CHAPTER 19
Chapter 19: Again
NEXT week na ang Leehinton festival at todo practice na kaming lahat. Lahat ng kasali sa mga performance at mga program ay exempted sa klase. It was a blessing in disguise dahil ayaw ko ring magpakita kay Liam.
Sobrang nakokonsensya na ako sa totoo lang. Seing Liam from a far made my heart shattered in pieces. May mga araw na gustong-gusto ko na siyang lapitan at kausapin pero pinipigilan ako ng gabundok kong pride.
Tulad na lang ngayon, I'm silenty watching him together with his friends. Nagkakatuwaan silang tatlo at parang pinipiga ang puso ko dahil nakakayanan niya palang maging masaya ng wala ako.
Nakakatawang isipin, para akong batang selos na selos sa atensyon niya. What the hell, Asheen? For goodness sake, they are his friends, hindi ko kailangan magselos ng ganiyan dahil lang tumatawa siya nga ganiyan sa kanila. Kaibigan niya iyon, una niyang nakilala. Hindi ko dapat pagselosan ang simple nilang pagtitipon.
Oh gosh! Isip-bata na yata ako! Lahat na lang ay seselosan ko.
I closed my eyes and opened it again. Napatingin ako kay Liam ulit bago ako nagtungo sa theatrical building.
I'm always praying na sana ay wala si Gwyline sa practice dahil naiimbyerna ako sa pagmumukha niya at hindi ko mapigilan ang pag-upos ng pisi ng pasensya ko. Pero hindi naman iyon mangyayari, palagi siyang present sa practice at walang mintis na asar nang asar sa 'kin.
Nang makapasok ay agad hinanap ng mata ko si Gwyline. Magsasaya na sana ang buo kong sistema pero panandalian lang iyon. After a few minutes she entered the building with an annoying smile plastered on her face and rolled her eyes when she met mine.
"Good morning!" bati niya sa lahat na ikinaasim ng mukha ko.
Plastic!
Siniringan niya ako ng tingin at parang may sasabihin pa sana nang hindi lang pumasok si Coach Len.
"Andito na ba lahat?"
"Yes, coach!" sabay naming lahat na sagot.
"This is our last practice, okay? Put all your emotions in every steps you create. Show that grace and passion within you. Ipakita ni'yo sa manonood na hindi lang kayo basta-bastang mananayaw, you are ballerinas. I am judged, they all say that I can't do this Giselle dahil high school lang kayo at wala pang masyadong experience," Coach Len paused and stare on us one by one.
Balita ko rin iyon at narinig ko sa ibang teachers na pinag-uusapan si coach. Hindi na bago ang panghuhusga ng bawat tao sa lipunang 'to. All of them will grab someone's feet just to stay where they are.
Bilib din ako kay Coach Len dahil sa kabila ng pambabatikos sa kaniya ng kapwa niya guro at mga kaibigan ay pinagpatuloy niya pa rin ang pagtuturo at i-push itong sasayawin namin sa nalalapit na Leehinton festival.
We practiced all our heart out all day. Binigay ng bawat isa sa amin ang makakaya namin ngayon as if this was the final performance.
Malakas na palakpak ang ginawad ni Coach Len sa 'ming lahat. She was smiling widely and looking proud to all of us.
"That was an awesome performance!" she commented.
Matapos ang practice ay kaniya-kaniya kaming ligpit ng gamit. Coach Len let us breathe for a couple of days before the festival so that we can give all our best. She indeed a good coach, full of positivity and hope kaya hinding-hindi namin siya bibiguin.
Nang makalabas ay nakangiti akong nagtungo sa room ni Liam. I think this is the right time for us to be in good terms again. Gusto ko nang makipagbati sa kaniya.
Bigla kong nasalubong sa daan amg isa nitong kaibigan, si Xavier habang patungo sa room nila.
"Si Liam?" bungad ko agad nang ngitian ako ni Xavier at kinindatan kaya napairap ako sa kaniya.
"Ang sungit naman. Kung may LQ kayong dalawa, huwag ni'yo ako idamay. Kanina sinungitan din ako ng tukmol na Wilyam na 'yon!" Inayos nito ang buhok niya sandali. "Ang g'wapo ko para tratuhin ng ganoon!" dagdag niya pa na ikingiwi ng labi ko.
I don't know what Shydeen saw on Xavier. Mukhang kabaliktaran naman yata 'yong mga sinasabi niyang ang cool, humble, maangas at sobrang gwapong si Xavier. Agree ako sa part ng kgwapuhan but the rest qualities she mentioned to me, mukhang 'di yata totoo.
'Di ko alam kung ano ba talaga pinaglihi sa tatlong magkakaibigan na ito, pagkain ba talaga o propeller ng eroplano? Hangin, nakabubwisit minsan.
In the end, wala akong nahitang sagot kay Xavier dahil puro kakisigan nito ang bukambibig. Hindi ko na nga nalaman kung saan si Liam, napuno pa ang tainga ko sa kahanginan ni Xavier.
I want to search Liam in the whole campus but I'm tired dahil sa last practice namin. I felt like I'm totally drained, idagdag pa iyong mga panlalait ni Gwyline kanina sa practice. Nakakapagod ang araw na 'to.
I decided to go home at nawalan ng pag-asa na makita si Liam. Baka nakauwi na 'yon kanina pa. I felt sad thinking about it. Gusto ko nang makipagbati sana pero ayaw naman yata ng tadhana ngayon.
Napasimangot ako habang papalabas ng school pero napatigil ako nang marinig ang isang boses. If I am not mistaken, that voice belongs to Gwyline.
"I'm telling the truth!" aniya, sumisigaw.
Without a second thought I silently walked near the place, carefully not making any noise. Wala pa akong naririnig na kahit ano pero dinalahik na ng kaba ang dibdib ko. I have no clue where that nervousmess came from kaya minabuti kong ipagpatuloy ang ginagawa.
I bit my lower lip when I saw Gwyline facing on my direction and my gazed glued to the person she was talking. Wala kahit isa sa kanila ang nakakapansin sa presensya ko kaya malaya ko silang nakikita.
Hindi ako nagkakamali, kabisang-kabisado ko likod ni Liam kahit na ano pa ang suot nitong damit. Siya iyon and I'm certain to that.
May sumibol na selos sa loob ko sa tanawing iyon at pinuno ng samu't saring tanong ang isip ko. Why are they here? Dito pa talaga sila sa lugar na walang agad makakapansin sa kanila? Ano ba ang pinag-uusapan nila? Ganoon ba iyon kaimportante?
Hindi ko na halos mabilang ang mga tanong sa isip ko. At parang mas lalo yatang nalunod ang isip ko sa sumunod na salitang binitiwan ni Gwyline.
"I told you, I'm pregnant!" sigaw niya at umiyak. "You are the father, Li!"
Nanlaki ang mata ko at parang may sumaksak sa dibdib ko ng ilang libong kutsilyo. Halos matibag ako sa kinatatayuan sa rebelasyong narinig.
She's pregnant? And the baby was Liam's? Oh God!
"Mine? That baby is not mine!" pakinig kong galit na ani Liam.
"Yes it is! This is your baby! Ano'ng gusto mo, ipa-DNA test pa natin ito? Sure! Dahil alam ko pa rin ang magiging resulta nito! Anak mo siya!" giit ni Gwyline.
Magkakaanak sila?
I thought Liam really change, bakit ganito? Why is he hurting me like this? I thought, ako lang. . .
Natutop ko ang labi at napaatras kaya hindi ko napansin ang isang trash can na nasa likuran ko na pala. When Gwyline gazed on my direction, there's no hint of shocked on her face that I'm eavesdropping, thus she even smirked at me.
Doon din narinig ni Liam at pinihit ang katawan para tingnan ako. Nang magtagpo ang mata naming dalawa ay agad nangiligid ang luha ko.
I missed those eyes of him.
His eyes widened and put his hands on the air, signaling that he didn't do it. "Ash, no, no, that's not what you think. I'm not the father of her baby, Ash. I didn't-"
"Ikaw ang ama nito, Liam! Alam mo at alam kong may nangyari sa 'tin!" galit na usal ni Gwyline.
Mas lalo kong nakagat ang labi sa narinig at parang gusto ko na lang maglaho sa harap nilang dalawa. Having the thought that they did that thing made my heart be in pain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top