CHAPTER 22
Chapter 22: Leehinton's Night
"ASH, bilisan mo naman at aayusan kita. Matagal ka pa ba r'yan? Iiwan talaga kita!" Shydeen shouted as if I'm a mile away from her.
Nakabusangot akong napalabas ng cr dahil sa sigaw niya. I took a shower dahil ayaw ko namang manganoy mamaya at punahin iyon ng ka-date ko.
"Upo ka nga!" utos niya. "You're so slow, Ash. Kanina pa ako tapos mag-ayos at lahat, heto ka pa rin, walang usad," litanya niya na ikinatirik ng mga mata ko.
"My god, Shydeen! It's just five pm, mamaya pa ang Leehinton night mamayang alas otso!"
"Aba! Matagal pa kaya ang make up session nating ito. Aatusin ko pa 'yang buhok mo!"
I rolled my eyes again. "Anong aayusin mo sa buhok ko, e, kasing ikli nito ang pasensya mo?!"
"Basta! Shut up ka na nga lang, Ash."
I just keep my mouth shut when she's doing her thing. Pero hindi pa rin namin maiwasan na magbangayan. Perks of having a twin.
Totoo nga at matatagalan kami sa pag-aayos, hindi dahil mahirap akong ayusan kung 'di sa bibig naming dalawa. Pasado alas syiete na kaming natapos na dalawa.
I am wearing a tube royal blue mermaid gown. It was all plain, no pearls attached on it or whatever designs. I personally chose this because it looks simple yet classy. I paired it with silver dangling earings na sumasayad hanggang balikat ko. Gaya ng sabi ko, ang buhok ko ay maikli kaya hindi ko na pinahawakan pa o ibahin pa ni Shydeen iyon.
Napadpad ang mata ko kay Shydeen. She's wearing a red gown filled with shiny stones. Hapit na hapit sa katawan nito na nadidipena ang hubog ng katawan. Mayroon itong slit hanggang sa balakang nito, it's quite scandalous. I wonder if she can go with this kind of dress.
"Are you really sure that's okay?" I asked.
"Of course! Duh! Wala ka bang bilib sa kambal mo?" she wickedly laughed on me.
Napailing na lamang ako nang magtipa ito sa cellphone nito.
"Saan tayo sasakay nito?"
"Of course meron na tayong sasakyan."
Nangunot ang noo ko nang marinig ang isang busina sa labas. Nanlaki ang mara ni Shydeen at lumapit sa akin, muntikan pang matapilok sa taas ng takong niya kumpara sa gamit ko. My god! She's wearing a 6 inches heels! Nakakatakot at baka bigla na lang siyang matumba sa isang maling galaw. Ang likot pa naman ng babaeng ito.
"Do I look good, Ash?" Hinarap niya ang mukha sa akin at bumaling pakaliwa't kanan.
"Kulang pa ba ang gandang 'yan, Shydeen?" irap kong balik na tanong sa kaniya.
"Eee! Answer me kasi! Nagtatanong ng maayos, eh! Do I look good?" ungot niya pa, parang bata.
"Oo nga! You're dazzling with that bloody gown, okay?"
"Napilitan ka lang, eh." She pouted.
Aba't! Magtatanong sa 'kin kung maganda ba aiya pero nang sagutin, magdududa pa? Ang sarap niya hampasin ng unan, eh.
Aalma na sana ako pero tumawa na ito at walang pasubaling hinila ako. Kamuntikan pa ako madapa dahil sa ginawa niya.
Nang makalabas kami ay isang 'di pamilyar na pulang kotse ang naka-park sa may gate. Biglang lumabas si Xavier na nakakulay maroon na tuxedo. Kung gaano kaayos ng damit na nasa katawan nito ay ganoon naman kabaligtad sa buhok nito. Hindi ko lubos maisip kung paano ba niya nagagawang ibagay iyon dahil kahit man ako ang tumingin ay ang gwapo-guwapo niya roon.
"You look good," komento nito kay Shydeen. "You too, Ash." He smiled on me.
Naramdaman ko ang pagkurot ni Shydeen sa bewang ko kaya napabaling ako sa kaniya.
"Ano?" I mouthed and rolled my eyes.
"'Wag ka na lang um-attend, agaw spotlight ka!" kunwa'y inis na aniya.
Irap na lang ang naging tugon ko. Shydeen opened the front door kaya sa likuran na lang ako pumwedto. Hiya naman ako, hindi halatang gustong-gustong makatabi sa unahan si Xavier.
Naupo ako nang tahimik at tanging si Shydeen lang ang nagsasalita habang papunta sa school. Patuloy ang pag-andar nf kotse at kasabay no'n ang paglalayag din ng isipan ko.
Gwyline is Liam's date for tonight. Bakit siya pa? Ah. I remember, they're having a baby.
Mapait akong napangiti at pilit na inalis sa sistema ang isiping iyon. I need to enjoy this night, dapat ay huwag masira ang gabing ito.
When we arrived, Leehinton was illuminated by a different shade of lights. Napakagandang tingnan lalong-lalo na ang mga puno't halamang may iba't ibang kulay ng ilaw.
Nakakalaglag panga rin ang mga kasuotan ng bawat babae. The gowns they are wearing shouts wealth and elegance. Kumikinang ang mga alahas na nakadantay sa kani-kanilang balat. Idagdag pa iyong mga kotseng sinakyan nila papunta rito. Leehinton is indeed a prestigous school full of wealthy students.
For an instance, I get conscious for what I'm wearing. This is all plain unlike to them. Ako lang yata ang nakikita kong may pinakasimpleng gown. Bigla akong nanliit, sana pala ay 'yong pinili na lang ni Shydeen ang sinuot ko.
"Ash! Tara na!" excited na tili ni Shydeen sabay hila sa 'kin. "Saan na ba 'yong partner mo? Wala pa ba? Hindi kita maiiwan kapag wala pa siya! Baka kung saan ka pa mapadpad!"
Muli, tumirik ang mata ko. Ano ako? Isang bata?
"Shy, I'm okay, maya-maya ay baka narito na siya, hahanapin ko lang. Just go, I know you have business to take care of."
Ngumisi si Shydeen. Alam kong may balak 'yan. Kilala ko na siya.
"Really? Are you really sure?"
Tinulak ko na siya para maitaboy at inirapan ng ilang ulit. "Of course! Alis na! I can handle myself. Ikaw, papatayin talaga kita kapag may ginawa kang hindi kaaya-aya," banat ko sa kaniya at pinanlakihan ng mata.
Tumawa lang si Shydeen sa sinabi ko at nagpaalam. Nang mawala na siya sa alon ng mga tao, saka ko lamang hinanap ang magiging ka-date ko ngayong gabi.
Habang naghahanap ay pansin ko ang tinging binabato ng karamihan sa akin. Nagpatay-malisya ako at tinuloy na lamang ang balak.
"Miss, ikaw ba si Asheen Ignacio?" tanong ng isang 'di pamilyar na lalaki. I think he's a senior.
"Ah. . . opo, bakit?" alinlangan kong sagot.
Lumiwanag ang mukha nito. "Kanina ka pa namin hinahanap."
"Ha?"
Bakit naman nila ako hinahanap? E, hindi ko naman sila kilala.
"I mean, Aideon Delconde is looking for you," bawi niya sa sinabi nito nang makita ang pagkalitong nakapinta sa mukha ko.
Doon ako naliwanagan at hindi na nagdalawang isip pa na sumama sa kaniya. Aideon Delconde is my date right now.
Hindi sadyang naaninaw ko sa paningin ang pamilyar na kotse ni Liam. Sandali akong napahinto at inabangan kung sino ang lulan no'n.
Sa bawat pagdaan ng segundo ay pabilis nang pabilis ang dagundong ng dibdib ko. Ano kaya ang suot niya? May kasama ba siya sa loob ng kotse niyang iyan?
May maliit na parteng nagbabakasakali na sana ay wala siyang kasama at makita niya ako rito. Pero nabasag ang lahat ng iyon ng magbukas ang pinto sa likuran at iniluwa si Liam. Bumukas din ang sa kabilang pinto at hindi ako nagkakamali na si Gwyline iyon.
Disappointment was painted on my face when I saw them. Lahat ng tao ay nakatuon ang atensyon sa kanila as if they are the star of the night.
Agaw pansin ang nude long gown ni Gwyline. Nipples niya na lang ata ang natatakpan ng damit at ang maselang bahagi ng katawan nito. Puno ng mga nagkikinangang bato ang damit niya at hindi maipagkakaila ang magandang katawan nito.
Liam on the other hand, have this black suit. Puti ang panloob at sobrang ayos ang buhok. Plain but he's the hottest among these boys in school. Hindi rin maipagkakailang 'galing na isang mayamang pamilya.
They look perfect and it breaks my heart. Parang pinipilipit ang puso ko sa tanawing iyon at hindi masikmurang titigan nang matagal. Bigla na lamang nangiligid ang luha ko kasabay ng pagtagpo ng tingin naming dalawa ni Liam.
His lips parted slightly. Hindi ko alam kung pagkamangha ba ang nasa mukha nito o ano, ayaw kong mag-assume. Nang mapansin kong hahakbang siya ay agad kong pinutol ang titigan naming dalawa at mabilis na naglakad papunta kay Aideon.
Gustong-gusto kong lingunin si Liam pero minabuti kong huwag na. Baka kung ano pa ang makita ko at masawak ng tuluyan ang puso ko.
"Wow!" komento ng isang boses na naging dahilan para mawala sa nang panandalian si Liam sa aking isipan.
Napaangat ako ng tingin at bumungad ang nakangiting si Aideon. I give him a smile. "Uh. . . h-hi?" I awkwardly said.
"Hi! Nasabi ko na bang sobrang ganda mo ngayon?" manghang komento ni Aideon.
Namula ako sa sinabi nito at napaiwas ng tingin. Ang lakas pa ng pagkakasabi niyang iyon kaya naghiyawan ang mga kaklase niyang malapit sa amin.
"Ganda naman ng date ni Aideon, oh!"
"Swerte mo, brad!"
Mas lalong nangamatis ang mukha ko sa narinig. Aideon on the other hand smiled on me.
"Tara na?" aya niya at marahang nilahad ang kamay sa harap ko.
I blushed for his gentleness. Napatango ako at inabot ang kamay nito. Una kong naramdaman ang magaspang na kamay nito. Hindi naman masyado pero halatang banat sa trabaho.
Naalala ko bigla ang dala-dala nitong basket at iba pang kagamitan sa pagtintinda rito sa Leehinton. Hindi siya nahihiya sa kung ano mang estadong ng buhay niya. He's proud and pure.
Ramdam na ramdam talaga ang kabaitang taglay ni Aideon. No wonder, every girl adores him.
Rinig mula sa building ng juniors ang pangalan niya at halos inaabangan araw-araw ang pagtitinda niya. Napangiti ako, he's cute, nakakatulong na rin iyon na makahatak ng mga mamimili.
"You look really great tonight, Ash. Walang halong bola," he commented.
"Thank you, you too," I smiled and slightly blushed for the complement.
"And by the way, congrats for your performance earlier. Ang galing ni'yo. Do you know that it's trending in social media right now?"
Namilog ang mata ko at napalingon sa kaniya. "Really? Oh my god!"
Narinig ko ang marahang pagtawa nito. "Oo, everyone adores how you slayed that performance."
After that, naging magaan ang pagkukwentuhan namin ni Aideon. Tawa kami nang tawa and being his partner isn't that bad at all. I enjoyed his company along the night but I know deepest in my heart that I will be more happy when Liam is with me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top