CHAPTER 23
Chapter 23: They look good
AFTER the catwalk, the master of ceremony introduced the current Mr. and Ms. Leehinton. Halos mapanganga ang lahat sa kagandahan ng babae at kagwapuhan ng lalaki. They are now in college pero rito pa rin naman sa Leehinton pumapasok.
May iilang intermission bago ang pagpili ng mga pasok sa panlasa ng mga judge kanina sa catwalk.
"Now, I have here the list of beautiful ladies that will have the oppurtunity to be Ms. Leehinton. And we will start with number. . . "
Tumunog ang musika at hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla.
Ayokong mapunta sa stage!
Ang kapal ko naman bigla but I have this feeling na mapipili ako. Oh gosh! Please, I don't want to involve myself in that kind of thing. Nakakahiya.
"Number 22!" masayang sigaw ng MC.Nagpalakpakan ang lahat a sunod-sunod na ang pagtawag niya. "And for our last candidate. . ."
'Wag ako, please.
Nanlalamig ang kamay ko na sana ay huwag akong matawag pero para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang numerong nasa damit ko.
"Number 55!"
"Congratulations, Ash!" ngiting ani Aideon.
"No way!" bulong ko na ikinakunkt ng noo niya. "No! Nakakahiya, a-ayoko."
"Go. Naghihintay na 'yong MC. It's okay, alam kong kaya mo 'yan," he cheered.
"P-pero. . ."
"I know you can do it."
"Number 55?" tawag ulit ng MC dahil walang naglakad papunta sa stage. Naglingunan ang lahat ng estudyante para hanapin ang numero ko.
"Andito si Number 55!" tili ng isang pamilyar na babae at hindi ako nagkakamali na si Shydeen iyon. "Kambal ko 'yan!" dagdag pa niya
Tanginang babaeng ito! Nakakahiya.
Napapikit ako nang tinuro ako nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Andiyan pala siya, hindi man lang lumapit sa akin! 'Pansin kong hindi na si Xavier ang kasama nitong lalaki at hindi ko na iyon kilala. Napailing ako dahil roon. Ewan ko sa kaniya.
Napatingin ako kay Aideon at sinuklian ako nito ng ngiting nagpagaan sa loob ko.
"Kaya mo 'yan," he assured.
Napatango ako at maglalakad na sana pero naramdaman ko nalang ang kamay nitong nasa bewang ko at ang isa ay sa isang kamay ko tila inaalalayan papunta sa stage.
Nakarinig ako ng mga tilian at ang iilan ay kinukunan kami ng litrato.
"Sila ba?"
"Ewan ko, e."
"Siguro."
"Ang sweet nilang tingnan parang meron."
Hindi ko nalang pinansin ang mga naririnig ko at nagpatay-malisya. Hindi sadyang nahagip ng tingin ko malapit sa paanan ng stage ang madilim na titig ni Liam sa akin. Kitang-kita ko ang pag-igting ng panga nito at ang nakakuyom na kamao.
I immediately look away becuase I couldn't bear my thumping heart while gaving an eye contact on Liam. Ginapangan ako ng kaba sa madilim na paninitig nito na halos tagos sa kaluluwa ko.
Inilalayan ako ni Aideon paakyat sa stage at nang masigurado niyang okay na ako roon ay bumaba na ito.
He walked as if he owned the whole gymnasium. Laglag panga ang mga babae sa paraan nang paglalakad nito, nagtilian lalo ang mga babae.
I smiled when he face me on stage.
"Wow! Gorgeous is understatement for describing these ladies in front."
Naghiyawan ang mga audience. The MC aksed our names and hobbies. Isa-isa naman kaming sumagot. The MC is entertaining at pati kami sa stage ay tawang-tawa sa mga linya niya.
Abot ang kaba ko nang magsimula ang pag-e-explain niya sa mga tanong na ibabato sa 'min. Pipili kami sa isang fish bowl ng isang tanong at sasagutin namin on the spot.
Halos panlamigan ako dahil ako na ang susunod. I know I can answer the question immeadiately but the eyes of a specific person making my heart jumped.
Napakagat-labi ako nang muling dumaan ang paningin ko kay Liam. Hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin.
"Okay, now, Miss Number 55!" ngiting aniya.Nagtilian ang mga tao matapos niyang sabihin 'yon. "Wow! You are the crowd's favorite!" manghang usal niya.
Kumuha na ako sa fish bowl 'gaya ng ginagawa nila kanina. May mga tanong na expected na, like those clichés questions in pageantry. Meron namang pilosoping tanong na kailangang tapatan ng pilosopong sagot. The crowd is enjoying for what the other candidates answered.
I handed the piece of paper that I picked.Mabilis naman itong binuksan ng MC.
"For your question, what if the man you love cheated on you? What will you do?"
Nagsigawan ang mga estudyante sa tanong na iyon. Nakakatawang isipin pero I felt someone cheated on me. I mean, me and Liam don't have any label but he's courting me right? And for the issue that Gwyline and Liam had, I felt that I've been cheated. Pinakita ni Liam na interisado siya sa akin, na may nararamdaman siya sa akin, alam kong may karapatan akong maramdaman 'to dahil he give me his intentions in the first place.
Napangiti ako sa MC bago kunin ang mikropono. Hinanap ng mata ko si Aideon na naka-thumbs up sa akin at napadpad ang paningin ko kay Liam.
Surprisingly, Gwyline was there, beside him. Napait akong napangiti.
"If ever the man that I love cheated on me, I will be happy for him. You know why?"
The crowd shouted, "Why?"
"Because being happy is the best I can do for him. I'm happy because he found someone that can mend his heart. . . iyong mabibigay ng babaeng 'yon ang hindi ko kayang maibibigay. I will be happy for them. No revenge will happen, just a pure happiness," I said without breaking an eye contact with Liam.
Pinilit kong huwag umiyak sa harap ng MC dahil kapag nalaman niya ay baka sabihin sa mikropono. Pinasaya ko ang sarili, I thought happy memories but that memories was filled of Liam by my side.
I divert my attention to Aideon who was cheering on me. It lighten my mood sligthly at natawa ako sa mga pinaggagawa niya. Hindi ko na nakayanan pang ibalik ang paningin ko kay Liam, because if I do, I will burst in tears.
Pinaupo na muna kami at nagtawag ulit ng mga magiging Mr. Leehinton. I was so happy when Aideon was one of them. Naroon din si Liam, Xavier at Dave.
The whole gymnasium roared when the popular hot boys was mentioned. Halos magwala ang lahat kasabay ng binabaeng MC.
Nagtagal silang mga lalaki sa stage dahil pinag-talent sila ng MC, tuwang-tuwa sa walong mga gwapong lalaki sa entablado. Hindi lang naman siguro ang MC ang naging magiliw sa kanilang lahat, pati na rin ang mga kababaihan sa lugar na 'to.
Napansin ko ang nakakapasong tingin ni Liam. Agaran kong iniwas ang tingin nang magsimula ang question and answer nilang lahat.
Ganoon din ang ginawang paraan ng MC, bubunot sa fish bowl at tatanungin ang mga contestant.
Unang sumabak sa Q and A si Dave. Maraming nagtiliang babae kaya napatakip sa tenga ang MC.
"'Wag nga kayong maano!" birong aniya na ikinatawa ng lahat. "Okay, here's your question. Kung papapiliin ka ng kakainin, kulangot o panis na kanin?"
Naghagalpakan sa tawa ang mga estudyante sa tanong na nabunot ni Dave. Ito 'yong tanong na wala naman laman, sadyang magpatawa lang.
Natatawa rin si Dave bago makabawi at makasagot. "Kulangot na lang."
"Bakit naman?"
"Mas okay na 'yong kumain ng maasim-asim na kulangot kaysan naman sa sumakit ang tyan ko sa panis na kanin."
"Maasim-asim? So nakatikim ka na pala no'n?"
The crowd laughed so hard, Dave also. Nang ma-satisfy ang MC sa kakakuda ay si Aideon naman ang tinanong.
"Ano ang una? Manok o itlog?"
Napailing ako sa mga tanong na nakukuha nila sa fish bowl.
"Manok, kasi paano naman mapipisa ang itlog kung wala namang inahing manok na mag-aalaga, 'di ba?"
Naghiyawan ang lahat sa sagot niya. He got the point.
Sunod ay si Xavier ang tinanong. "Ano ang mas gusto mo? Mahal ka o mahal mo?"
"Oww!" komento ng lahat.
I don't know what gotten on me but I just realize that I'm looking for Shydeen. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid para mahanap ang siya. Sakto lang ng makita ko siya ay sumagot na si Xavier.
"Mahal ko."
"Ayyyy!" the crowd chanted in disappointment.
"Bakit naman mahal mo?" Kumibit-balikat lang si Xavier at nahalata ng MC na ayaw na niya dugtungan pa ang sagot. "Next ay si—" naputol ang sasabihin ng MC ng maghiyawan na naman ang mga tao. "Tahimik! Kurutin ko kayo r'yan," gigil na kunwa'y ng MC.
Natawa ako dahil roon. Iniwas ko ang tingin kay Liam na kasalukuyan inaabot sa MC ang papel na nabunot ngunit nakatuon pa rin sa akin ang atensyon. Halos hindi ako mapakali sa kinauupuan sa namamasong titig nito.
"Here's your question, kung isa kang bagay, ano ka?"
The MC handed the mic to Liam, without breaking the eye contact beetween us, Liam answered, "I would be a handkerchief."
"Bakit naman panyo?"
"Gusto kong punasan ang luha ng taong mahal ko dahil nasaktan ko siya ng sobra."
"Aaahh!" sigaw ng lahat sa sagot niya at halos mangisay ang lahat.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top