CHAPTER 14
Chapter 14: Weekend
IT had been 2 weeks after me and Liam put my name on the list of new members in ballet club. Mahirap pero kakayanin ko ang araw-araw na practice. Mabilis akong nakapag-adjust dahil na rin sa kaalaman ko sa ballet at may experience ako noong elementary ako.
I can totally say that I'm excelling among us. Hindi ito gawa-gawa lang pero ramdam kong humahanga sa 'kin ang mga kasamahan ko pati si Coach Len.
"Hey."
Napatingala ako sa boses na iyon at binigyan ako ng bottled water. I smiled at inabot iyon. "Thanks."
"Saan ka mamaya? You want to date me?" Liam asked and winked at me.
Napangiwi ako sa sinabi nito. Ako pa talaga ang magdi-date sa kaniya? Sino ba ang nanliligaw? Ako yata?
Inismiran ko si Liam at napatingin sa soccer field.
Naramdaman ko ang paglapit nito at pag-upo sa gilid ko saka sinabayan ako sa pagtanaw sa malayo.
"You tired? Kumusta ang practice? Is Gwy bothering you?"
Napabuntonghininga ako nang marinig ang pangalan ng babaeng iyon. Palagi akong pinag-iinitan tuwing nagpa-practice kami. Pasaring nang lasaring na hindi ko ginagawa ng maayos ang mga routine pero siya, minu-minutong sinisita ni Coach Len dahil maraming mali ang ginagawa.
"I guess, I'm right." Tumayo siya kaya taka kong siyang bibalingan. Kauupo pa nga lang, aalis na agad?
"Saan ka pupunta?"
"Kay Gwyline. I'll warn her for her awful attitude."
Pinalo ko ang paa nito at pinanlakihan siya ng mata. "Ano ka ba! Huwag mo na ngang pakialaman 'yon. Gugulo lang, e, at mas lalo pa akong pag-initan," simangot ko.
"Ayo'kong ginagano'n ka, Ash. Hindi p'wede 'yon. Not on this school. Ano ang pakinabang ko sa mundo if I can't protect the girl I love?" inis na aniya.
Hindi ako makakibo at pinamulahan ng mukha. Why Liam is so blunt? Wala man lang preno ang bibig kapag sinasabi nito ang nararamdaman sa 'kin.
Tang*na, kinikilig ako sa sinabi nito.
Nang makabawi ay pinalo ko ulit siya sa paa. "Parang tanga. Stop that, Liam. Hayaan na natin 'yong babaeng 'yon. I can defend myself naman, e. If anything happens, na sobrang lala na, I prosime I'll say it to you. Ikaw ang unang makakaalam, okay? Kaya Huwag mo nang sugurin 'yon, mas malaki pa ang boyfriend no'n sa 'yo, e," natatawa kong biro.
But I said was true. Malaki talaga ang boyfirend ni Gwy. Baka kapag kinanti, e, hospital ang tatahakin namin ni Liam.
"Sinasabi mo bang hindi ko kaya ang boyfriend no'n?" hindi makapaniwalang aniya.
Mas lalo akong natawa. "I didn't say that, ikaw ang nagsabi niyan."
Tumayo na ako sa pagkakaupo at tinulungan naman ako ni Liam. I just smiled on him. Kinuha niya rin ang dala kong tote bag na pinaglalagyan ko ng ballet shoes at mga kasuotan. Sinukbit niya iyon sa kaliwang balikat niya at naglakad na habang sinasabayan ako
Hindi ko talaga inaasahang magbabago si Liam ng tuluyan. Sa pagiging babaero nito na ultimo bawat araw ay iba-iba ang mga girlfriend hanggang sa masaksihan kong wala na siyang babaeng kasa-kasama kung hindi ako na lang.
Totoong nagbago na nga si Liam pero hindi pa rin talaga nawawala ang pangamba ko na baka isang araw ay pagsawaan niya itong panliligaw niya sa akin.
He told me once that he never court a girl because the girl courts him more. He can easily chose one girl everyday sa mga nagkakandarapa sa kaniya. Mabilis din siyang magsawa sa babae at ayaw ng commitment but here he is, courting me and doing things he didn't do for the past few years.
Minsan makulit, minsan seryoso, minsan mukha tambay sa kanto na foreigner, minsan mukha naman modelo. May pagkahangin din, ultimo namamalagi na ang hangin sa utak kapag mukha ang pinag-uusapan. Hindi nagpapatalo sa diskuyson sa mga kaibigan kapag kaguwapuhan na ang topiko. Malambing si Liam, matanaw sa kaibigan, iyon nga lang hinahaluan niya ng biro palagi.
I didn't expect the good qualities he have. Kapag kasi unang kita mo palang sa kaniya, playboy agad ang makikita mo sa aura niya.
Now, I'm silently loving him while knowing him more. I'm contented for the mutual feelings we had. Maybe if the right time comes, I will give the answer he wanted from the beginning.
"Leehinton's festival is near. May production number ba ang ballet club?" biglang ungkat nito sa nalalapit na festival.
Napaisip ako, hindi pa naman binabanggit ni Coach Len na may ganoon nga kami. Pero sa isiping magpi-perform ako sa maraming tao ay may sumibol na kaba at excitement sa loob ko.
Matagal-tagal ko na ring hindi naramdaman ang ganitong feeling. Nakulong ako sa masakit na ginawa ng kahapon. I chained myself and let go for my passion. Iyon yata ang pinakamaling nagawa ko sa buhay ko.
Nawalan ako ng pag-asa, nalugnok sa isang tabi at nilayo ang sarili sa lahat ng tao. Kung hindi ako nawalan ng pag-asa, siguro hindi nasayang ang ilang taon ko sa pag-iwas sa kinahihiligan ko.
But past is past now. I've learned my lesson, my courage begin to run on the top of the mountain. All thanks to Liam. He never get tired to encourage me to do ballet, to do what I loved, and step forward.
I realized that life will always make us stumbled but it's for us whether we stand up or remain on the ground. Time will not stop for us, it will alywas run. Time is running because we are all living.
"Hindi pa naman sinasabi ni coach na may prod. Baka bukas o makalawa ay ia-annouce niya na 'yon," sagot ko pa.
"So. . ."
"Hmm?"
"What will you do this weekend?"
Nag-isip ako kaya natahimik ng ilang minuto. "Maybe I will practice on the sea side. I want to dance together wiht the waves." I smiled.
"Can I go with you?" nagbabakasakali niyang usal.
"Sure. You will be my audience. Sayang namang walang papalakpak sa 'kin saka para may service na rin," biro ko sa kaniya.
Liam chuckled. "I will always clap for you, Ash, sa guwapo kong ito? Kahit araw-araw pa kitang ihatid, sayang ang mukhang ito kapag hindi ko nagawa 'yon."
Napailing na lang ako at napatawa. Lahat na lang talaga ng bagay ay i-insert-an niya ng kaguwapuhan niya.
"DID you sleep well? How about breakfast? Hindi tayo pupunta sa lugar na tinutukoy mo kung hindi ka kumain," sunod-sunod na ani Liam matapos akong masundo.
Napatawa ako. Kanina niya pa ako tinatanong at kanina pa rin ako paulit-ulit ng sagot sa kaniya.
"You know what, Liam? Ikaw yata ang hindi nakakain ng breakfast. Talo mo pa ang sirang plaka ng dvd sa paulit-ulit," kunwa'y irap kong tugon. "At kung magugutom man ako, tiyak na iimpatsuhin ako kapag nabusog sa isang katerbang dala mong pagkain," dagdag ko pa at napalingon sa back seat ng sasakyan niya.
Puro junk foods ang nakahilera sa upuan at mga softdrinks. May mga biskwit din pero hindi gaanong karami. May t-in-ake out pa siyang pagkain sa isang restaurant.
He didn't inform me na picnic pala ang sadya namin sa tabing-dagat, hindi practice ng Giselle para sa production ng ballet club sa nalalapit na festival.
"Alam ko, Ash, sa aming mga guwapo dapat may caring side kami. Kapag mag-aalaga ng girlfriend—"
"Hindi mo pa naman ako girlfriend, ah?" natatawa kong saad. Muntik na akong mapasigaw nang biglang huminto ang kotse kaya napalo ko si Liam sa ginawa nito. "Ano ba? Gusto mo yatang madisgrasya tayong dalawa, e. Sabi na nga bang hindi safe na ikaw ang magda-drive, Liam!" reklamo ko.
"Wait. D-did I misheard it?"
"What?" inis kong turan.
"You just said a while ago. Repeat it."
"Na?"
"Na hindi pa naman kita girlfriend. So. . . may balak mo na akong sagutin? Yes!"tuwang-tuwang aniya.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napabaling sa labas. My cheeks begin to heat dahil sa saya ni Liam. "N-nagkakamali ka lang ng r-rinig," I stated.
"So. . . kailan mo ako sasagutin?" excited na aniya.
Hayan na naman ang linya niya. Bakit ko ba kasi sinabi 'yon. Tsk, mouth, Asheen.
"Ewan ko sa 'yo," pagsusungit ko. "Mag-drive ka na nga lang!"
Liam did what I wanted and started the engine. Tumakbo na ulit ang sasakyan at kulit na kulit na talaga ako sa lalaking ito. Ang tabil kasi ng dila ko. Hayan tuloy, hindi na mapakali si Liam sa impormasyong narinig niya. Goodness!
"Ash, hindi naman kita minamadali na sagutin mo ako pero binibigyan kita ng ilang araw to sort your feelings out. Ang mga guwapong katulad ko, hindi dapat pinaghihintay."
Mas lalo akong napangiwi sa sinabi niya na taliwas naman sa mga kinikilos niya. Hindi raw nagmamadali pero bibigyan ako ng ilang araw. Ano 'yon? Parang pre-order lang ng item sa online ah? May date!
Ako yata ang nanliligaw sa aming dalawa.
Minsan ang sarap pasulatin si Liam ng limang notebook ng national anthem pero huwag na lang, kawawa naman. At baka mapagod pa ang napakaguwapo niyang mukha!
Nang makarating kami sa tabing dagat ay mabilis akong pinagbuksan ni Liam. He smiled at me and I thanked him.
Kinuha niya ang isang basket na puro junk foods at softdrinks saka isang telang puti na siguro ay uupuan namin.
Naka-hawaiian shirt at short pa siya na kulay pula. Pinaresan niya iyon ng itim na tsinelas at may pa shade pa ang loko.
Simple but I find him handsome. Sa isang tinginan ay malalaman mo talagang isang banyaga at mayaman.
"Ash, wait for me. Bakit ba ang bigat nito?" reklamo niya sa basket na dala.
"Dalian mo kasi," tawang usal ko. Kamuntikan pa siyang madapa dahil hindi niya nakitang may nakausling bato sa buhangin.
Siya naman 'yong naglagay ng mga pagkain sa basket tapos heto siya at reklamo nang reklamo.
Nang malapit na siya sa akin ay kinuha ko na lang iyong tela na puti dahil baka isang ihip na lang ay matangay na nang tuluyan iyon.
Naghanap kami ni Liam ng magandang spot at doon naglatag ng tela na uupuan namin. Nilagay niya na rin ang basket at nilabas ang ibang inumin at pagkain.
Nakatitig lang ako sa ginagawa niya at napapangiti. Parang date talaga ito, ah?
Bigla akong kinilig sa isiping iyon. I closed my eyes as the wind keep on brushing my hair. Bawat hampas ng hangin ay amoy na amoy ko ang maalat na dagat.
Asul na asul ang langit at hindi pa naman masyadong masakit sa balat ang init. Bigla kong inayos ang damit at tumayo kaya naagaw ko ang atensyon ni Liam.
"Magpa-practice ka na?"
Napatango ako. "Oo, e, baka kasi mamaya ay uminit na ng sobra."
"Wait, I will film you. Teka lang. Kukunin ko lang ang tripod sa kotse. Wait for me here," ilang ulit na aniya tila aalis talaga ako. Liam run as fast as he could to get the tripod in his car. Nang makuha ay tumakbo na naman ito papunta sa akin. "Here. Set up ko lang, Ash."
Nang matapos siya ay pumunta na ako sa unahan. I like the idea that Liam was going to film me, para na rin malaman ko kung ano ang kulang sa ginagawa ko.
I know, Giselle was a challenging role because of its story. Hindi rin biro ang sayaw na 'to sa aming mga high school students. Mahirap pero kakayanin, ika nga ni Coach Len. She was here to guide us kaya dapat huwag kaming matakot. She was a professional ballerina teacher and had the chance to be a Giselle on stage years ago.
"Ready?" pakinig kong sabi ni Liam kaya napatango ako.
Nakarinig ako ng pag-click ng camera at napansin ang pag-thumbs up ni Liam. Doon na ako nagsimula at sumabay sa saliw ng hangin at alon.
I put my feelings on in every move I made. Bawat ikot, kumpas ng kamay at galaw ng mga paa ko katumbas ng sakit na nararamdam ng karakter na sinasayaw ko.
Nang matapos ang sayaw ay napatungo ang tingin ko kay Liam. Nakatulala lang ito sa akin kaya buong akala ko ay mali ang ginawa kong sayaw. Nang mahimasmahasan niya at napansing tapos na ako ay ilang ulit siyang pumalakpak.
Pinindot nito ang camera para matigil sa pagri-record at muling pumalakpak. He plastered a handsome smile on me. "You're incredible! Really!"
I smiled on him at inabot ang towel na bigay niya. "Thank you."
"Seryoso, Ash, para kang anghel kanina na sumasayaw. Shit! Ang ganda mo!"
Napatigil ako sa pagpunas ng pawis ata pinamulahan ng mukha. Ano ba itong bibig ni Liam. Hindi niya ba p'wedeng dahan-dahanin naman ang pagko-complement sa 'kin? Iyon tuloy ay dumagundong ng husto ang dibdib ko.
Napaiwas ako sa kaniya ng tingin at binaling sa mga pagkain. "Nagugutom na ako. Masarap ba 'tong in-order mo sa restaurant kanina?" pag-iiba ko ng usapan at naupo sa telang nakalatag sa buhanginan.
I bit my lip silently when he sat beside me. Umihip ulit ang hangin kaya natangay no'n ang pabango ni Liam kaya sunghot na singhot ko ang amoy.
Shitty head! It's so relaxing.
"Oo naman! It's my favorite restaurant! Here try this veggies." Kinuha niya ang isang lagayan at binuksan iyon. He assist me while eating, may pagkakataong pang sinusubuan niya ako.
The thought of having a date with him now made me blush even more. Baliw ka, Asheen, wala pa nga kayong label.
"Sobrang init na ba? You're face is like a tomato. Tara na ba sa kotse?" puna niya.
Bigla akong nasamid sa tinuran nito at napahawak sa dibdib. Gusto kong sabihin na namumula ako dahil sa mga ginagawa niya pero huwag na lang. I just keep my mouth shut at tumango na lang sa kaniya matapos kaming makakaing dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top