09 | At Durada Café
I tweaked my hair in frustration. And screams internally. Mag-i-isang oras na akong paikot-ikot dito sa loob ng kuwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag-decide kung ano ang susuotin ko. Idagdag na ang kaba na kanina pa nagbibigay sa akin ng pagkataranta.
After Rory invited me to go out with him later, ang bakla naman nag-o-overthink ng malala. A someone like Rory ask me to go out with him today? Ano naman kaya rason ng isang 'yon? O baka kailangan niya lang ng kasama?
Sumuko na kaagad ako sa pag-iisip kung ano ang susuotin ko. Sa halip kung ano'ng meron na lang ako rito sa cartoon na pinaglalagayan ko ng mga damit ay ito na lang ang susuotin ko. Napag-desisyonan ko na lamang na magsuot ng black and white checkered long sleeve polo.
Ipapares ko ito sa black short na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko. At simpleng puti na rubber shoes. Dali-dali kong hinubad ang puting tuwalyang nakatapis sa aking baywang. A contented smile formed upon my lips when I finally wore them.
Bago ako aalis ay inayos ko muna ang aking basang buhok gamit ang mahiwaga kong suklay. Nagpabango rin ako gamit ang pabango kong Johnsons Happy Berries baby cologne. Noon pa man, ito na ang paborito kong pabango.
"Aba, saan punta ng apo ko?" tanong sa akin ni Lola nang dumaan ako sa sala.
Napangiti pa nga ako dahil sa tanong niya. I even made a little bit of pose to brag my outfit.
"May lakad lang po ako kasama ang―" Her forehead furrowed when I stopped in the middle of my sentence. Does Rory even consider me as a friend? Well, ayos lang naman siguro tatawagin ko siyang kaibigan dahil wala naman siya rito. "Kasama ko po kaibigan ko," dugtong ko sa aking pangungusap.
Nginitian naman ako ni Lola.
"Mag-enjoy at mag-ingat kayo sa lakad niyo." Niyakap ko siya't hinalikan sa pisngi bago umalis. "At umuwi ng maaga," pahabol niyang sabi nang makalabas ako ng pintuan.
"Opo, Lola."
Nilakad ko muna ang masikip na eskenita bago ko marating ang daan. Pagkalabas na pagkalabas ko sa eskenita ay may nakita akong jeep na paparating. Pinara ko ito't sumakay nang pumarada ito sa aking harapan.
Sinabihan ko ang driver na sa Durada Café ako bababa. 'Yan kasi ang place sa text ni Rory sa akin. That's right, we exchange our phone numbers earlier in cafeteria. And till now, I couldn't believe that. I mean, obvious na obvious naman na mahirap i-approach si Rory.
Una, sa tindig pa lang niya at itsura, nakakaintimida na. Pangalawa, sobrang tahimik niya. At panghuli, palagi siyang nakasuot ng seryoso at malamig na ekspresyon sa mukha niya. Kahit na ganoon siya ay hindi mo pa rin maiiwasang humanga sa kaguwapuhan at kakisigan niya.
Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil sa naiisip. Well, not gonna lie, he is really handsome. Ewan ko ba, pero 'yong pagiging cold niya ay nagpadagdag lang ng kakisigan niya. Geez, am I really find him that sexy?
Kaagad naman ako nakarating dahil hindi naman gaano kalayo sa amin ang lungsod. Bumaba ako sa harapan ng café na sinasabi ni Rory. Sa kabila naman ng daan ay makikita ang malaking simbahan.
Hindi na ako nag-alinlangang lumapit sa glass door. The security guard opened the door for me. Sumalubong sa akin ang mga customers na mapayapang nag-e-enjoy sa kanilang iniinom na kape. I approach the vacant table near at the glass window. Umupo ako sa upuan at hinintay si Rory.
"Sir, can I get your order?" a waiter approached me.
I smiled at him awkwardly. "Maybe later? May hinihintay pa kasi ako," I responded. Isa pa, ayoko namang maunang mag-order dahil hindi pa dumadating ang kasama ko.
Nakakawalang-modo naman 'pag nagkataon.
Pagkatapos niyang marinig ang sinagot ko ay humingi siya sa akin ng paumanhin. Iginala ko ang aking mata sa kabuuan ng establisyamento. Tables and chairs are made of wood. The counter was made of bricks. May dalawang malalaking aircon stand sa magkabilang dulo ng café.
Para patayin ang oras ko sa kahihintay ni Rory ay tiningnan ko ang menu na nakalapag sa lamesa. Sa front cover ay kapansin-pansin ang malaking font ng pangalan ng café. Sa ibaba nito ay may pictures ng iba't ibang klaseng kape at fast foods.
When I turn the front cover, nanghina kaagad ang tuhod ko. Bigla akong nanliit sa kinauupuan ko. What the hell? Kung alam ko lang na isang mamahaling café pala ang pupuntahan ko, sana ay hindi ako pumayag.
For goodness sake, five hundred lang ang dala kong pera. At ang mga prices ng kape nila ay umaabot ng thousands. Nakita ko pa ang pinakamura nila rito ay ang black coffee na naghahalagang three thousand pesos.
"Kailangan kong umalis sa lugar na 'to," saad ko sa aking sarili.
I was about to stand up when I saw Rory entered the café. Biglang nag-slow motion ang paligid. He is wearing a plain black polo and a black short above his knee. And a black Gucci sneakers. Bahagya pang nakabukas ang dalawang butones ng polo niya. Exposing his sexy chest.
Nakasuot rin siya ng silver necklace na may pendant na bungo. His hair was comb backwards. His thick black eyebrows were exposed. Hindi ko kasi masyadong nakikita ang kilay niya dahil sa punky hair niya.
Hapit na hapit pa sa kaniya ang suot-suot na polo niya. Dahilan para mas lalo lang umusbong ang kaguwapuhan niya. Lahat ng mga customers ay napapatingin sa pagdaan niya. Habang ako naman ay hindi ko naiintindihan ang sarili.
My heart skipped a beat. Napapalunok din ako. At hindi ko kayang iiwas ang mata ko sa kaniya. Ramdam na ramdam ko na rin ang pag-init ng tenga ko. I gritted my teeth to resist myself. What the hell is happening to me?
"You can now sit, Kai."
Nabalik ako sa reyalidad nang bigla kong narinig ang boses niya. Bumalik sa dati ang paligid. Hindi na ito nag-slow motion. Shame instantaneously strike at me when I saw him already seated. Nakatingin na siya ngayon sa menu.
"Why didn't you tell me that this place is expensive, Rory?" tanong ko sa kaniya nang makaupo ako.
I mean, I am really desperate to change the topic to evade this nonsense feeling I experience just now. And I have no idea what the hell is the meaning of this. Alright, gotta admit, I have a crush on him. Pero hanggang doon lang 'yon.
"Who said you are going to pay?" tanong din ang ibinalik niya sa akin.
Ni hindi man lang niya ako tinignan dahil abala siya sa pagtingin sa menu.
"Huwag na, nakakahiya," mahina kong sabi pero alam kong sapat na 'yon para marinig niya. Habang ang mata ko ay dumiretso sa sahig.
Inilapag niya ang menu. At naramdaman ko na ang mata niyang nakatingin sa akin. Dahil dito napaangat ako ng ulo. His mocha-brown eyes meet mine. Ang ganda pala ng mata niya dahil tumama ito sa sinag ng araw.
Araw na papalubog na.
"I ask you to go out with me, Kai," he seriously responded. "Siyempre, ako dapat ang magbabayad. No more buts, alright? Let's just enjoy this moment."
Inabot niya sa akin ang isa pang menu. He looked at me through my eyes, it's as if telling me I should choose what I want. Nahihiya man ay tinanggap ko na lamang ito. Seconds later, he called the waiter.
"Yes, sir?" he respectfully said.
"Can I get a black ivory, one taco and a burrito?" After he ordered what he wanted, he looked at me. "How 'bout you, Kai? What do you want?"
Napakamot ako sa aking ulo. "Umm, mainit na tsokolate, isang cheeseburger at isang muffin. 'Yon lang siguro." Sabi ko sa waiter na abala sa pagsusulat sa mga order namin sa dala-dala niyang papel.
Tiningnan ko si Rory. Nakatitig siya sa akin. Tila tinatanong kung sigurado ba ako. Tinanguhan ko lang siya bilang pagtugon. Pagkaalis ng waiter ay namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Nakita ko siyang kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa. May tinitignan siya sa screen. Habang ako naman ay napatingin sa labas. The street was busy and the sky was orange. People were going back and forth.
May nagkakalat ding mga naka-unipormeng estudyante. Nang magsawa ako sa pagtingin sa labas ay muli akong tumingin kay Rory. Nasa cellphone pa rin ang atensyon niya. Kinuha ko ang pagkakataong tignan siya nang mabuti.
"Find me alluring?" Halos mawalan ako ng balanse sa kinauupuan ko nang magsalita siya. Nandiyan na naman siya sa tanong na 'yan. Diretso pa ang kaniyang mata sa mata ko. "If you have something to ask, fire right away. Ask me anything you want to know. I am pretty sure, you have a lot of questions about me."
Napaiwas ako ng tingin dahil sa sumunod na sinabi niya. It's as if nababasa niya ang iniisip ko. Bumuntonghininga ako ng mahina bago magtanong.
"Nag-iisa ka bang anak, Rory?"
"Call me Ry," he said. "And no. Lima kaming magkakapatid. Middle child naman ako," he straightforwardly answered my question.
Napangiti ako sa sinagot niya. "Sana all," I commented. Dahilan para i-angat muli ni Rory ang ulo niya para tignan ako. His forehead furrowed. "Nag-iisang anak lang kasi ako."
I was about to ask him another question when the waiter came back with our orders. Isa-isa niyang inilapag ang in-order na kape ni Rory at ang kaniyang dalawa pang pagkain. Sinunod naman nitong inilapag ang akin.
"Enjoy po kayo," the waiter said before excusing himself.
Dinampot ko ang maliit na kutsara sa maliit na platong pinatungan ng baso na may lamang hot chocolate. Dahan-dahan ko itong hinalo bago tikman. My eyes grew wider in surprise when I realized how delicious it was.
"It's delicious, isn't it?" he asked while sipping his coffee.
Isang tango lang ang itinugon ko bago dinampot ang burger at kumagat. The burger was also tasteful. Para akong lumutang dahil sa sarap na ibinigay sa akin ng in-order ko.
"So, ano-ano naman pangalan ng mga kapatid mo, Ry? If you don't mind me asking," tanong ko sa kaniya nang mailunok ko na ang nginunguya kong burger.
Inilapag niya ang baso pabalik sa maliit na plato. "Ang panganay namin ay si Zalex Vero. Ang pangalawa ay si King Azrael. At ako ang pangatlo. Then there's Rouvon John next to me. At ang bunso ay si Lucien Alistair." My mouth fell upon the floor.
"Ang gaganda ng pangalan niyo, ah. Sounds expensive."
Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. That made my heart skipped a beat. It's my first time seeing him smiling this close. It made my heart melts. Parang gusto ko na lang humimlay.
"Ganda rin kaya ng name mo. Caelestis Reyan Gehenna. It means, your first name means heavenly gift. And your surname means hell. How cool is that?" sabi pa niya dahilan para mamula ang pisngi ko.
Kinuha ko ang muffin at kumagat dito. "How about you? Does your name perhaps had a meaning behind it?" I comfortably asked.
A proud scoff escaped from his lips. "It means red fangs king," he quickly responded. Habang ako naman ay humanga na naman.
After that conversation, silence took over between us. Ry once again had a sip of his coffee. He then takes a bite of his taco.
"Dito talaga kayo lumaki ng mga kapatid mo?" putol ko sa katahimikang sumasapaw sa amin.
"Yup," he sparingly answered with a smile.
Tumatango-tango ako. "Ah, okay. Ako kasi hindi eh. Last two years lang ako lumipat dito sa Luna Roja," I shared.
"I know." Sabi niya habang kumagat sa in-order niyang burrito.
Me, on the other hand, was caught off guard He knows? "What do you mean you know?" paglilinaw ko sa sinabi niya.
He was taken aback from what I asked. Pero kaagad din naman siya nakabawi. "Oh, sorry," he said. "May ka-chat kasi ako. Minsan na vo-vocalize ko ang dapat na ire-reply ko," he added.
An awkward laugh escape from my lips. Kinamot ko pa ang aking ulo dahil dito. Pang-ilan ko na ba pinahiya ang sarili ko sa harapan ni Rory? Silence one again took over between us. Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain sa in-order ko nang makita ko siyang nagtipa sa kaniyang cell phone.
Seconds later, isang matandang lalaki ang nakatayo sa gilid ko. Napatingin ako sa kaniya. I guess nasa mid-fifties na siya. He was staring at Rory. Nilakihan pa niya ang kaniyang mata para makilala niya ito.
"Parang kilala kita, iho," bigla niyang saad. Habang si Rory naman ay napatingin din sa kaniya. Kumunot naman ang noo ng matanda. "Ah, tama. Ikaw nga 'yong binatang 'yon. Pero bakit hindi ka man lang tumatanda?" dagdag pa nito.
This time, ako na naman ang naguguluhan. Nakita ko kung gaano nagulat si Ry nang makita ang matanda. Pero kaagad din namang kumunot ang noo niya. Sumakit ang ulo ko dahil hindi ko na alam kung alin ang paniniwalaan ko.
"Sorry po, Lolo. Hindi ko po kayo kilala," sabi pa ni Ry. Dinampot niya ang kaniyang cellphone at tumingin dito. Tumayo siya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "I got to go, Kai. Something came up. Salamat sa oras mo, at ingat sa pag-uwi."
Hindi na niya ako hinintay pang sumagot at kaagad na umalis. Sinundan ko siya ng tingin. Kasing-bilis pa ng kabayo siya mawala sa paningin ko. Tila ba'y nagmamadaling umalis.
Habang ako naman ay naiwang nakatulala. Naguguluhan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top