Chapter 1: Personal Assistant
Hi! I'm just writing this series now to simply feed some of our "delulu" as fangirls. Hope you enjoy!
Chapter 1: Personal Assistant
Napapikit na ako habang nakikinig sa malambing na boses ni Miles Hernandez sa earphones na sinaksak ko sa magkabilang tainga ko habang nandito ako sa airport ngayon at naghihintay na matawag ang flight ko. Ang sarap talagang pakinggan ng boses ni Miles. Para bang hinihele ka at pwedeng-pwedeng pang-lullaby ang sobrang soft na boses niya. At nakaka-relax pang talaga. Haynaku! Sobrang nakaka-inlove talaga lalo na ang boses niya!
At sa totoo lang ay wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sa kaniya. Ganoon naman siguro talaga kapag artista ka. Ang daming sinasabi sa'yo lalo na ng mga bashers. Na para bang pagmamay-ari na nila pati pa ang buhay mo. Eh, nakikinood lang naman sana sila sa mga TV dramas mo at nakikinig ng mga kanta mo. Para bang kilala na nila ang buong pagkatao mo sa mga sinasabi nila minsan na sumusobra na rin talaga.
Our idols are artists. They give us entertainment and make us happy through their singing and dancing or drama, too. But I don't really think we have the right to just say whatever we want about them. Kasi tao pa rin naman sila at may feelings din. Masasaktan din sila if they read our post especially if it's not a good one and if they're sensitive.
May mga tao kasi na ganoon. You cannot really say na kung ikaw iyon ay kaya mo. Siguro ikaw. But not everyone is as strong minded as you are. Good for you, though. But there are just really people who are weak—or not as strong as others. And they couldn't take it. That some even result to ending their lives untimely... And it's so sad.
Alam kong hindi na dapat pinapatulan pa ang mga bashers. I think they are just some people who lack and seek attention most of the time. Pero minsan ay nakakainis pa rin talaga ang mga pinagpopost ng mga ito sa social media. Tapos pa nagtatago lang naman din sa mga dummy accounts na gamit nila. I know that it's their account or page. So they can be free to post whatever. But really, talaga bang nakakalimutan na ng tao ang pagiging marespeto? Or maybe they feel miserable in their selves kaya nandadamay. Tsk.
Miles Hayden Hernandez came from a boy group who sings and dance at first in his early teens. Originally ay lima sila sa grupo nila. Kaya lang dahil sa issues at mga nangyari sa mga group members niya—may isang umalis dahil mag-aaral na raw pala sa abroad at galing din sa kilala at mayamang pamilya, siguro nga dito nagsimula na unti-unti na ring nabuwag ang grupo nila talaga kalaunan. Kasi iyong iba ay huminto na rin. Hindi ko alam kung nawalan na ba ng motivation. O pinili lang talaga nila na mag-aral na lang kaysa ang pag-aartista. Pero si Miles ay hindi huminto. Kahit pa hindi rin talagang gumawa ng pangalan iyong boy band nila dati na NEW. Ay nagpatuloy pa rin siya.
Pagkatapos ng pagkakabuwag ng grupo ay nagkaroon pa rin ng offer kay Miles ang entertainment company kung saan din nanggaling ang dati niyang grupo. People said that it's just because of his face. Kaya naman kinuha pa rin siyang actor sa isang TV drama na debut niya rin sa acting noon. Kahit pa daw hindi naman siya marunong umakting. Tsk.
Tingin ko ang rason doon ay kasi bata pa naman siya kaya ganoon. 'Tsaka bago pa lang talaga siya noon sa acting at first time pa niya. Ganoon naman kahit ang ibang mga artista na bago pa sa industriya ng pag-acting, 'di ba? Pero kita mo naman ngayon ang galing-galing nang umakting ni Miles Hernandez!
Kaya naman sobrang proud din talaga ako sa kaniya bilang fan.
Medyo malayo na rin ang nararating niya ngayon. At deserve niya 'yan for his hard work!
Tapos ang galing-galing pa niyang kumanta at gumawa rin ng kanta!
Ang talented niya!
Grabe na talaga ang pag-f-fangirl ko sa kaniya kahit sa isip ko pa lang ngayon. Talagang sinusundan ko ang mga news tungkol sa kaniya at ang progress niya. Kasi naman ay talagang nakaka-proud din bilang fan to see your idol really shine! Kapag nakita ko na talaga siya nang personal ay baka himatayin na talaga ako!
Anyway, iba-iba naman kasi ang pag-iisip na mayroon ang bawat tao. And what we say most of the times are just merely opinions. Kaya bahala na nga ang iba. Basta para sa akin si Miles Hernandez ang the best! I love him so much! I love his acting and music! I just love what he does!
I smiled to myself after just thinking all about Miles.
"Flight 5J 552 please proceed to Gate 3..."
Tumayo na ako sa inuupuan ko rito kanina habang naghihintay at hinila ko na ang maliit na maleta ko pagkatapos marinig ang announcement. At nang nasa loob na ako ng eroplano ay nagpatuloy lang din ako sa pakikinig ng mga kanta ni Miles Hernandez.
And as I watched outside through the airplane's window and saw the pretty clouds, I then remembered why I was here again. Umalis ako sa probinsya namin para pumuntang Maynila ngayon kung saan may isang kamag-anak ang willing na pag-aralin ako. At kahit pa kinakabahan din ako at natatakot na humarap sa isang bagong environment, lalo pa at first time ko lang din na lumuwas. Hindi lang halata pero first time ko lang din na sumakay ng eroplano ngayon. Na instruct lang ako ni tito kaya naman hindi rin ako nagtangatangahan sa airport kanina at hanggang sa pagsakay ko ngayon sa eroplano. Hindi na rin ako kinabahan at mas kabado pa ako sa pagdating ko na ng Maynila.
Wala na kasing pampaaral sa akin sina Mama sa probinsya. Pareho naman silang nand'yan pa ni Papa pero tamad magtrabaho ang tatay ko kaya si Mama lang ang kumakayod para sa pamilya namin. At tatlo pa kaming magkakapatid. Pang-gitna ako sa tatlong magkakapatid at mayroong panganay na kapatid na lalaki at bunsong kapatid na lalaki rin. Nasa college na si kuya at graduating na rin kaya nasa kaniya at pag-graduate niya ang focus ni Mama. Kaya lang ayun nakabuntis at mag-aasawa na yata nang maaga. Umiyak nga si Mama. Iniyakan si kuya pero wala na rin kaming magagawa. Basta pinag-promise na lang ni Mama si kuya na magtatapos pa rin ng pag-aaral. Nasa bahay na rin ngayon nakatira iyong girlfriend ni kuya na nabuntis niya. Ang bunso naman naming kapatid ay nasa elementary pa lang.
Habang ako naman ay may isang taon na lang din sa high school. Kaya sayang naman kung tumigil pa ako. Naalala ko iyong usapan namin ni Mama bago ako umalis sa amin.
"Rachelle, naaalala mo pa ba ang Tito Viktor mo?"
Tumango ako kay Mama. "Opo..."
Tipid na ngumiti sa akin si Mama. "Nagkausap kasi kami sa phone nitong isang araw lang. kinumusta niya tayo at sinabi ko naman ang sitwasyon natin ngayon pati pa sa kuya mo. At alam mo nagsabi siya na gusto niya raw tumulong."
"Mabuti po, Ma." Bahagya na rin akong napangiti. Kung tama ang pagkakaalala ko dahil bata pa kasi talaga ako noong una at huli kong nakita ang tiyuhin ko na nananatili na ngayon sa Manila. Ang alam ko ay Manager din ito roon ng mga artista. Iyon ang trabaho niya sa Maynila. At pinsan naman siya ni Mama.
Ngumiti na rin sa akin si Mama habang naglilinis kami rito sa kusina pagkatapos kumain ng hapunan ang pamilya namin. "Oo nga, anak. At bale, Rachelle, nag-usap nga kami ng Tito Viktor mo. At nasabi niya sa akin na pwede ka raw niyang pag-aralin sa Maynila. Gusto mo ba iyon, anak?" Ngumiti pa sa akin si Mama na ini-encourage ako.
Nakatingin naman ako kay Mama at nag-iisip pa. Lumaki ako na hindi na talaga kami naging ganoon ka-close ni Mama sa isa't isa. Palagi kasi siyang wala sa bahay dahil nagtatrabaho siya. Habang ako naman ang naiiwan sa bahay para mag-alaga rin sa dalawa kong kapatid na lalaki dahil ako ang babae. At kahit lumaki rin akong marami sanang mga tanong kay Mama dahil babae nga at tingin ko si Mama lang din ang makakaintindi. Pero wala na kaming ganoong bonding. At isa pa ay ramdam ko na noon pa man na parang mas priority ni Mama sina kuya. Nakakatampo nga pero inintindi ko na lang kasi wala na rin talagang panahon pa sa akin si Mama dahil busy na rin siyang magtrabaho para rin naman sa aming magkakapatid.
Pero alam mo 'yon? Hindi ko pa rin maiwasan minsan. Kasi ako itong honor student palagi sa school. Pero sa mga meetings ko sa eskwelahan ay hindi nakaka-attend si Mama. Pero sa kay kuya ay nakakapunta naman siya. At kahit pa ganyan si kuya na nakabuntis ay hindi pa rin niya sinusukuan. And she would rather sacrifice me na huwag nang pag-aralin at papatigilin na lang dahil si kuya talaga ang priority niya na makatapos. At habang ako naman ay pakiramdam ko ngayon parang halos ipapamigay na lang sa kamag-anak...
Pero instead ay ngumiti pa rin ako kay Mama. "Sige po, 'Ma."
Ngumiti rin sa akin si Mama pagkatapos. "Sige, anak. Kakausapin ko ulit ang Tito Viktor mo, ha? Na pumayag ka na."
Tumango na lang ako pagkatapos.
Gusto kong intindihin na lang si Mama dahil alam kong nahihirapan na rin siya sa pagtatrabaho nang walang tigil para sa amin na pamilya niya. At hindi rin talaga namin maaasahan si Papa na bukod sa bisyo sa alak at sigarilyo ay nakuha pang mambabae. Even when he couldn't even bring food to our table. Tsk. Napaka-iresponsableng lalaki. Ang malas lang ni Mama sa kaniya at siya ang napangasawa.
Kaya ako mas mabuti pa sigurong mag-fangirl na lang talaga ako palagi. At huwag na talagang sumubok pang pumasok sa mga relasyon na 'yan. Hassle lang. Tingin ko nga ay sa libro lang naman talaga totoo iyang mga romance na 'yan. O 'di kaya ay sa mga movies. Kasi sa totoong buhay ang dami ko nang na witness na mga failed marriages at relationships. Nakakatakot na rin sumubok. And it can be just a waste of time...
"Rachelle!"
Bahagya kong nalayo sa tainga ko ang phone ko sa lakas ng boses ni Tito Viktor sa kabilang linya. Ang baklang 'to!
Kaka-land lang ng airplane na sinakyan ko rito sa NAIA. At ngayon ay sinusundo na nga ako ni tito.
"Tito, nandito na po ako at palabas na." sabi ko.
"Sige, sige, nandito lang ako at aabangan kita. Naku! Busy'ng busy pa talaga ako ngayon at iniwan ko lang sandali ang trabaho ko sa istasyon! Bilisan mo na at nang makabalik na tayo sa tv station agad at naghihintay pa doon ang trabaho ko! Wala lang talaga akong ibang mautusan na sumundo sa'yo rito ngayon at baka kung saan ka pa mapadpad dito sa Maynila at first time mo pa kapag pinabayaan lang kita!"
Sa kabila ng reklamo nito ay natuwa pa rin ako na sinundo pa rin ako rito sa airport kahit alam kong busy pa talaga si tito. Manager kaya siya. Although hindi rin naman mga big stars pa talaga sa industriya ng showbiz ang mga minamanage niya. Pero hindi pa rin biro ang pagiging Manager, 'no? Tingin ko.
Binaba ko na rin ang tawag at bahagya pa akong kumaway kay tito nang magkita na kami. Agad din naman niya akong nilapitan.
"Rachelle? Ang laki mo na!" salubong nito sa akin.
Magalang naman akong ngumiti at nagmano rin. "Opo, tito."
"Naku, halika na! At mamaya na lang tayo magtsikahan, ha? Pagkatapos ng trabaho ko ngayon dahil ang dami ko pa talagang ginagawa! Kailangan na nating magmadali ngayon at bumalik na sa istasyon agad!"
"Ah, sige po, tito. Salamat po sa pagsundo sa akin ngayon dito sa airport."
Tumatango na naman sa akin si tito. "Ayos lang."
Pagkatapos ay may nakita akong mukhang sasakyan ni tito at pumasok na kami doon. Siya lang din ang nag-drive. Mukhang wala pa siyang driver ngayon. "May bagong lipat lang kasi sa akin na actor. Nagretiro na kasi iyong kaibigan ko na Manager niya dati."
"Opo?"
Tumango si tito habang nagmamaneho. "Pero kailangan kong alagaan nang mabuti itong bago kong alaga! Tingin ko ito na ang magpapayaman sa akin!" Tumawa pa si tito. Pagkatapos ay saglit niya rin akong binalingan galing sa pagmamaneho. "At tutulungan mo ako sa pag-aalaga sa aktor na 'to, ha, Rachelle?"
Napatango na lang naman ako sa sinabi ngayon ni tito.
And he proceeded to explain to me what will happen while I'm also under his care now. Simple lang naman at kaya ko naman ang mga gawaing bahay sa apartment daw niya ngayon bago at pagkatapos kong manggaling sa school. Pag-aaralin nga niya ako sa grade 12th ko na ngayon. At kung susuwertehin pa ay pati na college ay pag-aaralin niya rin ako.
"Pasensya ka na at wala pa akong maid sa bahay. At busy rin ako sa trabaho kaya ikaw na ang aasahan ko sa bahay, ha? Marunong ka naman daw pati na sa pagluluto sabi ng Mama mo."
Tumango lang ako sa kay tito.
"At ngayon naman habang wala ka pang pasok sa school dahil summer break pa naman, aasahan din muna kitang maging personal assistant sa alaga ko, ha? Temporary lang naman habang wala ka pang pasok sa school at sayang din kung tatambay ka lang sa bahay, 'di ba? Mas mabuti na 'yong may ginagawa ka at nakakatulong ka sa akin. Maghahanap at kukuha rin naman ako ng magiging PA niya talaga pagkatapos at lalo na kapag may pasok ka na sa eskwela. Sa ngayon kasi ay pati pa PA niya ay huminto rin sa trabaho dahil nagbuntis! Haynaku naman! Paano nila siya kayang maiwan na halos mag-isa sa panahon pa ngayon na mukhang tuloy-tuloy na talaga ang pagsikat niya? Sayang! Kaya sa akin na siya." My uncle has this kind of an evil smile on his lips. Pero hinayaan ko na lang din siya. Mukhang excited lang naman din kasi siya sa bago niyang trabaho pa ngayon.
Pagkatapos ng biyahe papunta rito at traffic pa—Manila nga naman. Ay dumating na rin kami sa istasyon. Na amazed pa nga ako kasi ito rin ang TV station na pina-follow ko rin talaga dahil sa kanila rin ngayon nakakontrata ang iniidolo kong si Miles.
Na-excite na rin ako at natuwa na andito na ako ngayon!
"Ha? Ano? Nasaan na kayo? Ah, nasa studio na? Inaayusan n'yo na siya? Sige, papunta na ako d'yan ngayon." May kausap naman si tito sa phone hanggang sa hinila pa niya ako papasok ng isang pinto.
Napatingin pa agad ako sa paligid dahil legit na nasa isang set ako ngayon ng isang show ng istasyon! Wow! Pinapanood ko pa ang morning show na 'to kung saan may tatlong mga Nanay na in real life na artista ang host nitong show. At mukhang baka makikita ko pa rin sila mamaya rito! Feeling ko nga may mga artista pa akong iba na makikita rin dito sa istasyon. Kaya nga lang ay sa pagmamadali ni tito at amazed pa ako sa lugar ay baka hindi ko na napansin ang iba pang mga bagay sa paligid.
"Halika rito." At hinila pa ako ni tito.
"Ah, sige po!" Agad din naman ako na sumunod.
"Sshh. Huwag kang mas'yadong maingay dito. Busy ang mga tao rito sa mga kani-kaniya nilang trabaho ang mga staff kaya subukan mong huwag makaabala sa kanila." paalala sa akin ni tito.
Tumango naman ako agad sa kay tito. "Opo."
"Tara, sa backstage muna tayo at nandoon ang aktor ko na inaayusan pa muna nila sa dressing room. May guesting kasi siya mamaya sa show na 'to. Kita mo? Sobrang busy na ng mga tao rito kasi sikat na din talaga ang actor natin!" ani tito na mukhang natutuwa nga at excited na talaga.
Napangiti na lang ako sa kay tito.
Pagkatapos ay pumasok na kami sa sinasabing dressing room at doon ay natigilan na talaga ako sa pinto pa lang dahil sa repleksyon pa lang sa salamin na nakaharap sa pintuan ng room na pinasukan namin ay nakita ko na kung sino ang nakaupo roon at inaayusan ng mga staff at makeup artist!
Oo at first time ko pa lang siya na makita in real life pero sa sobrang sa kapapanood ko sa kaniya at hindi pa nalalayo ang mukha niya sa TV at mga videos na napanood ko na sa YouTube ay alam ko na agad na siya nga ito!
Si Miles Hayden Hernandez! OMG! I couldn't believe my eyes and then my ears when I just heard him talking and for real! Live just now in front of me!
"Miles, nandito na ang Manager mo." pinaalam sa kaniya ng staff.
Agad na rin namang nilapitan ni tito ang alaga niya. While I remained still stunned there near the doorway.
"Uh, hija, excuse me." May dumaan na isang staff sa tabi ko.
"Ay! Sorry po!" Agad din naman akong tumabi dahil humarang pa ako sa daanan nila. Tumingin ako doon sa staff at halos matarayan pa ako nito. Yumuko naman muli ako. "Sorry, po." I pressed my lips together. Kakasabi lang sa akin ni tito na huwag akong umabala sa mga tao rito.
Umalis na rin naman iyong staff at naiwan akong nakatayo pa rin doon at parang hindi ko pa alam ang gagawin ko. Sinampal ko pa nga ang sarili ko dahil baka nananaginip lang pala ako ngayon dahil sa mga delusyon ko.
"Rachelle? Ano'ng ginagawa mo?"
Napatingin ako kay tito at kumunot na ang noo nito sa akin. "Halika na nga rito." tawag nito sa akin.
Pagkatapos ay unti-unti naman akong lumapit sa tito ko. Nasa tabi niya lang si Miles! Oh my goodness! Mamamatay na ba ako bukas kaya may ganitong encounter ngayon sa buhay ko?
I didn't know that I'd be able to meet Miles Hernandez at 18 years old! I mean, promise ko naman sa sarili ko na one day ay aattend din ako sa isa sa concerts niya o fanmeet. Pero akala ko ay medyo matagal pa 'yon. Because I'm broke, to be honest. Mag-iipon pa nga ako para lang makita ko na rin sana siya in person at makabili rin ako ng album niya kagaya ng ibang mga fans din niya. Pero wala pa talaga akong pera at estudyante pa lang ako, huhu.
Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon? At sobrang lapit ko pa sa kaniya ngayon. Siguro niligtas ko ang Pilipinas sa past life ko... hmm.
"Start na raw po in a few minutes."
Halos mapatalon pa ako at nagulat sa isang staff na dumating at nagsalita sa likuran ko dahil hindi na ako maka-focus sa halo-halo nang nararamdaman ko ngayon habang nandito ako at sobrang lapit sa idol ko! Nanginginig pa nga ako at nababasa na ang mga kamay ko sa pawis!
"Ah sige, hija." sagot naman ni tito doon sa staff. Pagkatapos ay binigay niya ang buong atensyon sa kay Miles na tumayo na rin ngayon pagkatapos. Grabe ang tangkad niya pa pala lalo in person!
Halos makagat ko na ang mga daliri ko habang nandito lang nakatayo at naghihintay... Pakiramdam ko pa ay matutunaw na ako rito rin sa kinatatayuan ko!
"Are you ready?" My uncle asked him.
"Opo. Okay na po ako. Thank you!" He also thanked the staff and make up artist. Turning to them for awhile before he went out of the dressing room to start with the show.
I noticed that he's so polite to everyone...
Napatabi naman ako nang dumaan din siya. Para lang akong invisible doon sa gilid pero wala na akong pakialam dahil ang mas mahalaga sa akin ay nandoon siya at nakikita ko siya! It doesn't matter if he doesn't notice me. Hindi naman ako importante. Mas importante siya!
Naiwan na rin ako ni tito doon dahil abala na nga siya. Kaya nang maalala niya siguro ako ay pinabalikan na lang ako sa staff para tawagin.
Sumama naman ako agad at pinaupo na ako roon kasama ang mga audience at papanoorin din namin ang show bilang mga studio o set audience. May nag-iinstruct din sa amin sa mga parts na gagawin din namin para sa show. Gaya na lang ng pagpalakpak at mga ganoon na dapat nasakto sa oras o parang ganoon. Basta sumasabay na lang din ako.
And I can imagine having hearts inside my eyes as I watched Miles Hernandez on the stage of the show as their guest today. I attentively listened to his little interview with the hosts as well. Ang sobrang palangiti pa niya sa hosts at camera! Pati na rin sa amin na mga audience habang sumasagot siya sa ilang mga katanungan sa kaniya. And my delulu self was so happy delusional thinking that he was smiling directly at me! Haynaku! Nakakabaliw.
Hindi ko yata alam na ang tito ko lang din pala ang Manager ngayon ni Miles?! Kung sabagay ay gaya nga ng na mention kanina ni tito sa loob ng sasakyan ay bagong nilipat lang din sa kaniya si Miles dahil nag-retire na ang dati nitong Manager na kaibigan din naman ni tito.
At pagkatapos pa ng show ay doon ko na talagang mas nakita pa siya nang malapitan. Grabe! Ang no pores naman! Ang kinis ng mukha niya at balat na naisip ko na baka magmukha pa akong dumi kapag lumapit pa ako lalo sa kaniya!
"Miles, this is my niece Rachelle. She just came here from the province. She's here to help and be your temporary personal assistant. Ayos lang ba sa'yo?" ani tito sa kaniya.
Tumango naman siya at napakagwapong ngumiti pa nang bumaling sa akin! "Sure, po. Hi!" Binati pa niya ako! Tama nga ang balita sa kaniya na polite nga raw talaga siya. Awww, my polite and soft baby... Hoy! Maka-baby!
"H-H-Hi!" Tangina nataranta na nga ako! Kung kayo ba naman kaya dito sa posisyon ko ngayon? Nang makita ko pa ang reaction sa akin ni tito at parang nainis pa siya na parang tanga ako ngayon dito sa harapan ng alaga niya. Kaya inayos ko rin agad ang sarili ko pagkatapos. I have to control myself and my emotions!
"It's alright." sabi naman ni Miles. Pagkatapos ay naging abala na rin sila ulit ni tito na mag-usap tungkol sa trabaho.
Habang tahimik lang naman ako roon sa gilid na naghihintay at pinagmamasdan siya...
Lord, pwede n'yo na po akong kunin pagkatapos nito.
Maraming salamat po sa rare chance na 'to na makita at mapagmasadan ko pa nang ganito ang idol ko ngayon.
I feel very lucky and honored. Bow.
Never in my wildest dreams did I thought that this kind of thing and encounter would happen to me one day and it's today!
Ilan lang ba sa isang fangirl na katulad ko ang nabibigyan ng chance na kagaya nito? Probably one in a billion...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top