KABANATA 5
"Wala akong ibang pagpipilian."
Sabi ko, at tinalikuran na siya. Tama naman siya ng sinabi, siya ang unang babae na nakapasok sa apartment na 'to, maliban kay Kim, syempre, since 'yon ang palaging nag-re-remind sa 'kin kung may alam ba siyang pang-sideline.
"Hindi sumagot! May pagtingin ka sa 'kin, 'no?!" tili niya. Kahit nakatalikod ako sa kaniya ay naramdaman ko ang paglapit niya sa 'kin kaya napahakbang ako nang wala sa oras.
"Woy, chill! Iinom lang!" halakhak niya, nasa tabi ko na. Kumuha siya ng tubig sa maliit na pitsel habang nakangisi. Nagtagal ang tingin ko sa kaniya at sa huli ay napabuntong-hininga na ako. 'Di ako sigurado kung kaniya bang magugustuhan ang lasa ng tubig na galing sa gripo. Ang ibig kong sabihin ay baka nasanay siya na mineral water ang iniinom.
"Tubig-gripo?" tanong niya, wala naman akong mahimigan na pang-iinsulto sa boses niya. "Kaka-miss rin pala. Napapaitan ako sa mineral water, eh. Kung 'di lang talaga ni-advice na 'yon ang inum-in ko noong nagpa-check up ako ay ito pa rin sana."
"Ahhh, alam mo ba ang alamat ng tubig?"
Tumaas ang kilay ko sa kaniya. Meroon bang ganoon?
"Syempre, meron, gago!" halakhak niyang muli. "Noong unang panahon, may isang babae na nagngangalang "Water"..."
Buong buhay ko, ang dami ko nang narinig na mga alamat na kung ano-ano pero tubig? Hindi talaga ako sigurado.
"... So ang nangyari kay Water is nabasa siya noong umulan! Nakakatakot, 'no?"
Habang nagsasalita siya ay parang bata lang ako sa harap niya. Naiisip ko na tuloy siyang ganito kapag kaharap niya ang mga bata.
"... Haha, 'tapos... Mabuti na lang may pumayong sa kaniya, lalaki ito at ang pangalan ay "Umbrella"."
"Nagbibiro ka ba?" Kumunot ang noo ko.
"Hindi! Totoo 'to! Sa 'ayun na nga, nagkakilala sila at nabuntis si Water."
Nabuntis kaagad? Paano nangyari 'yon?
"Iniwan siya ni Umbrella because he was not ready na mag-commit."
Napasentido ako.
"And guess what? Bumalik si Umbrella. Pero, kasama na ang fiance niya!"
Jesus, tulungan mo nawa na mag-isip nang matino ang isang 'to.
"Tapos?" hindi ko mawari kung malapit na ba akong mahimatay o ano.
"'Tapos... Nasaktan si Water hanggang sa naisipan niya na mag-revenge! Pero, naaksidente siya, eh, so ayon namatay ang baby sa tiyan niya!"
"Alam mo... 'Di 'ata alamat 'yan."
Nanlaki ang butas ng ilong niya. "Ako ang batas! Shut ups!" Huminga siyang malalim at umupo ulit sa kama. "Namatay si Umbrella."
"Woah, ang bilis naman?"
"Namatay na rin si Water."
"Anong dahilan ng pagkamatay nila?"
"Dysmenorrhea." Malungkot siyang ngumiti. "It's really a tragic story. I feel it. Ouch, I feeel it."
Nahuli niya akong natatawa kaya masama na ang timpla ng mukha niya. "Hindi mo sineryoso?"
"Seryoso ako. Ewan ko na nga lang sa sinabi mo."
"Totoo 'yon!"
Okay.
"Oh, kapatid mo nandito na!"
Napatingin ako sa pinto. Ang aga 'ata ng uwi ng kapatid ko. Syempre ay inaasahan ko nang magugulat siya. Nagtagal ang tingin niya kay Penny kaya kinuha ko ang sando niya na nasa tabi ng lamesa at hinagis patungo sa mukha niya.
"Ma'am," aniya, gulat pa rin.
"Magbihis ka na," kaswal kong sabad.
"Hi, Jave, may shota ka, 'no?" Natikom ni Penny ang sariling bibig. "Sorry. Pasmado."
Kumunot naman ang noo ng kapatid ko at normal lang na lumapit sa lamesa.
"May nobya ka na?" tanong ko na kaagad sa kaniya.
"Wala!" aniya at napatingin kay Penny na panay ang iling. "Wala nga akong crush. Jowa pa kaya?"
Ngumisi ako. Mukhang fake news ang sinabi ni Penny sa 'kin. Kilala ko ang kapatid ko at madali siyang basahin kapag nagsisinungaling. Bumaling ako kay Penny. Nagtatago siya ng tawa. Sinasabi ko na nga ba... Na-scam na naman ako ng babae na 'to.
"Bakit po pala kayo magkasama ni Ma'am?" tanong sa 'kin ni Jave at kumain ng pandesal bago kumuha ng libro at nagbasa. "Girlfriend mo, Kuya?"
"Ahem ahem!" si Penny. "Wala akong gusto sa Kuya mo! Tumahimik ka, ha."
"Talaga?" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Oo!"
"Kuya, may load ka? Tatawagan ko si Mama." Nilahad ni Jaxe ang kamay niya. Binigay ko sa kaniya ang phone ko. "Sasabihin ko sa kaniyang mamanhikan ka na next month."
"Hoy!" si Penny. "Writer ka? Writer?"
"Joke lang, mangangamusta lang naman. Anyway, kuya, maaga ako ngayon since half day lang ang class namin. Sana sinabi mo na 'wag na lang muna umuwi dahil may kasama ka pala rito." Ngumisi sa 'kin si Jave at lumabas nang apartment.
"Don't mind him." Nahuli ko siyang nakatitig na naman sa 'kin. "Hindi mo ako gusto sa lagay na 'yan?"
"Masama bang tumingin?" Humalukipkip siya. "Kailangan ko na 'atang umalis. May gagawin pa ako. Alam mo naman ang buhay, 'di lang isang gawain ang kailangan mong tapusin. 'Yong iba nga mas marami pang ginagawa kaysa sa 'kin, eh. Kaya 'di na dapat ako magreklamo kung magiging busy rin ako."
Siya rin ang hiningal sa haba ng kaniyang sinabi. "Bye na talaga. I-cha-chat kita mamaya, ha!"
Napabuntong-hininga ako nang umalis na nga siya, kasabay noon ang pagbalik ni Jave.
"Anong nangyari?" tanong ko, pansin ko ang panlulumo niya.
"May lagnat pala si Mama ngayon--"
"Pahiram ng cellphone."
Mayamaya ay kausap ko na naman si Mama.
"Huwag mong sasabihin sa Kuya mo ang tungkol sa 'kin, Jave. Mag-aalala na naman 'yon. Okay naman na ako ngayon, anak, kaunting sinat lang 'to." Umubo siyang muli.
"Uminom ka ng gamot, Ma."
Natahimik ang kabilang linya.
"Jaxe.."
"Magpagaling ka, Ma. Kung kailangan niyo ng pera magpapadala ako ngayon din--"
"Anak," tawa niya. "Parang 'di ka naman na nasanay. Palagi na akong ganito kaya nasanay na ang Mama mo."
'Yon na nga ang kinakatakutan ko. Parati na lang siya nilalagnat kagaya noong dati na magkasama pa kami.
"Balak kong umuwi riyan, Ma." Para maalagan ko siya.
Hindi ka naman maghihirap sa probinsya kapag masipag ka at 'di maarte sa trabaho.
"Oh, siya, o siya, at baka masyado na kitang nadidisturbo," sabi niya at biglang pinutol ang tawag. Napaawang ang bibig ko at walang ibang nagawa kundi tahimik na mag-alala. Sa oras na matanggap ko na ang sweldo ko bilang pagiging waiter, kaagad akong magpapadala kina Mama.
"Oh, Kuya, balak ko palang magtrabaho bukas ng gabi sa palengke. Tagakarga ng mga sako." Bumungad si Jave sa 'kin. "Hindi naman 'ata masyadong mabibigat ang mga 'yon at kayang-kaya pa ng muscles ko "
"Ako na lang ang tatrabaho niyan." Hindi pa naman sanay sa trabaho ang isang 'to. Ang tangi niya nga lang ginagawa rito ay maghugas at magwalis. Sakitin siya kagaya ni Mama kaya todo ingat ako sa kaniya. "'Wag nang matigas ang ulo. Matulog ka na lang dahil siguradong puyat ka dahil sa klase."
Nagmamaktol siyang humiga pero sa huli ay kaagad ding nakatulog. Tumunog ang phone ko, at walang gana ko 'tong kinuha.
Penny: naxa kabilang street ang location... may pinapaupahan don. snd ko syo ang pic.
At may picture ngang tumambad sa paningin ko.
Ako: Am I joke to you?
Napasentido ako. Picture niya naman pala ang s-in-end sa 'kin. Naiinis ako dahil napakanipis ng damit na suot niya.
Penny: ay hala sorry, pasmado. Charing, wrong send lang po.
Ako: Palagi ka bang ganiyan? Papaano kung sa iba mo 'yon na-send?
Hindi na ako nakatanggap ng reply matapos noon. Inaasahan ko pa naman na magdadaldal siya.
Kinabukasan, napakagaang bumisita ni Kim, dala-dala ang isang plastic bag at alam ko na ang laman nito.
"Here's your uniform, Jaxe. Sigurado akong kasya 'yan sa 'yo."
Tahimik akong ngumiti. Hanggang ngayon nag-aalala pa rin ako kay Mama.
"Don't worry, mataas magbigay ang mga amo mo mamaya since mayayaman. Expect 10k or above."
Halos lumuwa ang mga mata ko.
"Ganoon kalaki? One night lang..." Ngumuso ako. "Mabuti na rin, para may maipadala na ako kay Mama."
Ngumiti siya. Nakasuot pala siya ng white jeans at black jacket. Matangkad na matangakad siya sa porma niya. "Do you need money? Baka gusto mong mangutang sa 'kin?"
Gusto ko sana, pero ayaw ko naman na i-take advantage ang pagiging magkaibigan namin. Bilang lang sa daliri kung siya ay humiram samantalang ako ay napakaraming beses na.
"Salamat. Pero kaya ko na 'to."
Tinapik niya lang ako at nagpaalam na.
Penny: good morning hahahahahahaha.
Ako: good morning, too.
Nag-commute muli ako kagaya ng nakasanayan. At bigla ko na namang naalala ang tungkol kay Penny at sa utang niya. Jesus... Ba't puro na lang kamalasan ang nangyayari sa 'kin.
Penny: nasa trabaho na ako. feeling ko sobrang ganda ko habang nagtuturo, hehe.
All right...
"Oh, ba't ang tamlay mo 'ata ngayon?" si Richard at inabutan ako ng isa pang towel. Ilang sayaw pa ang nagagawa namin at may ten-minute break kami. "Anyway, may sasabihin pala ako sa 'yo. I am thankful dahil sa 'yo nakilala ko si Penny. Yesterday, nag-chat siya sa 'kin. Nakows, Pre, nakaka-inlab pala 'yon ka-chat!"
"Ah..." Ngumisi na lang ako.
"Jaxe! I have a gift for you!" Biglang dumating si Giselle. "Ako mismo ang may gawa nito! Tikman mo na ako este tikman mo na 'to!"
"Salamat dito." May mango float kasi siyang nilalahad. Tinikman ko at masarap naman, tama lang ang tamis. "May kapalit ba 'to?"
Ayaw kong magmukhang masungit pero ganito siya parati, eh, sa tuwing may binibigay siya ay may pinapagawa. Ayaw ko naman tanggihan dahil nakaka-baba 'yon ng pride.
"Punta tayo sa bar!"
Napa-iwas ako ng tingin. "Pass." Duwag na kung duwag, pero ayaw ko sa mga ganoon na lugar. Masyado akong conservative para mag-party sa ganiyang lugar.
"Ay, eto naman! Palagi ka na lang kasi stress sa trabaho!"
"Hoy, bruha, 'wag ka ngang namimilit diyan!" Sinapak siya ni Christine na bago ring dating. "Ang dugyot mo tingan, pangako!"
Inawat na sila ni Richard. "Girls, igop naman ako, ako na lang pag-agawan niyo."
Umaktong nasusuka ang dalawang babae.
Oo nga naman, gwapo si Richard at maganda ang pangangatawan.
"Joke lang, baka magselos si Penny ko!" ngiting-ngiti na sabi ni Richard mayamaya.
"Penny? Pussy?" Tumaas ang kilay ni Giselle.
"Tanga! Anong pussy? Penny nga! Pangalan ng babae!" pagtatama sa kaniya ni Christine.
"Kaya nga, babae, edi may pussy!"
Kamuntikan na akong mahilo sa usapan nila.
"Start the music," walang gana kong sabi para tumigil na sila kakasalita.
"Basta mahal ka namin, Jaxe!" pahabol ng dalawang babae sa 'kin. Tumango lang ako at may namataan na nakatingin sa 'kin. Akala ko ba nasa trabaho siya?
"Teacher ng buhay ko!" tawag sa kaniya ni Richard. "Sinasabi ko na nga ba na 'di mo ako matitiis! Para sa 'kin ba 'yan?"
"Eto?" Pinakita ni Penny ang dalang Tupperware. "Hindi, 'no, kay Jaxe 'to."
"Aw, sakit naman sa apdo! Don't tell me you're making me jealous?" pag-d'-drama ni Richard. Mukhang totoo na nasasaktan ang kaibigan ko. Sarap kausapin nitong si Penny para matuto ring makiramdam.
"Akala ko nagtuturo ka ngayon?" bungad ko sa kaniya. She's wearing her teacher uniform kaya naninibago ako. Naka-heels pa siya kaya mas lalo siyang tumangkad.
"Recess time ng mga bata ngayon. May thirty-minute break kaya pinuntahan na kita rito. Alam mo naman ako, maalalahanin, tumatanaw ng utang na loob, makatao, makabansa, makakalikasan."
Tumawa ako, at doon siya natigil sa pagsasalita. Tumikhim pa siya.
"Oh, Richard, kainin niyo nang sabay ang pansit na 'to. Para talaga 'to sa inyong dalawa, eh, alam niyo naman ako, parating nag-aalala, may puso.. ganoon, alam niyo na..."
Parang batang umakbay si Richard at nauna nang kumain sa 'kin. Samantalang nakatulala lang ako hanggang sa nakayanan ko na rin siyang tanungin, "papaano ka? Kumain ka na ba?"
Pumalakpak lang siya at bumungisngis. "Don't worry, boys, tapos na akong kumain. Bawal na 'di kumain dahil kailangan ko ng lakas sa pagtuturo, 'no. Hindi lang naman 'to para sa sarili ko, para na rin 'to sa mga estudyante ko."
Another explanation.
"Sana bumalik ako pagkabata tapos ikaw magiging teacher ko," komento ni Richard.
"Edi, bawal maging kayo kasi nga bata ka pa," pagsasabay ko sa usapan.
"Oo nga, 'no?" Napalabi siya at tumingin kay Penny. "Date tayo mamayabng gabi? Libre ko. Game?"
Nagtagpo ang mga namin ni Penny.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top