CHAPTER 7

Chapter 7: Rooftop



PUMUNTA muna akong library para tumambay roon dahil wala pa namang klase. Alas-dose pa lang at kalimitan ay nagla-luch pa ang mga teachers. Maaga kasing na-dismiss ang panghuling klase namin sa umaga kaya matagal-tagal ang free time namin ngayon.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay binati agad ako ng librarian. Mukhang namumukhaan niya na akong palagi narito.

Naghanap ako ng mababasa at naupo sa pinakadulong mesa. Time past by at nabagot ako sa kaharap na libro. Pinagpasyahan ko na lang na ibalik iyon at pumuntang rooftop.

Nang makalabas ay mga tingin ng mga kababaihan ang sumalubong sa akin. Naghanap na lang ako ng daang walang masyadong tao para iwas sa mga tinging nanghuhusga.

Sawa na ako riyan pero minsan kasi nakakasakit ng damdamin ang mga ganoong tao. There are times that I don't care for what they are saying, may mga pagkakataon namang nasasaktan ako sa mga masasakit nilang salita kahit na hindi naman masaydong marahas.

Minsan, mahirap din kasing balewalain ang mga hindi kagandahang komento sa paligid. Kahit na gaano ko pa sanayin ang sarili, maaapektuhan at maaapektuhan pa rin ako. Tao lang naman kasi ako, nakakaintindi, nasasaktan.

Hindi naman kasi gawa sa bato ang puso't isipan ko. I am just an ordinary person like those normal teenage girl. Like them, nabubuhay ako sa mundong ito, may isip, gumagalaw. Ang kaibahan nga lang ay nararamdaman kong hindi ako malaya—hindi malaya sa mata ng tao.

Malapit na ako sa rooftop at biglang mag-flash sa utak ko si Liam, ang itsura nito kanina ng tinaboy ko ito.

Nakonsenya ako sa ginawa kong iyon. He was hurt by my words. Do I need to say sorry to him?

Napailing ako. No, kasalanan niya iyon, e. He pushed my patience on the edge kaya ko nagawa iyon. Hindi ko iyon kasalanan.

Hanggang sa marating ang rooftop ay si Liam ang laman ng isip ko. Muntikan pa akong matapilok sa hagdan dahil kaiisip sa lalaking iyon.

Pinihit ko ang door knob ng rooftop at tuluyan nang mabuksan iyon. Makulimlim ngayon kaya okay lang tumambay rito sa rooftop. Sumalubong sa akin ang sariwang hangin kaya napapikit ako.

Nature never failed to relax my system. Kahit sa simpleng ihip lang nito ay nawawala ang mga isipin ko. I smiled with the thought at unti-unting napamulat ulit ng mata.

Ngunit ng maimulat ko ang mga mata ko ay ganoong naman ang panlalaki no'n sa nakita.

There's someone standing on the edge of this rooftop. Pinanliit ko ang mata dahil medyo blurry iyon. Shit! Bakit ko ba nakalimutan ang pagsuot ng contacts ngayon? How inconvenient!

Kinilala ko ang taong iyon. I know that back! Hindi ako nagkakamaling siya iyon.

Nilukob ng kaba ang sistema ko sa naiisip niyang gawin. Bakit niya ginagawa ito? Ganoon ba siya nasaktan sa sinabi ko?

Dang it!  Bakit ganiyan ang gagawin niya? P'wede naman siyang umiyak o hindi kaya magpakalasing. Bakit niya naisipan ang bagay na iyan?

Takip ang bibig akong naglakad papalapit sa kaniya. Hindi ako gumawa ng ingay dahil baka kapag nakita niya ako ay basta na lang siyang tumalon diyan sa puwesto niya.

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga pagtataboy at pinagsasabi ko sa kaniya. Mas lalo akong kinain ng konsensya. I was so rude to Liam! This was all my fault!

Nagtagumpay akong makalapit sa kaniya ng hindi niya alam. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at hinila siya sa kamay para makababa roon.

Because of what I did, nakita ko pang nagulat siya sa ginawa ko nang makita ko ang mukha nito. I can see confusion on his face as well as admiration.

Sa laki niya ay para akong bata sa harapan nito. I can't take his weight anymore and we fell together. Parang bumagal ang lahat sa unti-unti naming pagbagsak sa semento.

This was the longest moment that I stared on his face. At parang naging detalyado lahat ang mga features niya sa mukha kahit na may kalabuan ang mata ko.

His hair was dancing along with the music of the wind. Dahil sa hangin ay humalik sa ilong ko ang pabango nito, it was soothing. Hindi masakit sa ilong.

Nakaawang din ang labi nito ngunit nang makabawi ay mabilis niyang hinapit ang bewang ko at inikot ang katawan ko papunta sa puwesto niya. He immediately switch our places in that mere seconds before we hit the floor.

A loud thud occupy the place. Nagsiliparan ng mga alilabok dahil sa pagbagsak naming dalawa. Hindi ako nakaramdam ng sakit dahil siya ang nasa kalagayan ko ngayon. Kung hindi niya ginawa iyon, baka mapisa ako ng wala sa oras dahil sa katawan nitong nakadagan sa akin.

"Ow!" daing nito. I can smell a mint on his breath because of our distance and it smells good. Mariin niyang ipinikit ang mata ay ininda ang sakit sa likod. Hindi pa man siya nakabawi ay pinagpapalo ko na ang dibdib nito. "Aw! Ouch! Aray! Hey, hey, hey!" Dinakip ng dalawa nitong kamay ang mga kamay kong pinagpapalo siya.

Nanlaban ako and I successfully get my hands on him saka pinalo ulit iyon sa dibdib nito. Kasalukuyan na akong nakaupo sa tiyan nito.

"Will you waste your life just because of that, huh?! Ano'ng pumasok sa kokote mo, ha? Nakaiinis ka! Kapag may nangyari sa 'yong hindi maganda, e, 'di, kargo kita ng konsensya ko! Nakaiinis ka! May kasalanan ako, I may be rude to you, pero huwag mo naman sirain ang buhay mo!" I bursed, napaiyak ako dahil sa kabang nararamdaman.

Sino ba naman kasi ang taong masasayahan kapag nakakita ng ganoon? Wala naman, 'di ba?

He looked at me confused. "What are you saying?" Mas lalo ko siyang pinalo. "Aray! Tama na, Ash!" Sinalo nito ang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon para hindi makawala.

"Our life is precious, Liam. Don't ever waste it when you have a problem kahit gaano pa iyon kalaki! We don't have the right to end this life because we do not own it in the first place. Our life has an ending but not on this kind of thing. Cherish every seconds and stop wasting it like this!" pagalit kong asik.

I forcefully get my hands off but it's no use. Hinila rin ako ni Liam kaya napadapa ulit ako sa dibdib nito.

Napalunok ako sa gahiblang distanya na mayroon kami. Halos magdampi na ang mga labi namin at nagbubungguan na ang mga ilong namin.

I can feel his minty breath and racing heart together with the warmth of his hand. We stared on each other for a couple of minutes when we heard something on the door of this rooftop.

Naranta ko siyang naitulak at hindi sadyang nabunggo ang ulo nito sa semento. Tumayo na ako at dinaluhan siya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ko. Tinulungan ko itong umupo. "I'm sorry, nabigla lang ako."

Napapangiwing napahawak ito sa likod ng ulo. "Bawas pogi points itong bukol ko," namomoblemang sambit nito.

Ako naman ang napangiwi sa narinig. "Okay ka naman yata," matabang kong salita at binitiwan na siya.

Concern talaga siya sa kapogian niya, ano? Napailing ako at napatayo na. Pinagpag ko ang duming kumapit sa palda at inayos ang maikling buhok.

Liam began to stand straight. Pinagpag niya rin ang mga alikabok na kumapit sa uniform nito at slacks. Napansin ko pa ang panyong kinuha nito sa bulsa. Napamura pa ako sa isipan ng makitang Louis Vuitton ang panyong iyon.

When he was done, he stared on me and said, "Why did you do it? Bakit mo 'ko hinila? Nagpapahangin lang ako rito," takang anito.

"N-nagpapaha. . . ngin?" I blinked my eyes many times trying to figure out if he was saying the truth. When I realized that it's true, my cheeks began to heatened.

Shitty head! Did I interpret it wrong a while ago? Dang it! Nakahihiya! I said many things to him to stop what he was doing. And worse, I cried in front of him! Oh gosh! This was so embarrassing!

Bigla akong napatalikod sa kaniya, pilit na tinatago ang pagpapakahiya. Akma na akong aalis nang maramdaman ko ang kamay nitong nakahawak sa kaliwang braso ko.

Mariin akong napapikit at hindi pa rin siya nililingon.

"Did you think that I will jump there?" hindi makapaniwalang aniya. Narinig ko ang pagtawa nito. "Why would I do that? Baka maraming babaeng iiyak."

Hinarap ko ito at nagsalita, "Alam mo, ang kapal mo, 'no?"

Tinuro nito ang sarili. "Ako? Makapal? Nagsasabi lang naman ako ng totoo, you know."

Napairap ako at pilit na binabawi ang kamay ko sa kaniya pero hindi niya pa rin iyon binibitiwan. Ilang ulit kong kinalas ang pagkakahawak niya pero mukhang hindi niya talaga ako pagbibigyang makawala.

"Let go of me," madiing utos ko.

"Na-uh. Bibitiwan ko lang 'to kapag nasagot mo na ang tanong ko." Ngumisi ito. Biglang may pumatak na kaunting ulan kaya napatingla ako sa langit. "Are you concern with me a while ago? Or should I say, you are worried on me? So. . . I have a chance now?"

Napabalik ang tingin ko sa kaniya ng ganoon kadali. Anong concern? Lumukot ang mukha ko. "Hindi ako concern! Lalong-lalo na hindi ako nag-aalala sa 'yo! Asa ka naman!" I defensively said.

Napatitig ito sa mga mata ko as if he was trying to figure out if I am lying to him. Tinatagan ko ang pagtitig sa kaniya kaya bigla itong napabuntonghininga.

At first, I thought that he will let go of my hand but it seemed like he wouldn't. Annoyance was evident on my face on this moment. What was with him today?

"Can you now let go of me? I've answered your question so can please let go of my hand?" naiinis na utos ko.

Akala ko maiintindihan niya na iyon pero napamura ako sa isipan sa sumunod  na ginawa niya.

My eyes widened when he pulled me closer to him, he snake his arms on my waist while his right hand was still on mine.

"I will never let go of my future, not a bit," seryosong usal nito.

In a blinked of an eye, his lips was on mine. My heartbeat began to race and the sound of it was chanting together with the whistling wind. The raindrops served as the orchestra playing the greatest masterpiece.

Bumuhos ang malakas na ulan na kanina pa dinadala ng mga kaulapan sa langit, tuluyan nang nabitawan ng mga ulap ang mabigat na tubig na siyang bumasa sa aming dalawa ni Liam.

I can feel the softness of his lips on mine. All my senses began to shutdown. Para akong natuod sa hindi malamang dahilan. Ilang segundong nakalapat ang labi naming dalawa at hindi ramdam ang lamig dulot ng ulan.

Nang matauhan ay nanlaki ang mata ko at nilagay ang dalawang kamay na nabitiwan na pala niya sa kaniyang dibdib. I gathered all my strength and pushed him away from me. Nagtagumpay naman ako dahil napalayo siya ng ilang sentemetro sa akin.

"H-how c-could you. . ." hindi ko natapos ang sasabihin at napatakip sa bibig. I step my feet backwards at hindi makapaniwala sa ginawa ni Liam. Lumapit ito sa akin pero napaatras ulit ako.

Pinihit ko ang katawan at naglakad na but he grabbed my hands at pilit na pinapaharap sa kaniya. "Ash. . . I'm sorry," paumanhin nito.

Napakuyom ako ng marinig iyon. Inis ko siyang hinarap at pinalapat ang palad sa mukha nito. Walang sali-salita kong hinaklit ang kamay nitong nakakapit sa akin.

Tumalikod na ako at tumakbo. Mabilis kong binuksan ang pinto at bumaba sa rooftop. I left him there alone at hindi na nilingon pa.

Habang naglalakad sa gallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyaneng nadaraanan ko. Siguro ay nagtataka kung bakit basang-basa ako gayong marami namang mapagsisilungan.

Umihip ang malamig na hangin kaya napayakap ako sa sarili. I'm dripping wet and I am freezing as hell!

Kailangan ko nang magbihis at patuyuin ang sarili. Wala na akong pakialam kung ano man ang itsura kong nakikita ng lahat. Ang tangi ko lang pakay ay makapunta sa locker at makakuha ng extra uniform at towel.

Thanks goodness dahil palagi akong may nakatabing extra towel roon at uniform para sa mga pangyayaring ganito. Mabuti na lang at hindi ko kahit kailan nakaliligtaan iyon.

Nang marating ang lugar na pakay ay mabilis akong tumalina sa cr at nagbihis. Kasalukuyan ko nang pinapatuyo ang buhok nang bumalik ang eksenang iyon.

Napatitig ako sa salamin at wala sa sariling hinawakan ang mga labi. Napapikit ako bigla at iniling ang ulo para mawala ang nangyaring iyon.

Why did he do that?

Nang mapatitig ulit ako sa salamin ay mukha ni Liam ang naroon. Muntik pa akong mapasigaw kung hindi ko lang napigilan.

Napaatras ako at ilang ulit na pinikit ang mata. Nang minulat ko na ay roon lamang nawala ang imahe niyang nasa salamin.

I slapped my face before I got out in the comfort room. Doon ko lang napansin na lumiwanag na ulit ang langit ngunit may mga ulap pa rin na nagbabadyang ibuhos ang isang malakas na ulan.

Naglakad na ako papunta sa room dahil halos 20 minutes na akong late sa klase. Hindi ko ulit pinansin ang mga tingin ng iilan at pinagpatuloy ang paglalakad.

When I reached our room, I immediately sat on my seat. Mabuti na lang at wala pang teacher, the favor was on me. Thanks goodness.

I noticed Shydeen was using her phone at nakapasak ang earpods sa magkabila nitong tainga kaya hindi ako nito napansing umupo sa tabi niya.

Tahimik lang ako the whole time at distracted sa ginawang paghalik ni Liam sa akin sa rooftop. Iyan tuloy ay wala akong matandaang lessons nang hapong iyon dahil sa paggambala ni Liam sa isipan ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top