CHAPTER 6

Chapter 6: Teases and Gossips



THE next morning that I've woke up, mugto ang mga mata ko at walang maayos na tulog dahil sa kaiiyak sa away namin ni Shydeen.

Paglabas na paglabas ko sa k'warto para sana magluto ay bunungad sa akin ang amoy ng pagkaing nakahain sa mesa. Hinanap ko si Shydeen but she have no where to be found on our house.

Tiningnan ko rin ang kuwarto nito at napansing wala na ang bag saka school uniform niya.

Bumalik ako sa kitchen at napabaling sa orasan. It was 6:23 in the morning tapos wala na siya rito sa bahay.

I stared on the scrambled egg and hotdog na nakasalansan sa plato. May sunog ng kaunti ang itlog pero makakain naman iyon. Okay lang din ang pagkakaluto ng hotdog. May fried rice ring nakahanda pero hindi ganoong ka maayos ang pagkakaluto pero okay na iyon.

Shydeen was never a fan of cooking but I appreciate what she did. Kinuha ko ang pinggang nakahanda sa mesa at sinumulang kainin ang friend rice na gawa ni Shydeen.

Nangiligid ang luha ko dahil ito yata ang unang pagkakataong nagluto siya para sa akin. Medyo maalat ng kaunti iyong friend rice pero okay na iyon at puwede pang makain.

Naubos ko lahat ng niluto niya at hinugasan ang pinagkainan. Naggayak na ako para pumuntang eskwelahan at naging mabilis lang ang biyahe.

Bandang alas-siyete ng umaga ay narating ko ang Leehinton. Hindi muna ako dumiretso sa classroom at nanatili sa mini forest ng Leehinton.

May mga makukulay na upuan ang nakapalibot sa bawat puno at buhay na buhay ang paligid sa mga estudyanteng nakatambay rito tuwing umaga o kapag walang mga klase.

Maaliwalas ang paligid at nakare-relax kapag sobrang stressed na sa pag-aaral. This place was perfect for every student of Leehinton.

Tinigil ko na ang pagtingin sa paligid at nang makahanap na ako ng mauupuan ay agad akong pumunta roon.

Pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay ramdam ko na ang pagtitig ng mga estudyante sa akin. Kanina pa iyan. Parang may laman ang bawat titig nila sa akin. Hindi ko rinig ang mga pinagsasabi nila kaya pinasak ko na lang ang earpods sa tainga.

Because of the music, I created my own little world here. Parang nawala lahat ng tao sa paligid. I mind my own business at hindi na pinansin ang mga taong nang-uusig.

I opened my facebook account at hindi ko mapigilang magtipa ng pangalan ni Liam sa search bar nito. Ito talaga ang sadya kong pag-open ngayon ng socmed.

When I'm done typing his name, muntik na akong mapamura sa nakita. Halos malula ako sa dami ng mga dummy account niya. Ilang ulit akong nang-stalk para mahanap lang ang official account nito.

After a series of attempts on searching him, bigla kong naalala na nagcha-chat pala ito sa akin. Ang bobo ko sa part na iyon, ha? Kanina pa ako nahihirapan sa pag-si-search. Kung nagsasalita lang siguro itong facebook ay ilang ulit niya na akong sinabihang bobo.

I opened our conversation at sunod-sunod na sorry ang nakita ko. I ignored it at pinindot ang picture nito.

Doon bumungad ang profile niyang nakaupo sa soccer field wearing the Leehinton's uniform. He was smiling from ear to ear on the picture at may hawak na bola.

He was quite handsome. I can't deny that fact. He have this look na kapag nagkasalubong kayo sa daan ay mapapatigil ka talaga at mapapalingon sa kaniya.

Bukod kasi sa kaputian nito, ay mapapansin mo agad ang kabanyagaang taglay ng kaniyang mukha. Hindi naman kasi mapagkakailang Scott ang surname nito, kaya walang dudang may halong ibang rasa si Liam.

Napabaling ang tingin ko sa likes na nakuha nito sa profile picture niya. Abot ito hanggang 75,000 reacts.

He was this famous?!

Kinalkal ko ang pictures nito at napunta ako sa cover photos niya. May isang picture, na current cover photo niya, tatlo silang lalaki na nakangiti sa larawan at sa palagay ko ay kinuha iyon nalapit sa estatwa ng founder ng Leehinton dahil sa mga punong nakikita sa larawan. Doon lang naman kasi ang mayroong nakatanim na mga narra tree at wala ng iba.

I was so shocked. Kaibigan niya nga talaga si Xavier and I don't know who was the other one on the picture.

I go to the  comment section at nagbasa-basa. Doon ko nalaman na Dave ang pangalan ng isang lalaki sa picture.

I stalk their facebook accounts only to find out that they are famous in our school. They are known for the title, three kings of Leehinton.

Tatlong hari? What's with the ridiculous name? Baliw yata ang nag-isip no'n.

Napangiwi ako ng isa-isa kong masaksihan ang mga paglalandi nilang tatlo kahit dito sa social media. Iba-iba ang pictures na kasama ang mga babae.

May mga nag-aaway pa nga sa comment section claiming that they are their girlfriends. Napairap ako sa mga nabasa.

Playboys. These three are walking red flags.

Dapat noon ko pa ito ginawa, e. I became careless. Napalapit ang isa sa kanila sa 'kin at ang masama pa ay buntot nang buntot sa akin. I need to do everything para tumigil ang Liam na iyon. Wala aking panahon para sa mga taong laro lang ang tungin sa pag-ibig at walang pakialam kung masaktan man ang babae.

Pinatay ko na ang data ng phone ko at nilagay sa bulsa ang cellphone. Tatayo na sana ako nang may kamay na lumahad na harapan ko.

I stared on that hand at unti-unting tinalunton ng paningin ang braso patungo sa mukha nito. Ganoon na lang kabliis ang paglukot ng mukha ko ng malamang si Liam iyon.

Walang isip-isip kong tinabig ang kamay nito at tumayo. I don't care kung ano man ang isipin ng mga taong nakakakita nito ngayon, hindi ko naman aila inaanl.

"I don't need your help, I can handle myself," I rudely said to him at iniwan doon.

Narinig ko pa ang palaging lumalabas sa bibig nito tuwing ginagawan ko siya ng mga bagay na hindi niya gusto, ang salitang sungit.

Sukbit ang bag ay naglakad na ako papunta sa classroom namin. Doon ko nadatnan si Shydeen na nakaupo sa kaniyang upuan.

Nang magtagpo ang mga mata namin ay agad niyang iniwas iyon at tinuon sa hawak na cellphone nito. I walked on my seat na katabi mismo ng upuan niya. Tahimik akong naupo at nilabas ang libro sa bag at nagbasa-basa para sa klase.

The class started when our teacher arrived. May kaunting ice breaker itong hinanda bago siya tuluyang mag-discuss ng lessons.

Wala kaming kibuan ni Shydeen in the whole time pero nahuhuli kong nakatingin ito sa akin.

Ayaw kong ako ang unang magsalita sa aming dalawa kaya nanahimik na lang ako. Pride was swarming on my system right now kaya mahirap iyon balewalain.

Saka, I want to give her time para malaman nito ang mali niyang nagawa. Hindi lahat ng oras ay magiging mabait ako sa kaniya. I want to teach her a lesson in order fo her to know her wrong doings.

Mabilis na natapos ang klase namin at kasalukuyan naming hinihintay ang susunod na teacher namin sa english.

Umalis si Shydeen sa upuan nito at lumabas ng room namin. Napatigin ako sa upuan niya at naroon ang bag nito. Akala ko ay magka-cutting naman ang babaeng iyon.

I was left here alone in our classroom. I was doing a sketch of an anime but I stopped when I heard someone on my back gossiping about me.

"Transferee nga lang pero ang kapal ng mukha. Gustong-gusto naman na sunod nang sunod sa kaniya si Liam. Lakas ng bilib sa sarili," parinig ni Cathy, kaklase kong masama ang tabas ng dila.

Walang nabanggit na pangalan but I know that it is me. Sino pa ba kasi ang binubuntutan ni Liam na iyon kung hindi ako lang? Wala naman akong napansing may iba pa siyang sinusundan dito sa classroom, o, hindi ko lang talaga alam? After all, he was a notorious playboy in school. Impossible ako lang pinopormahan nito.

I keep on silent at hindi na pinatulan pa ang mga pinagsasabi nila sa 'kin. Ipinasak ko na lang ang earpods ay nakinig ng magandang musika.



LUNCH break na kaya minabuti kong pumunta sa second cafetria ng Leehinton. Bukod na mas maliit ito sa main cafeteria ay mas okay roon dahil hindi karamihan ang estudyante.

Hindi ko alam kung saan na naman nagsuot ngayong lunch si Shydeen. Malaki na iyon kaya alam kong kaya niya na ang sarili niya. Iyon nga lang ay nag-aalala ako dahil baka hindi na naman ito pumasok mamaya.

Nang makapasok sa cafeteria ay mabilis akong nag-order ng makakain. I just ordered rice and fried chicken. Mayroon ding akong nabiling mga vegetable dahil parang hinahanap ng sikmura ko iyon.

Mabilis lang ako nakahanap ng upuan unlike on the main cafeteria na aabutan ka talaga ng siyam-siyam bago ka makapuwesto sa mga upuan.

Sinimulan kong ng kumain. Nag-vibrate pa ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. There's an unregistered number showing on my screen, calling.

My forehead knotted for that. As far as I remembered, I didn't give my number to anyone and I don't have someone who will call me like this. Without any thoughts, I pressed the decline button and put my phone on the table.

I continue eating but suddenly my phone rang again. Mas lalong nangunot ang noo ko, it was the same number kanina na naka-flash sa screen ko.

Confusion was written all over my face but I decided to answer that call. Baka emegency ito or what. Nanahimik lang ako ng sagutin ang tawag. I didn't say anything and waited for that someone to talk first.

"Hi, Ash! Where are you?" pakinig kong sabi ng nasa kabilang linya.

It was a man's voice and a seemed familiar. "Who's this?"

"Ouch! Hindi mo na ako kilala agad? You hurt my handsome face," preskong anito.

Because of that, nakilala ko kung sino ang may ari ng boses na iyon. Sino pa ba ang makapal na mukhang buntot nang buntot sa akin at bukang bibig ang kaguwapuhan niya?  Si Liam lang naman.

Without hesitation I ended the call. Tinapos ko na ang pagkain at umalis na sa cafeteria. Hindi pa man nakakalayo ay nag-ring ulit ang phone ko. It was Liam again.

Idi-decline ko na sana ang tawag ng kusa itong tumigil at namatay.

"Opps. Huwag mong patayin, masasaktan ang puso ko," anang boses na nasa likuran ko.

Ano na naman ang baong kalokohan nito? Inis ko siyang binalingan. "Where did you get my number?"

"Wala man lang bang isang hi riyan?" Inirapan ko si Liam at inambahang sisipain. Natawa lang ito sa ginawa ko at lumayo. "Secret."

"Mukha mo!"

"Guwapo?" natatawang saad niya at tinaas baba ang kilay.

Napapadyak ako sa inis at iniwan siya. Rinig ko naman ang mga hakvang nito at mga paminsan-minsan niyang pagtawa.

Binabanggit nito ang pangalan ko habang naglalakad at paulit-ulit ding sinasabi ang kaparehong salita kanina pa.

"Asheen. . . I'm courting you."

Hindi iyon sobrang lakas pero sapat na para marinig ng mga estudyanteng nadadaanan niya. I was too embarassed for what he was doing. He was continuesly calling my name and saying that he was courting me. Para siyang sirang plaka ngayong araw at naririndi ako sa boses niya.

"Asheen?" he called me again.

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ito. He was smiling but I glared.

"What, what, what?!" pikon kong usal. "Will you stop calling my name and saying things like that?! Are you really happy messing up with my everyday life? Kasi ako, hindi ako natutuwa sa mga ginagawa mo! Hindi ako pumayag na ligawan mo ako dahil ikaw lang iyong nag-i-insist ng bagay na iyan. I found it annoying, do you know that?!" walang tigil na dada ko sa pagmumukha nito.

Hindi por que isa siyang sikat na tao rito sa Leehinton ay hindi na dapat siyang itaboy.

Napabuga ako ng hangin and tried to calmed myself down. "Stop pestering my life, Liam. Nakikiusap ako sa 'yo. To clear things up, hindi kita gusto kahit na ano pa 'yang gawin mo. I will never like a playboy like you!"

Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong magsalita dahil tumalikod na ako. Iniwan ko na siyang nakanganga roon at hindi ko na narinig pa ang pagsunod nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top