11 | I'm Sorry, Alpha
I lifelessly opened my eyes when a sound of rooster rang in my ear first thing in the morning. I remained lying upon my bed, and staring at the ceiling at the same time. Hindi ako nakatulog nang mabuti dahil bumabagabag sa isipan ko ang nakita kong litrato ni Rory sa taong 1970 kahapon.
A heavy sigh escaped from my lips before sluggishly getting up. Bago ako bumaba ng kama kong matigas pa sa semento ay lumingon ako sa nakasaradong bintana. Lumalagpas ang sinag ng araw dito sa loob ng kuwarto ko.
Nakabagsak ang aking mga balikat na bumaba sa higaan. Bago ko buksan ang bintana ay iniligpit ko muna ang unan at kumot. When I finally opened the window, as usual, cold morning breeze brushed against my skin.
The sun was happily brighter, which doesn't match with my energy. Chirping birds and crowing roosters still ringing in my ears. Dewdrops of green grass are always noticeable. But I don't have the energy to compliment and absorb the beauty of morning. Not today.
My eyes are heavy, craving to close. My head seem to explode. Kinulang talaga ako sa tulog kagabi. Grabeng isipin ang ibinigay sa akin ng mga kuwento ni Lolo Primitivo sa akin. And it doubled when I went straight to the city's library after Ry left me alone in Durada Café.
Lumabas na ako sa aking kuwarto't tinungo ang gripo namin sa likuran ng bahay. Usually, dito ako naglalaba at naliligo.
"Magandang umaga, Lola," walang gana kong bati sa Lola ko.
Paglagpas ko kay Lola ay nahagilap ng aking mata ang pagkunot ng kaniyang noo. Kinuha ko ang maliit na basket na pinaglalagayan namin ng sabon, toothbrush, shampoo, at toothpaste. Binitbit ko ito sa patungo sa likuran ng bahay. On my way there, kinuha ko ang tuwalya ko na nakasampay kasama sa mga basang damit.
Isinampay ko sa bakanteng sampayan ang aking tuwalya bago binuksan ang gripo. Inilapag ko ang dala-dala kong maliit na basket katabi ng baldeng pinaglalagayan ko ng tubig. While waiting for the bucket to filled with water, strange things that happened to me for the past three days suddenly occurred to me.
First, I witness someone died right before me in my first day. And those yellow eyes I saw and a wild growl of a beast I heard. Lastly, about what I found yesterday. I don't want to overthink, talagang naguguluhan ako kung bakit ngayon lang ito nangyari.
I mean, for the past two years of moving here in Luna Roja I haven't experienced these kind of things. Kahit na nakakapagod mag-trabaho pero payapa naman ang buhay ko. I haven't even gained an enemy.
Nakakabaliw lang isipin na makaraan ang dalawang taon, ngayon ko naman sila nararanasan. And my mind isn't ready for the things that difficult to comprehend. Bumalik naman ako sa reyalidad nang mapagtantong umaapaw na ang tubig sa balde.
Another heavy sigh escaped from my lips before I took my sleeveless shirt off. Hinubad ko na rin ang short na suot ko't tinira ang aking puting undergarment. Hindi naman ako matagal maligo kaya natapos ako kaagad.
Sa mga oras na ito ay patungo na ako sa kusina para kumain ng agahan. I am done preparing myself for school. Kahit na ayoko mang pumasok ay walang akong magagawa. College isn't the same as high school.
Pagkarating ko sa kusina ay inilapag ko muna ang aking bag sa kawayan naming upuan.
Si Lola naman ay nakatingin lang sa akin. Kasing-bilis ng kabayo akong nailang dahil sa mga titig niya. Tila ba'y sinusubukan niyang basahin ang kaluluwa ko.
"Lola, 'wag niyo naman ako tignan ng ganiyan." Pagputol ko sa pagtitig niya sa akin.
Narinig ko naman ang pagbuntonghininga niya. Nang mailapag ko ang isang slice bread sa plato ay nilagyan niya ito ng sunny side-up sa ibabaw nito. At saka ko ulit nilagyan ng isa pang slice bread. Dinampot ko ito't kaagad na kumagat.
"Napapansin kong tila malalim ang iniisip mo kanina pa. May bumabagabag ba sa isipan ng apo ko?" malambing niyang tanong at sinamahan pa ng pag-aalala ang timbre ng kaniyang boses.
Napahinto ako sa pagnguya. "Medyo lang, 'la. Ewan ko ba no'ng pumasok ako sa eskwelahan, saka naman may nangyayaring kakaiba. Nagsimula ito noong gabing pinaglalamayan natin sina Mama at Papa sa Las Plovis," I shared.
Narinig ko siyang tumikhim. At saka umayos ng upo. Nang tignan niya ulit ako ay saka ko naman ibinaling ang aking atensyon sa sandwich ko.
"Ano bang ibig mong sabihin sa kakaibang pangyayari, apo?"
Nginuya ko muna ang aking kinain at nilunok ito bago sumagot kay Lola. Nakakunot na ang kaniyang noo. Ito talaga ang gusto ko sa kaniya. 'Yong handa siyang makinig sa lahat ng sasabihin ko.
Ikinuwento ko naman sa kaniya na tila may matang nakamasid sa akin sa hindi kalayuan noong nasa Las Plovis pa lang ako. Hanggang sa nangyari kahapon. But when I mentioned Del Grosso, her gaze quickly averted.
"Baka kamukha lang ng binatang tinutukoy mo, apo? Hindi mo ba siya tinanong? Hindi natin alam na baka Lolo niya ito." Napatango naman ako sa sinabi niya.
Geez, bakit hindi ko man lang 'yon naisip?
Pagkatapos kong mag-agahan ay nagpaalam na ako kay Lola. Dumating ako sa paaralan makalipas ang dalawang minuto. Ngayon ay kapapasok ko lang sa entrance gate ng university. The students who are going back and forth greeted me.
When I passed the stage, napansin ko kaagad na may mga estudyanteng nagde-decorate. Hindi ko alam kung para saan 'yon. But I could only think that there's an event coming. Kapansin-pansin ang gusaling may anim na palapag sa bawat side ng campus.
Sa dulo naman ng quadrangle ay may dalawang gusaling nakatayo. Ito ay may walong palapag. The two building were facing each other. At ilang pulgada na lamang ay magkakadikit na ang mga ito.
I walk straight in between of them. May hallway kasi sa gitna. Sa likuran naman ng dalawang gusaling ito ay field. Oval ang shape ng field nila.
Lagpas sa field ay matatagpuan ang aming department na may apat na palapag. Sa kabilang side naman ng field ay matatagpuan ang art and sciences department. Katabi ng aming department ay ang radio station ng Luna Roja. Kasunod naman ay ang mga laboratories.
Likuran namin matatagpuan ang gymnasium. Sa hindi kalayuan naman sa aming department ay matatagpuan ang kakahuyan. In short, ang farm para sa mga agriculture students. Katabi ng art and sciences department ay matatagpuan ang hotel. Katabi ng hotel ay ang cafeteria.
Dumating naman ako sa designated room namin for The Entrepreneurial Mind dito sa FabLab. Napatingin naman ako sa aking suot-suot na wristwatch. One minute before it hits seven in the morning.
Tamang-tama lang ang pagdating ko. Alas-siyete ng umaga kasi magsisimula ang klase namin ngayong Miyerkules. As far as I can recall, Wednesday is our enemy. I mean, Miyerkules lang kasi ang mas maaga magsisimula ang klase. The rest are eight in the morning.
"Kai!" rinig kong sigaw ni Hecate na kararating lang din. Kaagad siyang tumabi sa akin nang may ngiti sa labi. "Balita ko lumabas daw kayo ni Rory kahapon ah. Kaya pala hindi ka sumama sa amin," panunukso pa niya.
Hinawakan niya naman ang kamay ko. Pero bigla siyang napahinto. Napatulala siya ng ilang segundo. And after that, napasinghap siya. Fear impetuously plastered upon her face. Dahil sa tinuran niya, kumunot ang aking noo sa pagtataka.
"Hey, ayos ka lang? Ano'ng nangyayari sa 'yo?" naguguluhan kong tanong.
Parang bumalik naman siya sa reyalidad nang marinig ang boses ko. "Ah, y-yeah," utal-utal niyang sagot. Tila isang pilit na ngiti naman ang ipinakita niya sa akin pagkatapos. "I-I'm r-really okay. You don't have to worry," tila kabado niyang dagdag.
Kasing-bilis pa sa kabayo siyang napabitaw sa aking kamay. Sa halip na kulitin si Hecate ay hinayaan ko na lamang siya. Napalingon ako bigla sa pintuan nang mapansing pumasok si Rory. His cold gaze meet my eyes.
Bigla kong naalala ang tungkol kahapon. Napansin ko pa ang pagkunot ng kaniyang noo nang umiwas ako ng tingin. Hecate was still silent. Nakatingin lamang siya sa kaniyang kamay. Tila ba'y may bumabagabag sa kaniyang isipan.
Sunod-sunod ko pa narinig ang malalalim niyang buntonghininga.
✢
Ngayon naglalakad na ako papalabas ng gate nang mag-isa. Naunang lumabas si Hecate ng classroom. Paglabas ko'y hindi ko na siya naabutan. It seems like something's bothering her. Buong araw kasi siyang tahimik.
Time check, it is already past four in the afternoon. Katatapos lang ng buong araw ko. Wala naman kaming ibang ginawa kundi ang makinig sa mga lectures ng mga professors. Sa programming naman ay tina-tackle ng instructor namin tungkol sa algorithms at flow charts.
Sa Introduction to Computing ay tinuruan kami tungkol sa mga basic coding sa paggawa ng website. At sa Mathematics in the Modern World naman ay nagdi-discuss lang tungkol sa Fibonacci Sequence.
All throughout the day, ramdam na ramdam ko ang mga titig sa akin ni Rory. Pero kahit ni isang beses, hindi ko siya tinignan. Hindi ko siya kayang tignan dahil kahapon. Nang makalabas ako ng gate ay nagsilakihan ang aking mata nang makita ko ang taong iniiwisan ko.
Nakapamulsa siyang nakasandal sa isang itim na big bike. Kinagat ko ang aking ibabang labi at dahan-dahang umatras para pumasok pabalik ng campus.
"Where do you think you're going?" tanong niya sa akin nang hindi ako tinignan. Diretso lang ang tingin niya sa mini-forest. He then stood up straight without moving his hands out of his pocket. "You are avoiding me, Caelestis Reyan Gehenna."
For unknown reasons, chills race down my spine when he utters my full name. He sounds authoritative just now.
I laugh awkwardly. "Do I?" I innocently asked.
Nang marinig niya ang sinabi ko ay tinignan niya ako sa mata. Sumalubong na naman sa akin ang malamig niyang tingin. Kulang na lang ay uulan ng niyebe. I saw his jaw moved. His eyebrows met each other. Naglakad siya papalapit sa akin. Habang ang puso ko naman ay parang baliw na nagtatambulan.
"I don't like it," he coldly said.
I was about to response to him when someone suddenly bumped into me. We both fell upon the ground. Talagang sapol na sapol ang puwet ko dahil sa pagkakabagsak ko. Napadaing ako sa sakit. Mabilis akong inalalayan ni Rory.
He then asked if I am okay, but I only responded him through nodding. Napatingin naman ako sa taong bumangga sa akin. Lalaki siya. He had a shoulder-length chocolate-brown hair, and a thick black eyebrows. Suddenly, I remember Lupus.
Kumunot na naman ang aking noo nang makita ko ang takot sa kaniyang mukha. I could trace a sweat on his forehead. And his trembling hands.
"I'm sorry, Alpha." He then sprinted into the campus.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top