CHAPTER 17
Chapter 17: Gwyline
MATAPOS ang practice namin at surpresang pakana ni Shydeen ay bumalik na kami sa room dahil may last subject pa.
I felt something strange when our class goes on. Hindi ako mapakali na ewan kaya nagtataka ako kung bakit.
I looked on Shydeen who was busy texting on her phone. Hindi na naman nakikinig ang kambal kong matigas pa ang bungo sa pader. I rolled my eyes to the thought. Kapag sasabihan ko 'to, natitiyak kong ipapa-special mention na naman ang pangalan ko kaya mas mabuting huwag na lang pansinin ang babaeng hindi maistorbo.
Pinilit kong makinig sa nalalabing mga oras pero hindi ko maintindihan ang sinasabi ng teacher namin sa bumabagabag na kaba sa sistema ko. The class ended without me knowing anything. Tipong magsasalita ang guro pero hindi naman pumapasok sa utak ko dahil diretso labas 'yon sa kabilang tainga.
I anxiously fixed my books and pens, and put it in my bag. Nang kukunin ko na ang bag ay kumaripas naman ng takbo si Shyden palabas.
"Bye, Ash! Una na 'ko! Uwi agad ako!" she shouted and dashed off without waiting for my response.
Umikot ang mata ko sa ere at saka kinuha na lang din ang bag at mga libro.
Saan na naman ba 'yon magpupunta? Napailing ako at naglakad na patungo sa locker para ilagay ang mga libro ko.
Dahil sa paglalakbay ng isip ko habang patungo sa sariling locker, hindi ko napansin ang paparating na mga estudyante at nabangga ang isa sa kanila.
Our body collided and lost our balanced. Unang humalik sa sahig ang pang-upo ko at nagkalat ang librong dala. Ganoon din ang nangyari sa nakabangga ko.
"I'm sorry! Hindi talaga kita nakita! Sorry po talaga!" taranta kong paumanhin at kinuha ang mga paninda niyang nagkalat sahig.
My goodness, Asheen! Nangunsyume ka pa ng iba!
Isa-isa kong pinulot ang mga kendi na tinitinda niya at iilang mga pangmiryenda. May spaghetti ring natapon at hindi na p'wedeng pakinabangan pa kaya halos manlumo ako sa nakitang reaksyong nasa mukha ng nakabangga kong lalaki.
Sa pagkakatanda ko, siya itong lalaking nakita ko sa senior high school department. He's so cute, I admit that. Those chinito eyes are so cute!
I didn't expect that he was selling these in this school. I mean, I'm not here to judge him or what but he have the looks, bihira sa ganiyang lalaki ang nagtitinda. Kalimitan kasi ay nahihiya sa ginagawa niyang iyan. I salute him for that, napakasipag na tao.
Sa pagkakatanda ko, Aideon Delconde ang pangalan nito at alam kong alam niya ang pangalan ko dahil nagpakilala rin ako noon sa kaniya.
"I'm sorry, miss, hindi kita nakita. Nadumihan pa tuloy ang uniform mo. I'm really sorry for that," he sincerely apologize.
I shook my head at tinaas ang dalawang kamay, sinesenyahan na hindi niya kasalanan. "Naku! Hindi, kasalanan ko po. Ako 'yong hindi tumitingin sa dinaraanan, sorry talaga. Babayaran ko na lang itong mga natapon ko. Pasensya na po talaga." Kinuha ko ang wallet at nilabas ang isang libo. "Here, take this po. Pasensya na talaga."
"No, no, it's okay. Kasalanan ko 'yon, hindi mo na kailangan bayaran," he paused. May kinuha siya sa bulsa niya kaya napatitig ako kung ano man iyon at isang puting panyo ang nilahad niya sa akin. "Here. Take this. Nadumihan pa tuloy ang palda mo and please stop saying po,hindi pa ako ganoon katanda." Ngumiti ito kaya sumilay ang mapuputi nitong ngipin.
Mas lalo yatang nawala ang maliit nitong mata dahil sa ginawa niyang 'yon. Though, mas lalong nadagdagan ang kakyutan niya.
Minabuti kong kunin ang panyong ino-offer niya dahil nakahihiya na talaga. Pero agad kong nilagay sa kamay niyang iyon ang isang libo na nagpakunot sa noo nito.
"Take it, please," pakiusap ko. Napansin ko ang mga kaibigan niyang nasa likuran at tahimik lang. Parang kinikilig na ewan, hindi ko alam. Muling nabaling ang tingin ko sa kaniya, seems he didn't want to take the money. "Kunin mo na, sayang 'yong natapong pagkain, oh. Please? Kasalanan ko talaga 'yon."
"Pero—"
"No buts, take it," pilit ko na naging dahilan para makarinig ako ng buntonghininga niya. And finally, he accepted it kaya napangiti ako nang matamis.
"Sobra kasi 'to, bente pesos lang 'yong—"
"Kunin mo na, brad! Makakatulong 'yan sa pag-aaral mo. Miss, pagpasensyahan mo na itong kaibigan namin, ah? Maraming salamat daw," biglang sali ng matangkad na lalaki at inakbayan siya.
Nginitian ko na lang ang nakisaling lalaki at hindi inasahan na magsasalita pa ang nakabangga ko. "Thanks for this, Ash."
Nagulat ako dahil hindi ko inasahang matatandaan niya pala ang pangalan ko.
"Wala 'yon, ano ka ba? Ako kaya ang may kasalanan, nakahihiya talaga. Ano. . . p'wedeng mauuna na ako? May gagawin pa kasi ako, e," kamot-ulong saad ko pero sa katunayan ay wala naman talaga.
It was just too awkward for me to stay any longer because of his friends. I'm not really comfortable when people are looking on me, as if I'm the most admirable woman they ever see. I hate it.
I bid goodbye to them and they also did. Nang makalayo ay parang nakahinga ako nang maluwag. Hindi talaga ako sanay na may nakasasalamuhang iba.
Kung wala sina Shydeen at Liam, maybe I have no friends here in Leehinton. And speaking of Liam, where the heck was he? Sabi niya kanina ay ihahatid niya ako? At plano ko sanang sagutin siya habang nasa biyahe kami pauwi dahil naudlot kanina ang dapat kong gagawin dahil may pasurpresa pang nalalaman sila.
Pinuntahan ko ang classroom ni Liam pero wala ng tao sa loob. Saan na ba 'yon? Kanina pa yata nagsialisan lahat sa room nila.
Mabilisan kong inikot ang building namin pero hindi ko talaga siya mahagilap. Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa parking area ng school.
I stop when I saw a familiar car nearby and I smiled widely when I confirmed that it's Liam's. Maglalakad na sana ako at tatawagin ang pangalan niya nang maudlot iyon at nanatiling nakabuka ang bibig ko.
My forehead knotted when I saw Liam and Gwyline was with him. What the hell? Bakit sila magkasama?
Gwyline seems happy habang nakasunod kay Liam na papasok sa driver's seat. Mapakuyom ako nang makitang tumakbo papasok sa passenger seat ang babaeng iyon at agad na pumasok.
What the hell is happening?! I thought Liam promised me that he will drove me home. Na saan na 'yon?
The moment they drove away, parang may tumutusok na ilang libong karayom sa dibdib ko. Maraming tanong ang nabuhay sa isip ko sa oras na ito pero pinilit kong maging kalmado.
I take a deep breath at ilang ulit na kinisap ang mata para mawala ang namumuong luha.
Ash, don't overthink. Liam will explain to you why he can't drove you home. Don't overthink. Liam was no longer the Liam you know before. Nagbago na siya.
Minabuti ko na lang na umuwing mag-isa habang naglalayag ang utak sa mga ideyang hindi naman dapat.
Pumara ako ng jeep dahil wala ako sa mood na maglakad papuntang bahay. Habang nasa byahe ay hindi ko maisawang mag-isip ng kung ano-ano kahit na ilang ulit kong kurutin ang sarili para huwag mag-overthink ay ginagawa ko pa rin.
Ang dapat na mabilis na byahe ay parang isang oras na ang lumipas. Bigla ko na lang naramdaman na parang may kumakalikot ng bag ko kaya agad akong napatingin doon.
To my surprise, kamay iyon ng lalaking katabi ko. Agad akong napaangat ng tingin. Hindi ko nakikita ang mukha nito dahil sa mask na gamit niya at cap.
"Ibigay mo ang wallet mo," utos niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Akma na sana akong sisigaw pero naramdaman kong may matulis siyang armas na nilabas at tinutok sa tagiliran ko.
Bigla akong pinanlamigan nang makumpirmang kutsilyo 'yon. Dinalahik ng kaba ang buo kong sistema at hindi agad makapag-isip ng maayos. Ang kaninang tapang ko ay nawala na lang parang bula.
Oh, God! Help me!
Napalunok ako at ilang ulit na napatitig sa mga paseherong nasa jeep para humingi ng tulong pero wala ni isang nakatagpo sa titig ko. Lahat ay busy at kaniya-kaniyang tutok sa cellphone.
Malaking panlulumo ang lumukob sa sistema ko matapos na mawalan ng pag-asang matutulungan pa ako.
"Huwag kang maingay kung ayaw mong masaksak nito," diin niyang bulong sa 'kin. "Akin na ang wallet at cellphone mo!" ulit niya pa.
Kahit na ayaw kong ibigay ang hinihingi niya ay wala akong magawa. I don't want to end up in the hospital. Nanginginig kong inabot sa kaniya ang hinihingi at pasimple niya namang tinakpan iyon ng travel bag para walang makakitang pasahero.
Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi sa kamalasan kong taglay ngayong araw. Nandoon pa naman din ang allowance ko for this week.
Maluha-luha kong tinitigan ang matalim na pasiring ng lalaking nangangahulugan tumahimik ako. Naramdaman ko na lang ang hapdi sa bibig ko dulot ng kabang nararamdaman. Nakagat ko nang mariing iyon.
Nang makuha niya na ang gusto ay agad siyang nagsabing bababa na siya. Nang makababa ay palingon-lingon ito at kumaripas ng takbo papalayo sa sinasakyan ko.
I don't know if I will be happy na umalis na siya o ano, pero ang tanging nararamdaman ko lang ngayon ay matinding kaba dulot ng panunutok niya ng kutsilyo.
I manage to not burts into tears while I'm on the jeepney. Pilit kong nililibang ang sarili para huwag lang pumalahaw sa iyak dahil baka kung ano ang isipin ng makakakita sa akin.
Nang marating ang kanto malapit sa tinutuluyan namin ay agad akong bumaba na may nanginginig na mga tuhod. Halos hindi ko kayang tumayo nang matagal pero tiniis ko iyon. Mabuti na lang din ay nakapagbayad ako kanina bago ako ma-hold up.
Palingon-lingon ako sa paligid dahil baka sinundan ako ng hold-up-er na 'yon o baka may maengkwentro na naman akong magnanakaw.
I was so anxious. When I got home, I burst into tears. Wala pa roon si Shydeen at inaasahan ko naman iyon. Shin, my dog, jumped on me and that was the moment I cried even more.
I was so scared! Ang daming tao sa paligid ko pero ni isa ay walang tumulong sa akin.
Shin licked my face and wiggled his tail. Kahol siya nang kahol as if he was saying something to me. I hug him even more.
Liam flashed on my mind at napaiyak ng husto.No one was there for me. Liam was not there to save me dahil kasama niya ngayon si Gwyline.
Was they having fun right now? Where are they? Did Liam remembered his promised to me? Did Liam forget about me?
Kung hinatid niya ako ngayon at hindi kasama si Gwyline, mangyayari ba ito sa akin ngayon? Am I not worth the wait kaya naisipan ni Liam na si Gwyline na lang ang patusin? Mas lalo akong humagulgol sa mga tanong na sumibol sa isip ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top