KABANATA 4

"Hi, pwede pa-picture?"

Kulang na lang ay mapamura na ako nang sunod-sunod na mga babae ang lumapit sa 'kin. 'Di ko talaga 'to inaasahan. At talagang wrong timing ang paglapit nila sa 'kin ngayong may kailangan pa akong gawin.

"Excuse me, girls," bulong ko sa paraan na 'di sila masasaktan, pero imbes na padaanin ako ay mas lalo pa silang tumili. 'Yong tila ba may nakakakilig sa itsura ko kahit wala naman talaga.

Suminghap ako. Hindi pwedeng magtagal ako sa posisyon na 'to. Kailangan ako ni Penny. Kahit na nakakairita ang babae na 'yon ay ayaw ko naman 'yong mapahamak. Oo at matanda na siya para protektahan niya ang sarili niya, pero may kaba pa rin akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit. Pero malakas ang kutob ko na may kakaiba ngayon.

"Kuya, Facebook name mo? Ackk!" Pinakita sa 'kin noong isang babae ang phone niya. Ni-type ko na lang ang name ko search bar. "Kuya, last na, pwede ka bang sumayaw? Pang-tiktok lang sana namin! Ackk!"

Nagtilan sila at naghampasan ng mga bag. Tuloy ay nakahatak sila ng ibang mga babae na naging dahilan din para ni pag-urong ay 'di ko na rin magawa.

"Ilang video ba?" Nilunok ko na lang ang sariling laway. Dahil roon ay mas lalo silang nagsigawan. Ano na bang nangyayari sa mundo ngayon? Bigla-bigla na lang sila nagiging agresibo.

"Sampu sana!"

Nanlaki ang mga mata ko. Nagkamot ako ng ulo at suminghap. Ganoon karami?

"Sige na, Kuya! Debut ko na next week! Wala kang regalo sa 'kin kaya ito na lang sana!" pangungulit noong isa. May ibang sinisipa siya dahil gusto nila na sila lang ang nakahawak sa 'kin. Lumingon ako sa paligid. Hingang malalim. Ano namang silbi ng mga binti kung hindi ako tatakbo? Kaya... Isa... Dalawa... Tatlo! Kumaripas ako ng takbo at dahil sa mahahaba ang mga binti ko ay nakawala ako sa kanila!

Naks! Para tuloy akomg bumalik sa pagkabata noon, ha!

From Richard:
Ano na, Pre? Nakita mo na ba?

Ako:
Hindi pa.

Baka ay umalis na ang babae na 'yon. Pero kung tama nga, ba't di na lang kasi siya nagpaalam sa ka-date niya? Buhay nga naman, oh.

"Hi can I ask something?" Isang lalaki na malalaki ang pangangatawan ang sumalubong sa 'kin. Same lang naman ang tangkad namin. Ang pinagkaiba nga lang namin ay siya at ang mga kasama niya ay naka-unipormeng pang-bodyguard.

"Sure. What is it?"

"We are looking for a girl whose face is this. Have you seen her?"

Tumaas ang kilay ko nang makita ang mukha ni Penny sa picture na lahad-lahad ng lalaki sa 'kin. May hula na ako. Sila 'ata ang mga dahilan kaya wala ngayon si Penny sa paligid. Pero teka nga lang muna, sino ba ang mga mukhang dayuhan na 'to?

"Sino pala kayo?"

Hindi nasagot noong isa ang tanong ko kasi may binulong sa kaniya 'yong katabi niya sa kaniya. Iniwan nila akong nakalutang pa sa hangin ang kamay at hawak ang picture ni Penny.

Tingnan mo nga naman, sa sobrang pagmamadali noong mga taong nakausap ko kanina ay nakalimutan pang kunin 'tong picture na 'to.

Pero ang mas mahalaga ngayon ay may ideya na ako.

Sinundan ko sila. Hindi ako nagpahalata dahil alam komg matalas ang pang-amoy nila. At 'di nagtagal ay nakita ko 'yong kausap ko na hawak-hawak si Penny. Bigla akong lumapit sa kanila. Dahil sa magkasingtangkad lang kami ng lalaki at madali ko siyang napalayo sa babae. Ano ba'ng meron sa mga tao na 'to? Matiks at kanina pa sila sa misteryoso sa paningin ko!

"Jaxe," bulong ni Penny. "Paalisin mo nga ang mga 'yan! Ang babaho nila!"

Nagtiim-bagang ang mga kaharap kong lalaki.

Kahit pala sa kung anong sitwasyon ay ganito pa rin ang pag-uugali ng babae na 'to. Wala na tuloy akong masabi...

"May utang ang babae na 'yan kay boss. She is being warned again and again but she still never pays her debt."

Sumakit ang ulo ko sa salitang 'debt'. Grabe na talaga ang babae na 'to. Masyado nang halata na mukha talaga siyang pera.

"P'wede pa naman 'ata natin 'tong pag-usapan nang maayos. Magkano ba lahat ang utang ni Penny sa inyo?" tanong ko.

"Babayaran mo?" nag-heart-heart pa ang mata ng babae.

"Utang mo, bayaran mo."

Umirap siya sa 'kin. Ngayon ko lang din namalayan na nakahawak pala siya nang mahigpit sa t-shirt ko. Para siyang bata na ayaw maligaw.

"500,000 pesos ang utang ng babae na 'yan. Limang taon na ang nakakaraan pero 'di pa rin nakakabayad," napamasahe ako sa sintido dahil sa narinig. Sana naman ay nag-downpayment na lang ang babae na 'to. Professional siya at kada buwan ay may sweldo naman siya kaya dapat ay mabayaran niya lahat ng utang niya.

"Pero hindi ako sasama sa inyo, 'no! Malay ko ba kung saan niyo ako dadalhin! Baka kunin niyo ang isang kidney ko! Ha! Don't me!"

"Tumahimik ka muna, Penny," saway ko sa kaniya at kinausap 'yong parang leader ng mga lalaking nasa harapan. "Ba't niyo pala siya hinahanap?"

"We want to have her payment. Pero sabi ni boss, kapag wala na naman daw maibigay ang babae na 'yan, ay sa kaniya na namin siya ipapaharap."

"See? Gusto talaga nila akong kidnap-in! Naku, Jaxe! Gumawa ka ng paraan!"

"Tumahimik ka muna, Penny. Pakiusap," saway ko muli sa kaniya. Papaano 'to ngayon? Mukhang 'di na talaga matitinag ang mga guards na 'to! At higit sa lahat, mas lalong hindi ko kayang bayaran ang 500, 000 na sinasabi nila. Awits na babae na 'to. Sana ay ginawa niya na lang one million ang inutang niya. Parang nahiya pa siya.

"Papaano kung 'di kami makabayad ngayon?" tanong kong muli.

"Kagaya ng sinabi ko, ipapaharap ko siya kay boss. Ilang taon na kaming naghihintay at panay lang ang sunod namin sa babae na 'yan. Gusto na nga 'yang ipapatay ni boss, eh!"

"Mga yawa pala kayo, eh!" Naging mabagsik sa likod ko ang babae. "Jaxe, turuan mo nga ng leksyon 'yang mga unggoy na iyan--!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kita na ngang nag-iisip ako para makawala na rin kami sa ganitong sitwasyon. Kailangang may gawin ako.

"Maaari niyo ba akong bigyan ng ilang buwan para mabayaran ko ang utang ni Penny?"

Katahimikan.

"Ako na ang nangangako. Babayaran ko kayo. Kung hindi ako tutupad sa usapan ay maaari niyo nang gawin lahat ng gusto niyo sa akin."

Nagkatinginan silang lahat, tila sinusuri pa ang mga pinagsasabi ko. "Siguraduhin mo lang talaga kung hindi ay ikaw na ang susunod na target namin. Isang gulo ang pinasukan mo."

Iniwan na nila kami. Himala at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. Siguro ay may kaunting pangamba naman akong nararamdaman. Pero mas lumalamang pa rin iyong ideya na natulungan ko si Penny. Kung hindi ako dumating at nagkusang akoin ang responsibilidad niya, kinakaladkad na siya ng mga lalaki na iyon.

"Putangina!" ang reaksyon niya habang sapol ang sariling bibig. Hindi siya makapaniwala, base sa expression niya. "Alam mo ba ang pinasok mo? Ha?! Para kang sumabak sa gyera nang walang dalang armas!"

"Ano ang gusto mong gawin ko? Hayaan ka na saktan noong mga lalaki na iyon?"

"Hala ka! Love mo na ako?!"

Napasinghap ako. Ang hirap naman magpaliwanag sa isang tao na magulo ang utak. "Dapat nga ay pasalamatan mo na lang ako. Bigyan mo na rin ako ng good luck."

Dahil simula ngayon, ano na ba ang gagawin ko para magkaroon ng 500, 000 kung kahit sa ilang taon ko na sa pagtatrabaho ay hindi nga ako nakahanap ng ganoon kalaking salapi? At, nalintekan nga naman, muntik ko nang makalimutan na kailangan ko pa pa lang magpadala ng pera sa probinsya. 'Tapos kasama ko pa si Jave rito sa Manila kaya dapat mabigyan ko siya kaagad kapag humingi siya ng pera para sa school requirements niya.

"So, ano nang plano mo ngayon?" ni walang bahid ng pagsisisi ang boses niya. When in fact parang ako pa nga ang sinisisi niya ngayon. "Saan ka makakakuha ng 500,000?"

Kung tulungan na lang niya kaya ako since problema niya naman ito?

"Ako nang bahala," sagot ko.

Nice, Jaxe. Sana talaga ay matupad mo ang sinabi mo roon sa mga guards kanina. Ihanda mo na rin ang sarili mo dahil simula ngayong araw ay kailangan mo nang maghanap ng maraming trabaho para kumita.

"Eto, oh," may nilahad siya sa akin.

100 pesos.

Bumuntong-hininga ako. Ramdam ko talaga ang kagustuhan niyang tulungan ako.

"Sa iyo na iyan," sabi ko at namulsa. Umuna na ako sa pagalalakad. Sira na ang buo kong araw. Hindi ko na nga mabili ang paborito kong sapatos dahil nasa utak ko ang pagtitipid pero ito lang pala ang mangyayari.

"Okay ka lang?" Nasa tabi ko na pala si Penny. Papunta na kami ngayon sa pwesto kung nasaan si Richard. Baka ay may extrang pera ang lalaki na iyon. Hihiram sana ako kung mero'n.

"Ingatan mo pa rin ang sarili mo. Hindi porke iniwan na tayo noong sumugod sa iyo kanina ay okay na ang lahat."

"Saan ka kukuha ng pera ngayon niyan?"

"Maghahanap ako ng paraan."

"Pero papaano kung wala kang mahanap na paraan?"

"Malabong mangyari 'yan. Maraming paraan sa mundo. Kaya ang mga iyon ang hahanapin ko ngayon."

"Char, kaya nga tanggapin mo na itong 100 ko para may maiambag naman ako. Don't worry, kahit dyosa ako ay may puso naman ako, 'no! Kaya, tutulong ako. Maghahanap ako ng maraming sideline. Ayaw ko naman na umabot sa punto na mapatay ka noong mga tao na iyon, edi magsisisi talaga ako nang todo highest level!"

Napatigil ako para mag-isip. "Wala ka bang ibang kakilala mo or kamag-anak na maaari nating malapitan para humiram ng pera?"

Hindi siya sumagot. May ginawa siya na naging dahilan para pagtawanan siya ng mga tao. May nakita kasi siyang isang mannequin na suot iyong isang summer dress. Parang ewan niyang hinawak-hawakan ang natatanging screen glass at kulang na lang ay halikan niya na ito.

"What are you doing?" matigas kong tanong sa kaniya. Hindi naman talaga ako nakaramdam ng hiya para sa sarili ko. Ang ayaw ko lang ay iyong marami ang pinagtatawanan siya. Hindi niya deserve iyon. Kung may matatawa man sa kaniya, gusto ko ay ako lang iyon.

"Nagpapapansin lang ako sa saleslady at baka maawa sa akin. Muntik ko na nga iyong ma-hypnotize, eh, kung hindi mo talaga ako hinila kanina!" Kahit na galit siya ay mahihimigan pa rin naman ang kasiyahan sa boses niya.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at may inalala. Magkano na nga lang ang natitira sa wallet ko?

"Gusto mo iyong dress kanina?"

Nakanguso siyang tumango.

"Balikan natin. Bibilhin ko."

Nanlaki ang mga mata niya. Hinila-hila niya ako para siguro malaman kung seryoso ba ako o hindi. Nang tinanong namin ang saleslady ay tag 500 pala ang dress. Ang mahal naman. Ilang ulam na sana ang mabibili ko nito. Pero sa huli ay binili ko ang dress, kaya 500 na lang ang natira sa one thousand ko. Balak kong ibigay na lang ito sa kapatid ko para siya na ang bumili sa talagang gusto niya.

"P-Para kanino yan?" gulat na gulat pa rin na tanong ni Penny. Muntik pa siyang mapa-split nang nilahad ko sa kaniya ang paperbag.

"S-Sa akin na talaga ito?!" Napalabi siya at niyakap ako. Nakita ko ang pag-ismid noong iba na pinagtawanan siya kanina. Right. Na-g'-guilty and at the same time ay naaawa lang talaga ako sa nangyari sa kaniya.

"Pero mag pamasahe ka pa?" Mabuti naman at marunong na rin siyang mag-alala. "Kung wala pa, ako nang bahala sa pamasahe mo! Libre kita!"

"Meroon pa naman," sabi ko sa totoo.

Sisiguraduhin ko talaga na 'eto na ang magiging huling beses na gagastos ako para sa babae na ito. Last na ang 500 pesos at 500,000-- ang laki pa pala ng utang ko!

Ang akala ko ay diretso na talaga siyang uuwi sa bahay nila, pero nasurpresa na lamang ako nang balak niya pang makita ang kapatid ko! Ang kwento niya ay madalas niya naman daw na nakakausap si Jave sa school, kaya buong biyahe ay patungkol lang sa kapatid ko ang topic namin.

"Achiever ang bata na iyon! 'Tapos palaging sumasali sa mga pageant. Ang bata-bata pa pero ang landi-landi na!"

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Charot lang! Hindi naman malandi ang kapatid mo na iyon, eh, maharot nga lang. Kasi alam mo ba? Ang daming naging nobya no'n!"

Nasurpresa na naman ako, dagdagan pa na panay ang talbog ng tricycle na sinasakyan namin dahil medyo mabato ang daan patungo sa amin. "Si Jave may mga nobya na?"

Pati siya ay nagulat. "Hala ka! So hindi mo pa alam? Lagots! Kawawa ka naman! Mabuti pa iyong kapatid mo mas magaling pa kaysa sa iyo!"

"Kakausapin ko iyon mamaya."

"Hoy, 'wag mong sabihin na ako ang nagsabi sa iyo!"

Tumango lang ako. Humanda talaga ang bata na iyon. Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na huwag na huwag siyang sasali sa mga ganiyan 'tapos ngayon ay malalaman kung hindi lang 'nobya', kundi may 'mga nobya' pala siya. Kapag napatunayan kong totoo ang hinala ko ay talagang isusumbong ko iyon kina Mama.

"Magkano rent niyo rito?" tanong ni Penny. Nasa loob na kami ng apartment namin. Malinis naman kaya komportable na akong makita siyang panay ang tingin sa kung saan. Sa ngayon ay nasa school pa si Jave. Basta mamaya sisiguraduhin kong matatanong ko siya at pipilitin na aminin ang totoo. Sa ngayon kailangan, ko munang i-entertain 'tong bisita ko.

"Alam mo, kung ako sa iyo, hahanap ako ng ibang apartment. Masyado kasi itong maliit! Dalawa kayo kaya no doubt na 'Untog here, Untog dito' ang buhay niyo," aniya at nagdekuwatro. "At, ano ba 'tong inuupan ko? Kama ba 'to? Bakit wala kayong room na naka-separate sa sala? Papaano na lang kung nakahubad ka 'tapos may bisitang dumating edi para na rin siyang nakanood ng porn?"

Naghanap ako ng isang shirt sa maliit naming aparador. "Mahal ang mga apartment na may separate rooms. Nag-iipon ako ngayon, so... Kailangang magtipid."

Dagdagan pa na kakasalo ko lang sa problema mo kaya wala akong ibang mahanap na solusyon kundi panindigan ang naging desisyon.

"Hindi kaya lahat! Marami akong alam na sulit sa bulsa pero hindi masikip kagaya nito! I-cha-chat kita kapag nakausap ko na iyong may-ari!"

Tumango lamg ako nang tipid sa kaniya. Kailangan ko na rin pa lang magsaing. Mabuti na lang at may rice cooker at gasol na kami rito. Nakamasid lang ang bisita ko sa akin habang nagluluto. Panay naman ang kwento niya sa isang apartment. Noong una ay komportable talaga ako sa lugar na ito dahil magaan sa bulsa, pero dahil sa sinasabi ni Penny, parang gusto ko na ring lumipat na lang sa ibang tirahan. Ang galing talagang mag-brain wash ng babaeng ito.

"May itatanong pala ako sa iyo, Jaxe."

Tumango lang ako habang nakatalikod sa kaniya.

"Ba't sa dinarami-rami ng mga magagandang babae, e', ako ang pinili mong papuntahin dito?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top