23 | Varieties of Werewolves
Weeks have passed. At dalawang linggo na ang lumipas sa buwan ng Hulyo. Paparating na rin ang midterm exam namin. On the other hand, the witches are still in the corner, watching over me. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin. Any minute now, they can attack me behind my back. Isa 'yan sa dahilan kung bakit palagi kong inaalerto ang sarili ko.
After my conversation with Lupus that night, it made me realize one thing. I am not alone. Bakit ako susuko kung alam kong may pamilya akong handang samahan ako sa laban ko? And I know my parents hide me from the truth for a reason. And I cannot let their effort go in vain.
"Are you feeling okay?" Napatingin ako kay Rory nang marinig ko siyang magsalita. "Tell me if you feel something not right," he added.
For weeks Ry has been helping me to control myself from hunger. He even gives me knowledge about vampires. He said, vampires can heal anyone from physical injury through drinking their blood, either fatal or not. But if those mortals who had vampire blood in their system die, they will be revived but not the same as they were.
They are transitioning to become a vampire. But, they have two choices, either drink human blood to survive and become a vampire. Or die as human. Once a mortal becomes a vampire for the first time, they can't control their bloodthirst. They will hunt and kill. Their emotions are heightened, in short they become short-tempered, and their heads are in excruciating pain for they hear everyone around them. Even the weakest sound from afar.
Napatingin ako sa singsing na suot ko. "I am fine, Ry. Thanks for asking. Nararamdaman ko lang ang mga matang nakamasid sa akin," I honestly answered. Tinignan ko ang singsing na nakayapos sa palasingsingan ko. "I don't remember wearing this ring," I whispered.
I heard him chuckled. "Pinasuot ko 'yan sa 'yo," he said. Dahil sa sinabi niya, napatingin ako sa kaniya. I asked him through my gaze. "The night after your first transformation, Kai."
My eyes grew wider after hearing his response. Seriously? Bakit ngayon ko lang ito napansin? Nagpakawala ako ng malalim na buntonghininga. Marahil ay dahil sa daming iniisip ko, hindi ko na ito napansin.
"Para saan 'to?"
"That's a daylight ring. It protects vampire from sunlight," he answered. "Did you like it? Nagising kasi ako sa madaling araw. While you all asleep, I traced one witch who helped Akihiro and Kiara from that night. And―" Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya't napakamot sa kaniyang ulo. Dahilan para magtaasan ang kilay ko. "And blackmail her to create a daylight ring for you," he added.
My mouth fell half-open. He, what? Tinignan ko siya. He was now averting his gaze away from me and awkwardly scratched his head. Dahil sa pinapakita niyang kilos, napangiti ako. Pero nakita kong naglakihan ang mga mata niya nang bigla ko siyang yakapin.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang yakapin niya ako pabalik. Ibinaon ko ang aking mukha sa matipuno niyang dibdib. Him, on the other hand, gently rested his jaw above my head. Uminit kaagad ang tenga ko nang maramdaman ko kung gaano kahigpit ang yakap niya.
Mabilis akong kumawala sa yakap naming dalawa. "So, this ring was enchanted by a witch, huh," I said to break the awkwardness between us two. I heard him hummed as a response. "Thanks for this. You really help me a lot."
My eyes grew wider once again when I saw him smile genuinely. "Anything for you, Gehenna." Namula kaagad ako nang marinig ko ang sinagot niya.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo. No one wanted to give up. Ako na ang umiwas ng tingin nang dumiretso ang mata ko sa mapupula niyang labi. Ano kaya lasa ng mga labi niya? Kinurot ko ang aking hita dahil sa naisip ko.
And why would I want to know the taste?
Tinamaan kaagad ako ng kahihiyan nang marinig ko siyang mahinang tumawa. Pero nahinto lamang ang tawa niya nang biglang magsulputan ang maraming mga estudyante. Napangiwi ako nang marinig ko ang mga matutulis nilang tili. Karamihan sa kanila ay mga babae. Ang iilan naman ay may pusong babae.
Dahil sa nagkagulong mga estudyante ay nagkahiwalay kami ni Ry. And I fell my butt upon the ground when someone bumped into my shoulder. Some of the students are holding banner, and a small tarpaulin of someone's face.
"Kai, are you okay?" Rinig kong sigaw ni Ry sa hindi kalayuan.
Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga estudyante. Dahilan para mas lalo rin ako napangiwi sa sakit ng aking tenga. I was about to stood up when someone's hand greeted my eyes. Tumingala ako para tignan ang hitsura niya.
His emotionless eyes greeted me. He had chocolate-brown hair, a pointed nose, and we have the same downward-turned lips. Nakasuot ito ng simpleng white t-shirt, at denim pants. He was also wearing a brown sneakers. Naamoy ko kaagad ang panlalaki niyang pabango.
"Ayos ka lang?" His voice was so deep. Basi sa hitsura niya at sa beard niya ay tila ba'y mas matanda siya sa akin nang ilang taon. "I am sorry in behalf of my fans." Tinignan niya ang mga estudyanteng bigla na lamang natahimik. Their eyes were on me.
"I'm fine."
Nang marinig niya ang sagot ko ay inilahad niya muli ang kaniyang palad. I don't want to be rude, therefore, I accepted it. Nang makatayo ako ay binitawan ko na ang paghawak niya sa kamay ko.
Bago pa niya maipasok ang kaniyang kamay sa bulsa niya ay nakuha ng mata ko ang crescent tattoo sa wrist niya. Sa crescent tattoo na 'yon ay may nakadikit na reverse uppercase ng letter U.
"You're a Crescent?" Tila nagulat siya sa narinig niya sa akin.
He averted his eyes. Nakita ko pa siyang lumunok. "Not anymore. I am an omega werewolf. So, yeah," pabulong niyang sagot sa tanong ko.
Kumunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. Hindi na siya isang Crescent? Kasi omega werewolf na siya? What does that even mean? I was about to ask him, pero nawala na siya sa aking harapan.
Nag-alisan naman ang mga estudyante nang mapansin nilang nakaalis na 'yong lalaki. Sa sobrang laki ng campus, ang daming mga sikat na estudyanteng hindi ko kilala. Nang tuluyan nang makaalis ang mga nagkagulong estudyante ay sumulpot sa harapan ko si Ry. Sinuri niya pa ang aking katawan bago ako tapunan ng tingin.
"You okay?" Nag-aalala niyang tanong.
I simply nodded as a response.
✢
Nakatitig lang ako sa nakalatag kong lunch box sa lamesa. Hindi ako makakain dahil sa pag-iisip sa sinabi ng lalaking pinagkakaguluhan kaninang umaga. He is a Crescent Werewolf. Ibig sabihin, galing siya sa pack ko. Pero bakit noong tinanong ko siya, ang sinagot niya ay hindi na raw siya isang crescent?
Alam kong may tattoo rin sa braso si Lupus. At ganoon din sina Lola Merci at Lola Kariya. Ang kaibahan lang ay nasa ibaba ng nape naman 'yong sa kanilang dalawa.
"Kai, ayos ka la―"
"Lupus, alam mo ba kung ano ibig sabihin ng omega werewolf?" Hindi natapos ang sasabihin ni Hecate nang bigla akong magtanong kay Lupus.
Lupus forehead furrowed. I saw him and Ry exchanged looks. Si Hecate naman sa aking tabi ay nakatingin lang sa amin nang naguguluhan.
Tumikhim muna si Lupus bago sumagot. "Omega werewolf is one of the varieties of werewolves." Naghintay ako sa susunod niyang sasabihin. "Omega werewolves are the lowest variety of werewolves. They are lone werewolves who do not have a pack," he added.
Out of the corner of my eyes, nakita kong sumubo ng kanin si Hecate. Si Ry naman ay uminom sa binili niyang soda. At alam kong kung ano ang laman no'n. Yeah, the four of us shared the same table this time.
Ako na naman ang napakunot ng noo. "A lone werewolf? Pero paano siya nagkaroon ng crescent emblem sa wrist niya?" I whispered to myself.
"Crescent, you say?" Napatingin ako kay Lupus nang marinig ko siyang magsalita. Tila ba'y narinig niya ang ibinulong ko. "There are four varieties of werewolves, Kai. There's Beta Werewolves. They are the members of the pack, and are led by the Alpha. Beta could be possibly become an omega in three ways. First, leaving their pack of their own will. Second, being thrown out by their own pack. Lastly, surviving the death of their entire pack," pagpapaliwanag niya pa.
Napatango naman ako sa sinabi niya. Now it became clearer. 'Yong lalaking pinagkaguluhan kanina ay isang former crescent beta werewolf. And that how he became an omega. Tumingin ako kay Lupus. Sumalubong sa akin ang mata niya.
The way he looked at me, tila ba'y tinatanong niya ako kung nasagot niya ba ang bumabagabag sa akin. Tumango ako bilang pagtugon.
"Next up would be a Gamma Werewolves." When he mentioned the word 'Gamma', muli akong napatingin sa kaniya. I've heard that word from him. "Gamma werewolves are said to be the guardian of the pack. They are the rarest variety of werewolves because only one in the pack was born in hundreds of years. Gammas are considered the most physically powerful of all the werewolves, and serve as the Alpha's right hand enforcer."
Lupus had a crescent gamma emblem on his arm. He mentioned that word countless times. Una kong narinig ang salitang 'yan noong narinig ko silang dalawa ni Ry na nagtatalo sa loob ng toilet room. Kasunod naman ay 'yong araw na narinig kong nagtatalo silang dalawa ni Wolfie.
Noong isang araw rin ay unang beses kong nakita ang gamma tattoo niya sa braso noong pumunta kami ni Lola sa teritoryo ng pack ko. Lastly, ay 'yong gabing nakausap ko siya. He even mentioned ang salitang 'right hand enforcer' sa gabing 'yon.
I saw Lupus glance at me. "Lastly, an Alpha Werewolf. Alpha is the leader of a pack of werewolves. It is the strongest, most powerful and by far the most lethal variety of werewolves. Alphas are said to possess great power and wisdom." Naputol lamang ang pagtingin sa akin ni Lupus nang matapos siyang magsalita.
Out of the corner of my eyes, nakita ko ang mga titig ni Ry sa kaniya. Sa sobrang sama ay hindi ko matantiya kung ano'ng ibig sabihin ng mga titig na 'yon.
"So, alin ka sa mga nabanggit, Lupus?" I heard Hecate asked.
I was about to looked at Lupus when I felt two pairs of eyes looking at me. Tumagos ang tingin ko sa likuran ni Hecate. There I saw Akihiro and Kiara eating lunch together. They are at the other edge of the cafeteria.
I gritted my teeth in anger. My palms turned to fists. Tinapunan ko silang dalawa ng matatalas kong tingin. But, Akihiro only waved his hand. And Kiara, on the other hand, form a sly smile upon her lips.
"I am a Gamma."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top