CHAPTER 20
Chapter 20: Tears
I DON'T know where I am right now, all I know is that I keep on running away from them. Hindi ko na alam kung saang banda na ba ako ng Caloocan.
People will think that I'm crazy dahil lakad at takbo ang ginagawa ko habang malayang umaagos ang luha sa pisngi ko pero wala akong pakialam.
Liam and Gwyline will have a baby? They will have a baby?!
Sa isipin pa lang na iyon ay halos gumuho na ang mundo ko. At wala na akong pakialam sa mga taong nakakakita sa 'kin. Mas lalong tumatagal ang mga katanungang iyon sa isipan ko ay parang mas lalo pinipiga itong puso ko.
Akala ko ba ay ako lang? Nagtiwala ako sa sinabi niyang nagbago na siya. Kumapit ako sa salitang iyon at binalewala ang mga ideyang lolokohin niya lang ako sa huli. Nagpaligaw ako dahil nakikita ko ang malaking pagbabago niya.
In the beginning, mali nga talaga na nahulog ako sa kaniya. Sasaktan niya nga lang talaga ako. Magagaya ako sa mga babaeng binasura niya. Dapat pala ay pinkinggan ko ang utak kong huwag siyang pansinin at balewalain siya ng tuluyan.
Napaangat ang kamay ko at agad na pinahid muling pagtakas ng luha sa mga mata. I stop walking when I felt exhaustion. Naitukod ko na lang ang kamay sa magkabilang tuhod at hinihingal na nilingon ang tinatahak na daan.
Naigala ko na lang paningin sa palagid nang humupa ang hingal na nararamdaman. Familiar pero hindi ko talaga kabisado ang lugar. Malimit lang akong gumala dahil ayaw kong lumabas ng bahay at tinatamad makipaghalubilo sa iba.
"Asheen? Asheen Ignacio?" tawag ng isang lalaki mula sa likuran ko.
I was confused when I heard the voice because I am not familiar with it. Dahil sa kuryusidad kung kanino nanggaling ang boses na 'yon ay pinihit ko ang katawan para harapin siya.
My eyes widened when I recognize the man who called my name. It was him, Aideon Delconde.
Napabaling ang paningin ko sa hawak nitong pinaglalagyan niya ng mga tinda niya sa school. It was empty, siguro ay naubos lahat ng paninda nito.
He smiled on me. "Hey," aniya.
"Uhm. . . hi?" patanong kong bati not sure what I would say to him. Am I going to address him as kuya? But it's kind of. . . awkward.
He chuckled and later on his forehead knotted. "Umiyak. . . ka ba?" he asked ngunit nagtutunog nag-aalinlangan.
Agad akong napaiwas ng tingin at pasimpleng pinahiran ang mata. I blinked a couple of times, inayos ko rin ang sarili at ang maikling buhok. I cleared my throat and face him as I smile. "Nope. Biglaan kasi 'yong hampas ng hangin kaya ayon. . . napuwing." Tawa ko pa.
Makatotohanan 'yon, Asheen? What a liar.
Tinitigan niya ako nang mabuti, tinitimbang kung totoo ba ang sinabi ko. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko talaga kayang magsinungaling. I heard him sighed kaya napabalik ang tingin ko sa kaniya.
I thought he will asked me what's my problem o kung bakit ako umiiyak pero wala akong narinig sa kaniya na ganoon.
"Uwi ka na?" biglang tanong niya.
"Ha? Ah. . . oo pero naligaw kasi ako. You know, I'm not familiar with this place that much," I reasoned out.
Napatigil siya sandali pero kalaunan ay nagsimula itong maglakad kaya napasunod ako. "Bakit mag-isa ka lang naglalakad dito? Alam mo bang delikado sa lugar na 'to lalong-lalo na at babae ka? Saan na 'yong kasama mo?"
"Si. . . Shydeen?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Hindi! 'Yong foreigner? Saan ba siya? Ang galing, pinapabayaan ka niyang mag-isa rito!" iritadong aniya.
I stop walking kaya nauna siya ng ilang yapak pero napansin niya agad ang pagtigil ko kaya napahinto rin si Aideon at nilingon ako. "Napatigil ka?"
"H-ha? A-ano, n-natapilok lang."
Lumukob ang pag-aalala sa mukha niya at dali-daling naglakad sa p'westo ko. I just bit my lip for the lie I spill. Kotang-kota naman yata ako sa pagsisinungaling ngayon.
I felt bad for Aideon because of that. Nag-aalala na nga 'yong tao, tapos heto ako, pinagsisinungalingan ang bawat sinasabi.
"Ayos ka lang ba? Nakalalakad ka? Ano? Saan masakit? Gusto mo umupo ka muna ro'n at hihilutin ko 'yang paa mo," sunod-sunod na wika niya habang sinisipat ang paa ko.
"O-okay lang talaga ako. Gusto k-ko na lang umuwi. P'wede mo ba akong m-mahatid? Hindi ko na talaga alam pauwi, e," I requested.
Gusto ko na lang umuwi para huwag ng makapagsinungaling sa kaniya. He's so kind and I'm here, lying to his face. Nakakakonsenysa, sobra.
"Sigurado ka?"
I nodded. He decided to take me home. At malapit lang pala sa Caloocan ang bahay niya at kinuha niya 'yong pedicab ng tatay niya. Nakahihiya dahil nag-abala pa ito.
"Tara na?" Napatitig ako sa pedicab dahil ito 'yong unang beses na sasakay ako rito. Puro jeep at taxi lang kasi ang masasakyan ko kaya para akong tanga na nakatitig lang sa upuan ng pedicab. "Safe 'to, pangako ko 'yan," dagdag pa ni Aideon nang makita ang pag-aalinlangan ko.
Sa huli ay sumakay ako ro'n ng walang sali-salita. Ayaw ko namang magreklamo dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Okay naman 'yong pedicab, 'yon nga lang parang nahihirapan si Aideon sa pagpedal. Nakahihiya talaga at parang gusto ko na lang bumaba. Ang bigat ko yata?
Tinuro ko sa kaniya kung saan ako nakatira at medyo malayo-layo nga talaga iyong natakbo.
"You okay?" puna ko sa kaniya.
Napatango ito. "Oo naman. Sanay na ako rito, 'no!" aniya pero kita pa rin ang tagaktak ng pawis nito sa mukha't leeg nito.
Napatango na lang ako at nanahimik. Ganoon din naman siya pero kalaunan ay binasag nito ang katahimikang namamagitan sa 'min.
"Do you already have a partner in Leehinton's night?" he asked out of nowhere.
Si Liam. . . sana.
"Wala pa, e. Naghahanap pa," I answered and chuckled.
"Pwede naman ako, if alam mo na. . . kung wala ka pang partner." Tumawa si Aideon but it turns out to be an awkward laughed.
Natahimik ako sa offer nito. Hindi pa naman nagtatanong sa 'kin si Liam, pero magiging partner ko pa ba siya dahil sa nangyari ngayon? It's going to be awkward for sure if happened that we are together in Leehinton's night.
I prefer not to answer Aideon's offer to me. I'm hesitant if I will go, saka hindi ako mahilig um-attend sa mga ganoon.
Matapos ang sagot niyang iyon ay natahimik ulit kami. Tanging ang pagpedal niya na lang ang naririnig ko at pangilang-ngilang mga sasakyan.
Nang mahatid ako ni Aideon ay roon lamang nabasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Salamat, ah? Nakahihiya, naabala pa kita."
"Wala 'yon. Mag-ingat ka palagi rito, lalong-lalo na kapag nag-iisa ka. Alam mo na, may mga tambay na puno ng kademonyohan ang utak dito. Sige, mauuna na ako, ah? Kailangan pa 'to ni tatay," patungkol nito sa pedicad at tumawa na naman ito.
"Sige, salamat ulit. Ingat ka." Nginitian ko at hinatid na lang ng tingin si Aideon. Nang hindi ko na siya makita ay akma ko na sanang bubuksan ang gate ng mapansin na may tao sa gate ng kabilang bahay.
My eyes widened when I met Liam's eyes. Seryoso ang mukha, ni walang nababakas na kahit anong emosyon dito. Napansin kong naka-uniform pa rin ito and he was balling his fist.
Naglakad siya papalapit sa akin kaya napahawak ako sa gate namin. He's mad, I'm sure of it. Napaatras ako kaya lumikha ng tunog ang gate.
"Who is he?" asik niya.
Matatakot na sana ako kaso bigla kong na-realize na hindi dapat ako nagkakaganito. Siya iyong may kasalanan sa 'kin, siya pa 'yong galit? Parang hindi naman yata p'wede 'yon!
"Ano bang pake mo?" pabalang kong sagot.
Napansin ko ang pag-igting ng panga nito kaya napahigpit ang hawak ko sa gate. Hindi rin ako nagpatalo sa masama nitong titig sa 'kin. I stared on him the same as the intensity he was giving. Hindi ako magpapatalo.
"I'm asking you!" gigil na wika nito.
"I'm asking you either," giit ko rin.
Sige lang, Asheen. Galitin mo. Baka kung saan ka pulutin kapag nagkataong hindi makapagpigil 'yan.
Liam frustratedly disheveled his hair. Naihilamos niya rin ang kamay sa mukha nito. "Look. . . if this all about earlier—"
"I'm sorry, I need to go inside. Marami pa akong gagawin," I cut him off at walang pasubaling binuksan ang gate at sinara ito. Dali-dali ko siyang tinalikuran dala-dala ang sama ng loob na nilulukob ang buo kong sistema.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay dumaloy na naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top