KABANATA 2

"'Wag na lang nga! Ang kuripot naman!"



Siguro ay sinabi niya na lang 'yon para makaalis na. Nakita ko kasing may nakausap siyang isa pang babae na hula ko ay kaibigan niya.



Pumunta na ako sa floor ko at naabutan ang marami na hinihintay na ako. Tagaktak na ang pawis ko pero 'di 'yon naging hadlang para 'di ko simulan ang trabaho.



Nagsimula sa isang simpleng dance music hanggang sa medyo naging mabilis na ang bawat steps. Minsan ay nilalakasan ko pa lalo ang boses ko para marinig ako noong nasa mga likuran. Ilang segundo na lang malapit nang matapos ang sayaw nang napanood ko ang sarili sa salamin. Napatingin ako sa braso at sa sariling dibdib at naalala 'yong babae kanina.



"Break muna," anunsyo ko. Kaniya-kaniya kaming kuha ng mineral water at walang kahirap-hirap kong naubos 'yong laman ng sa 'kin.


"Okay ka lang ba, Jaxe?"



Napaangat ako ng tingin sa babaeng malambing ang tinig sa 'kin. Tumango lang ako at bahagyang umurong para maintindihan niyang ayaw kong may humahawak sa katawan ko. Napayuko ako habang nasa magkabilang tuhod ang mga palad.



"Hoy, brad!" sigaw ni Richard. Nagtaka ako saglit dahil nandito siya. Sigurong sinundan niya lang ako.


"Ano?"


"'Yong babae kanina. . ." Ngiti-ngiti niyang ani sa 'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Maganda, ha. Pasok siya sa standard ko."



Muli kong naisip 'yong babae kanina. Tama. Pasok nga sa standards kuno ng Richard na 'to. Maganda, may katangkaran, maganda ang katawan at hindi mabait.



"Bagay kayo," natawa ako sa sariling sinabi. "Ligawan mo na!"



"Feeling mo sasagutin niya ako?" natotorpe niyang ani. Kanina-kanina lang kung kailan panay ang advice niya sa 'kin tapos ngayon ay ganito na siya. Hanep talaga. "Seryoso ako, Jaxe. Pakiramdam mo ba. . . May tyansa?"



"Oo naman," sagot ko, pinaglalaruan ang sariling dila sa loob ng aking bibig. "Basta't may pera ka."



Doon siya natigilan. "Bakit mo nasabi?"



Napailing ako. "Umutang 'yon sa 'kin kanina, Richard. 'Di ko nga lang napautang dahil wala rin naman akong pera."



"Okay na rin. Basta maging kami." Humalakhak siya at nakipag-high five. Pinagbigyan ko na lang at ayaw kong sirain ang mood niya. "Sayang at 'di ko nakuha ang number niya. Kahit pangalan man lang sana. Ikaw ba? Alam mo?"



"Mas lalong 'di ko alam."


"Babalik pa kaya 'yon dito?"



Nagpunas pa lalo ako ng pawis. "Siguro. Malaki ang tyansa. Hintayin mo na lang. 'Yong sinabi ko pala sa 'yo kanina. Ikaw na 'yong bahala sa papalit kay Kim. Bago pa 'yon dito kaya kailangan pa rin ng kaunting alalay."




"Oo naman. Ganado 'ata ako ngayon dahil malapit na ang sweldo. . . Ikaw ba? Ano'ng balak mo sa sweldo mo?"



"Ipapadala ko sa Probinsya."


"Na naman!"



"Oo. Anong mali roon? Pamilya ko naman sila."

.

"Sabi ko nga!" Tumawa na lang siya. "Treat yourself na rin! Maghanap ka ng ka-date at shotain mo na rin."



Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Ayaw kong gumastos. Kaya pass ako sa mga date-date na 'yan. Bukod sa mauubos ang pera ko ay masasayang lang din ang oras ko. Mabuti pang matulog na lang.



"Oo nga pala, brad! 'Yong mga babae pala ang unang nag-aaya sa 'yong makipag-date!" ani ng kaharap ko. "Swerte mo! For sure si Giselle aayain ka na naman!"



"Kahit pa 'ayain nila ako nang ayain, 'di pa rin ako papayag." Wala sa sarili akong napahiga at ginawang unan ang mga braso.



"Bakit naman ganoon? Ikaw na nga ang balak ilibre!"



"Aksaya pa rin ng oras. Mas may makabuluhang bagay pa kaysa sa pakikipag-date."



"Naku, Jaxe Villanueva, hindi ka na tumatanda. Well, gumugwapo ka, pero 'di ka na bumabata. Kung ako sa 'yo, magshoshota na ako."



"Shota. What a word." Napangiti ako.


"Instructor. . ."



Napatingala ako nang may tumawag sa 'kin. Isang member lang pala. Namumula ang mga pisngi niya habang nakayuko.



"Ano kasi-- May gusto sana akong ibigay sa 'yo. . ."



Nagkatinginan kami ni Richard.



At mayamaya biglang may binigay ang babae sa 'kin. Isang love letter. Ang liit-liit ng papel kung titingnan sa kamay ko. 'Di na bago sa 'kin ang ganito. Sa isang araw ay palagi akong nakakatanggap ng kung anu-ano galing sa mga babae. Hindi ko naman kayang ibalik ang mga binibigay nila dahil 'di na 'yon makatarungan.




"I have been liking you for so long and this is the first time that my heart beats indifferently," aniya muli, 'di ako kayang tingnan nang tuwid. "'Di ko na kayang ilihim pa. Parang sasabog na ang puso ko. I can't stop liking you everytime you dance in a beat. . ."



Nagkatinginan kami ni Richard. Awkward pa siyang umubo at siya 'yong unang nagbasa ng letter.



"Salamat sa ganito." Inagaw ko ang letter mula kay Richard at mas lalong binalingan ang babae. Mas lalo tuloy siyang nahiya. "Pero sana 'di makaapekto 'yong performance mo sa pagtingin mo sa 'kin. Wala namang masamang magkagusto sa 'kin. Nirerespeto ko ang nararamdaman mo, kaya sana wala pa ring magbago. We still dance as one."



Tumalikod siya at narinig ko ang tukso ng iilan.




Mahina na lang akong napasinghap.


Tatlong oras din ako sa trabaho at kagaya ng inaasahan, ilang minuto pa akong nagtagal sa loob dahil maraming katanungan ang mga kababaihan sa 'kin. May ibang kinuha ang pangalan at Facebook account ko. May ibang nag-aya pa ng date.




Ako na lang ang lalaki ngayon dito dahil kanina pa nakalabas si Richard.




"Sir, may jowa ka na ba?" tanong noong isa at sinuklay ang buhok ko.



Nakataas ang kilay ko nang sumagot ako. "Wala pa sa isip ko 'yan. Mas focus ako sa ibang bagay."


"Kagaya ng?" sabay-sabay silang nagtanong.



"Pamilya."




"'Yan ang gusto ko sa 'yo, eh! Mahal na mahal mo talaga ang family mo! Papaano pa kaya kapag sarili mo na talagang pamilya?!" Makabuluhang tingin ang ibinigay sa 'kin ng isa. "Babalik ako rito, bukas. Mas lalo akong ginaganahan nagsayaw dahil pogi ang instructor!"



Nagsitilan sila. Noong nakahanap ng tyempo ay roon lang ako nakalaya sa kanila. Nagbihis ako ng panibagong t-shirt na hapit sa katawan ko. Kulay puti ito at kakulay ng balat ko. Basa pa ang buhok ko sa pawis at pinalandas ko na lang ang mga daliri sa buhok ko.



"Hoy, lalaki!" Pamilyar ang boses na 'yon



"Oh?" reaksyon ko nang makita ang babae, bahagyang nagtataka dahil panay na ang ngiti niya ngayon, kasalungat sa pinakita niya kanina. "May kailangan ka pa ba sa 'kin? May itatanong?"




Kinagat niya ang sariling labi. "Gusto ko lang talaga magpasalamat sa 'yo kaya hinanap kita."




Oh?



". . . Naalala mo ba 'yong sinabi mo sa 'kin kanina? 'Di ba m-in-ention mo si Richard? So since talagang kailangan ko na ng pera, nilapitan ko siya. 'Di ko akalaing may pera siya at pinautang niya ako."




Napanganga ako kunti sa narinig. Tiyak na masayang-masaya na ang lalaki na 'yon ngayon! Parang kanina lang kung kailan panay hiling niya na sanay magkita ukit sila ng babae na 'to 'tapos ngayon ay nagkatotoo na nga.




"Mabuti naman kung ganoon. Saan mo naman gagamitin ang pera?"




"Pambayad lang ng utang ko sa kapitbahay ko. Ayaw ba naman kasi ako tantanan!" Nanlalaki ang butas ng ilong niya. "Pero infairness at malaki-laki ang pinautang ni Richard sa 'kin ha, doble sa hinihingi ko. Yayamanin ba 'yon?"



"Oo."



"Edi, dapat pala ay jinowa ko na lang!"



Napailing ako sa kawalan ng masasabi.



Ito ang ayaw ko sa ibang nga babae. Minsan ay parang laro lang sa kanila ang pakikipagrelasyon. 'At 'di 'yon kaaya-aya para sa 'kin. Minsan ay 'di ko pa mapigilan at naiinis ako sa mga babaeng masyadong naaakit ng pera. Ang ibig kong sabihin ay okay naman ang humiling ng mga ganiyan na bagay, pero 'yong mga napapasobra, 'yon 'yong ayaw na ayaw ko.



"Galit ka? Galit ka 'ata, eh!" sigaw noong babae sa 'kin. "Kain tayo! 'Di ba may karenderya riyan sa labas?! Don't worry, libre kita!"



Seryoso ba ang babae na 'to? Igagastos niya sa iba ang perang inutang niya?




"Ano ka ba?! 'Wag ka nang mag-alala sa 'kin! Alam ko kung papano i-manage ang pera ko! At isa pa, na-gu-guilty ako sa ginawa ko sa 'yo kanina, eh! Sigaw-sigawan at batuk-batukan ba naman kita!"



Nakakalito siya sa totoo lang. Ang hirap niyang basahin. Akala ko ba ayaw niya sa 'kin?



"Ikaw ang naging dahilan kung bakit nakilala ko si Richard. Pero hoy, 'wag kang masyadong feeling, hindi unlimited order ang ibibigay ko sa 'yo. Kahit isang suman at pepsi lang okay na!Ayaw kong makarinig ng reklamo!"



Namulsa lang ako at sinundan ang mga yapak niya. Papalabas na kami ng building. Nilakad namin ang isang kainan dahil 'yong mga nasa malapit ay mahal ang mga paninda.



"Dalawang suman nga po at dalawang pepsi!" Nagtaas ang babae ng kamay. Kagat-labi ko lang pinapanood ang ginagawa niya. "Siguro bukas ay babalik ako rito," aniya kahit walang nagtatanong. "Mag-d'-date kasi kami noong Richard na 'yon, eh. 'Yon ang isa sa mga ni-request niya."



Mukhang balak talaga 'atang manligaw ng kaibigan ko na 'yon.



"Mabuti naman kung ganoon," komento ko.



"Gwapo rin naman siya kaya 'di na rin ako lugi," aniya sa natatawang tono. "Ikaw ba? Wala ka bang shota?"



Shota. . .



"Wala."



Tumingin na lang aka sa kaliwang direksyon kung saan ko natanaw ang lawak ng syudad. Bigla ko tuloy naisip ang pamilya ko sa Probinsya. Ilang beses na nilang sinasabi sa 'kin na nais din nilang tumira rito sa Manila. Hindi ko nga lang matupad ang mga hiling nila dahil mahal ang pamasahe mula sa 'min patungo rito. Kahit na mag-bus lang ay mahal pa rin.



"Wala? Talaga?!"



Napatingin ako sa katabi ko. Panay ang senyas niya sa suman na kakarating lang kaya pinagbigyan ko na. Tutal ay medyo gutom na rin ako dahil sa ilang oras na kakasayaw kanina.




"Wala nga. Wala sa isipan ko 'yan." At saka, dagdag lang 'yan sa gastusin. Baka ang pera na dapat ay sa pamilya ko ibigay ay napunta pa sa shota na tinutukoy ng babae na 'to.




"Pero kung willing ka one call away ako!" Napatitig ako sa kumikislap niyang mga mata matapos niya 'yong sabihin. "I mean, marami akong kakilala kaya marami akong pwedeng ireto sa 'yo. Kahit sino naman 'ata ay papatol sa 'yo. Kasi. . . Hindi talaga halatang butas ang bulsa mo! Para kang anak ng mayaman sa tikas mo!"




Papatol.



Naalala ko tuloy 'yong mga matatandang babae na panay ang habol sa 'kin noon, 'di ko akalain na may papatol pa rin sa 'kin kahit hindi ako mapera. Pero marahil ay tama talaga ang iba, na itsura at katawan na lang talaga ang nagpapayaman sa 'kin.



Kahit kailan ay 'di ko naman kinahihiya na mahirap lamang ako. Hindi ko kinukuwento sa iba ang tunay kong estado pero sa tuwing may nagtatanong patungkol rito ay hinding-hindi ako nagsisinungaling.



Ano namang kahiya-kahiya sa pagiging mahirap, 'di ba?



"May cellphone ka ba?" taas-kilay niyang ani sa 'kin. "Wag mong sabihing wala at baka aakalain kong pinanganak ka noong panahon ng mga hapones! Charot, no offense."



"Meroon ako." Kinapa ko ang bulsa para makuba ang phone. Binigay ko 'to sa kaniya para tumigil na.



"Ako na lang ang magbibjgay ng number. I-sa-save ko 'yong sa 'kin sa phone mo--"



"Para?"


Nairita siya kaagad. "Basta! So 'ayun na nga. Saved na. Ikaw na lang ang bahalang mag-text sa 'kin mamaya. Magpakilala ka at baka akalain kong isa kang creepy na stalker."



Tumango lang ako. Kaunti na lang talaga at aakalain ko nang may gusto sa 'kin ang babae na 'to. Normal naman siya kung tumingin sa 'kin pero masyado nang kakaiba ang mga ginagawa niya.



"Wait, baka wala kang load ha!" sarcastic niyang ani sa 'kin at tinuro-turo ako habang umiinom ng pepsi.



Umiling ako. Hindi ako maaaring mawalan ng load. Araw-araw ay palagi kaming nag-uusap ng mga kapatid ko sa Probinsya para magkamustahan.



"Mukhang 'di naman 'to ang huling pag-uusap natin, eh."



Nagbaba ako ng tingin sa babae dahil nga mas matangkad ako sa kaniya. Ngayon ay naghahanap na kami ng masasakyan. Papuntang kaliwang direksyon ang daan patungo sa bahay niya at kasalungat naman noon ang sa 'kin kaya 'di na kami magkakasabay.



"Anyway, wala ka bang balak kilalanin ako? I mean, 'di mo pa alam pangalan ko!" bigla niyang sabi, tila nanggigigil.



"Ano pala ang pangalan mo?"



Umirap siya. "Sa wakas at nagtanong na rin! Ha! My name is Penny! Mukhang pera ang Nanay ko kaya pera rin ang pinaglihi niya sa 'kin, kaya 'ayun at pati pangalan ko dinamay."


Bagay rin naman sa kaniya dahil halatang mukha siyang pera.



". . . Ikaw ba? Si Jaxe ka, 'di ba? 'Yon 'yong dinig kong tawag sa 'yo ng marami kanina, eh."


"Oo." May nakita akong tricycle kaya pinara ko na. Napansin kong isa na lang ang libreng puwesto kaya napatingin ako kay Penny. "Sakay na. Magkita na lang tayo bukas."


Parang ayaw niya pa. Pero mukhang nagmamadali rin siya kaya tumango na lang siya. "Salamat. Basta, mamaya, ha! Text me or call me! Marami akong kakilala kaya safe ka na from dry season!"



Nalito ako sa mga pinagsasabi niya.



Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Akala ko ay habang-buhay niya na akong kamumuhian sa 'di pagpili sa kaniya kanina. Mabuti na lang at madali siyang naka-move on.



"'Nak, kung masyado kang pagod ay pwede ka naman na 'wag nang tumawag at magpahinga na lamang," umiling ako sa narinig. Nasa apartment ko na ako ngayon. Si Mama ang kausap ko mula sa cellphone.



"Hindi pa naman po ako masyadong pagod kaya. . ." Nagkagat-labi ako. Hinanda ko na rin ang makakain ko ngayon. May nakahanda nang kanin at delata na lang ang uulamin ko. Masyado nang hassle kung bibili pa ako sa labas. Dagdagan pa na ang mamahal ng paninda nila.



"Ma, sa susunod pa akong araw makakapagpadala. Sabihin mo kay Janine na magtipid muna."



"Kahit 'wag na, Jaxe. Nakautang naman ako mula sa kumare ko kaya sa 'yo na lang 'yang sweldo mo. Ipunin mo. Alam ko namang gusto mong bumalik sa pag-aaral kaya itabi mo 'yan."



Natahimik ako.


Tama si Mama. Ang dahilan talaga kaya ako narito ngayon sa Manila ay para magtrabaho at kumita.



"Bayaran mo na lang po 'yong inutang mo kapag nakapagpadala na ako..."


Suminghap siya nang tipid, nag-aalala. "'Wag mo sanang pahirapan ang sarili. Dapat nga ay may shota ka na ngayon para mas lalo mo pang ma-enjoy ang buhay."


Shota.



Ano bang meron sa salita na 'yan at ilang beses ko na 'yang narinig ngayong araw?



"Wala 'yan sa isip ko, Ma." Natawa na lang ako.



Mas lalo siyang napabuntong-hininga. "Balitaan mo kami kapag meroon na, ha. O siya at ibababa ko na ang tawag. 'Yong vitamins mo inumin mo, ha. 'Wag masyadong magpapapuyat."


Napangiti ako. "Oo, Ma."



Nang sumapit ang gabi ay 'di ako makatulog. Pakiramdam ko may dapat akong gawin na 'di ko maalala. Si Kim ba? Pero hindi, na-contact ko naman na siya kanina pa noong matapos ang tawagan namin ni Mama. Balak pa nga akong pahiramin ng babae na 'yon ng pera, e'--



Penny?!


Penny.



Hinawakan ko ulit ang cellphone ko at nag-send ng message sa number na s-in-ave niya. Mabuti na lang at naisip ko ang pangalan niya noong pumasok sa isip ko ang pera.


Isang text lang ang gagawin ko. Pagkatapos nito ay matutulog na ako para bukas dahil sunod-sunod na class ang papasukan ko bukas.



Penny: Ikaw ba 'to? Sabing magpakilala ka, eh! Ano'ng gusto mong itawag ko sa 'yo? Tukmol?!



Napakamot ako sa sariling batok. Nakalimutan ko ngang magpakilala sa sobrang pagmamadali.



Jaxe: Ako 'to. Si Jaxe. Pero kung gusto mo, tukmol na lang.


Ilang minuto ang lumipas pero wala siyang reply. Nagpasya na lang akong umidlip na matapos kong masiguro na natutulog na ang kapatid ko at tapos na ring kumain since kanina pa gustong pumikit ng mga mata ko. Pero 'di ko pa nagagawa 'yon nang mag-ring ang phone ko.



Penny is calling.



Napasinghap ako at napabulong. "Ang kulit naman ng babae na 'to."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top