CHAPTER 13

Chapter 13: Facing the fear



WHY do I love ballet? Siguro dahil ito 'yong bagay noon na pumukaw sa batang isip ko. I'm curious that time at hindi ko akalain ang damdaming iyon ang naghatid sa akin para mahalin ito.

Ballet was one of my favorite thing in the world. Ito ang takbuhan ko kapag malungkot ang araw ko, kapag pinapagalitan ako ng ama ko at sa mga pinagdadaanan ko sa murang edad. It was like an escaped room for me. Kasi kahit na gaano pa kabigat ang buhay ko, sa ballet nagmumula ang lakas ng loob at saya ko.

Pero sabi nga nila, tuwing nasa kasagsagan ng karera sa buhay ay bigla na lang may batong haharang sa daanan natin. May bagay na lulumpo sa atin. And to my case, literal akong nalumpo.

Napatitig ako sa ballet shoes na nasa kamay ko. As I traced the pink ribbon on it, I remembered Liam said to me earlier.

"Do you know why you have that?"

Liam is pertaining about my trauma. I don't know why did I tell him that. Maybe this is the time for me to open up it to someone? And I love the feeling of saying that to him, parang gumaan ang loob ko na may taong mapagsasabihan ako at iintindihin ako.

Nasa may mga food cart kami ngayon, na nasa plaza. Pauwi na rin kami pero itong si lIam ay nagutom kaya nagyaya rito. Hindi ko in-expect na mahilig pala siya sa mga street foods. Kalimitan kasi sa mga mayayaman ay hindi alam ang mga pagkaing ito at nandidiri sila dahil pagkaing kalye.

Hindi naman pala siya maarte sa mga pagkain, iyon ang una kong napansin. Dahil kahit anong i-suggest ko ay kakainin niya. He's enjoying the food kaya natutuwa ako.

"Try this, masarap 'to." Inabot ko sa kaniya ang calamares na sinawsaw sa sukang may mga sili. Tinanggap niya naman iyon at walang pag-alinlangang sinubo. Nanlaki pa ang mata at napa-thumbs up pa.

"Ang sarap. Ano 'to?"

Nakaisip ako ng  kalokohan kaya hindi ko sinabi kung ano ba amg kinain niya. "Puwet ng manok." Liam's eye widened but I just laughed at him. Mabilis kong binawi ang sinabi. "I'm just kidding. Calamares 'yan."

Matapos kumain ay naglakad-lakad kami. May mga estudyanteng namamasyal dito at may mga batang naghahabulan sa plaza. Binalot kami ng katahimikan pero binasag iyon ni Liam.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko kanina. Do you know why you have that trauma?" Napailing ako. "Because it exist for you to overcome it, Ash. It exist not to be a bad memory, it exist in order for you to be strong, to become dauntless and face your fight without fear. I know you can overcome it. I'm here. Let's overcome it together."

We will overcome it together. 

Iyon ang paulit-ulit na nagpi-play sa utak simula pa kanina. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito, simpleng salita lang iyon sa iba pero sa akin, iba ang impact no'n. Parang nawala ang mga pangamba ko at binuhay no'n ang parte ng puso ko na nakabalot sa kadiliman sa matagal na panahon.

After I knew it, nakasuot na ako ng ballet shoes. I enhaled and closed my eyes as a wave of memory began to play on my mind.

Paulit-ulit kong nakikita si dad, sa bawat pagtaas ng kamay niya, sa tubo at kung ano pa. Naging mabilis ang paghinga ko kaya napamulat ako ng mata at napaupo sa sahig ng kuwarto ko.

Sumalubong si Shin sa akin. Kumakahol at parang sinasabing magiging ayos lang ang lahat. Parang alam nitong nahihirapan ako ngayon that made me hugged him. Doon ako humuhugot ng lakas.

"Shin, will I overcome this?" tanong ko sa walang kamuwang-muwang na aso. Tumahol siya at dinilaan ang baba ko habang kinakawag ang buntot. Ilang minuto ang nilagi ko sa posisyon naming iyon ni Shin hanggang sa magpasya akong tumayo at nilagay siya sa kama. "Watch over for mommy, ha?" Kumahol ulit ito kaya napangiti na ako ng tuluyan.

I need to overcome this. I need to!

Inayos ko ang damit at pati na rin ang ballet barre na hinahawakan ko. Medyo may kalaluwagan naman itong kuwarto ko kaya okay lang na sumayaw ako rito.

Muli akong napabuga ng hangin. I have done my stretching a while ago. I cleared my thought and focus my mind. Pilit na inaalis sa isip ang mga alaalang iyon. Napakapit ako sa ballet barre at simulan ulit ang inumpisahan.

Shin was my first audience doing this. At parang nagbibigay siya sa akin ng lakas ng loob by just looking at me. Nakatutuwa ang asong ito.

Almost four years I didn't do ballet kaya inaasahan kong hindi masyadong pulido ang mga galaw ko. Ilang ulit akong bumagsak pero ilang ulit din akong tumayo.

I can do this!

Ilang oras ang nilaan ko para roon hanggang sa tumigil na ako ng simulang magkapaltos ang mga daliri ko sa paa.

Mabilis akong napasandal sa kama at dahan-dahang hinubad ang ballet shoes. Shin barked at me at umupo sa harapan ko. Napatitig akong muli sa mga paa ko. Napangiti ako sa tanawing iyon, I miss this pain.

When I was in grade school, puro paltos at may mga pagkakataong dumudugo pa ang paa ko sa maghapong pagpa-practice. Bigla kong naalala ang mga sigaw nang nagtuturo sa akin dahil sa mga mali kong posisyon ng kamay at paa. Kung paano ako hindi bigyan ng space ng mga kasamahan ko sa ballet barre.

But I know, all of it was worth it. All the pain and sacrifices I had. Lahat ng iyon napalitan ng saya nang makatungtong ako sa stage, lahat iyon ay may impluwensya kung bakit ako naging magaling at mag-stand out sa dinami-rami ng magagaling sa kasamahan ko. All thanks for that.

I really love ballet but I am denying it infront of Liam. I keep on denying it because of the pain stuck on my heart. Pero ngayon, I'm slowly letting go of the pain I'm feeling, kahit kaunti lang. Alam kong hindi ito ganoon kadali pero tutulungan ko ang sarili ko para makaahon. Kasi alam kong hindi na ako nag-iisa.

Nakatatawa, dahil si Liam pa ang nagpa-realize sa akin no'n. I didn't expect this word of wisdom coming from him.

By that, I realized something. I am slowly falling for the campus playboy that I wished not to at first.



KINAUMAGAHAN, mabilis akong nagbihis para pumuntang Leehinton. Nauna na ako kay Shydeen dahil parang matagal pa ang seremonyas niya sa buhay.

Palabas na sana ako ng gate nang may maaninaw na kotse. Kulay asul iyon at hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari no'n at lulan no'n.

Confused, I walked towards the car to know who it was. When I am inches away on that car, the window dramatically moved down on the back seat as I see Liam brushing his hair upward by his hand, in a slow manner.

I don't know but I find it funny, parang tanga. Napatakip ako sa bibig at umiwas nang tingin ng ilang sandali habang natatawa.

Feel na feel kasi ng loko-loko, with emotion pa ang bawat hagod ng kamay niya sa buhok.

For other girls, siguro maglalaway na sila sa tanawing iyon at magtatalon sa kilig with video pa. But for me, it was other way around. Para talaga siyang baliw sa ginagawa niyang pa-slow mo effect sa mga galaw niya. Imbis na ma-inlove ako, matatawa ako but I found him cute on that way.

"Hello, my lady, good morning." He winked at me, at nginuso pa ang bibig kaya hindi ko na mapigilan pang matawa. Doon ko nakita na naningkit ang mata ni Liam. "What's funny?"

"Ah. . . wala, nakanood lang ako ng funny videos kanina sa facebook, parang tanga kasi ang lalaki," sagot ko habang pinipigilan ang tawa.

"Is he handsome as me?" untag nito habang lumalabas sa back seat.

"Yes," sagot ko na maging dahilan para mangasim ang mukha niya kaya mas lalo akong natawa.

"Ano'ng pangalan?" seryoso siyang tanong na ikinailing ko. Hindi ko siya sinagot at mas lalong natawa.

"Bakit ka narito?" pag-iiba ko ng usapan. "Your car?" Turo ko sa kotse kaya napatango siya.

Mangha kong tinitgan ang kotse. Ang daming kotse talaga mg lalaking 'to sa edad pa lang niya. Grade 10 pa lang may mga ganito na, ang yaman!

Mula sa pagiging seryoso ay ngumiti naman ito. He winked at me at inayos na naman ang buhok. "S'yempre susunduin ka ng makisig mong prinsipe," aniya kunwa'y yumuko pa habang nakalagay ang isang kamay sa likuran at ang isa ay nasa t'yan niya.

Mga kahanginan ni Liam.

"Matagal pa ba 'yan? Tama na ang landian, ke-aga-aga," usal ng pamilyar na boses kaya napalingon ako sa passenger's seat. It was Xavier.

"Ang bitter mo, dude," singhal sa kaniya ni Liam.

Bago pa humaba ang diskusyon nila ay pumasok na lang ako sa kotse nang pinagbuksan ni Liam sa back seat. May driver pala si Liam, at katabi no'n si Xavier.

Bakit ba narito 'to? Sa pagkakaalam ko ay may sarili siyang kotse.

Habang umaandar ang kotse ay panay ang asaran nina Liam at Xavier na nagpatawa sa akin. Hindi ko alam ang pinagmulan ng diskusyon nilang dalawa pero alam kong hindi magpapatalo ang kahit isa man sa kanila.

"Alam mo, Ash, huwag mo nang sagutin itong si Liam. Babaero ito, maraming babae 'yan at hindi lang ikaw ang nasa puso niyan. Takot 'yan sa commitment. Tapos sobrang mahal ng buhay 'yan, mamomroblema ka lang dahil hindi kama ang hinihigaan niyan, ginto, Ash, ginto."

Binato siya ng backpack ni Liam na ikinatawa ni Xavier.

"Gago! Hindi na ako babaero. Hindi na, past tense, Xavier! Kapag hindi ako sinagot ni Asheen, malilintikan ka sa 'kin kapag maniwala 'to. Babawiin ko 'yong lambo na niregalo ko sa 'yo kapag nagkataon!" inis na sagot ni Liam.

Bumaling si Xavier sa 'kin, seryoso na ang mukha nito. "Ash, alam mo, napakaguwapo nitong si Liam. Kailan mo ba siya sasagutin para hindi niya na bawiin 'yong mga niregalo niya sa 'kin?" biglang iba nang pananalita ni Xavier na ikinatawa ko.

Napapalibutan ako ng mga baliw ngayong araw. Hanggang sa marating namin ang Leehinton ay nag-aasaran sila.

Nauna na si Xavier dahil tinaboy na siya ni Liam. Walang klase ngayon buong araw dahil nilaan iyon sa pagpili ng mga clubs. Dalawang araw lang ang pinayagan ng faculty na mag-held ng opening ng bawat clubs at maghanap ng membets. The event was supposedly three days but it turned out na dalawang araw lang.

Nasa soccer field kaming dalawa ni Liam. Binigay niya sa 'kin ang uniform nito para matakpan ko ang binti habang nakaupo sa damo. May kilig na bumalot sa puso ko dahil sa ginawa nito.

Who would thought that I'm falling for him? Kasi kahit ako, hindi ko in-expect 'to. Falling inlove was my last thing in life. I promised to finish my studies without a man in my life. I believe that a man can make my life crumbled as what my father did to my mother. Pero, talaga ngang hindi mapipigilan ang puso kapag tumibok na ito sa isang tao.

Matagal-tagal na pala ang una naming pagkikita. Hindi ko napansin 'yon. Time really flies that fast.

Hindi ko napansing nasasanay na ako sa presensya niya. Pero hindi ko sasabihin sa kaniya na tuluyan na akong nahulog sa kaniya. I just want to know him more and enjoyed the process. I don't want to rush things for us, baka kasi we are not meant for each other.

I smiled when I looked up, the sky is clear. It is relaxing to stare. Without looking to Liam, I said, "I want to joined the ballet club." I can see him on my peripheral vision turning his gaze on me.

"D-did I heard it right?" Napatango ako at napabaling na sa kaniya. "For real?"

Natawa ako. "Oo nga! Paulit-ulit ka."

Nanlaki ang mata niya. Mukhang masaya pa yata 'to sa 'kin. Siya yata ang magba-ballet. Tumayo na siya at bigla akong hinila na nagpatawa sa akin. Ang kulit.

"Let's go."

"Where?"

"Sa ballet club. Ipapalista kita ro'n. There's no turning back, Asheen. Harapin nating dalawa 'yan. Don't fret, I'm here. Your prince is here." He smiled.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top