CHAPTER 18
Chapter 18: Important?
"HEY, ayos ka lang ba?" puna ni Liam nang sunduin ako nito sa room namin.
I nodded and faked a smile to him. "Oo naman, why?"
Napayuko siya at muling inangat ang ulo."I'm sorry for yesterday, Ash. May importante lang kasi akong ginawa. I'm really sorry," pahayag niya na kamuntikan ko pang irolyo ang mata sa harap niya.
Importante? Gusto kong matawa. Does Gwyline was way more important than me, Li? I wanted to yell it on his face but I remained calm. I flushed a fake smile even more as if it was really okay for me.
"Okay lang 'yon, ano ka ba? Mukhang mas importante 'yon, e. Next time na lang ulit," I said.
Hell, no! It would never be okay! Na-hold up ako kahapon nang dahil inuna niya ang babae na 'yon!
Nanginginig ang kalamnan ko at gusto siyang kumprontahin pero hindi ko ginawa. I want him to confessed what he did and why he was with that girl yesterday.
Naglakad kami sa cafeteria and I was silent the whole time. Tanging tango, iling at ngiti lang ang sagot ko sa mga tanong ni Liam.
Nawawalan ako ng ganang harapin siya dahil mukhang walang balak na sabihin ang totoo sa 'kin, but I am still hoping that he would tell me the truth. I felt bad for him dahil mukhang nakahahalata na wala akong ganang magsalita sa kaniya pero pinagpapatuloy niya pa rin ang mga sinasabi niya.
We eat our lunch together that Liam was the only one talking. Nang matapos ay agad akong nagpalaam sa kaniya.
"Liam, pupunta muna akong library, ah? We have a long quiz in our first subject later, e. P'wedeng doon muna ako?" I stated.
"Uh. . . sure, you want me to accompany you?" he said with a bit of hesitancy.
I smiled. "No, it's okay. Baka hindi ako makapag-focus kapag andiyan ka, e," I jokingly said.
"Sige. . ." sabi nito pero parang nag-aalinlangan pa.
Ngitian ko siya at umalis na sa harap nito. Sa sandaling tumalikod ako ay bigla na lang nawala ang mga pekeng ngiti kong pinapakita sa kaniya at napalitan iyon ng nagkakasalpukang kilay.
I balled my fist dahil kahit na sa ganoong pagkakataon ay hindi niya pa rin sinabi ang totoo. Seems Liam love to lie infront of me, huh?
I really thought na nagbago na siya pero ano ito? Nagbago na nga ba talaga siya? Or I am just fooled by the likes of him?
I lied na may quiz kami mamaya. Gusto ko lang talagang malayo sa kaniya at hindi siya kausapin. When I remembered what happened to me yesterday, parang nag-iinit ang ulo ko.
I am jealous because he chose Gwyline over me. Hindi niya man lang ako kinamusta kagabi kung nakauwi ba ako ng maayos na ginagawa niya naman noon 'yon. What happened, Li? Parang umiba yata ang ihip ng hangin?
I frustatedly moved my hand at hinilamos iyon sa mukha. Nagpalipas ako ng oras sa library hanggang sa makatulugan ko ang gilid ng shelf.
When I oponed my eyes, Gwyline's face showed in front of me. I thought I was dreaming but I wasn't. She was glaring at me as if I did something terrible to her. She was with her so called alalay na naka-cross arms.
"Oh, sleeping beauty woke up. Sorry dahil naistorbo yata namin ang napakaganda mong tulog, hmm?" sarkastiko niya usal.
"Ano na naman ba ang kailangan mo?" matabang kong pasaring at akmang tatayo pero bigla niyang hinablot ang buhok ko. "Aray! Ano ba—" naputol ang sinasabi ko nang biglang lumapit ang dalawa niyang kasama at binusalan ng panyo ang bibig ko.
What the f*ck?! Ano na naman ba ang balak ng mga inggeterang 'to? My god! Wala ako sa mood para ignorahin sila ngayon, baka hindi ko matansta at pagsisipain ko sila. Besides, si Gwyline ang dahilan kung bakit wala ako sa mood ngayong araw!
"Shut your mouth up dahil baka marinig tayo ng huklubang matandang librarian na 'yon!" inis na aniya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko.
"Hmm!" Ang sakit ng anit ko sa ginagawa niyang pananabunot. I can't scream dahil sa panyong nakatakip sa bibig ko.
Pinilit kong makatayo at hablutin din ang buhok ni Gwyline pero hindi ako nagtagumpay dahil hinawakan na ako nang maigi ng dalawa niyang kasama.
"Tumahimik ka sabi!" gigil na bulong nito kasabay nang malakas na pagsampal niya sa pisngi ko.
I threw her a deadly look. Nag-iinit ang parte kung saan niya ako sinampal at hindi ako papayag na hindi makakaganti sa kaniya.
"Hmm! Hmmm!" tanging nausal ko na lang.
Mas lalo akong nagpumiglas kaya nahirapan ang dalawang nakahawak sa 'kin at tuluyan akong nakawala sa mga kamay nila. Marahas kong hinaklit ang panyong nakatapik sa bibig ko tinapon iyon. I grabbed Gwyline's hair at binigyan siya nang mag-asawang sampal.
"Ouch! Oh my gosh! Pigilan ni'yo siya! Aray! Aray!" sigaw niya kaya dali-dali akong pinalayo ng kasamahan niya. Hindi iyon naging dahilan para makawala ang kamay ko sa pagkasasabunot sa buhok ni Gwyline.
"Sawang-sawa na ako sa mga pang-aapi mong ginagawa! Do you think I will not let this pass, huh? P'wes, nagkakamali ka! Punong-puno na ako sa mga ginagawa mong babae ka! You deserve this!" Gigil ko siyang sinabunutan.
"Oh my gosh! Aray! You bitch! Magbabayad ka!" sigaw niya pabalik.
Sa isang iglap ay nagsabunutan kaming apat. Siyempre ako 'yong dehado sa kanilang magkakaibigan! I only have a pair of hands, sila ay tatlo!
"Anong ginagawa ni'yo?!" sigaw ng pamilyar na boses na nagpatigil sa amin lahat. "This is a library! Hindi ito lugar kung saan kayo magsasabunutan at magsisigawan! You four, go to the diciplinary office. Now!" nanlilisik na matang dagdag pa niya.
Kaniya-kaniya kaming bitaw sa buhok na nasasabunutan namin at nagbatuhan nang masasamang tingin.
"MISS, hindi ako kasali rito! Siya ang nagsimula. I'm innocent here," maarteng katwiran ni Gwyline matapos makarating sa diciplinary office.
Siniringan ko siya. "You, liar! Ikaw ang nagsimula ng lahat ng 'to. You grabbed my hair first and slapped me hard together with your friends!"
"Miss, hindi po totoo ang sinasabi niya. Right, girls?," ani Gwyline sa mga kasama niya. "Sinungaling po siya! Ako 'yong kinawawa niya at binabaligtad niya lang ang sitwasyon. I'm the victim here!"
Sinamaam ko siya ng tingin. Ako pa ang pinalabas na sinungaling. Nakaiinis!
"That's not true, miss! Nananahimik lang ako sa tabi at bigla na lang silang nang-away!" katwiran ko pa.
"Everyone, please stop! Naririndi ako sa mga boses n'yo!" suway ni Miss Ilen.
Tumahimik agad kami pero pasamaan ng tingin na naman ang ginawa namin. Kung nakamamatay man ang tingin, siguro nakabulagta na kaming dalawa ni Gwyline at 'yong alipores niya.
"Sino nga ba talaga ang nauna?!" biglang tanong ni miss sa amjng lahat.
Mabilis kong tinuro si Gwyline pero tinuro naman ako nilang tatlo. Mas lalong nalukot ang mukha ko sa kasinungalingan nila. Gusto kong tumayo at pag-uuntugin silang tatlo pero minabuti kong pakalmahin ang sarili dahil baka mas lalo akong pagalitan ng kaharap namin.
"Is that true, Miss Ignacio?"
"No, ma'am! Hindi sila nagsasabi ng totoo! Sila ang nauna kaya gumanti lang ako para ipagtanggol ang sarili," paliwanag ko pero nababakas ang inis sa tono.
"Ikaw ang sinungaling! Bitch!" patutsada ni Gwyline na ikinalisik ng mata ni Miss Ilen.
"Miss Sandines!" suway niya rito kaya natahimik si Gwyline pero nang bumaling si Miss Ilen sa akin ay nag-make face ito kay miss.
Ang sama talaga ng ugali! Hindi na marunong rumespeto. Sana pala ay mas nilakasan ko pa ang sampal at sabunot sa kaniya because she deserve it that much.
Ilang oras kaming nasa loob mg diciplinary office dahil na rin sa turuang naganap at pangbabaliktad ni Gwyline sa 'kin. Of course, I didn't let it slide. I'm defending my side and the truth. Ano'ng akala niya sa 'kin? Magpapaapi na lang hanggang sa huli? No way!
In the end, napagdesisyonan ni Miss Ilen na mag-community service kami ng dalawang oras sa school. Gwyline and her friends are cursing the teacher behind her back. Napakasama talaga ng ugali.
I decided to distance myself to them at mabuti na lang ay hindi nila ako napansin dahil sa pagrereklamo nila.
Napunta ako sa football field at doon nagpulot ng mga basurang kumakalat na kaunti lang naman. Doon ako nagpalipas ng dalawang oras para hindi magtagpo na rin ang landas namin ni Gwyline at pati na rin si Liam.
Natapos ang araw na pinagtaguan ko si Liam. I wanted to distance myself to him for the meantime. Hindi ko kayang isawalang bahala iyon. Selos na selos ako!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top