CHAPTER 21

Chapter 21: Leehinton Festival



I DON'T know what to feel today, masaya ako dahil sa celebration ng Leehinton Festival but at the same time I'm sad dahil sa nangyari sa 'min ni Liam, halo-halo ang nararamdaman ko kaya para akong lumulutang sa ere ngayon.

We planned for what we gonna do when this day comes. Marami kaming plano supposedly. Magpapa-late kami ngayong umaga at pupuntang mall, babalik sa Leehinton at ita-try lahat ng mga pagkaing paninda ng kapwa namin estudyante, magpapakulong sa jail booth, ita-try ang marriage booth and many more. Just by thinking about it makes me feel sad even more dahil alam kong hindi matutupad lahat ng 'yon.

Mapait ako napangiti dahil ang araw na kinae-excite-an ko ay hindi na mangyayari ang mga dapat na mangyari.

Our school is lively right now. Kaliwa't kanan ang mga magjowang naghahawak kamay. Napasimangot na lang ako dahil parang nang-iingit pa ang kalikasan. Pati yata ibong lumipad ay by partner. Mas lalo lamang nangasim ang mukha ko dahil sa tanawing iyon.

Bumungad na ang mga bandiritas sa may kulay mint green at itim na naglalaman ng salitang, 'Happy 23rd Leehinton Festival' na nagpangiti sa 'kin pero ang ngiting iyon ay bigla na lang nawala sa mukha ko nang maaninaw si Liam hindi kalayuan.

If I was not mistaken, he was staring on me. Bigla itong naglakad papunta sa direksyon ko kaya dali-dali akong umalis sa kinatatayuan at lumihis ng direksyon para hindi ako nito maabutan.

Wala akong lingong naglakad papalayo kaya hindi ko nakitang tumakbo pala si Liam papunta sa 'kin. Naramdaman ko na lang ang mainit nitong kamay na humawak sa braso ko na naging dahilan nang pagtigil ko.

"Ash. . ."

Sa tawag palang niyang iyon ay gusto ko nang umiyak. The tone of his voice was so sad na naging dahilan para mangiligid ang luha ko. I hate this! I really hate this!

Mariin akong napapikit saka muling dinilat ang mga mata. Nanatiling nakatalikod ako kay Liam at wala akong balak na lingunin siya.

"Ash kausapin mo naman ako, oh, please? Ash."

Napapikit ako nang hawakan nito ang braso ko. Nagdulot iyon ng bolta-botaheng kuryente na kahit kailanman ay hindi kayang tapatan ng sino man. Halos manginig ang tuhod ko at pilit ko na lang nilalabanan ang panghihina ng tuhod ko.

Pilit kong kinakalma ang sarili, isang tabig na lang talaga ay susuko na ako sa pagmamatigas kay Liam.

"Ash naman, kausapin mo ako."

"Ash! Buti na lang nakita kita, tara pinapatawag tayo ni coach," biglang tawag sa 'kin ng kasama ko sa ballet. Kumaway siya sa akin at pinaypay ang kamay papunta sa kaniya.

Parang nakahinga naman ako nang maluwag dahil doon. I should thank Lita for that I was able to escaped Liam's presence.

I glaced at Liam na sana ay hindi ko na lang ginawa. Namumula ang mata nito at parang nagmamakaawa ang mga titig sa akin. Ang desisyon kong takasan siya sa mga nangungulong na tingin ay bigla natibag. Magsasalita na sana ako pero tinawag ulit ako ni Lita.

"Tara na, Ash," masayang aniya na hindi ko napansing tumakbo pala siya sa direksyon ko. Hinila niya ako ng tuluyan kaya hindi ako nakapagsalita man lang sa harap ni Liam.

Tangay ang kamay ko ay nanatiling nakatuon ang mga paningin ko kay Liam. Naputol lang iyon nang magkwento si Lita kung gaano siya ka excited para mamaya. Hindi ko na rin magawang lumingon pa kay Liam pero sinakop niya naman ang isipin ko.

Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni coach buong oras. Nakaupo lang ako sa isang sulok tangay ng maraming isipin. Naputol lang iyon ng may maramdaman akong natapon sa akin.

"Ops, sorry."

Napatayo ako sa gulat dahil sa lamig na yumakap sa t'yan ko. Agad naglaglagan ang mga malalaking itim na sago sa sahig at ang iba ay nagtalbugan. Maagap kong tinaas ang ulo at sinalubong ang mapanuyang tingin ni Gwyline.

"Nananadya ka ba?" asik ko.

She exaggeratedly pointed herself. "Ako? Bakit ako mananadya? Matapilok lang ako at nagkataong hawak ko 'tong milktea kaya natapon sa 'yo. Bakit ba galit na galit ka r'yan? I didn't meant it," malakas na aniya kaya lumingon sa amin ang mga kasama namin sa ballet. She acted like she's crying, wiping the imaginary tears she had shred. "Bakit b-ba ang init-init ng dugo mo sa 'kin? 'Di naman k-kita i-inaano," kapagkuwa'y utal na hikbi niya.

Napakuyom ako ng kamao sa mga pinagsasabi niya. Ako pa ngayon ang may kasalanan, pa-victim!

Papatol na sana ako but a flood of memories filled my mind. Ang eksenang nakita ko malapit sa school gate ay nilunod ang sistema ko.

Napasulyap ako sa t'yan ni Gwyline, is it true that she's pregnant? In that age? Bitterness spread like wildfire. Nangasim ang mukha ko dahil doon. Kung buntis man siya, ay hindi ko siya pupwedeng patulan at baka mapaano ang buhay na sumisibol sa loob niya.

Gusto ko siyang itulak nang malakas at sabunutan. Gusto ko siyang sampalin dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami ganito ni Liam but I can't afford to see the baby's blood  dripping on her thighs because of me. Gustuhin ko mang saktan siya kagaya ng sakit na nararamdaman ko, hindi maari. May konsensya pa rin ako kahit paano.

Lumapit ang iilang kasamahan namin, mga kaibigan niya to be exact. Napakuyom ako nang siniringan nila ako ng tingin. B*tch!

"Tahan na, Gwi," pag-aalo ng isa niyang kaibigan.

"Mag-sorry ka naman, Asheen, kita mo nang umiyak na 'yong tao, oh. Bakit ka ba kasi nang-aaway?" ngising gatong ng isa pa niyang kaibigan.

'Lakas ng loob ngumisi dahil nakatalikod naman siya sa lahat including our coach. Napansin kong lumapit ito sa amin.

My lips parted but I closed it again.

"Ano'ng nangyayari rito, Gwy? Ash?"

Bago pa makapagsalita si Gwyline ay inunahan ko na siya. "Aksidenteng natapon po ni Gwyline ang milktea niya, coach, pero okay lang naman. Nothing serious happened." Ngumiti ako to assure that everything is okay.

"Coa—"

Pinutol ko ang gagawing pag-aalma ni Gwyline. Mabilis akong lumapit sa kaniya at palihim na tinapakan ang paa nito habang hinawakan ang braso nito, acting as we are so close to each other.

Kung kaya niyang um-acting, p'wes kaya ko rin. I have done enough. Inis na inis na ako sa kaniya.

Nang makita kong magsasalita sana si Gwyline ay mas lalo kong diniinan ang pagkakaapak ko sa kaniya. I want to clap hundred of times on myself because of what I did. May munting selebrasyong nagaganap sa utak ko habang nakatuon ang tingin kay coach na nakangiti.

"Are you really okay, Ash?" Napatango ako dahil dumapo ang tingin nito sa basa kong damit. "Okay then. Change your clothes dahil basa na iyan, baka magkasakit ka," she stated with concern that made me nod to her.

Nang mawala siya sa harap namin ay akma akong itutulak ni Gwyline pero agad akong lumayo kaya mas lalo lamang sumama ang mukha nito.

"You b*tch!"

"Yes b*tch?" taas kilay kong balik na ikinagulat niya.

She's so shocked because I can fight her back, huh? Not because I can't hurt her physically doesn't mean I can't fight with my tongue.

Tumalikod na ako bago pa sumabog ang isang giyera sa pagitan namin ni Gwyline. I left her there with mouth hanged opened. She didn't see it was coming? Ano? Siya lang ba dapat ang mang-aapi? Nagtitimpi lang ako sa kaniya simula't sapol kaya huwag niyang hinahamong patulan pa siya lalo.

Kung hindi ko lang talaga iniisip ang buhay nagsisimulang lumaki sa kaniya ay baka kanina ko pa nagawa ang dapat kong nagawa.

I stormed out the theatrical building, I did a quick look on the gymnasium. Nagsisimula na ang program pero marami pa rin ang gumagala. Dahil siguro ang inaabangan nila ay ang programa mamayang  hapon.

Mamaya rin kasi kami magpe-perform at dito iyon sa napakalaking air-conditioned gym.



"ARE you girls ready?" galak na tanong ni Coach Len.

"Yes, coach!" we all chanted.

From the backstage, rinig na rinig mula dito ang ingay ng mga manonood. Hindi na ako mapakali at pinagpapawisan na ng malamig dahil sa kaba at excitement na nararamdamann.

Pumunta akong muli sa mga gamit ko at tiningnan sa salamin ang kabuuan ko. I was wearing a cream long gown with a mixed of a powder blue color. The ballet shoes I was wearing was Liam's gift for me. Magaganda rin ang suot ng mga kasama ko.

Narinig namin ang palakpak ni Coach Len."Get ready!"

Pumila kaming lahat at hinintay ang senyas ni Coach sa amin bago kami lumabas. Wala akong marinig na ingay na nagmumula sa labas.

Nang pumitik si coach ay isa-isa kaming nagsilabasan. Bumungad ang mga estudyanteng tiim na nanonood. Meron rin wala ang atensyon sa stage at linga nang linga, hindi interisado sa papalabasin na kung ano sa stage.

Lots of eyes were watching, waiting for us to start. Some are looking us with awe when they hear the music started.

When I sarted to moved, lahat ng mga alaala noon bata ako ay bumalik. Simula noong una kong nagustuhan ang ballet, unang panalo ko at unang palakpak ng mga tao. Hindi rin nakaligtas ang bawat hataw ng ama ko sa akin. Mga alaalang hindi ako nakalakad hanggang sa muling tumayo ako sa sariling mga paa.

I was so happy back then. This is what I love, performing with all my heart.

I focused on what I was doing. The story of Giselle depicts the tragic love story of Giselle to Albrecht. Prince Albrecht was captivated by the beauty of a peasant girl, Giselle. For him to catch Giselle's attention, he disguised himself as a peasant named Loys.

Binigay ni Giselle ang lahat para sa lalaking pinakamamahal niya pero sa huli ay hindi pa rin siya ang pinili.

Albrecht was enganged for Bathilde and Giselle discovered that engagement. And that's the time that Giselle discovered that Albrecht is not a peasant but a nobleman.

Kinuyog siya ng katotohanan at agad na dinamdam ang nalaman. Hindi kagandahan ang lagay ng kaniyang kalusugan, mas lalo lamang naging balakid iyon sa kanyang paghihinagpis.

Labis na nasaktan si Giselle sa ginawa ni Albrecht. Sa katotohanang hindi silang magiging iisa ay nagpipira-piraso ang puso niya. She begin to dance wildly causing her weak heart to stop beating. Noon pa man ay pinagbabawalan na siya ng kaniyang ina na huwag sumayaw pero heto siya at ginawa pa rin ang hindi dapat.

Napatingin ako sa audience at saktong dumapo ang mata ko kay Liam na nasa unahan pala at nasa akin ang pokus ng mata. Nakakatawang isipin na sa kaniya pa dumapo ang paningin ko kung saan si Giselle ay may dalang bigat na puso dulot ng pag-iibigan nila ni Albrecht

An image of Liam and Gwyline flashed on my mind for an instance. Naramdaman ko na lang ang maiinit na likidong namumuo sa gilid ng mata ko habang nakatuon ang buong atensyon kay Liam.

I reached for him and hugged myself back. Umikot ako at pinasadahan ng tingin ang buong palagid na naghihinagpis at puro sakit ang nasa mata.

Binigay ko ang lahat ng nararamdaman ko sa bawat kumpas ng mga paa't kamay ko. Nalulunodako sa emonsyong nasa loob ko at tila nagdadalamhati ang paligid sa bawat ritmong nililikha ko sa ibabaw ng entablado.

Nagising na lamang ako nang marinig ang masigabong palakpakan ng lahat at sigawan.

"Wow! That was an amazing performance for our ballet club!" sigaw ng MC.

Marami pa siyang pinagsasabi pero ang nabingi na ako sa tinginan naming dalawa ni Liam. Pinalis ko ang mga luhang dumausdos sa pisngi ko at tumalikod na para maputol ang tinginan naming dalawa.

Nang marating ang backstage ay nagsigawan ang mga kasama ko.

"Ang galing-galing mo, Ash!"

"Oo nga!"

Dinumog na ako ng iba kong kasama at tanging pasasalamat at ngiti lang ang naging sagot. Ismid naman ang patutyada sa 'kin ni Gwyline at ng mga kaibigan niya.

Coach Len was so happy for us because we succesfully did what she expected. We took a picture and  eat our foods na nasa theatrical building.

The experience was a bliss. Sobra akong kinabahan sa araw na ito pero tuwang-tuwa ang puso ko na nakapagsayaw ulit sa maraming tao.

The pain and tears are all worth it pero hindi naman ako magtatagumpay na malampasan ang bagay na ayaw kong harapin kung wala ang preswnsya  at tulong ni Liam.

I was thankful that I met him. I was thankful that I fell for him. Pero sabi nga nila, lahat ng tao ay nasasaktan. Lahat ng nagmamahal ay nawawasak. Lahat ng umiibig ay lumuluha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top