CHAPTER 16
Chapter 16: Her
"HOW'S the audition?" bungad ni Liam nang makalabas ako sa theatrical building. He was smiling widely na naging dahilan para gumaan ang loob ko.
I pulled the sleeves of my white shirt at kunwaring inayos ang palda. Hindi ko na ulit sinuot ang pang-itaas na uniform dahil baka makita ni Liam ang sugat ko sa braso na kagagawan ni Gwyline. Paniguradong susugurin niya ng wala sa oras si Gwyline kapag nagkataon. At alam kong hindi niya palalampasin ito, kahit na babae pa si Gwyline ay papatulan niya 'to.
I walked towards him and weakly smiled. "I didn't make it," I stated.
Hindi ko alam kung anong expression ang pinapakita niya pero I think nag-iisip ito kung paano mapapagaan ang loob ko. Pero, natatawa ako sa mukha niya, para siyang natatae na hindi maintindihan.
Nahabag ako sa mukha niya kaya agad kong binawi ang sinabi at nagtatalon sa harap niya. I even hold his hand while jumping. "I was chosen! I am perforning as Giselle!"
His eyes widened at tumalon na rin kagaya ng ginawa ko. He was so happy and I can't help it and smile.
"Wooh! Congratulations!" sigaw niya at niyakap ako. "Asheen will perform as Giselle! Humanda kayo at ipapakita ko sa inyo na magaling itong mahal ko!" dagdag pa niya.
Nanlaki ang mata ko at sinipat ang paligid. Gusto ko na lang matunaw sa kinatatayuan nang makitang may iilang nakarinig no'n. Goodness!
"Hoy! Liam! Ano ba? Nakahihiya!" suway ko sa ingay niya.
"Bakit kita ikahihiya? You're the love of my life."
Napairap ako sa entry niyang 'yon. Kahit kailan talaga ay ipapasok niya na lang ang mga ganoong bagay sa gitna ng usapan namin. Geez. Liam is Liam.
"Tara na nga! Baka kung ano pa 'yong isigaw mo riyan at tuluyan na akong malusaw sa hiya!" asik ko pero natatawa pa rin.
Mabilis kong kinuha ang kamay nito para pasunurin sa 'kin kaya wala siyang nagawa. Rinig ko rin ang mahina niyang pagtawa na parang musika sa tainga ko kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ko.
Habang hawak ko ang malambot nitong kamay ay hindi magkandamayaw sa katatalon itong puso ko. Baduy man pero mukhang malalim-lalim ang bagsak ng puso ko dahil kay Liam. At kagabi, I just realized that I can't no longer live without him by my side. Sounds cringe to everyone but I can't no longer help it.
Nasanay na akong narito siya sa tabi ko. Ang makukulit nitong mga ginagawa kapag wala ako sa mood. Ang mga patutsada nitong mga biro tungkol sa angkin niyang kagandahang lalake at 'yong mga linya niya tungkol sa pag-ibig. It was funny how Liam completed my everyday life.
Alam ko namang bata pa kaming dalawa at kapag napag-uusapan ang pag-ibig, parang agad na magdududa ang mga matatanda dahil nga raw nasa murang edad pa kami. We are in 10'th grade, oo nga, bata pa para sa usapang pag-ibig pero hindi naman iyon masusukat sa edad, e. Basta ba ay alam namin ang tinatawag na limitasyon sa edad naming ito and we both know that.
I think, it's time for me to give the answer he wanted the most. I'm anxious, kagabi pa ito nang maisip ko. Ilang ulit kong tinanong ang sarili kung ito na nga ba ang tamang oras na sagutin ko si Liam.
Was this the right time, Lord?
Napatigil ako sa paglalakad nang maramdamang huminto bigla si Liam sa likuran ko pero bago ko ipihit ang katawan para makaharap siya ay biglang may tumakip sa mata ko. And I know, this is Liam.
"Liam?" I freak out. Akma ko na sanang kukunin ang panyong tinakip sa mata ko pero agad na hinawakan ni Liam ang kamay ko.
"Shh. I'm here.I have something for you. Huwag mong tanggalin 'yan kung ayaw mong halikan kita rito," banta niya kaya napabitaw ako sa nakatakip sa mata ko.
Wala akong makita dahil sa panyo kaya naramdamn ko ang pag-alalay ni Liam sa akin. Nakahawak ang isang kamay nito sa bewang ko at ang isa naman ay nasa kaliwang kamay ko.
"Liam, what's going on?" tanong ko.
Nakarinig ako nang pagtawa. "Relax, Ash. Wala akong gagawing masama sa 'yo, takot ko lang sa kambal mo. Lakad lang, hmm? Don't worry, aalalayan kita," aniya.
Alam ko namang wala siyang gagawing masama sa 'kin pero kinakabahan ako. Hindi naman 'yong kabang dala ng takot pero dulot ng excitement.
I'm clueless for what he would do next kaya naglayag ang isip ko sa kung ano man ang posible niyang gagawin pero wala talaga akong maisip na kung ano ang eksaktong gagawin niya. Hanggang sa naramdaman ko ang pagtigil naming dalawa kaya pinakakiramdaman ko ang paligid.
Tanging ugong lang ng hangin ang naririnig ko at iilang mga boses ng estudyante ng Leehinton na nagkukulitan.
"Liam?" tawag ko sa kaniya ng tumahimik siya.
He didn't respond in few minutes kaya minabuti ko na lang na tanggalin ang panyong tumatakip sa mga mata ko.
Nang minulat ko ang mata ay nasilaw pa ako nang bahagya kaya napapikit ulit ako. The moment my vision cleared, isa-isang nagputukan ang confetti na pumuno sa paningin at tainga ko.
"Happy birthday, Asheen!" they all chanted.
Nanlaki ang mata ko sa narinig at nakita na sila nang maayos matapos magsopaglaglagan na sa lupa ang mga confetti. It was my birthday and I totally forgot about it because of anxiousness on my audition.
November 15 na ba ngayon? Bakit hindi man lang pumasok sa isip ko na birthday ko ngayon? Shydeen's birthday is November 16, we aren't born in the same day dahil ako ang naunang lumabas.
Napatakip ako ng bibig nang mapansing naka-party hat ang grupo ni Liam na sina Dave at Xavier. Nandoroon din si Shydeen sa tabi ni Xavier pero halatang napilitan lang ang lalaki na tumabi sa kambal ko.
What's wrong with this guy? E, halos nga yakapin niya lahat ng babaeng lumalapit sa kaniya, bakit iba itong pinapakita niya kay Shydeen?
Shy was indeed gorgeous and sexy, mga tipo ng babae ni Xavier pero himala yatang ayaw niya sa kapatid ko.
Ipinagkibit-balikat ko na lang ang isiping iyon. Kahit sabihin ko pang tigilan ni Shydwen ang lalaking ito ay hindi naman iyon makikinig. Asa naman. Shydeen will always be Shydeen. Gagawin niya ang gusto niya kahit na nasasaktan na.
"Happy birthday to you," Shydeen started singing at sumunod naman sa pagkanta ang tatlo.
Napakagat-labi ako sa sayang naramdaman at halos mamula ang mukha ko kay Liam. He's so cute with that little party hat. Nagmistulan siyang higante dahil sa suot na maliit na party hat.
Nang matapos ang kanta nila ay lumapit si Shydeen sa akin with the cake she's holding.
"Happy birthday, Ash!" galak na aniya.
I smiled on her and ready to blow the candle.The candle was lighted pero nang hihipan ko na ay lumakas ang bugso ng hangin na naging dahilan para namatay ang sindi ng kandila.
Nailapat kong muli ang labi dahil mas nauna pang mag-blow 'yong kalikasan sa 'kin. Napailing ako at kalauna'y natawa, pati na rin si Shydeen.
"Oh, kalikasan na yata 'yong nag-wish sa 'yo. Sosyalin!" she teased.
"Baliw!" singhal ko. "Thanks for this, Shy. I appreacite it a lot. Nakalimutan ko talagang birthday ko ngayon."
"Duh, obvious naman. Palibhasa kasi pumapangit ka na."
Kunwaring napasimangot ako sa sinabi nito. Nagkuwentuhan kaming lima at si Liam na ang nag-slice ng cake para makain naming lahat.
Ang kainan ng cake ay naganap sa malapit na mini forest hanggang sa mauwi 'yon sa habulan dahil sa pahiran ng icing.
I'm so happy having this circle of friend. Hindi pa naman kami ganoon ka-close pero napi-feel kong masarap silang maging kaibigan.
Naghahabulan lang kaming lima hanggang sa magsawa. Nang matapos ay puno kami ng mga icing sa uniform at mukha kaya minabuti naming magpalit ng uniform.
Doon ko rin nakalimutan ang sugat na nagawa ni Gwyline kaya hindi nakaligtas ang sugat na 'yon sa mata ni Liam nang magkasama kami. Dahil maikli ang manggas ng suot kong damit ay kitang-kita talaga ang sugat ko.
"What's this?" takang tanong ni Liam.
I immediately pulled my uniform's sleeves to hide it pero huli na, nakita niya na. He was seriously staring at me that I was not able to stared back. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya pero hinawakan ako nito sa balikat para mapatitig sa kaniya.
"What happened to your arm?" madiing tanong niya.
Napalunok ako dahil sa ekspresyong nasa mukha nito. Hindi ko mawari kung galit ba siya o ano. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka kung ano ang gawin niya kay Gwyline.
I swallowed the lump on my throat at nilabanan ang tingin ni Liam. "Ano. . . may nasagi kasi akong pako kanina, nagmamadali kasi ako," I reasoned out.
Liam's brow arched, as if he was not convinced for what I said to him. Kaya minabuti kong mas igihan pagkakatitig sa kaniya.
I'm sorry for lying, Li.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top