CHAPTER 4

Chapter 4: He


I WALK fast as I could to reach our building. Parang hindi ko na kayang bumalik pa sa senior high building na iyon. Bakit ba ako pumayag na pumunta roon in the first place?

Nang malapit na sa classroom ay naglakad na lamang ako at inayos ang sarili. Napahinto pa ako saglit at pinagpatuloy ang paglalakad.

When I was on the doorway, all of my classmates stared on me. I consciously lowered my head and walked slowly to reached my seat.

What happened? Bakit sila nakatingin sa akin ng ganiyan? May nangyari ba nang wala ako rito? As far as I remembered, hindi ganiyan ang mga tingin nila sa akin bago ako umalis. All of them doesn't care of my presence. At laking pasasalamat kong wala pang may nakakakilala sa akin ngayon sa classroom na ito dahil bago pa lang kami rito ni Shydeen sa Leehinton.

Naramdaman ko ang paggalaw ng sa gilid ko kaya alam kong si Shydeen iyon. Siya lang naman ang katabi ko rito.

Habang nakatingin sa paligid ay nagsalita ako, "Shy, why are they staring like that? Something happened when I was gone?"

I waited for her response but she did not speak. Napakunot ako ng noo dahil doon kaya nilingon ko siya.

Halos mapasigaw ako ng hindi si Shydeen ang sumalubong sa paningin ko. Ilang ulit akong napakurap sa gulat sa hindi inaasahang taong nasa tabi ko.

"Hi?" he said and slightly waved his hand.

I stared at him as if he was a big joke. "Why are you here?" I rudely said.

Napunta ang kamay nitong nasa ere kanina sa dibdib nito, as if he was hurt by something. "Ganiyan ba batiin ngayon ang mga g'wapo?"

Hindi ko na mapigilang mapairap, napailing ako dahil sa kakapalan ng mukha nito. Akala ko mga babae lang ang mga feeling-era, pati pala ang mga kalalakihan ngayon ay ganito na.

I ignored him and get my book on my backpack. Ipapatong ko na sana iyon sa desk ko ng bigla na lang iyon hablutin ng lalaking iyon.

Ano ba'ng problema nito at ako ang kinonkunsyume ngayong araw? At paano siya nakarating agad dito ng ganoon kabilis? Sa pagkakaalam ko ay naroon pa siya sa senior high building nang umalis ako.

Inis ko siyang binalingan. "Ano ba? Akin na 'yan!"

"Na-uh." I glared even more that made him whistled and raised his two hands. "Okay, okay. Heto na." Sumimangot ito.

Binalik niya sa akin ang libro kaya padabog ko itong kinuha at nilagay sa ibabaw ng desk. Nawalan tuloy ako ng ganang magbasa ng libro. Nilagay ko na lang ang iyon sa ilalim ng desk ko at kinuha ang cellphone.

Gusto kong magsimula na ang klase at umalis dito sa classroom na ito dahil sa lalaking ito. Hindi pa nga nagtatagal ang presensya niya, nararamdaman ko na ang kakulitan niya.

Hindi ko alam kung bakit feeling close ang isang ito, e, hindi ko naman siya kaibigan o ano.

"Where's your twin?" biglang anito.

"I don't know."

"Bakit naman?" Ipinagkibit-balikat ko iyon pero nagtanong na naman ulit. "Why are you so cold? Hindi ka man lang nga nagpasalamat sa akin ng dalhin kita sa hospital, pati 'yong pagsalo ko sa 'yo kapag nadidisgrasya ka," aping anito.

Nalukot ang mukha ko. I tried to composed myself and hide my embarassment. I heaved a deep sighed before I talked to him. "First of all, I didn't ask for your help kaya p'wede ba, tigil-tigilan mo ako sa mga rason na 'yan. Kung pasasalamat ko ang gusto mong marinig, then thank you for your benevelonce, mister. Okay na ba? Can you please leave me alone, now?"

"'Sungit," bulong nito pero rinig na rinig ko naman.

Hindi ko na iyon pinansin at nanahimik na. Kinuha ko na lang ang notebook ko at nag-drawing sa likod no'n pero makaraan ng ilang minuto ay naramdaman ko ang paglapit ni Liam sa akin.

"Nice talent," he commented. "Ako, hindi ko alam mag-drawing, e."

Sino ba'ng nagtanong? I wanted to say that to him but I prefer not to. Tinikom ko na lang ang bibig at tinapos ang ginagawang bulaklak.

I'm into drawings dahil ito ang nagpapakalma sa akin tuwing may problema ako o stress sa acads. I draw to kill time when I'm bored at sa mga panahong kagaya nito.

Nasa shading na ako ng bulaklak nang magsalita ulit si Liam. "Hindi mo ba tatanungin kung bakit ako narito?"

Binalingan ko siya. "Why would I asked you? Are we friends?"

"Oo naman!" kumpiyansang sagot nito.

"Kailan pa?" Napangiwi ako. "Are you imagining things now? Or just a purely deusional man?"

"Na-uh. We are friends! Noong nagpakilala ako sa 'yo sa soccer field. Remember that time?" he proudly stated.

Mas lalo akong napangiwi. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko tinanggap ang pagpapakilala niya sa akin. He was considering me as a friend despite of what I did? Impossible. He may have a hidden agenda towards me kaya siya lumapit ng ganito.

"To tell you honestly, I am not your friend and I will never be one kaya please lang, tigilan mo ang mga ginagawa mo ngayon habang maaaga pa. I'm not interested to the likes of you," prangkang saad ko at inayos na ang pagkakaupo dahil pumasok na ang teacher namin.

"Good morning, ma'am!" bati naming lahat at tumayo.

"Good morning, everyone. Take a seat." Naupo kaming lahat nang sabihin niya iyon. "Is there any absent today?" After she asked us ay minarkahan na nito ang mga absent sa class record nito. Ngumiti muna siya bago magsalita at bumaling sa direksyon ko. "Before we start our class, Mr. Scott was here to sit in." She motioned her hand kaya tumayo si Liam.

Nagtilian ang mga kababaehan at tumingin rito sa puwesto ko nang tumayo ang lalaking 'to. He secretly winked on me pero inirapan ko lang siya. Nasaksihan ko pa ang pagsimangot nito sa ginawa kong iyon.

Nang maupo ay nagsalita ito. "Why are you not happy? I'm besides you, hmm? Other girls are dying to sit in your position."

Napaismid ako sa tinuran nito, nanatiling nakatingin sa board at patuloy pa rin sa pagsusulat. "I'm a rose full of thorns around these daisies, so, why are you comparing me with a different kind of flower?" I said sarcastically.

Wala akong narinig na tugon sa kaniya pero makaraan ng ilang minuto ay narinig kong bumulong ito. "Sungit."

Paborito niya yatang linya iyan dahil halos ilang ulit ko ng narinig ang salitang iyan mula sa kaniya.

Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pakikinig. Naiinis na rin ako sa kadaldalan niya. He was like Shydeen, walang preno ang bibig kapag naumpisahan ng magsalita.

Naririndi ako sa lalaking ito dahil imbes na makinig ako sa klase ay sa kaniya nakikinig ang tainga ko. Hindi ko na maintindihan ang nili-lecture ng teacher dahil sa kaniya.

"Ano ba?!" hindi sadyang naitaas ko ang boses kaya nagtinginan ang mga kaklase ko sa akin pati 'yong teacher. Ginapangan ako ng hiya ng mapagtanto ang nagawa.

"Miss Ignacio, is there any problem?" kunot-noong turan ni ma'am sa akin.

Napalunok ako sa kahihiyan. "Ah. . . can I. . . go out ma'am? Magsi-cr lang," I reasoned out at napakamot sa ulo ko.

Ano ba namang rason iyon? Nakahihiya!  Kasalanan ito ng Liam na ito, e! Kung hindi dahil sa kaingayan niya ay hindi ako nalagay sa sitwasyong ito.

Tumango na si ma'am kaya tumayo na ako pero bago umalis ay sinamaan ko ng tingin si Liam na parang natatawa na hindi ko maipaliwanag ang mukha.

Umalis na ako dahil baka mas lalo lang akong maiinis sa lalaking iyon. Habang naglalakad ay pilit kong pinapakalma ang sarili dahil sa inis.

Napalabas pa ako ng wala sa oras! I enhaled and exhaled trying to calm my system. Napapikit ako para lalong mawala ang nararamdamang inis.

"Ouch!" daing ko nang may mabunggong kung sino. Pagmulat ko ng mata ay doon sumalubong sa akin ang isang hindi pamilyar na lalaki.

Napaawang ang labi ko sa nakita. His hair was draped on his forehead. He was looking far away na parang may tinatakasan na kung sino. Tagaktak ang pawis nito pero hindi iyon nakabawas sa kag'wapuhang taglay nito.

"I'm sorry, miss," he apologized and run away without looking at me. Hinawakan pa nito ang balikat na naging dahilan para mas lalo akong napanganga.

Napalingon ako para sundan siya ng tingin. Kahit nakatalikod ay ang cool nitong tingnan. Anong grade na kaya siya?

Nawala lang ang atensyon ko sa lalaking iyon ng may tumawag sa pangalan ko kaya napalingon ako kung saan nanggaling ang boses. It was Shydeen and she was running towards me. She stop infront of me while panting. Nakatukod din ang dalawa nitong braso sa magkabila nitong tuhod.

"A. . . sh. . ." Napapahid ito sa pawis na namumuo sa kaniyang noo.

I give her time to breathe at nang makitang okay na ito ay nagsalita ako, "Bakit 'di ka pumasok kanina?"

Napakamot ito sa ulo. "Ah. . . ano kasi. . ." simula nito pero napairap ako sa kaniya at iniwan na lang siya ng basta-basta. "Ash!" tawag nito but I ignored her.

Here she goes again. Hindi pa nga nagngangalahati ang araw sa pag-aaral ay sinisimulan na niyang mag-cutting.

Kailan ba siya matututong magseryoso sa pag-aaral? I'm tired of always reminding her with her studies! Palagi na lang!

She was always promising that she will do her studies without me reminding her but later on, she will forgot about it and buried that promises.

She was being irresponsible! Hindi naman lahat ng oras ay kasiyahan na lang ang uunahin! What will happen to her in the future if she don't strive right now? Ano ang kahihinatnan ng katigasan at pagiging tamad niya ngayon?

Sa inis ko ay bumalik na lang ako sa classroom. Nagsusulat si ma'am sa board kaya hindi ako nito napansing pumasok sa loob ng classroom.

Nang maupo ay nandoon pa rin si Liam, malapad na nakangiti niya akong sinalubong. Hindi ko siya pinansin buong subject dahil baka mapahamak pa ako kung ano pa ang sabihin ko at saka badtripnakonsa kakambal ko. Baka mapalabas ako ng tuluyan sa pagkakataong iyon.

Naghalumbaba ako ng umalis na ang teacher namin. I boredly opened my phone at pumuntang socmed. Few moments later nag-ring ang phone ko at naka-flash ang pagmumukha ni Liam na tinatawagan ako sa messenger.

Inis kong pinatay iyon pero pagkaraan ng ilang minuto ay tumawag ulit. Doon ko na siya binalingan. "Ano ba ang problema mo, ha?"

Napansin ko ang pagbulong-bulungan ng mga kaklase ko pero inignora ko iyon. Bakit ba sila ganito? At bakit ba dikit nang dikit sa akin ang lalaking ito?

I didn't know who he was in the first place. Nakita ko lang siya sa El Café no'n at nagkatitigan ng ilang minuto wearing Leehinton's uniform. After that, nakikita ko na siyang umaaligid sa akin. Ang creepy ng taong ito sa totoo lang, kaya mas lalong hindi ako kunportable kapag malapit siya sa akin.

"Can I court you?" he blatantly said.

Nahugot ko ang hininga sa gulat sa sinabi nito. Ilang araw ko pa nga lang siya nakikita tapos he was asking me this?

Hindi ko ma-gets ang ekspresyon nito sa mukha. I can't tell if he was sincere about it but I can completely tell that he was playing around because of what his eyes saying.

He was giving me an impression na parehong-pareho siya sa mga lalaking b-in-asted ko these  past few years.

Hindi na ito bago sa akin dahil halos ilang lalaki na ang nakatanong sa akin ng salitang iyan. Lahat sila ay iisa lang naman ang intensiyon sa akin. I am not that kind of woman they wanted.

Hindi ako isang display lang, hindi ako isang bagay na puwedeng ipagmayabang sa tropa, at lalong-lalo na hindi isang babaeng pangkama.

Knowing boys nowadays, wala na yatang lalaking matino at malinis ang intensyon sa isang babae. All of them have a hidden agenda. Hindi nila ako maloloko sa mga pa-sweet at mga the moves nila sa akin.

"No," seryosong sagot ko sa kaniya without breaking our eye contact. "I'm not into boys like you," dagdag ko pa.

I can see the amusement on his face when I said that. My forehead knotted because of confusion. Was he not hurt for what I just said? Bakit parang manghang-mangha pa siya sa sinabi ko? Tanga ba 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top