-mi-miss?"

Iba talaga 'ata ang buhay na kinagagalawan namin. Dahil ako itong malayo sa ina pero kayang gawin ang lahat makasama lang siyang muli samantalang siya ay 'di na masukat ang lapit sa kaniya ina pero ayaw pa rin makipag-usap.

Naging malungkot lalo ang mga mata niya. "'Wag mo na lang akong tanungin, Jaxe, dahil makikita mo lang akong iiyak sa unang pagkakataon." Pinagmasdan niya ako. "Gusto mo bang tulungan kita sa trabaho mo? Alam mo naman ako-- generous, helpful, mapagmahal, ganoon."

"Kaya ko na 'to. Salamat." Saglit lang ako lumayo sa kaniya para gampanan ang sariling trabaho, pero siya lang ang laman ng isip ko buong oras. Mukhang may 'di pagkakaintindihan 'tong si Penny at Ina niya. At hinihiling ko na kung ano man 'to ay sana magkaayos na rin sila.

"I am sorry, everyone, it's just that, I can't help but to feel emotional..." Nang narinig 'yon ay napatingin ulit ako sa babae sa stage, nagpupunas na 'to ng luha. "It's my birthday today yet I never saw my daughter, Penny Romero."

Ako lang ang napabaling kay Penny dahil ang galing niyang magtago, pero bagaman ganoon ay nahuli ko siyang umalis. Hinabol ko siya sa pathway ng hotel hanggang sa narating namin ang reservation area pero 'di pa rin siya tumitigil.

"Penny," I called her "can we talk?'

"Ha? Para saan? Uuwi na ako!" Nagkunware pa siyang tumatawa. I walked near her and put enough distance between us. Mas lalo kong nakita ang pag-alon ng dibdib niya. I was not used to see her like this. Mas gugustuhin ko pang parati na lang siya madaldal kaysa sa ganito -- malungkot, umiiyak. Pakiramdam ko ay responsibilidad ko talaga siyang tulungan dahil ako lamang ang nakapansin sa presensya niya.

"I was born from a family of lawyers, Jaxe..." bulong niya at sinandal ang sarili sa pader. Pareho kaming walang pakealam kung may mapatingin man sa 'min o wala. "Syempre, gusto rin nila akong maging tulad nila. Ayaw nila na pumunta ako sa ibang landas. Pero ayaw ko, gusto kong maging guro, at 'yon ang naging simula ng kaguluhan sa masaya naming pamilya."

"Marangal na trabaho ang pagiging guro," komento ko dahil 'yon naman talaga ang totoo.

"Sa paningin ko, sa paningin mo, at sa paningin ng iba, oo, pero para sa mga kamag-anak ko, hindi."

Hindi ko ugali ang magbigay ng payo. Kung si Kim nga ay may problema ay bahagya ko na lamang 'yon na tinatapik. Pero ngayong si Penny na naman ang malungkot, tila aktibo ang sistema ko.

"Mga magulang sila, ang gusto ng mga anak nila ang magpapasaya sa kanila," bigkas ko at binigyan siya ng tapik sa balikat. "Have you heard her voice earlier?" She has missed you a lot base sa pananalita niya kanina. Gusto ka na noong makita."

"They're disappointed at me."

"No, hindi, ikaw lang ang nag-iisip niyan."

"H-How sure are you?" she stuttered. "And how do you say so?"

"Dahil napagdaanan ko na rin iyan. Palagi kaming 'di nagkakasundo ni Mama kaya masasabi kong kilala ko na ang ugali ng mga magulang. They love their child so much."

Lumaganap ang sandaling katahimikan.

"... At isa pa, you need their help, karapatan din nilang malaman ang nangyayari sa 'yo," makahulugang sabi ko, pinapapaalala ang mga banta na natatanggap niya galing sa mga pinagkautangan niya. "Maraming mga bata ang wala nang mga magulang kaya 'wag mong sayangin ang mga pagkakataon na makasama mo sila."

Habang kausap ko siya, naaalala ko si Mama. Ang mga away namin noon na kailangan talagang intindihin ng bawat isa para muling magkaayos.

"Hindi ka ba nagulat?" Pahina na ng pahina ang boses niya. "I mean, mayaman ang pamilya ko... Magbabago ba ang tingin mo sa 'kin?"

My casual smile appeared. "Ikaw pa rin ang Penny na kakilala ko -- ang makatao, makaDiyos, makabansa at makakalikasan na Penny."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top