CHAPTER 3
Chapter 3: Boys are boys
WHEN I came home, Shin greeted me. Tumalon ito sa akin nang nasa pinto pa lang ako. All my embarassment and annoyance disappeared in an instance.
Kinawag-kawag nito ang buntot at masuyong hinahagod ang ulo nito sa paa ko. Kumahol siya nang kumahol animo'y sobrang saya dahil nakauwi na ako.
I laughed because of that. My adorable chow-chow was sweet as sugar. Hinaplos ko ang ulo nito at tuwang-tuwa naman ito sa ginagawa ko.
He never failed to let me smile. Siya na lang yata ang natitirang nagpapasaya sa akin sa mundong ito.
Tumayo na ako habang kalong-kalong si Shin. Pumunta ako sa kitchen para kunin ang food niya. Kumuha rin ako ng milk para sa kaniya at nilagay sa cute nitong lagayan ng pagkain. His plate was shaped of his paws at kulay asul. Sobrang cute!
"Aba, hindi na pinapansin si mommy, por que may kinakain, ah?" natatawang saad ko sa kaniya.
Abalang-abala na ito sa pagkain kaya tumayo na ako para iwan sa rito sa baba. Kapag natapos naman siya ay pupunta naman iyan sa kuwarto ko.
I changed my clothes at pinagpasyahang magpahinga na muna bago mag-shower. Baka kasi kapag pagbinasa ko ang paa ko, e, mapasma pa. Buong araw pa naman akong nakamedyas at sapatos. Ayaw kong magsilabasan ang ugat sa paa ko, ano!
I sat on my bed and massaged my feet. Nanakit ito dahil kalalakad ko kanina sa school at sa labas. This is the first day of class, so expected ko na ang ganito.
Masakit din ang likod ko sa bag na sobrang bigat kanina dahil sa mga books. Mabuti na lang talaga ay inimbento ang locker kaya parang nawala ang kalahating porsyentong bigat ng backpack ko.
I layed on my bed and grabbed my phone on my bedside table. I opened my social media account, particularly on facebook. I am not usually doing this but something on me was pushing to scroll here.
Habang abala sa pag-i-scroll ay biglang may nag pop up na message sa messenger ko. Agad akong pumunta sa messages. I was shocked because of what I saw. It was Liam.
Liam Scott
5:42 pm
Hi! I can't believe we r friends here in fb
Can I call dis destiny?
Hindi ko iyon si-n-en dahil isa-isa lang ito nagpa-pop up sa notification bar. Mabilisan kong pinatay ang active status ko.
Bigla ko tuloy naalala ang pagsalo niya sa akin kanina at dibdib ko ang nahawakn niya. Napapikit ako nang mariin at bumalik ang pagkapahiya sa mukha.
Napapadyak ako sa ere at pinagsusuntok ang unan sa gilid ko. Why him?!
Napabaling ulit ang tingin ko nang tumunog ang messenger ko. Bumungad ulit ang mukha ni Liam. Sunod-sunod ang pagtunog ng messenger ko kaya nakaiirita pakinggan. Kaya para matigil iyon ay wala akong choice kung hindi buksan ang messages niya.
Liam Scott
5:46 pm
Ay pinatay ang active status
Meganun
I know ol ka
Hey
Can I be friends with u
U r ignoring me
Sa gwapo kong to u r ignorung my chats?
ihnoring
ignkring
pakshet ignoring kasi yun
Napairap ako. Galawan nga naman, oo. Si-in-een ko lang iyon and logged out my facebook account.
Bakit ko siya papansinin? Neknek niya! I will not give him the satisfaction. Manyakis niya!
I put my phone on my bedside table and decided to got out on my room to cook our dinner. Spicy adobo lang ang lulutuin ko dahil parang naghahanap ang tiyan ko ng maanghang. Shydeen loves spicy foods, me as well kaya hindi pahirapan ang pagdi-decide ko kung ano man ang lulutuin.
Sumapit ang gabi at pumatak ang alas-siyete, walang Shydeen na dumadating. Natapos ko na ang pagluluto at nakahain na iyon sa hapag-kainan. Tanging ang babaeng iyon na lang ang hinihintay ko para makakain.
I tapped my fingers on the table and patiently wait for her but thirty minutes had passed, there was no traced of Shydeen's presence. Nagugutom na rin ako at ilang ulit ng tumunog ang tiyan ko.
Pumunta na ako sa itaas para kunin ang phone. Nagtipa ako ng numero nito at tinawagan siya pero ring lang nang ring ito. Ilang ulit kong tinawagan si Shydeen but she didn't dare to answer my calls.
Nararamdaman kong umiinom na naman iyon, sigurado ako. Lagot talaga siya sa akin pag-uwi niya rito.
Inis kong pinatay na lang ang tawag. Pinagpasyahanan kong bisitahin ang IG nito at hindi nga ako nagkakamali na kasalukuyang umiinom ito.
Kung p'wede lang na i-angry ang post niya ay ginawa ko na pero heart lang ang reaction dito sa IG.
Ayaw ko namang mag-iskandalo sa comment section ng photos niya na may hawak na beer at baka kuyugin ako ng mga tao sa panenermon ko.
Instead of commenting harsh, nagtipa ako ng salitang wow with emoji na may heart ang mata. Kapag nakita niya ito, alam kong malalaman niyang sarcastic ang dating no'n.
Shydeen was famous in instagram, hailed by many, and people called her instagram goddess. She loves the spotlight but not to the point na maging malaki ang ulo niya, palagi kong pinapangaral iyon sa kaniya.
An influencer should be a good role model to everyone. Hindi dapat sila ang nagsisimula ng gulo. Minsan kay Shydeen, lumalabas ang pagkamaldita niya. Sadyang may binabagayang tao lang talaga ang ugali niyang iyon. Well, lahat naman ng tao ganiyan, e. May tinatagong kulo ang bawat isa na sarili lang ang nakakaalam, including me, of course. Hindi ko iyon ide-deny.
Nabulabog lang naman isang araw ang tahimik kong buhay sa social media ng sumikat ang gagita kong kambal. Tinatanong ako ng mga avid fans niya about sa kaniya. Trying to be closed on me but all their messages are ignored, wala akong ni-reply-an kahit isa. Ang hindi ko lang talaga maiwasan ay kung mga nag-a-approach sa akin sa personal tuwing nasa school ako.
I can't be rude to them dahil baka masira ang pangalan ni Shydeen. But, sometimes they are disrespecting my privacy and I really hate it. I hate the spotlight and I will not ever like it.
I messaged her on insta na umuwi na pero wala siyang reply. Sa inis ko ay pinatay ko na lang ang phone at bumaba para maunang kumain. Natapos ko ang dinner pero wala pa ring umuuwing Shydeen.
Nag-half bath na ako at lahat pero wala pa rin siya. It was already 10 in the evening for pete's sake!
Napahikab na rin ako. This is not my usual time to sleep dahil alas nuwebe pa lang ay tulog na dapat ako.
I locked our house dahil baka pasukin kami rito when I leave it opened. May duplicate keys naman si Shydeen kaya okay lang.
Nahiga na ako at nakatulugan ang paghihintay sa kaniya. Hanggang sa magising ako kinaumagahan ay wala akong nakitang Shydeen.
Nilukob ng inis ang buo kong sistema. Kailan pa siya natutong huwag umuwi sa bahay ng ganito?! Hindi ba man lang ba naisip na may nag-aalala rito sa kaniya?!
Inis akong naligo at nag-ayos. I'm on a bad mood today kaya hindi ako nagluto ng agahan. Bahala siya umuwing walang makain! Nakaiinis!
Nang matapos ang pag-aayos ay akma ko ng bubuksan ang pinto nang may naunang bumukas doon.
It was Shydeen. She smiled at me but I didn't returned what she wanted. I scanned her from head to toe. Maayos pa rin ang pananamit, walang bakas na kahit ano.
Nang malamang maayos naman ang lagay niya ay pinagpasyahan kong umalis na. I didn't say anything in order for her to felt guilty for what she did.
"Ash! Ash naman," pakinig kong tawag nito sa akin, feeling frustrated.
I totally ignored her at pumara ng taxi. Tinatawag niya pa rin ako hanggang sa makapasok ako sa sasakyan at umalis na. Nilingon ko siya sa bintana at ngunguto-ngutong pumasok sa loob ng bahay.
Nakosensya ako ng makita iyon pero kailangan niyang magtanda. Hindi lahat ng oras ay iintindihin ko siya.
When I came to Leehinton I immediately headed to the main library. Kumuha ako ng mga libro para hiramin pauwi mamayang hapon. I reserved it on my name para wala ng makakuha at nilagay iyon ng librarian sa isang shelf.
Nang matapos ay pumunta na ako sa classroom at agad na naupo sa puwesto. Inaabangan ko ang pagpasok ni Shydeen dito at makalipas ang ilang minuto ay nagpakita nga ito.
Agad niyang hinanap kung saan ako at nang magtagpo ang mga mata namin ay lumapad ang ngiti nito. Tumakbo siya papunta sa direksyon ko at naupo.
"Ash, wala pang klase?" Napairap ako sa ere. She was trying to have a conversation with me but I ignored her. Ngunit nang mahinuha nitong hindi ako magsasalita ay nagtanong na naman ulit ito. "Hindi ka ba nag-breakfast, Ash? Darating kaya si ma'am?"
Marami pa itong tinanong sa akin pero hindi siya nagtagumpay na kausapin ko siya pabalik. Instead of listening to her I opened my phone at pumunta sa facebook.
Hindi ko alam kung ano'ng nagtulak sa akin at binuksan ang mga messages ni Liam.
Liam Scott
8:28 pm
Good evening beautiful
Eat ur dinner na
G'nyt beautiful
6:01 am
Good morning
Kain ka na
Hey
Di mo talaga ako papansinin?
Awts
Peyn
Pighati
Napailing ako sa mga messages niya sa akin. Ia-out ko na sana nang makita kong nag-online siya. Napansin kong nagta-type ito sa convo namin kaya napakunot ako ng noo. Ano na naman kaya ang sasabihin nito?
Liam Scott
7:30 am
Yiee
Sineen ako
Syet
Kilig
Hi, Ash
May klase kayo
Napailing ako sa mga china-chat nito. Hindi ko na lang namalayan na nagtitipa na ako.
Sheen Ignacio
7:31 am
Dami mong kinuda
K
ailangan mo?
Liam Scott
7:31 am
Awts
Ganyan agad bungad
Nahurt ang gwapo kong mukha
Sheen Ignacio
7:31 am
Kapal
Liam Scott
7:32 am
Di a nagsasabi lang ng 22o
Gusto ko lang naman magchat
Masama ba yun
Sheen Ignacio
7:33 am
Di
Pero masama na nagchachat ka
Liam Scott
7:32 am
Hindi daw
Pero ganoon pa rin cnabi
Napangiwi ako sa typings nito. Ganito ba 'yong mga lalaki mag-chat sa panahon ngayon? Napailing na lang ulit ako at pinatay ang data ng phone saka sinilid sa bulda ng palda.
Itong si Liam kapag pinapansin mas maraming sasabihin. Ayaw ko sa mga taong madaldal.
Our lessons goes well, and I can say na mas lalo akong ginanahan sa pag-aaral nang malamang may cash na makukuha ang magiging valedictorian of the year sa eskwelahang ito. Kung tama ang rinig ko ay halos ninety thousand pesos ang ibibigay ng eskwelahan sa magiging valedictorian.
Napamura ako sa isip nang marinig iyon 'galing sa teachers namin. Sa eskwelahang pinanggalingan ko ay isang libo lang ang bigay tapos dito sa Leehinton sobra-sobra.
Ganito ba talaga ang eskwelahang ito? Natitiyak kong isang bilyonaryo ang may-ari nito! Napakagalante naman.
"Ah, Miss Iganacio?" tawag bigla ni Ma'am Al, math teacher namin.
Napatayo ako. "Yes, ma'am?" I walk towards her when she motioned her hands na lumapit ako. Marahan akong napatabi sa kaniya.
"Miss Ignacio can you please give this to Sir Chard? Nasa senior high building siya ngayon. Nakalimutan niya kasi ito sa bag ko kanina," ngiting anito at inabot ang isang class record.
Mabilis ko itong kinuha at ngumiti. "Sure, ma'am."
Nagpasalamat ito at humingi ng sorry dahil sa naabala niya ako. Ako pa nga ang nahihiya dahil baka hindi ko alam kung saan ang building ng senior high dito sa Leehinton.
Umalis na ako sa classroom at bumaba para pumunta sa pakay. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung nasaan ang shs building. Nahihiya rin naman akong magtanong pa kay Ma'am Al dahil baka iba ang isipin.
May grupo ng mga kalalakihan akong nasalubong at laking pasasalamat kong naka-senior high uniform ang mga ito.
They are laughing together, halatang nagkukulitan. I cleared my throat and gathered my courage to approach them. "Um. . .excuse me. . ." tawag ko sa atensyon nila.
Mukhang hindi narinig ng ng tatlo dahil iisa lang ang napatingin at nakapansin sa akin. He was cute with those chinito eyes. Mukhang magkasingtangkad lang kami yata. Sobrang puti niya rin, halatang-halata na may kaya sa buhay.
Napanganga ito sandali at napatulala sa akin, ngunit nang makabawi ay pinagpapalo niya ang mga kaibigan at walang imik na tinuro ako. Doon na napatigil ang mga kasamahan niya at napatingin sa akin.
Napangiwi ako ng magsiayos ng buhok silang tatlo malivan sa chinito na iyon at nagtutulakan palapit sa akin.
"Hi, miss!"
"Hello!"
"May hinahanap ka sa 'min?"
Nangasim ang mukha ko sa sunod-sunod nilang tugon. Akala ba nila madadaan nila ako sa pakindat-kindat at pakagat-labi nila? Asa tawag diyan!
Boys are always boys.
I drop the thought at hindi na nagpaligoy-ligoy pang magtanong. "Kilala ni'yo ba si Sir Chard?"
Nagtinginan sila at nangunot ang noo. Natitiyak kong hindi nila kilala. Magpapasalamt na lang sana ako at humingi ng tawad sa abala pero nagsalita 'yong lalaking unang nakapansin sa akin kanina.
"Bopols ninyo! Adviser natin hindi n'yo kilala! 'Sumbong ko kayo kay Sir Delcosta!" singhal ng lalaking iyon. Nanlaki naman ang mga mata ng kasamahan niya. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Nasa room namin ngayon si Sir, samahan na kita?"
"Hoy! Anong kita? 'Wag kang magsolo, Aideon!"
"Huwag magdamot, gago!"
Napailing ang tinatawag nilang Aideon saka tumingin sa akin. "Don't mind them. Epekto lang iyan ng General Physics namin kanina. Let's go?" aya nito sa akin.
I smiled at him. He seems nice and gentle. Hindi kagaya nang mga kasama niya na parang mga asong ulol.
Naglakad na kami at nalaman kong Aideon Deconde ang pangalan nito. Nakahihiya naman kaya nagpakilala rin ako.
Tahimik lang ako habang nagkukwento ito hanggang sa marating ang pakay ko sa shs building.
Mabilis kong binigay ang class record kay Sir Chard na nagkaklase pala kaya napatingin sa akin ang lahat ng estudyante.
Napalunok ako, sobrang nakahihiya! I've regreted that I did this pero wala pa rin akong choice bukod sa nakahihiyang tumanggi kapag teacher na ang nakiusap sa akin.
Nagpaalam na ako sa guro at mabilis na tumakbo pababa sa building na iyon. Mabilisan din akong nagpasalamat kay Aideon at hindi man lang binjgyan ng pagkakataon ang lalaking magsalita.
Nakahihiya talaga!
Tinakbo ko ang kahuli-hulihang hagdan at gusto na lang agad makalabas sa building na ito.
Sa pagtakbo ko ay nakahahakot na ako ng pansin. Idagdag pa iyong mga nakakakilala sa akin dahil kay Shydeen pero hindi ko naman kilala.
I really hate attention! It sucks!
Nasa ikatlong baitang na ako bago ang panghuli-hulihang hagdan ng hindi sadyang namali ang pag-apak ko kaya naging dahilan para mawalan ako ng balanse.
Napasigaw ako kaya alam kong may nakatingin na sa akin. Gusto kong batukan ang sarili dahil sa pagsigaw na ginawa pero bago iyon ay biglang may kung sino ang humapit sa beywang ko. Napaikot ako at ganoon din siya bago lumapat ang likod ko sa pader.
Ramdam ko ang kamay nitong nakaalalay sa bewang at ang isa ay nasa kaliwang kamay ko nakahawak.
Napalunok ako nang mapatitig sa pulang labi nito. Unti-unting tinalunton ng paningin ko ang matangos nitong ilong hanggang sa mapatitig ako sa dalawang pares ng tsokolateng mata nito.
Nang mapagtanto ko kung sino iyon ay agad akong napalayo sa kaniya. "M-manyak!"
"Manyak na ba ngayon ang pagtulong sa 'yo?" katwiran niya. "Saka sa bewang mo ako nakahawak hindi sa gamunggo mong. . . nevermind."
Nagsalpukan ang kilay ko. Gamunggo? Anong gamunghong pinagsasbi nito? Hindi ako flat kung iyon ang gusto niyang iparating!
Gago ito, ah? Sakto lang naman ang laki nito! Bigla ko siyang sinipa sa paa.
"Ouch!" daing nito at napatalon-talon.
"Gago!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top