Chapter 14

Malakas akong napabuntong hininga habang nakatingin sa tv na nasa harapan ko. Itinigil ko ang pagsusulat saka asar itong pinatay. I can't concentrate because the show is too noisy. Although when I used to write, it didn't bother me. Pero ngayon, parang iritang irita ako.

Napasandal ako sa sofa saka tinignan ang mga notebooks na nasa mesa. "Kanina pa ako nagsusulat pero hanggang ngayon hindi ko pa rin natatapos."

I looked at the eraser on the side next to my pens. I wasted a lot of white ink. I tsked then stared at the chandelier. Ang daming what ifs ang pumapasok sa isip ko. Ni hindi na nga ako halos makapunta sa firm ni Louie dahil natatakot akong makasalubong si Mark. Masyadong maliit ang mundo namin ngayon, at hindi 'yun imposible.

"Bakit ba ako natatakot sa kanya? Siya ang may kasalanan, pero bakit ako itong natatakot? O takot nga ba ang nararamdaman ko?" Shit.

I don’t really know how should I feel anymore. I’m afraid that Mark will mess up my life again. I know him, it's impossible na hindi niya alam ang nangyayare sa buhay ko. Hindi ako feelingera. He's so powerful, kahit noon pa man. Mamaya may sabihin siya kay Louie na ikagugulo ng relasyon namin ngayon.

Huminga ako ng malalim saka napapikit ng mariin. He's stressing me! Darn it! Hindi ko sasabihin na wala na akong nararamdaman sa kanya. He's my first love after all. Pero kung papipiliin ako kung si Louie ba o siya, mas lamang si Louie. Sobra.

"Ouch!" I almost hissed ng maramdaman ko ang pagpitik sa noo ko. Matalim kong tinignan si ate na nakaupo ngayon sa tabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay, tila balewala lang ang ginawa niyang pagpitik.

"Ate!"

"What? Kanina ka pa diyan, pero wala ka pang natatapos. You've eaten a few bowls of popcorn and drunk a few cans of soft drinks but still nothing. Wala pa din!" Sumulyap ako sa ibaba ng mesa. Nagkalat doon ang halos walong latang soft drinks. Habang halos limang bowl naman ng popcorn ang naubos ko na.

"Ano ba ang nangyayare sa'yo? Ilang araw ka ng ganyan! Hindi nagsasalita si mommy kahit nag-aalala siya dahil baka wala lang, pero this one is too much. Too much Hazel! Pati ako, naiirita na!"

Napairap ako saka nagkibit balikat. "I'm just hungry—"

"Stop lying will you? Lunch time came, you're the one who almost ran out of pot earlier. You're not like that."

I took a deep breath. "The dish is delicious, I can't help it—"

"Oh 'come on Hazel! We both know na hindi ka ganun, kahit pinaka-paborito mo pa ang ihain diyan sa lamesa. You will limit yourself, you will know when to stop and to continued!"

I close my eyes emphatically. "Stop raising your voice ate!"

"Shut it. Ngayon nalang kita ulit nakitang ganito Hazel. You're neglecting your health, too much food is bad for you! You know that too well. So, tell me. What. Is. The. Reason?!"

Nagtama ang mata naming dalawa. Masyadong seryoso ang mataray na mukha ni ate. Nakikita ko sa kanya ang mga mata ko. Pero magkaibang magkaiba ang emosyon doon. Madilim ang mga mata niya. Matalim ang tingin niya sa akin pero nakikita ko doon ang pag-aalala. I looked away and then bit my lower lip.

"Hazel."

"Wala 'toh ate."

"I know you."

"You don't know me that much."

"Shut it. There's only one reason why you're acting like that." Napakuyom ang kamao sa sinabi niya. My heartbeat quickened. I know that even if I don’t say what is the reason—She will notice it clearly. My sister read me so quickly. She's good on it.

"Nagbalik na ba siya? Nagkita na ba ulit kayo?" Mariin na tanong niya, emphasizing every word.

I shook my head. "No."

"You're lying."

"I'm not." I hissed. She laughed and stood up. Sarcastic.

I looked up at her. My sister's expression was different, hindi siya ganito. Nakapirmi ang labi niya habang salubong na salubong ang maninipis na kilay. Ang mga kamay niya ay nakakuyom kaya kitang kita mo ang namumuhay na ugat dito. Galit siya.

"Siguraduhin mo lang Hazel, dahil kapag nalaman kong nagkikita at nagkakausap kayo. Kakalimutan ko na talagang kapatid kita." Natigilan ako.

She was staring at the door, hindi nakaharap sa akin at nakapatagilid. Kung nakakamatay lang ang tingin ni Ate ay paniguradong patay na ang pintuan. She gritted her teeth in anger and frustration before glanced at me 

"Oo nga't hindi kita sinisisi at balewa na sa akin ang nangyare noon. Pero hindi ang lalaking 'yon. Kung noon, nagawa niyang guluhin ang buhay mo, ng pamilya natin. Ngayon, hindi na ako papayag." Marahas na sabi niya, nangangako.

"Since dad died, whether I admit it or not, I've been angry with you. He had a heart attack not only because he found out you had a relationship but also because it was a sin."

"You were very young then Hazel. Pero nagawa mo ng magmahal, sa maling tao nga lang. Gusto kitang sisihin pero pinili kong hindi nalang. Dad loves you so much and he can't accept what Tuazon did to you! Yes, he didn't show that but god knows how much he loves us. Wala siyang paborito sa'ting dalawa, saksi ako doon. Hindi ko lang alam kung anong klaseng mata ang meron ka at hindi mo 'yun makita."

"I'm trying to take care of you as much as I can because you're my little sister. Pero kapag naulit muli ang nangyare noon ng dahil nanaman sa lalaking 'yun. Sorry in advance Hazel, ni katiting na pag-aalala. Wala akong ibibigay sa'yo." Huling sabi niya at tumalikod na sa akin.

Napayuko ako, it's my second time to see her like that. Ganyan siya nung namatay si dad at nung burol nito. If I hadn't begged before, she wouldn't have peeked at my dad's coffin. And I haven’t seen him one last time.

I faintly leaned back on the sofa. I no longer knew what I should feel. I only have one thing on my mind, it’s all my fault. Hindi naman mangyayare ang lahat kung hindi dahil sa'kin. Kung sana hindi ko siya minahal, kung sana nakinig ako sa mga sinasabi ni dad. Kung sana hindi ako ganun kapusok noon, kung sana hindi ako nagpadalos 'dalos.

"S-Sana kase, inalam ko muna kung may a-asawa siya o wala. Edi, sana hindi ako n-naloko." I whispered softly then wiped the tears from my cheeks.

I stared at the emptiness and then remembered what had happened before. When I was young, I noticed that dad treated me differently. Kapag umuwi na siya sa bahay at mayroon siyang ibinibigay na pasalubong ay laging nauuna si ate dahil siya raw ang nakakatanda. Ang pasalubong ni ate ay laging paborito niya, sa akin hindi kahit kaylangan na kaylangan ko pa. Ni isa sa binigay ni dad ay hindi ko paborito at gusto. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba 'yun o hindi. Basta masakit na 'yun para sa akin. Maaring sa iba ay maliit na bagay lang 'yun pero sa akin hindi na.

"Dad, a-ayaw ko po nito. I want the pink pen, right? That's what I need tomorrow for the slogan contest."

"Hazel, that's all I bought because I was so quick to go home." Dad said as he ignored me.  Nangunot ang noo nito at parang walang ka-sense sense ang sinasabi ko sa kanya.

"P-Pero bakit si ate dad? Those fabrics are out of stock and hard to find.. but you still bought them.." Mahinang boses na giit ko pa.

"Dahil mas inuna kong bilin ang sa kanya, bago pa lang ako pumasok ay inalala ko na dahil gustong gusto talaga ng ate mo 'yun. 'Yung iyo naman kase bunso.."

"'Yung akin po? Ano?" Nakasibangot na sabi ko.

He sighed. "Fine, nalimutan ko talaga. Mabuti nalang at may nakita ako diyan sa labas na nagtitinda kaya naalala ko pa."

"P-po?"

"Pwede bang magpasalamat ka nalang at nabilan pa kita?!" He almost hissed, already irritated with me.

I bowed and then just nodded. I felt his footsteps go away so I sat on the sofa. Napatingin ako sa hagdan ng marinig kong tumawa si dad. Tuwang tuwa siya sa magandang tahi ni ate sa telang ibinili niya.

"Hon, look. Hershey made an awesome shirt to our dog, Heldon. Kanina ko lang binigay 'yan, pero nakagawa na kaagad siya." Proud na proud na sabi ni dad kay mom na kasalukuyang nagluluto sa kusina.

"Really? Ano pa ba ang aasahan natin diyan sa panganay natin? Of course she can made it, future designer kaya natin 'yan."

"Mom! Dad! Don't make me blush huh." Natatawa ngunit marteng sabi ni ate. Napangiti ako saka nakitawa na rin. Dad messed up my sister's hair.. which he had never done to me before.

I am very happy because I won the slogan contest at school again. Ang daming papuri ang ibinigay sa akin ng mga nakakasalubong ko. Nagpasalamat naman ako sa kanila. Pero kahit ilang papuri pa ang natanggap ko, ang kay dad lang ang gusto kong marinig.

"Mommy ganda! Nananalo po ako!" Salubong ko kaagad ng makita si mom sa garden.

"Really? Wow! Ang galing naman ng bunso namin." She said happily as she stared at my works. Kitang kita mo ang paghanga doon ni mom kaya natuwa ako.

"Si dad mom? Ipapakita ko din sa kanya!" Malaki ang ngiting sabi ko.

"Sige anak, nandoon sila ni Hershey sa sala." Mom said and kissed me on the forehead.

Holding on to what I had done, my works. I entered the house. Pero kaagad akong natigilan ng marinig ang mga singhot ni ate. Kaagad akong nag-alala. Anong nangyare? Mukha kaseng umiiyak siya. Mabuti nalang at pinapatahan siya ni dad.

"Hush, tahan na anak. What do you want? Why are you crying?" Dad asked while wiping the tear on my sister's cheek.

"K-Kase ang galing ni Hazel dad, ang ganda ng mga slogan at calligraphy niya sa kwarto."

"Talaga?" Parang wala lang na tanong ni dad.

"Yes dad, I want to learn her talent too."

"Really? That's nice, pero bakit ka umiiyak?"

My sister frowned. "It's hard dad, I tried a few times but I couldn't. I also imitated the tricks she taught but I really couldn't."

"Silly, you don't have to imitate your sister. Naniniwala ako na mas magaling ka pa rin sa kanya. Sa kanya normal lang, sa'yo rare. Lahat kayang gawin 'yon pero ikaw unique. You have a lot of talent that is more amazing than her works, Hershey."

"Really daddy?"

Masuyo siyang hinalikan sa noo ni dad. "Of course, you're my first princess Hershey. You can do better than anyone."

"Wow! Kahit kay Hazel?"

"Kahit sa kapatid mo pa." Napakurap kurap ako saka napayuko.

Nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata ko. Tinignan ko ang ginagawa ko saka ang mga ginawang damit ni ate na masaya niya na ngayong ipinapakita kay dad. Napaatras ako saka hindi mapigilang hindi tumakbo sa kung saan. My earlier joy and happiness gradually disappeared from what I had heard.

I looked at my works. "Hindi nga maganda, normal nga lang talaga. Tama si dad, rare 'yung kay ate. Nakakamangha. Bakit ba ako nanalo?"

I crumpled the cartolins and threw them in the trash.. Kung kanina gandang ganda ako sa gawa ko, ngayon parang wala nalang. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Hindi na ako nadala.

"Daddy gusto ko nga pong sumama sa field trip!"

"Hindi pwede! Una ko ng napayagan ang ate mo, sa susunod ka nalang."

Napayuko ako. "Sa susunod nanaman po? Ganyan din ang sinabi mo dad nung nakaraang taon."

"Kase unang nagsabi ang ate mo—"

"Si ate nanaman? Kahit naman ako ang naunang magsabi, si ate pa rin ang papayagan mo."

"Hazel, malaki na ang ate mo at kaya niya na ang sarili niya!" Malamig na sabi niya sa akin.

"Kaya ko na din naman ang sarili ko dad—"

"You're just 15 years old Hazel!"

"Kaya nga dad, pero ni isang beses kahit nung elementary hindi mo ako pinayagan. Pero si ate pinayagan mo. Bakit ako dad, lagi kang naka-hindi?"

"Ano bang gusto mong palabasin Hazel Duro?!"

"Na lagi nalang si ate."

"Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Your sister is mature, so independent. She can handle herself and I have a lot of trust in her. You? You haven't even proven anything!" Angered by what he said, I kept quiet because he was right. I want to urge and say. 'Paano ko mapapatunayan ang sarili ko dad, kung katiting na tiwala. Wala kang ibinibigay sa akin.'

"When your sister was 15, she always understood my decision. But you.." Dad sighed loudly, disappointed.

I can't help but laugh out loud. "What am I dad?"

"Sakit ng ulo. Walang wala ka sa ate mo." Napapailing na sabi niya pa.

"Syempre, siya lang naman 'yung lagi mong nakikita sa aming dalawa. Sige dad, ako na ang mali. Si ate nalang ang tama, siya na ang magaling. Ako na ang sakit sa ulo. Kelan ba ang hindi?"

"Sumasagot ka na ngayon?!"

"Ano nanaman ba ang nangyayare sa inyong dalawa?" Nangungunot noong singiti ni mom, may hawak na sandok. Nanggaling 'yata sa kusina.

"'Yang anak mo, sumusobra na. Hindi naman ganyan si Hershey noon." Nagtagis ang bagang ko sa sinabi ni dad. Gusto kong sabibing 'syempre magkaiba kami.' Pero hindi na ako nagsalita pa.

As usual, dad scolded me again. I could do nothing but run and run until a car honked in front of me. I stopped running and closed my eyes. Mukhang madidisgrasya pa 'yata ako.

"What are you doing here in the road?" I heard him asked. So calmly.

When I opened my eyes, my mouth immediately opened. He's.. so handsome. The guy in front of me tsked then without saying a word —He took my hand and put me in the car.

"You're wet." He said, my eyes widened.

"I'm not!" I hissed then took the towel he gave at me. Umuulan nga pala.

"I see.." Nasabi nalang ng lalaking ito at pinaandar na ang sasakyan.

Ako naman ay napanguso habang nagpupunas. Sinilip ko ang mukha niya, unang tingin palang alam mo ng seryoso. Napataas ang kilay ko saka tinignan ang id na suot niya.

"Mark Tuazon." When I mentioned his name, he glanced at me. Nanliit ang mata habang pinagmamasdan ako. I lifted the towel in front of me. Nagtama ang mata naming dalawa, and just like that. Mahina kaming natawa.   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top