CHAPTER 9
Chapter 9: Scandal
WHEN I woke up, I smelled a delicious food coming from our kitchen. I immediately got off my bed and trailed that aroma.
Habang naglalakad ay pansin kong magaan na ang pakiramdam ko. Wala na ang sakit ng ulo ko at mabigat na pakiramdam sa katawan ko, pati na rin ang umiikot kong paligid at hinahalungkat na sikmura.
Maybe I'm okay, now.
Nakarinig ako ng mga tawanan sa bandang kusina kaya mas lalo kong dinalian ang paglalakad para malaman kung sino ang kausap ni Shydeen
Nang nasa bungad na ako ng kitchen ay napalingon si Shydeen sa akin. Una kong inalam kung sino ang nakatalikod na nagluluto.
"You say na magugustuhan ito ng kapatid mo? Are you—" napatigil ito sa pagsasalita ng humarap siya sa direksyon ko. Mukha itong nagulat pero kalauna'y nakabawi rin. "Good morning, my princess," bati nito at yumuko. Nilagay ulit nito ang kamay sa tiyan.
Parang tanga talaga itong si Liam kahit kailan. Inirapan ko ito at tuluyan ng naupo sa upuan.
"Sungit," rinig ko pang bulong nito.
Nakarinig ako ng pagtawa sa gilid kaya binalingan ko si Shydeen. Ganoon na lang ang pagyuko niya para pigilan ang pagtawa kaya yumugyog ang mga balikat nito. She was trying to avoid my gazed because she was laughing. Hindi ko siya pinansin.
Napabaling ang tingin ko sa mesa. May nakahaing pancit canton at sunny side up. May roong hotdog din at ham. Biglang kumalam ang sikmura ko ng mapagtantong paborito lahat ang nakahaing mga pagkain.
"I told yah!" masayang ani Shydeen kay Liam.
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Liam at binigayan ako ng plato. Nilagyan niya rin ng kutsara't tinidor at kinuha ako ng isang basong tubig.
"Eat up. This is all for you," tuwang-tuwang aniya at inasikaso ako.
I didn't say anything and started eating. Sobrang sarap kapag ang paboritong pagkain ang nakahanda sa hapag tuwing umaga.
I control my expression para huwag naman mahalatang gustong-gusto ko ang niluto nito. Ngunit sa loob-loob ko ay halos nagtatalon na sa sarap ng pagkain.
Having a breakfast like this was my happiness. Buo na ang araw ko kapag ganito ang kinakain ko.
Bigla akong napadighay nang matapos kong kainin ang nilagay ni Liam sa plato ko. Kagat-labi akong napabaling sa kaniya na ngayo'y nakangiti na. Tapos na rin siya sa kinakain pati na rin si Shydeen.
My face reddened because of embarrassment. Bakit ba ako napadighay ng malakas sa harap niya?
Dali-dali akong tumayo para iligpit ang pinagkainan. Huhugasan ko na sana ng kunin iyon ni Liam.
"Ako na. Maghahanda ka pa sa school, 'di ba?"
Napatitig lang ako sa kaniya at kalauna'y nagsalita rin. "Ah. . . t-thank you. M-mag-aayos lang ako." Hindi ko na hinintay pang magsalita ito at tumalikod.
Napapikit ako at tumakbo na papunta sa kuwarto dulot ng kahihiyan. Gumayak na lang ako at ilang minuto lang naman ang ginugol ko para roon.
Nang bumaba ay sumalubong si Liam. I searched for Shydeen but she wasn't here anymore. Siguro ay nauna ng umalis ang babaeng iyon.
"She said mauuna na siya. Pinapasabi iyon ng kambal mo," turan ni Liam. Napatango ako sa sinabi nito. "And she said that you need to be with me dahil baka ano pa ang mangyari sa 'yo. Kagagaling mo lang sa sakit. Wait, magaling ka na nga ba?" His forehead knotted and take a step towards me. Marahan niyang nilagay ang kamay sa noo ko para malaman kung mainit pa ba ako.
Napatitig lang ako sa seryoso nitong mukha. I was stunned when he kissed my forehead and have a smirked. Lumayo na ito sa akin at ako naman ay nakatulala sa ginawa niya.
Nang makabawi ay hinabol ko ito. "Bakit mo ako hinalikan, ha? Manyak ka talaga kahit kailan!"
Tumakbo siya papalabas kaya ganoon din ang ginawa ko. Halakhak ni Liam ang pumuno sa umaga kong ito.
Pagkalabas ko ay bumungad ang kotse nitong kulay puti. Pansin ko lang, iba-iba ang kulay ng kotse niya tuwing nakikita ko siyang nagmamaneho. Gaano ba karami ang pera ng isang 'to? Grabe naman yatang luho iyan.
"Sa 'yo ba lahat ng kotseng minamaneho mo?" I curiously asked.
Kumibit-balikat ito. "Hmm. . . maybe?" Napairap ako sa ere sa sagot niyang iyon at nakarinig ng pagtawa. "It's mine. Regalo nina mom and dad."
Napatango na lang ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya wala akong choice kung 'di ideposito ang sarili sa passenger's seat.
When Liam was driving, napansin ko ang malimit na pagsulyap nito sa 'kin. Nangasim ang mukha ko dahil doon at ibinaling ang tingin sa labas pero nararamdaman ko pa rin ang pagtitig nitong ginagawa. Sa inis ko ay hinarap ko ito. "Quit staring, will you?! Focus on your driving, baka madisgrasya tayo sa ginagawa mong 'yan!" sermon ko.
"I'm on focused, you know? I will not let my future wife be on danger."
Napaismid ako sa sinabi nito ay humalukipkip na lang at tuluyan ng hindi nilingon si Liam. Mabilis ang naging biyahe kaya nakarating kami agad sa Leehinton.
He parked his car at lumabas ng kotse para pagbuksan ako. When I got out on the car, sinalubong ako ng mga mapanuyang tingin at bulong-bulungan ng paligid.
Nangunot ang noo ko dahil doon dahil parang may ibang nilalaman ang mga tingin nila at usap-usapan. Ipinagkibit-balikat ko ang mga iyon at hindi na lang sila pinansin.
Magkasabay kaming dalawa ni Liam na naglalakad at kapansin-pansing walang lumalapit na babae sa kaniya ngayon at nagtitili.
What's happening? There's inside me saying that I need to know what are they talking about, but, there's also a part of me telling that I shouldn't give my attention to them.
When we are walking, I spotted Shydeen rushing towards my direction. I can't clearly tell what's her expression was but I can sense that she was annoyed by something.
'Pansin ko rin ang mabibigat niyang mga hakbang that made her hair sway from side to side because of her high ponytail.
I was confused when out eyes met. I can't tell what's the meaning of that expression kaya hindi ako naka-react.
Nang malapit na sa akin ay walang sali-salita niyang pinalibot ang braso sa katawan ko. She was hugging me tightly as if I will disappear in no time.
Napabaling ang paningin ko kay Liam, asking him what was going on with my twin sister. Umiling lang ito at bahagyang naitaas ang balikat, nagsasabing hindi niya rin alam ang nangyayari.
"Shy—"
"Ash, be strong, okay? I will sue them all. Lahat ng may pakana nito, magbabayad talaga sila!" gigil na anito habang nakayakap sa akin.
Mas lalo akong naguluhan dahil hindi ko maintindihan ang sinabi nito.
She will sue them? But why?
Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap ito. "Ano'ng sinasabi mo, Shy? Who will you sue? Ano bang nangyari?"
Napatigil siya bigla sa inasta at iniwas ang tingin sa akin. Nagkatinginan sila ni Liam animo'y nag-uusap gamit ang mga mata. Biglang tumunog ang cellphone ni Liam kaya kinuha niya iyo sa bulsa.
Nang buksan nito, I heard a series of curses from him. He gazed on my direction and walked towards me. Walang sali-salitang niyakap niya ako.
I pushed him dahil hindi ko maintindihan ang inaasta niya—nilang dalawa ni Shydeen. Confused, I face them. "What was happening, really? Both of you, please enlighten me for what I don't know," mahinahon kong pakiusap sa kanila. Liam and Shydeen stared on each other bago ako binalingan ng nag-aalalang tingin. "I'm waiting here," dagdag ko pa, medyo naiinis na.
Liam and Shydeen sighed in unison. Napabaling ang tingin ko sa kamay ni Liam na may hawak na phone at unti-unti niyang nilalapit sa akin.
Naguguluhan man ay kinuha ko iyon at nanlaki ang mata ko sa bumungad na pictures sa mukha ko.
It was me!
The first picture was me and Liam. Nakaupo ako sa mini forest at nakatingin kay Liam na nakalahad ang kamay sa akin.
I remembered this scene, he was pretending to be a prince here!
Napunta ang paningin ko sa ikalawang larawan, kumakain kami sa cafeteria. On the third picture, I was on top of Liam.
Goodness! Kapag nakikita iyon ng ibang tao, masasabing may ginagawa kaming milagro! Ito 'yong time na nasa rooftop kaming dalawa at umiiyak ako dahil buong akala ko ay magpapakamatay siya! Shitty head!
Sa sumunod na larawan ay nakaalalay si Liam sa akin. This was the time that I was vomitting dahil sa sama ng pakiramdam ko. On the last picture, Liam was carrying me on a bridal's carry.
Doon nangunot ang noo ko. Hindi ko matandaan ito, ah? Saan ba ito?
Mas lalo kong pinakatitigan ang picture at napansin ko ang building na nasa background no'n. Isang beses pa lang akong nakapunta roon pero hinding-hindi ko makakalimutang ang itsura no'n. It was the threatrical building!
I read the caption of the post at halos malukot ang mukha ko sa nakalimbag na mga salita roon pero itong isang sentence na ito ang nagpaasim sa mukha ko sa buong teksto.
Liam allegedly girlfriend, a transferee student, was pregnant.
"Whot the f*ck did this?!" inis na turan ko.
Sino'ng magpakalat ng walang katuturang bagay na ito?! Napakuyom ako sa inis na nararamdaman. Gusto kong sumabog sa galit pero pilit ko pa ring pinipigilan iyon.
Me? Pregnant? 'Tanginang nagpakalat nito! Wala ba silang magawa sa buhay nila at ako itong pinapakialaman? Nanahimik ako rito tapos ginagambala ang buhay ko!
Nagbasa ako ng mga comments sa pictures na iyon at sana ay hindi ko na lang ginawa. Mas lalo akong naiinis.
Hindi ko alam ang nararamdaman ngayon. Gusto kong sabunutan ang taong nagpakalat ng maling impormasyon na ito.
May mga taong nagmumura sa akin kesyo malandi raw ako. They wish me to die and so on.
I really hate social media. Their minds can easily corrupted by a false accusation. Hindi nga nila alam kung totoo ba iyon and here they are, nakikisali kahit hindi naman involved.
People nowadasy are rotten!
"Ash, we will fixed this. I promised you, ako ang huhuli sa taong may kagagawan nito!" Shydeen said.
Mas lalo akong napakuyom. Naging mabilis din ang paghinga ko. Kaya pala ganoon sipa makatingin sa akin!
Napalapit si Liam sa akin at akmang hahawakan ako pero lumayo ako sa kaniya. Inis ko siyang binalingan. "Kasalanan mo 'to, e! Kung hindi ka lang sana lapit nang lapit ay hindi ako mai-issue sa 'yo!" Mas lalo siyang lumapit sa akin. "Don't you dare touch me!"
"Ash, I'm sorry," he apologized.
Nakagat ko ang labi ko at inis na naglakad na. Iniwan ko sila ni Shydeen doon pero narinig kong ang mga yapak niyang humahabol sa akin.
Hindi ko alam kung sumusunod ba si Liam pero bahala na siya roon! Inis ako sa kaniya.
"Ash! Wait for me!" pakinig kong ani Shydeen kaya napahinto ako sa paglalakad.
Hindi pa man nakalalapit si Shydeen ay biglang may humarang na kalalakihan sa harap ko. Napatigil ako sa paglalakad at taka silang tinitigan isa-isa.
It seems like they are on 10'th grade kagaya ko dahil nakikita ko sila minsan na nakalinya sa amin tuwing flag ceremony.
Ngumisi ang isang lalaki kaya napataas ang kilay ko.
"Hi, miss. Asheen pangalan mo, 'di ba? 'Yong sa Ligram page?" sabi ng isa.
"Ganda mo pala sa personal!" manghang ani ng isang kasama rin nito.
"Kaya pala binuntis ni Liam kasi sobrang ganda! Gustong magparami ng lahi!" dagdag ulit ng isa pa.
Sinamaan ko sila ng tingin. "Excuse me?!" napipikon kong untag. "I have no time for the likes of you kaya p'wede ba? Umalis kayo sa dinaraanan ko!"
Ayaw ko ng gulo kaya ako na lang ang iiwas hangga't maari.
Naglakad na ako para malampasan na sila pero hinawakan ako ng isang payat na lalaki.
"Hindi pa kami tapos, miss. Gusto lang naman namin makipagkaibigan."
"Hoy! What are you doing with my sister?!" sigaw ni Shydeen sa kanila ng makalapit na sa akin ng tuluyan. Hinaklit niya ang kamay ng payat na lalaking may hawak sa braso ko pero tinulak lang siya nito kaya napasalampak si Shydeen sa sahig.
"Shydeen!" sigaw ko. Napansin ko ang pagtakbo ng isang lalaki nang makita nitong nakasalampak sa semento si Shydeen.
Sa pagkakatanda ko ay siya si Xavier dahil ito ang palaging kasama ni Liam.
"Ouch!" daing ni Shydeen.
"Hey, are you okay?" rinig kong anito sa kapatid ko at tinulungang makatayo.
Inis kong binalingan ng tingin ang apat na tukmol na iyon pati iyong kalaking may hawak sa akin.
"Let go of me, j*rk!" Nagpumiglas ako pero hindi niya pa rin ako pinakawalan. Pero sa isang kisap ng mata ko ay bigla na lang sumalampak sa sahig ang lalaking iyon. Gulat akong napabaling sa may gawa no'n. "L-Liam. . ."
"Don't you ever touch my girl!" nanggagalaiting anito. Liam's expression soften when he gazed on my direction. "You okay? What did they do to you?"
Hindi na ako nakasagot ng marinig kong nagmura ang lalaking nasuntok ni Liam. Tumayo na ito at inis na inambahan ng suntok si Liam pero nakaiwas lang ito ng ganoon kadali saka tinadyakan ang lalaki.
Sumugod na rin ang iba niyang kasama kaya napasali na rin si Xavier sa suntukan hanggang naging isang rambol na ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top