CHAPTER 12
Ito 'yong kantang kakantahin ni Liam. You can play it while reading.
---
Chapter 12: Clubs
"ASH, open na raw ang mga school club, saan ka sasali?"
Iba't ibang uri ng tunog ang nagpapabuhay rito sa cafeteria na naging dahilan para hindi kami magkarinigan ni Shydeen. Humahalo ang mga sinasabi niya sa ingay.
My forehead knotted, trying to understand what she just said pero hindi ko talaga maintindihan o mapagtagpi-tagpi man lang ang tunog na narinig ko mula sa kaniya.
"Ha? Hindi kita marinig, ano sabi mo?" reklamo ko at nilapit sa kaniya ang kaunti ang mukha ko.
"Saang club 'ka ko sasali? Ako siguro doon sa dance club, ikaw ba?" ulit niya at isang kainan niyang sinubo ang natitirang pizza sa plate nito.
I was silent for a moment dahil napaisip din ako sa tinanong nito. Saan nga ba? Alam kong magkaka-penalty kapag hindi sasali sa clubs, ayaw ko naman ng ganoon. Saka, I need to be the highest rank in our batch to received the cash price. Hindi p'wedeng magka-record ako o kung ano pa. Dapat malinis ang pangalan ko.
Naputol lang ang iniisip ko nang marinig kong nagsalita si Shydeen ulit. "Sali ka kaya sa ballet club, Ash? What do you think? 'Di ba, hilig mo 'yo—"
"No!" napataas ang boses ko sa narinig kasabay nang mabibilis na paghinga. Hindi ko rin napansin na napahampas na ako mesang kinakainan namin at napatayo.
Our table created a disturbing sound that made other students to stare on our place. Gulat na gulat din si Shydeen sa inakto ko, pati rin naman ako. Napalunok ako sa naging reaksyon ko at napaupo nang tahimik.
Shydeen didn't know about it at all—about sa ginawa ng ama namin noon sa akin. I didn't share all of the details on her because I can't opened it. Hindi ako ready. All she know was that I am beaten with our father under his care. She didn't dare to asked me questions about it, mula pa man noon. Hindi niya in-open ang topikong iyon dahil alam kong kino-consider nito ang mararamdaman ko.
Malaki na si Shydeen kaya alam kong alam niya na iyon. Naiintindihan niya lahat ng iyon at patuloy na iintindihin kahit na hindi ako magsabi. Kaso, minsan hindi niya rin mapigilan ang magsalita about sa ballet, tulad na lang nito. Napakatabil talaga ng dila ng kakambal kong ito.
"I-I'm done, Shy, mauuna na muna ako dahil may ipapa-reserve pala akong l-libro," utal na rason ko at iniwan na lang siya roon nang hindi hinihintay ang tugon.
Mabibilis ang mga hakbang na tumungo ako sa kung saan. Hindi ako pumuntang library 'gaya ng sinabi ko kay Shydeen dahil napadpad ako sa music hall.
Sa labas pa lang ay marami ng estudyanteng nakapila. May iilang napapalingon sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ko alam bakit ako dinala ng mga paa ko rito.
"Ang guwapo!"
"Tang*na ako na lang!"
Nagtilian ang mga nakapila at parang may tinititigan sa unahan kaya pinukaw iyon ng kuryusidad ko kung sino ang mga tinitilian nila. Lumapit ako para makita ang taong 'yon and to my surprise I saw the both of them.
Doon ko nakita sina Xavier at Liam na kumakanta at halos mangisay ang mga kababaihang nakaririnig sa kaniya. Saktong-sakto na nagpalit ng kanta sila at narinig ko ang intro no'n.
Napailing ako. Kaya pala halos walang paglagyan ang mga estudyanteng narito. Dahil pala sa kanila kaya punong-puno ang labas ng music hall ngayon. Mas lalo lamang akong napailing nang may yumakap kay Xavier at napataas ang kilay ko sa babaeng humalik sa pisngi ni Liam.
Gustong-gusto niya naman! Napasimangot ako at naalala ang mga pinagsasabi niya sa akin.
"Alam mo, Ash, huwag kang magselos kapag may babaeng lumapit sa akin kasi ikaw lang ang tinitibok nito." Tinuro nito ang puso niya kaya napairap ako at akmang aalis na sa cafeteria. He drag me here all the way to the main library para lang sa mga kahanginan niya sa buhay. "Opps, don't leave me here,masasaktan ang puso ko." Napangiwi ako sa sa kaniya.
"Liam, p'wede ba? Kung wala namang katuturan 'yang sinasabi mo, can I excused myself? Mas mabuti pang nilagi ko ang oras ko pagbabasa ng lessons kaysa ikaw ang pakinggan ko."
"Ouch. Harsh naman, Ash. Huwag ka ng galit, please? Alam mo namang hindi ako nagpapahalik at nagpapayakap sa iba dahil ikaw lang dapat ang may karapatan sa mga muscles at abs ko."
I rolled my eyes again. Geez. Bakit ba ako nagpatangay sa lalaking may ipo-ipo sa utak? At saan niya naman nakuha na nagseselos ako? Ibang level yata itong imagination ni Liam ngayon. Bakit ko ba natitiis ang kahanginan nito sa araw-araw at mga patutsyada niyang ako lang ang laman ng puso niya?
Hindi raw siya magpapahalik, ah? Liam was always Liam.
Aalis na dapat ako pero nagtama ang mata naming dalawa ni Liam. Sa dinami-rami ng tao rito, sa akin pa talaga nagtagpo ang mata niya. Doon na siya nagsimulang kumanta at halos halukayin no'n ang loob ko.
Binibini
Alam mo ba kung pa'no nahulog sayo
Naramdaman lang bigla ng puso
Aking sinta ikaw lang nagparamdam nito
Kaya sabihin mo sakin
Ang tumatakbo sa isip mo
Kung mahal mo na rin ba ako
The way he sing makes my heart jumped. I got goose bumps the way he interpret the song. He was singing through his heart that I was able to feel the meaning of the lyrics.
Binibini
Sabi mo noon sakin
Ayaw mo pa
Pero ang yakap ngayo'y kakaiba
Hindi ka ba nalilito
Totoo na bang gusto ako
Wag ng labanan ang puso
Alam kong mahal mo na ko
Kung ganon halika na't wag lumayo
Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi niya inalis ang tingin sa akin kaya ako na ang unang pumutol no'n. Tumibok kasi nang husto ang puso ko sa tinginan naming dalawa pero hindi ko naman maalis ang tingin sa kaniya.
Naglakad na ako sa pagkatataranta at iniwan ang lugar na iyon. Dahil na rin open ang iba't ibang clubs ngayon para salihan ng mga estudyante ay maraming pagala-gala. May iilang nakabangga sa akin at ang iba ay sadya naman pero hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin. Ayaw ko ng gulo sa araw na 'to kaya ako na talaga ang iiwas.
May nag-give way pa nga dahil sabi ay buntis ako at baka mapaano ang baby kapag napahamak ako, malalagot pa sila kay Liam. Gusto kong matawa pero pilit kong itinago iyon.
"Ash!"
Napalinga-linga ako bigla nang marinig na may tumawag sa akin pero hindi ko makita kung sino iyon sa rami ng mga tao. I just shrugged and continued to walked nang hindi ko talaga makita ang tumatawag. Hind ko rin nakikilala ang boses sa daming tao na nag-uusap sa paligid ko. Baka kasi ibang Ash ang tinatawag nito at hindi ako.
Paulit-ulit sa isip ko ang kinakanta ni Liam, lalong-lalo na 'yong lyrics ng kanta. I know the song was quite famous that I can hear it from everywhere dahil na rin sa mga sounds na pakulo ng bawat clubs para makahakot ng new members, pero hindi ko naman inaasahan na ganoon pala ang impact no'n nang kantahin ni Liam.
Kanina, parang naramdaman ko na para sa akin talaga ang kantang iyon, na kinanta niya para lang sa akin, pero parang nag-a-aasume naman ako kapag ganoon.
Maybe that was just a coincidence. Right, it was just a coincidence. I don't need to think about it, I don't need to feel this way.
I brushed the thought off on my mind and ready to exhale but my mouth left hunged opened when someone grabbed my arms, unable to do what I wanted. Because of the force he applied, I was able to turned my way on him. I swallowed hard when I saw his face.
I was thinking of him and yet here he was infront of me, showing his angelic smile that every girls drooled over.
"I'm calling you, didn't heard it?" he asked, confused.
I was silent because I remembered how he sang the song earlier. Parang sirang plakang nagpi-play iyon sa utak ko at wala yatang planong tumigil. Nadi-distract ako sa eksena niyang iyon. Ginugulo nito ang sistema ko kaya hindi makapag-isip ng maayos ang utak ko.
Napapipikit ako at tinuloy ang pagbuga ng hangin saka idinilat ang mata para salubungin ang sa kaniya. "I didn't heard it, sorry," saad ko, pilit na tinatago ang laman ng isip sa kaniya.
As if he can read your mind, Asheen, idiot, sabi ng isang parte ng utak ko.
"I. . . just want to asked you if. . ."
"Hmm?" Napalaro ako sa manggas ng uniform para roin bumaling ang atensyon ko.
"If you can joined the music club," pagtutuloy niya nang sinasabi. "You can sing right? I heard you singing."
Napatigil ako bigla. Saan niya naman ako narinig na kumakanta? Hindi naman ako kumanta sa harap niya.
"Hindi ako kumakanta. I don't have any talents in singing," I lied and that made his brow arched, not satisfied on what I've said.
"Really?" he mocked while having a grimanced on his lips. Napatitig ako nang nilabas nito ang phone niya at parang may hinahanap. Nang makita niya ang nais ay nakangisi itong tumingin sa akin sabay paharap ng phone nito. "Was this not a talent? I doubt."
Namilog ang mata ko nang makita ang video na kuha ng phone niya. I was there! Singing on the library. Nasa pinakadulo ako kaya alam kong hindi iyon naririnig ng librarian. May hawak akong libro at naka-ear pods. Marahan ko ring ginagalaw ang ulo ko, sinasabayan ang liriko ng kanta.
It was takem on the other day! Hindi ako nagkakamali dahil may suot akong maliit na clip sa kulay puti na nakaipit na napakaikli kong buhok. Noon ko lang naman iyon sinuot dahil binigay iyon ni Shydeen sa akin.
Napabaling ang tingin ko sa nakangising si Liam. His expression was saying that he caught me and I don't need to lie anymore. Inis kong inagaw ang phone niya pero mas mabilis ang reflexes nito kaya nilayo nito ang phone niya sa akin.
He tip toed that I was unable to reached the phone on his hand. I glared at him. "Delete that video!" I commanded but he didn't listen.
"I will delete it if you would joined our club. We need a female lead vocalist," he stated.
"No. Ayo'kong sumali. Maraming students ang gustong sumali sa club ni'yo, I doubt na wala kayong mapipili ro'n. Kaya p'wede ba, i-delete mo na 'yan! Alam mo, you are really a stalker, 'no?! Bini-video-han mo ako without my consent! That's illegal!" pag-iiba ko ng topiko.
Mas lalong nanaas ang kilay nito. "Illegal? Was admiring a beautiful view was now an illegal act?"
Napakurap-kurap ako sa sinabi nito at pagkaraan ng ilang segundo ay halos mangamatis ang mukha ko. Mukhang mali yata ang pagbago ko ng topic.
Napaiwas ako nang tingin at biglang napalayo kay Liam. Pasimple kong pinaypayan ang pisngi para mabawasan ang init doon.
"M-may pupuntahanan p-pa ako, Liam. W-wala akong oras sa mga kalokohan mo," utal na saad ko.
"Uh-uh, not again, Asheen. Huwag mo akong takasan ngayon."
"Takasan? Mukha mo, h-hindi kita tinatakasan."
"Deny."
"Hindi nga!"
I heard him chuckled. "So, kung hindi ka sasali sa club, mahalin mo na kang kaya ako? Kailan mo ba ako sasagutin?"
Napangiwi ako. Anong connect no'n? Hayan na naman siya sa kailan siya sasgutin. E, hindi ko nga pinayagang manligaw. Desisyon talaga ito kahit kailan.
"Ewan ko sa 'yo," usal ko pa pero napatigil ako nang may malampasan ako isang ballerina.
Mabilis kong nilingon iyon at papasok iyon sa theatrical building. May mga babaeng pumapasok sa loob no'n at ang iba ay tuwang-tuwa pa.
Hindi ko napansin na nakatingin na pala ako roon ng ilang minuto at nakalimutan kong nasa harap ko si Liam.
"Love ballet?" Napunta ang tingin ko kay Liam.
Napatigil ako sa sinabi niya. Do I love ballet? Kinapa ko ang nararamdaman at wala akong mahitang sagot. I didn't bother to answer Liam and turned my gazed away from him. I started to walked and Liam was keeping up with my pace, hindi niya nagawang magpahuli sa paglalakad ko kaya napailing na lang ako.
Para siyang pusa, sunod nang sunod sa akin sa kung saan man ako pupunta. "I know you love ballet, I can see it on your eyes," he opened up.
"Wala kang alam para sabihin 'yan, Liam," mahinahon kong saad.
"Really? Hmm. . . during your elememtary days, you are a ballerina, tama ba ako?"
Saan niya nalaman 'yon?
Napatigil ako sa paglalakad ngunit hindi siya nilingon. Biglang umagos ang alaalang pilit kong kinakalimutan. Napapikit ako ng paulit-ulit na nagpi-play sa utak ko ang mga panahong hindi ako makalakad at ang ginawan ng ama ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko at ang paghinga ko sa mga memoryang iyon. My fist balled pero nagulat ako nang maramdaman ang mainit na kamay na bumalot doon.
As far as I remembered, I never felt this kind of security before. The warmth of his hands made my system be at peace and my raging thought was calming. May kung ano sa pagkakahawak ni Liam na nagpapaalis ng nararamdaman ko. I felt safe by his touch and I can't deny it.
Nang inangat ko ang paningin ay sinalubong ako ng nakangiting Liam. "You loved it, do you?"
Tahimik pa rin ako, pilit na hindi sinasagot ang tanong niyang iyon. Naiinis ako sa kaniya, hindi dahil sa dahilang buntot nang buntot siya sa akin. Naiinis ako sa kaniya dahil napaparamdam niya ang mga emosyong nagkukumuwala sa sistema ko ngayon.
Tumalikod na ako. "No. I don't love ballet. I hate it!" I said and walked away having a heavy heart for the lie that I told him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top