CHAPTER 15

Chapter 15: Giselle



"HERE." Napatitig ako sa inabot ni Liam na paper bag. "Take this."

"Ano 'to?"

Nagkibit-balikat ito. "Open it. Paano mo malalaman kung ano 'yan? 'Wag kang mag-alala, hindi 'yan bomba," ngising aniya.

Napailing na lang ako sa sinabi nito at binuksan ang paper bag. At nang malaman ang laman no'n ay halos malaglag ang panga ko sa bumungad sa 'kin. Napaangat ako at may nanlalaking tinging binalingan si Liam.

"Binili mo?" patungkol ko sa ballet shoes na may tatak ng isang mamahaling brand.

He nodded his head. "Yup!"

"Ang mahal nito!" bulalas ko.

Binili niya talaga 'to just for me? This one was really expensive and I can't even afford it. Kahit pagsama-samagin ko yata ang laman ng vank account ko at allowance na binibigay ng magulang namin ay hindi ko pa rin makokolekta ang ganitong klaseng halaga. Presyo yata 'to ng kaluluwa ko!

Liam and his wealth! Goodness gracious!

"And? You don't like it?" himig nalulungkot na tanong nito.

My eyes unstantly widened at ilang ulit na umiling para lang mawala ang lungkot sa mukha nito. "Hindi naman sa gano'n. . . pero nag-abala ka pa."

"Para naman sa 'yo 'yan, never naging abala ang mga bagay na gan'yan kapag ikaw na ang usapan," aniya at kinindatan ako na ikinapula ng mukha ko.

I bit my lower lip to suppress  my smile but in the end, hindi ko napigilan. "Thank you."

Magsasalita na sana si Liam nang mapatigil ito at napabaling sa gilid ko. Doon ko rin naramdaman ang pagkalabit sa braso ko. Agad akong napalingon para alamin kung sino 'yon at bumungad si Ica sa akin.

"Ash, magsisimula na ang audition. Tara na at hinahanap ka na ni Coach Len, ikaw na lang ang kulang sa loob," pahayag niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hala, sige, susunod na ako. Salamat sa pagtawag," ngiting usal ko sa kaniya at nakitang naglakad na ito sa loob ng theatrical building. Muling napabaling ang tingin ko kay Liam at tinaas ang ballet shoes na binigay nito. "Salamat dito, ah? Susuotin ko 'to mamaya," masayang sabi ko sa kaniya at wala sa sariling niyakap ito. Huli na nang ma-realize ko ang ginawa kaya lihim kong kinurot ang sarili.

Naku, Asheen, huwag ka namang obvious masyado, ano? Ipukpok ko 'yan ballet shoes na hawak mo sa ulo mo, e.

Mabilis akong lumayo kay Liam na malapad na ang ngiti nang makita ko. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at mas lalong namula sa kahihiyan.

"Good luck for your audition. I hope you will be chosen as Giselle, but, if not, it's okay, I know you did your best and you are always the winner in my heart—"

"Gago, si William ba 'to, dude? Pumi-pick up line ang hinayupak!"

"Hanep namang galawan. Kaya pala wala sa tambayan ang prinsipe ng mga ginto!"

Muntik na akong matawa sa prinsipe ng mga ginto. Kinagat ko na lang ang pang-ibabang labi para huwag nang matawa.

Nakarinig ako ng mga nagtatawanan at flash ng camera kaya napalingon ako sa kaliwa. Doon bumungad ang mga kaibigan ni Liam na papalapit sa direksyon namin habang hawak ni Xavier ang phone nitong nakatutok sa 'min.

"Good luck, Asheen!" Dave cheered at me.

"Iwagayway mo ang bandera ng isang babaeng minamahal ng isang porenger," dagdag ni Xavier.

Halos manlaki ang mata ko nang banggitin ni Dave ang pangalan ko at sa mga pinagsasabing foreigner-foreigner ni Xavier. Napasulyap ako kay Liam, ngisi-ngisi itong kumibit-balikat sa akin.

Binalot ng kahihiyan ang mukha ko nang mapansing pinagtitinginan kaming lahat ng mga estudyanteng nasa labas ng theatrical building.

Kailan pa sila naging feeling close sa akin?

Due to embarassment, I turned my back to Liam and to his friends. Nakarinig lang ako ng tawanan at kantiyawan mula sa kanila. Tila nilipad ko ang distansya ng building para lang mawala ako sa paningin nilang tatlo.

Nakahihiya! Nag-iiskandalo pa sila!

Nang papasok na ako ay nakarinig pa ako ng hirit ni Liam. "Good luck, wife! Take good care of our child in your womb! Papalalakihin pa natin 'yan!"

Mas lalong nanlaki ang mata ko sa kahihiyan at gustong harapin ang nang-aasar na tono ni Liam sa akin. Paano na lang sa nakarinig ng biro niyang iyon? Seseryosohin na naman iyon ng mga tsismosang estudyante lalong-lalot na at kumalat na buntis daw ako.

Nangangati ang kamay kong sabunutan si Liam pero hindi ko na lang ginawa at tuluyang pumasok na sa loob ng theatrical building para mawala sa paningin nila at hindi na marinig ang hiyawan nilang tatlo.

I stop walking and exhale nang makita ang mga kasama ko sa ballet club na nagtitipon-tipon na, hinahanda ang sarili sa sasayawin ng bawat isa.

Napatingin ulit ako sa nakasaradong entrance ng teyatro, umaasang nakasilip doon si Liam pero alam ko namang wala siya roon. They are not allowed to enter here this time because of the audition Coach Len scheduled. She wanted us to focused not minding those eyes on us. She wanted to give our best and choose who's the well suited Giselle in our club.

I closed my eyes and balled my fist. I need to be the best. Kailangan kong ibigay ang lahat para rito.

Nakarinig ako nang palakpak na nangaggaling kay Coach Len para kunin ang atensyon naming lahat. Isa-isang nagtayuan ang mga kasamahan kong malapit sa kaniya kaya dali-dali akong naglakad para marinig ang sinasabi niya.

Sa sobrang focus ko kay coach ay nawala ang paningin ko sa dinaraanan at hindi napansin ang palihim na pagharang ng paa ni Gwyline sa daraanan ko na naging dahilan para bumagsak ang katawan ko sa sahig ng teyatro.

Lumikha iyon ng ingay at bago pa makalingon ang lahat sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang nakangising si Gwyline na nakatayo sa gilid.

"Ay, napatid. Hindi sadya 'yon, ah?" mahina niyang usal pero nababatid ang pagiging sarkastiko roon.

I glared at her, ready to say anything but I heard Coach Len asking what happened to me. Napatingin ako sa direksyong iyon at lahat ng mata ay nasa akin na.

I was about to speak nang maramdamang ang  dali-daling paglapit ni Gwyline sa akin at umarteng concern na concern sa nangyari.

What a bitch!

"Hala! Okay ka lang, Ash? Bakit kasi hindi mo nakita ang upuan sa daan? Ayan tuloy napatid ka." Dinaluhan ako nito at hinawakan sa braso. "Ayos ka lang?" kunwa'y awang-awang aniya.

Bigla akong napangiwi sa ginawa niya. What a prententious bitch. I glared at her but she glared even more. Pilit kong nilalayo ang braso sa kaniya pero hindi ako nagtagumpay. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkahahawak sa akin kaya hindi ako makapalag.

Naramdaman kong parang may tumutusok sa braso ko kaya doon napunta ang paningin ko. I found Gwyline's ring finger na may suot na singsing na puno ng matutulis na tinik na desinyo.

Bumabaon iyon habang mas lalo humihigpit ang pagkahahawak niya sa braso ko. Gwyline devilishly smirked but it immediately changed when Coach Len walked towards us.

"Bakit ka ba nadapa, Ash? Hindi ka kasi nag-iingat, e." Pinilit niya akong tumayo kaya wala akong magawa kun'di umayon sa kagustuhan nito dahil mas lalong sumasakit ang nakabaong tulis ng singsing nito sa braso ko.

Hindi naman sobrang haba no'n, banta ko ay isa o dalawang centemetro 'yon. Even it's too short, it hurts like hell.

Pilit kong inalis ang pagkakahawak ni Gwyline sa braso ko at ilang pagpupumiglas lang ay nabawi ko ng tuluyan ang braso. I immediately look on the part that hurts, only to find out it was bleeding. Hindi naman gaano karaming dugo iyon, sakto lang para sa isang maliit na sugat.

Mabilis kong nasapo iyon at sinamaan ng tingin si Gwyline.

I was about to say something when Coach Len tapped my shoulders. "Are you okay, Miss Ignacio?" alalang tanong nito kaya napatango ako ng pilit. Coach Len smiled on me. "We will start the audition in 20 minutes. Change your clothes and do warm ups!" Pumalakpak ng dalawang beses si Coach Len sa 'min at doon na nagdali-dali sang ibang magbihis.

Ako naman ay kinuha ang bag at pumasok na sa changing area ng theatrical building habang pilit na pinipigilan ang sarili na huwag patulan si Gwyline.

She's so annoying! Ang sarap niyang sabunutan!

Una kong nilinis ang sugat at hinanap sa bag ang puwedeng magamit para pangtali sa sugat and I found Liam's handkerchief. Napangiti ako nang kinuha iyon. Pito na yata ang panyo niyang napapahiram sa 'kin at hindi na kinukuha pa. Mabuti na lang at mayroon dito sa bag na 'to.

Shittyhead! Isang sinoleng panyo lang pero Gucci ang tatak. Magkano kaya 'to? Lahat yata ng mga gamit niya ay mag tatal ng isang sikat na brand. Gaano ba kayaman ang lalaking ito? Tama yat ang sinasabi ni Xavier na hunihiga sa ginto ang lalaking ito. Prinsipe ng ginto!

Napailing ako sa iaipung iyon at hindi pansin ang pagngiti. Tinuon ko na lang ang atensyon sa ginagawa. Mabilis kong tinali iyon sa braso at nagbihis na saka sinuot ang bigay na ballet shoes ni Liam. After that, we sit on the chair at tanging sumasayaw lang ang nasa stage.

I was anxious dahil magaling lahat ng mga kasama ko. Kahit ako mismo ay nagdududa kung mapipili ba ako. They are all good and determined to have the position, lahat naman kami.

It's Gwyline's turn to dance on the stage. She glanced at me and smirked as if she was belittling my capability while she was walking. Hindi ko na lang iyon pinansin at pinakalma ang sarili.

When the music started, Gwyline began to dance. She's really good, I can't deny that pero 'yon nga lang, napakasama ng ugali. I appreciate her talent but not who she was. Her attitude is rotten.

The music ended as claps showered her ears. Gwyline smiled widely to everyone, feeling proud for what she did. Nang mapunta ang paningin niya sa akin ay mas lalo itong ngumiti, ngunit hindi na iyon pareho ng kanina, puno na iyon ng pangungutya at pagmamataas. Nagsasabing, she did better than me and I will never be like her.

Of course, I will not be like here! I am who I am!

Naipikit ko na lang ang mata para hindi na siya makita. I need to focus now and I have no time for the likes of her.

"Ms. Ignacio, it's your turn," Coach Len reminded.

Napatayo na ako at ngumiti sa mga kasamahan kong nagtatagpo ang mga tingin sa 'kin. Some cheered on me and some didn't even glanced, feeling bored that it's my turn. Ang mga ganoon ay natitiyak kong kagupo ni Gwyline. Irap nang urap sa akin at tila pinag-uusapan ako, e.

Hinayaan ko na 'yon at umakyat na sa stage. Kamuntikan pa akong banggain ni Gwyline pero mabilis kong naramdaman ang balak niya kaya hindi siya nagtagumpay. Napansin ko pa ang pagsimangot niya sa naudlot na plano sa 'kin.

Nang makababa na siya ay inayos ko na ang sarili. The music started and my body began to move.

The story of Giselle was a tragic one, she was an innocent peasant girl who falls in love with deceitful and disguised nobleman Albrecht. She was betrayed by love and died with a broken heart.

Sabi nga nila, kung mayroong tragic stories sa mga nobela, mayroon din naman sa ballet. Performing this was a challenging role dahil hindi lang basta kumpas ng kamay at paa ang kailangan para matawag na maganda ang istoryang ito, it's all in the ballerina's dramatic skills. Kailangang isapuso ang nararamdaman ng isang karakter habang sumasayaw at iyon ay palagi kong isinasaisip.

Pumailanlang ang mga palakpakan sa teyatro nang matapos ang musika. I smiled and bow my head to them. I saw Coach Len with her biggest smile and thumb ups. Sinuklian ko rin iyon ng matamis na ngiti at nagpasalamat. Napadpad ang paningin ko kay Gywline na hindi maipinta ang mukha at irap nang irap sa 'kin.

What's her problem? Hindi inaano pero ito siya nang aano. Wait, what did I say?

Nang makababa sa stage ay naupo na ako sa isa sa mga upuan but later on, Gwyline go to where I am. Naupo siya sa gilid ko habang ang mata ay nasa stage.

She crossed her legs and her arms ate on het chest. "Hindi ka naman talaga magaling, e!" she bittetly commented, still eyes on the stage.

I kept my silence sa pang-iinsulto niya at patuloy na pinapanood ang kaklase naming nagpi-perform.

"Alam mo, hindi ko alam kung ano'ng mayroon sa 'yo at buntot nang buntot sa 'yo si Liam. To tell you honestly, you are not his type at all kaya nagtataka ako kung bakit gano'n ang inaakto niya. Or maybe. . . ginayuma mo, 'no?" bintang niya na nagpairap sa 'kin. "O. . . sadyang malandi ka lang," walang habas na dagdag nito na naging dahilan para mapadapo ang atensyon ko sa kaniya.

"P'wede ba, Gwyline? Kung wala kang mapag-iinitan, huwag ako ang piliin mo. Baka hindi ko mapigilan, mangangati itong kamay ko at ipakain sa 'yo bigla itong ballet shoes ko."

"Lakas naman ng loob mo para lumaban. Ano? Dahil alam kong may Liam na kakampi sa 'yo?"

Napairap ako sa sinabi nito. "Goodness, Gwyline. Hindi ko alam kung makitid lang ba ang utak mo o sadyang tanga ka lang. Hindi na ba p'wedeng protektahan ko ang sarili sa taong gusto akong saktan? And for your information, wala akong pakialam kung may Liam man akong kakampi o wala, I can protect myself to the likes of you." Tumayo na ako at naghanap ng bagong mauupuan.

Iniwan ko siya roon na may inis sa mukha kaya may ngiting tagumpay na nakaukit sa labi ko sa mga oras na tumalikod ako kay Gwyline.

Serves you right!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top