KABANATA 1


"Ano, ha? Wala kang sasabihin, ganoon? Staring contest tayo nito?"



Sabay bangga niya sa siko ko dahilan para piliin kong humakbang na lang papatalikod. Sinulyapan ko siya ng ilang beses at napansin na 'di na siya nakasuot ng school uniform ngayon. Naka-black leggings na ito at isang red-colored sport bra. Kagaya ng karamihan na makikita mo sa lugar na 'to, isang puting tuwalya ang nakasampay sa braso niya.



"Sino 'yon? Attitude 'ata? Plat naman." Lumapit si Ambrose sa 'kin at hinimas ang braso ko. Bilang sanay na sa ganiyang gawain niya ay tumawa na lang ako at nagkibit ng balikat bago sumagot.



"Kasali siguro sa mga nag-apply na papalit kay Kim," nasabi ko.



Sa 'di malamang dahilan ay napangiti ako nang palihim at tinanguan na lang si Ambrose. Hahalik na sana siya sa pisngi ko nang pinigilan ko ang nguso niya gamit ang palad ko.



"Damot! Isa lang, eh!" huling hirit niya ang huli kong narinig bago ako pumasok sa dance room nila Kim.



Kagaya ng inaasahan ay bumungad sa 'kin ang malawak na silid. May mga salamin sa bawat sulok at nakapuwesto na rin ang mga speaker. Kaagad akong umupo sa upuan na madalas inupuan ni Kim, at nagsilapitan ang mga kaibigan ni Kim papalapit sa 'kin. Wala akong gana makipag-usap ngayon pero bilang respeto ay sinasabayan ko na lang ang trip nila.



"Dapat ikaw na lang ang pinalit, Jaxe!" suhestyon ng isa. Si Christine, isang dance instructor na naka-assign doon sa second floor. Madalas lang talaga siyang narito dahil, sabi ng iba, ay para makita ako. Pero 'di ako lubos naniniwala sa mga sinasabi ng iba. "Alam mo, kung sa floor ka na lang namin? Nag-leave kasi 'yong isa kong kasamahan kaya pahirapan sa 'ming i-hande ang mga members."



Yayakapin na sana niya ako nang bigla akong makaramdam ng tapik sa leeg ko. Inangatan ko 'to ng tingin at nakitang si Giselle ito, ang matalik na kaibigan ni Kim. Itong 'sang 'to... Masasabi kong may gusto nga sa 'kin, dahil bukod sa segu-segundo niyang pag-flying kiss sa 'kin ay oras-oras din niya akong pinapadalhan ng mensahe na may 'GM' na tatak pero 'Hi, Jaxe, let's talk' ang mensahe.


"Nasaan na 'yong mga pagpipilian?" tanong ko na lamang. Bahagyang hiwalay ang mga binti at nakasandal ang likod sa backrest ng upuan, tahimik na lang ako na nagpasalmat at 'di lang ako ang lalaki sa room na 'to -- sa tantya ko ay apat kami. May ginagawa nga lang ang mga 'to kaya 'di ko makausap.



"Jaxe, libre ka mamaya?" Isang babae na naman ang dumating. 'Di ko na maalala ang pangalan niya, basta ay madalas ko siyang nakikita rito.



"Hindi siya libre!" sagot nina Christine at Giselle na tila ba gusto ng away.



"Hey," tawag ko sa kanilang lahat. Madrama silang napatingin sa 'kin at 'di ko na mabatid kung ano ba ang dapat na ireak sa ginagawa nila.. "May ibinilin ba na mga dancers si Kim? Nag-request kasi 'yon sa 'kin na may pipiliin daw ako."



"Ahh!" si Christine. "Nakalimutan ko! Wait, tawagin ko muna sila! Wait ka na lang muna riyan, our King!" Kinindatan niya ako bago muling umalis.


Nang sumunod ang ibang mga babae sa kaniya ay roon lang ako parang nabunutan ng tinik. Minsan talaga ay 'di ko gusto ang epekto ng mga babae lalo na kapag pinapaligiran nila ako. Wala akong problema kung kakausapin lang nila ako nang normal pero 'pag ang depinisyon nila ng pag-uusap ay paghawak sa katawan ko... Wala na akong masabi pa.



"Daming chiks, brad!" Si Brandon na ngiting-ngiti ang marahang sumuntok sa 'kin.



Tipid lang akong napailing at napatingin sa glass door, naghihintay na darating na 'yong mga sinabi ni Kim. Marami pa talaga sana akong gagawin ngayon. Kung 'di lang malakas si Kim sa 'kin ay baka wala ako rito ngayon.



"Para kay Kim," sagot ko.


Isang segundo.


Dalawang segundo.



Tatlong segundo bago siyang tumawa nang malakas. Dinuro-duro niya ako habang nakahiga na sa marmol na sahig. "Gusto mo, 'no? Tangina... Ilang buwan na kayong magkaibjgan noon tapos 'di ka nakapag-first move?!" Tawang-tawa siya sa sariling nasabi. Tumigil siya para huminga pero nagpatuloy na naman. "Nakow! Ngayong nasa ibang workplace na 'yon, makakahanap 'yon ng bago! 'Yong hindi torpe!"



Napailing ako. Hindi ako makahanap ng ibang rason kung bakit nagkakaroon ng ibang kahulugan ang pagkakaibigan namin ni Kim. Simula pa lamang, alam kong malakas na talaga ang kapit niya sa 'kin, at alam kung ganoon din ako sa kaniya.



Madalas ay siya ay nalalapitan ko kapag ako ang nangangailangan ng tulong. Kaya ngayon ay 'di ko siya kayang balewalain na lamang.



"Tagal ng response, ha? Nag-iisip pa ng sagot?" si Richard.



"Gago," nasabi ko na lang at kumuha ng towel at itinabon sa mukha ko. Ilang minuto na ganoon ang naging itsura ko nang makarinig ng mga yapak. Maiingay na rin, at ingay ng mga babae ang bumalot sa buong silid.



"Mister! Gising na! Kanina pa kami naghihintay!" pagalit na sigaw noong isang babae. Pamilyar ang boses niya. Parang siya 'yong bumangga sa 'kin kanina roon sa hallway. "Aba! Hindi ako pinakinggan?! Nakita niyo 'yon?" Naramdaman ko ang paglingon-lingon niya. "D-in-eadma niya ako! May pa-towel-towel pa siya riyan! Parang suman!"



Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakilala ng babaeng katulad niya. Sa tingin ko ay kahit sa anong segundo ay kaya niya akong murahin... Nang paulit-ulit.



Ganiyan ba talaga ang ugali niya?



'Pansin ko na parati na lang lumalaki ang bunganga niya sa napakaliit na dahilan. Ang alam ko ay kanina pa lang kami unang nagkita at wala naman akong ginawa na ikakasama niya.



"Nagpapahinga lang muna! Wait muna natin," suhestyon ng isa. Kung sana ay lahat ay kagaya niya na kalmado magsalita. Hindi katulad ng isa riyan na halos...



Mayamaya ay nagsalita 'yong isa, 'yong isa na kanina pa ayaw magpatalo, 'yong isang parang galit sa mundo, "Nakakainip! Mag-re-record pa ako ng score ng mga estudyante ko! Alam niyo ba ang feeling na humarap sa laptop para i-compute ang mga grades ng students? 'Yong bang ma-s'-stress ka na rin kasi may ibang kulang-kulang ang grades! Oo, at may sweldo kami! Pero 'di niyo alam ang hirap namin, ano! May mga bata pang ang sarap hampasin ng pwet--!"



Natigil siya at naiwang nakabukas ang bibig nang umayos ako ng upo at kasabay noon ang paglaglag ng towel na nasa mukha ko.



"Tapos ka na?" tanong ko.



Ilang segundo siyang kumurap-kurap, at mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya. "Akala namin gurang ka na!" Tumawa siya nang mapakla. "Alam mo 'yon? Ganito kasi 'yan, 'di namin alam kung anong gender ng mag-ju-judge kuno sa 'min ngayon. 'Tapos naka-cover ng towel ang mukha mo kaya akala ko gurang ka na! No offense ha, nagsasabi lang ako ng totoo."



Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Panay na ang kurap ng mga katabi niya pero walang bahid ng kahit anong hiya o pagsisisi ang mukha niya.



This is the first that someone called me 'gurang'.



"Nakakawalan ng gana," bulong ko na lang at kinagat ang sariling dila.



"Okay ka pa?" Sumulpot si Giselle. Nakadungaw siya sa 'kin since nakatayo siya. "Pwede mo namang i-reject na lang ang babae na 'yan. Walang respeto, eh."




"Narinig ko 'yon!" 'yong pinag-uusapan.



"Pake ko!" si Giselle.



Sinenyasan ko si Richard na simulan na ang pagpapatugtog kaya lumayo na si Giselle at nagsitayuan nang maayos 'yong mga babae sa harapan ko.



"By partner muna kayo ngayon. Twenty kayong lahat, so okay. Same music lahat--"



"Hey, excuse me!" Napatingin ako sa babae, 'yong tumawag sa 'king 'gurang', nang magtaas siya ng kamay. "Ganito kasi 'yan... Naiiihi na ako ngayon. 'Di naman puwede na pigilan ko dahil baka magkasakit ako, 'di ba? Ano ba ang tawag sa sa sakit na 'yon? UTI?"



Tumahimik ang paligid. Napalunok ako at napakamot sa sariling kilay habang nakatitig sa sahig. Ano bang gagawin ko sa babae na 'to?



"Alam mo, girl, p'wede kang umalis na lang! 'Tapos 'wag nang bumalik!" Si Christine.



"Ako ba kausap mo?!"


"Hindi! Si Jaxe! Siya kasi ang naiiihi sa 'tin!"



Walang patutunguhan 'tong usapan nila, sa totoo lang.



"Sige, mag-cr ka muna," sabi ko. Dahil roon ay patalon-talon na umalis ang babae.



Alam kong ngayon, iisa lang ang tanong naming lahat. May sakit ba ang babae na 'yon?


Nag-start kami kahit wala siya. Besides ay puwede pa naman 'yong humabol. Maayos naman ang ugali ng lahat, marunong silang sumunod sa sinasabi ko at maging sa request ng ibang instructor. Pero may isa talagang problema. May isang babae na 'yong gusto nya ang nasusunod. Noong nag-c'-cr siya ay payapa ang buong mundo, pero nang bumalik siya ay puro daldal na lang ang narinig.



Inintindi ko siya. Hindi rin naman magtatagal at matatapos ko na rin 'to. Actually ay maayos naman ang performance niya, bagay na maaaring maging dahilan para siya ang p'wedeng kapalit ni Kim. Pero kapag naiisip ko ang ugali niya, napapangiwi na lamang ako.



Sigurado na kapag siya ang naging kapalit ni Kim, kawawa ang mga members ng kaibigan ko.



"Nakakalito, 'di ba?" tanong ni Gesille sa 'kin. Nasa tabi ko rin si Christine. Nasa harapan si Richard at kumukuha ng stolen shots mula sa mga dancers.



"May napili na ako," sagot ko at nagpakawala ng isang buntong-hininga.



"'Yong walang respeto?" hula niya, galit.



Umiling akong tipid. Siguradong yayanig ang buong mundo sa oras na ang babae na 'yon ang pipiliin ko. Instructing people to dance is not all about instructing alone. Dapat maayos din ang pag-iisip at 'di parang bata.



"'Yong naka-leggings na kulay na violet ang piliin mo. Pakisabi na rin kay Kim ang name ng babae. May gagawin pa ako," pakiusap ko sa kaniya at tumayo na, handa nang umalis.



Tumigil naman sa ginagawa si Richard at sinabihan ko na siya na ang bahala roon sa napili ko. Siguradong magaling naman na ang napili ko. Halata sa mga galaw niya kaya 'di na sila mahihirapan na kausapin at bigyan ng guide ng babae. Sa ngayon ay kailangan ko na talagang umalis, dahil kung hindi ay maghihintay nang matagal 'yong mga tao roon sa first floor.



Bago ako makalabas ng room ay narinig ko na ang panghihinayang noong mga hindi napili -- Naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Pero isa lang ang kailangangang piliin at sumusunod lang naman ako sa pabilin sa 'kin.
"Ganoon? Ang sama pala ng lalaki na 'yan!" Naramdaman ko ang pagturo ng isang babae sa 'kin. Siya na naman...



"Isa lang kasi ang dapat na piliin, Miss," dinig kong pagpapaliwanag ni Richard sa babae. "Alam mo, Miss, Ma'am, titser ng buhay namin, p'wede namang i-date mo na lang ako, eh!"



Napangiwi ako.



Nice one, Richard.



"Kakaramahin din ang gurang na 'yan. Pramis! Mamatay man siya!"



'Yon ang narinig ko galing sa kaniya na binalewala ko na lamang. Lumabas ako ng room at iniwan siya roon na... Nagwawala. Bahala na talgaa. Basta ay ginawa ko lang naman ang trabaho ko.



"Teka, 'di pa tayo tapos!"



Malapit na ako sa isang elevator nang may bunganga na namang napalapit sa 'kin. Tumingin ako sa paligid at nakitang halos lahat ay napatingin sa 'min dahil ang lakas ng boses noong babaeng halos itulak na ang ulo ko patungo sa sahig. Binatukan ba naman ako.



Alright...




Kalma lang, Jaxe. Intindihin mo siya. Kaya siya nagkakaganiyan ay dahil sa' nasaktan siya sa naging desisyon mo.



"Ano 'yon?" tanong niya, nanghahamon. "Magaling ako sumayaw ha! Nagawa ko lahat ng sinabi mo! I excelled over them! Ramdam 'yon ng instincts ko! Alam mo, magaling 'yong napili mo, pero 'mas' ako!"



Napatitig ako sa mukha niya. Maamo naman 'to, kasalungat ng pag-uugali niya. Mahaba rin ang mga pilikmata niya at parang palagi na lang 'to kumikislap lalo na kapag pipikit siya sandali. Hindi kakapalan ang kilay niya pero sapat na ang arko at hugis nito para gawing kaaya-aya tingnan ang mukha niya. Makurba rin ang mga labi niya, 'yon nga lang ay panay lang ang buka nito na para bang 'di niya kayang mabuhay nang 'di nilalakihan ang sariling bunganga. Mahugis din ang katawann niya, lalo na ngayong naka-leggings siya.



Physically ay wala akong masabi dahil halatang inaalagaan niya ang sarili nang mabuti.



"Hoy! Kanina pa ako salita nang salita 'tapos ikaw para pa ring robot!" pukaw niya sa 'kin, at kaagad akong napakurap at nag-iwas na lamang ng tingin. May volume ba ang bibig niya? Puwedeng pakihinaan muna kahit kaunti?



"May kailangan ka pa ba, Miss?" tanong ko at pasimpleng binalingan ang katawan niya nang aksidenteng dumapo ang mga mata ko sa dibdib niya. Napailing ako. "Look, 'di ko kasalanan 'yon. Napag-utusan lang ako--"



"Ahh, palusot pa more!" Sinuntok niya ang dibdib ko gamit ang kanan niyang kamao. Ramdam ko ang panggigigil niya. "Look rin, alam mo ba na kailangan ko ng pera ngayon? I need more money, a lot of money!"




Napailing ako.



Hindi ko siya natutulungan sa lagay kong 'to ngayon. Papaano ko siya mapapautang kung pati nga ako ay kasalukuyan na naghihintay ng sweldo?




"Guro ka," paunang sabi ko. "Papaano ka... Napunta rito?"



'Yon lang ang nasabi ko. Sana ay 'di niya masamain ang tanong ko na 'yon. Gusto ko lang talaga malaman kung bakit kailangan niya ng pera at ganito na siya kagalit ngayon.




"Oo, teacher ako!" Halos matumbasan nang kulay na itim ang kulay ng mata niya nang sabihin niya 'yon. "Pero baon ako sa utang! Dumagdag pa 'yong pisteng loan na 'yon."



I wonder... Ganito rin ba siya kapag nagtuturo? Mga bata ang tinuturuan niya, tama? Kung kaya't bakit ganito siya? 'Di ba natatakot ang mga bata sa kaniya?



"Hephep! Maamo ako sa mga bata! Sa mga matatanda lang hindi!" aniya sa 'kin. "Ganito kasi 'yan.." Inilagay niya ang mga kamay sa bewang na parang isang nanay na nanenermon ng anak.. "I hate old men. I hate those men who are older than me."



So?



"So, ayaw ko rin sa 'yo!" sagot niya sa isipan ko. "At mas lalo lang akong nainis dahil dineadma mo lang ako! Hoy, lalaki, kailangan ko ng pera! Kailangan ko ng ibang trabaho aside sa pagtuturo!"




"Wala rin akong pera," pag-aamin ko ng totoo. Ayon 'ata ang kailangan para tigilan niya na ako. Pareho lang kaming walang-wala kaya wala siyang makukuha sa 'kin.




"Seryoso?!" Parang 'di pa siya naniwala. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukha kang mayaman, ha. 'Di halata na wala kang pera..."




Maybe I will just take that as a compliment, lady.



"...pero may itsura ka, ha. Ba't di ka na lang maging matcho dancer?" Natutop niya ang sariling bibig pero halatang 'di naman siya nagsisisi na nasabi niya 'yon. "Woy, haler! Maayos na trabaho ang pagiging macho dancer, ha! Trainer ka, di ba? Edi hindi ka na mahihirapan niyan dahil magaling ka naman na sumayaw!"



"May gagawin pa ako," wala sa oras kong bulong. "Bye, Miss. Kung may problema ka ay tawagan mo na lang si Richard."




Akma na sana akong pipindot sa elevator nang muli niyang tinabig ang kamay ko.



"Richard?" aniya.




"'Yong kausap mo kanina. Puwede kang humingi ng tulong sa kaniya."



"Ayaw ko!" pagmamaktol niya. "Pautang na lang!"



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top