CHAPTER 11
Chapter 11: Wound
"SHY, ano'ng gusto mong ulam natin bukas?" tanong ko at napahinto sa ginagawang assignment. Napatitig ako sa kaniya na paulit-ulit na pinipindot ang remote kaya nagpapalit-palit ng estansyon ang pinapanood nito.
Nakabusangot ito at halos mag-isa na ang dalawang kilay. May subo-subo rin itong lollipop at nakadantay ang dalawang paa sa center table na sinusulatan ko.
Suddenly, her feet moved kaya tumuntong iyon sa papel na natapos ko na. Gumalaw ulit ito kaya tuluyang nagusot iyon.
Napasimangot ako at sinita si Shydeen, "Ano ba 'yan, Shydeen? Look what you did, nagusot tuloy." Pinalo ko ang paa nito kaya napatingin siya sa akin saka napunta sa papel na nalukot niya.
Napatuwid ito nang upo, ibinaba ang paa saka inayos ang papel ko. "Hala! Sorry, Ash. 'Di ko kasi nakita. Bakit mo ba rito nilagay?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ako ang nauna sa 'yo rito, ikaw ang nangbubulabog sa mga ginagawa ko."
Napakamot siya sa ulo nang ma-realize na tama ang sinasabi ko. Nag-peace sign din siya at tumawa.
"Ano 'yong tinanong mo sa 'kin kanina? Sorry, I'm too gorgeous to hear what you said." She flipped her hair kaya napangiwi ako.
Inirapan ko lang siya. "Ano nga 'yong gusto mong ulam bukas?" ulit ko.
"Want ko ng adobo. 'Yong sweet naman at may atsuwete, ha? Ah! May kaunting anghang na lang din." She smiled sweetly that made my eyes rolled. "At itlog pa pala, Ash. 'Yong nalaga na? Ilagay mo na lang do'n s adobo, ha?" dagdag pa nito.
"Oo na, oo na! Subukan mo rin kayang magluto, ano?"
"Aba, sure! Basta, walang sukahan ng kinain. Nguyain mo hanggang sa mawalan ka ng lakas!" Humalakhak si Shdeen kaya napailing na lang ako. Tinapos ko na ang ginagawa para makapag-dinner na kami.
KINAUMAGAHAN, alas-singko pa lang ng umaga ay gumayak na ako para sa lulutuin. Kinuha ko ang manok na nasa frezeer at nilagay sa lababo. Binuksan ko ang gripo at doon iyon nilagay para mabilis na matunaw sa tubig.
When I was waiting, I boiled two eggs for Shydeen's request. Ilalagay ko iyon mamaya sa adobo para manuot ang lasa nito roon.
Gustong-gusto talaga nito ang itlog na nalaga na at ilagay sa adobo. T-in-ry ko rin naman iyon pero ayaw ko talaga ng kumbinasyon. Only Shydeen wanted that taste.
Nang makita kong tuluyan ng naghiwa-hiwalay ang mga parte ng manok ay sinunod kong hinanda ang mga gagamitin sa paggisa.
Nasa kalagitnaan ako nang pagluluto ng adobo ng mapansin kong hindi ko pa pala nakukuha ang itlog na nilalaga.
"Hala!" Taranta akong kumuha ng pot holder at mabilis na kinuha ang maliit na kasirola sa stove.
Why did I forgot about this? Na-divert ang atensyon ko sa adobo kaya nakalimutam ko talaga iyon. Mabuti na lang talaga at naparami ang lagay ko ng tubig.
When I was about to put it on the sink, hindi sadyang napalapit ang palapulsuhan ko sa gilid ng kasirola.
"Sh*t naman!" Mabilis kong nabitiwan ang pinaglutuan kaya lumikha ng ingay na umukupa sa lugar na ito. Sapat na para ako lang rito sa kusina ang makarinig.
Sapo ang kamay ay halos mapatalon ako sa sakit na naramdaman. Parang nanunuot sa mga buto ko dulot nang pagkapapaso sa bibig ng karisolang iyon.
Ilang ulit kong hinipo ang parteng ng kamay na namumula na. Natitiyak kong magtutubig ang pasong 'to sa balat ko mamaya. Kapag pipisain ko 'yon, mas lalo lang sasakit at hahapdi pa.
Kagat-labi kong tiniis ang sakit sa kamay at pinagpatuloy ang pagluluto. Naging mabagal ang paghahanda ko dahil doon pero sapat na para makatapos ako sa insaktong oras nang paggising ni Shydeen.
She was half opening her eyes, mukhang antok na antok pa habang naglalakad patungo sa ref. She opened it greeting me with good morning, napahikab pa siya.
Kakamot-kamot ulo ito at hindi man lang naisipang magsuklay. Ganiyan 'yan tuwing gumigising, parang inaararo ang buhok habang natutulog. Sometines, I was wondering what she was doing when she was sleeping. Bakit ganiyan kabuhol ang buhok nito, e, hindi naman ganiyan ang buhok ko kapag gumigising. Naghi-head spin yata 'to kapag tulog kaya ganiyan kasabog ang buhok.
Habang nagsasalin ng tubig si Shydeen na ipangmumumog niya ay napatingin siya sa akin. "Itlog ko?" tanong nito agad.
"Naluto ko na. 'Yan." Nginuso ko ang nasa mesang nakahaing adobo na may itlog na nabalatan na. "Pinaso ako ng itlog mo, kasalanan mo," biro ko pa.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko, akala yata nagbibiro talaga ako. Lumapad ang ngiti ni Shydeen nang makita ang itlog niya at mabilisang tumungo sa lababo. Nang matapos ay umupo na siya at pinagkuha ng kanin ang sarili.
"Kain tayo!" 'Aya nito as if she was the one who cooked it. Napairap ako sa ginawa nito. Ang sarap minsan tirisin, nakagigigil.
Nagsimula na rin akong kumain at gumayak papuntang Leehinton. Hindi na nagamot ang paso ko sa kamay dahil na rin sa pagmamadali.
We have an exam on our first period kaya lakad-takbo ang ginawa namin ni Shydeen.
"Ang bagal mo kasi, Ash, e!" sisi nito sa akin.
"Ano'ng ako? Ikaw ang hinintay kong matapos sa pagmi-make up tapos kasalanan ko pa? Pinagluto ka na nga, sisisihin mo pa ako?" tugon ko, nakasimangot.
Bigla niyang inangkla ang kamay sa leeg ko kaya hindi agad ako nakalayo. Hinalikan ako nito sa pisngi. "Ito naman si Asheen, parang tanga, kapatid mo ako kaya dapat mo akong pagsilbihan."
"Kapatid mo naman ako kaya dapat magsilbi ka rin sa 'kin!" Kinurot ko ang tagiliran nito. "Nakapag-review ka ba? May test tayo!"
"Of course! Nag-review ako, 'no! Pero pakopya pa rin mamaya, ha?" paninigurado nito kaya inirapan ko na lang.
Nang makapasok kami sa room ay nagbibigay na ng test papers ang guro namin kaya dali-dali kaming napaupo sa unahan.
"May test papers na ba lahat?" tanong ni Ma'am Dusaban.
"Yes!" sagot naming lahat nang makuha na lahat iyon.
"Okay, eyes on your test questionaire. In test 1, multiple choice, 25 items. Number 22 is bonus kaya lagyan ni'yo na ng check 'yan. Sa test 2 natin, enumeration na 1-10. Read the question carefully, understand?" Napasagot ulit kami ng yes. "You may now start."
Silence engulfed the whole room. Tinuon ko na rin atensyon sa test paper at sinimulang sumagot. Nakalalahati pa nga lang ako ng sagot nang maramdaman ko ang pagkulbit ng katabi kong si Shydeen.
I closed my eyes, pilit na iniignora ang ginawa ni Shydeen pero makaraan ng ilang minuto ay kinulbit ulit ako nito. Inis ko siyang nilingon at pinanglakihan ng mata. "Ano ba?" bulong ko. Napasulyap ako sa guro dahil baka mahuli pa ako sa ginagawa ko.
"Answer mo, number 10," she demanded.
Napairap ako sa kaniya at para wala nang diskusyong mangyayari ay binigyan ko ng answer. "C."
Tinuon ko ulit ang atensyon sa sinasagutan pero hindi pa nga nakakapagsimula sa tanong ay kinulbut na naman ako ni Shydeen.
"Ash, 'di ko alam number 11."
"B!" inis na bulong ko.
Napasulyap ako sa guro namin. Nasa teachers table lang si ma'am na nasa unahan ko tapos ganito ang ginagawa namin sa kakarampot na distansya.
Gusto kong hampasin si Shydeen pero hindi ko magawa. I can't totally concentrate in the questions because of her. Kulbit nang kulbit, akala yata nasa likuran kami nakaupo.
Shydeen was always putting me on a tight situation. I thought she studied her lessons last night, bakit siya tanong nang tanong ngayon?
Pinagpatuloy ko ang pagsagot at agad itong tinapos. Mas marami pa yata ang hiningi niyang sagot kaysa sa sagot niya talaga. Nagsisinungaling lang yata na nakapag-aral kagabi.
Nang matapos ang pangongopya niya ay pinasa ko na kay ma'am ang test paper. P'wede nang umalis sa room kapag tapos na dahil baka makaistorbo kaming mga nakatapos agad sa mga nagti-take pa ng test.
Shydeen was tailing me, smiling widely like a crazy. I walked fast as I could para maiwan ko siya kaya nagtagumpay naman ako nang may nakasalubong akong mga kumpol-kumpol na mga estudyante.
Napalingon ako para siguraduhing wala na ngang Shydeen na nakasunod.
"Hey!"
"Oh my gosh!" gulat na bulalas ko nang gulatin ako ng kung sino. Nang masilayan ko ang mukha nang may gawa no'n ay napasimangot ako.
"Ganiyan ba batiin ngayon ang mga g'wapo?" Kumindat ito kaya mas lalo akong napangiwi.
Why did I stumble on this kind of man early in the morning? May ipo-ipo sa utak, 'di na nawala.
Naglakad na ako at narinig kong sumunod siya. Napatigil lang ako nang hilahin ako nito sa kamay kong may paso. Napaaray ako kaya hindi 'yon nakaligtas sa pandinig niya. Binawi ko ang kamay kong hawak niya kaya wala siyang nagawa kung 'di bitiwan iyon.
Napatitig si Liam sa 'kin, he was eyeing me as if he done anything wrong dahil sa katunayan ay mahina lang naman ang pagkakahila niya sa akin pero ganoon ang naging reaksyon ko. He was puzzled for a moment, but later on, he realized why I'm having a reaction like that.
Maagap niyang kinuha ang kamay ko at pinaharap sa kaniya ang palapulsuhan ko. His eyes widened when he saw it. Ramdam ko ang pagluwag nang pagkahahawak niya pero hindi iyon naging dahilan para tuluyan niyang bitiwan ang braso ko.
"What happened? Bakit may paso ka?" alalang aniya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi. The way he asked me, para itong nag-iingat sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya, na parang masusugatan ako kapag tinanong niya ako ng basta-basta.
Napapansin ko rin ang side na ito kay Liam sa tuwing may nangyaring hindi maganda sa mga kaibigan nito. Akala ko kasi noong una ay puro lang siya papogi, diskarte sa mga kababaihan dito sa Leehinton, at malakas ang hangin sa ulo.
Kinuha ko ang kamay ko at tinago iyon sa likuran. There's a growing feeling inside me that I need to stop, habang maaga kailangang tupukin.
"Wala 'to. Ayos lang ako, Liam. I need to go, may hihiramin pa kasi ako sa library," I reasoned out. I didn't wait for him to responed.
Pagtalikod ko ay nakilala ko ang disenyo ng lugar na ito, roon ko lang napansin iyon. Bakit ba tuwing tinataguan ko si Shydeen ay napapadpad ako sa building na ito? Kapag tatakasan ko siya, si Liam naman ang babati sa akin sa lugar na ito.
Sa kanang bahagi ako dumaan noon at bumungad ito. Hindi ko akalaing may daan sa kaliwa na maghahatid sa 'kin dito.
This theatrical building was making me crazy. Sinimangutan ko iyon at naglakad na palayo. Gusto ko na lang umalis dito at iwasan ang lugar na ito as possible.
"Ash!" Nagulat ako nang marinig iyon na malapit lang sa akin. Napalingon ako at hindi nga ako nagkakamaling tinakbo niya ang distansya namin. Pinaharap ako nito sa kaniya ay may nilabas na puting panyo.
Nagtataka akong tinitigan siya pero kalaunan ay nalaman ko kung ano'ng gagawin nito sa panyo niyang nilabas.
I was staring on Liam the whole time and didn't say anything. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan.
Kinuha nito ang kamay kong may paso at pinalibutan ng panyo niya. To be honest, mas maganda pa yata ang kamay niya sa akin. Sobrang lambot at puti, mas maputi pa yata ang lalaking ito sa akin.
Ang ganda rin ng hugis ng kuko niya at mahahabang daliri. Maingat niyang tinali ang dulo ng panyo, sakto lang para humigpit at huwag malaglag.
Pang-ilan na ba itong panyong naibigay niya sa akin? Nasa bahay lang naka-stock ang mga panyong hindi niya pinapasauli. Walang araw na wala itong panyong dala. Kung hindi man niya hawak, nasa bulsa o bag nito.
Liam smiled when he was done doing it. "Gamutin mo 'to para huwag mag-iwan ng marka sa kamay mo. Be careful next time, okay?"
Napalunok ako nang magtama ang mata naming dalawa. Ilang minuto ang tinagal no'n at kalauna'y ako na ang umiwas.
Iwas ang matang napatango ako. "I-I will. . . m-mauna n-na ako s-siguro. . ."
I'm stuttering? Asheen, come to your senses!
"Samahan na kita. Saan ba punta mo? Library?" Napatango ulit ako. Gusto kong magprotesta pero knowing him, hindi ko iyon matatakasan.
We silently walked at doon naman nabuhay muli ang tsismis na mag-on kami ni Liam at buntis ako. I pretended that I didn't heard all of it. Parang na-immune na kasi ako dahil halos saan ako mapunta ay iyon ang topic ng lahat.
Tingnan natin kung lolobo ang tiyan ko. Isasampal ko talaga sa inyong lahat na tsismis lang 'yan.
My day goes well after that. Liam give me flowers and chocolate in our classroom an hour after we part ways on the library. Dahil doon tinukso ako nang tinukso ni Shydeen at botong-boto kay Liam. Hindi niya pa nga lubusang kilala ang lalaki tapos ganoon na agad siya. Sarap din minsan sabunutan nitong si Shydeen, e.
Nang makauwi ay napatitig ako sa panyong nilagay ni Liam sa kamay ko. Marahan ko itong hinawakan at hindi ko napansing nakatitig na ako roon ng ilang oras nang hindi lang nagsalita si Shydeen. Halos takasan ako ng bait sa gulat ng dahil sa kaniya.
"Ay, nakangiti! Huli ka, Asheen Ignacio! Deny-deny pa, ah." Humalakhak ito. "Baka malusaw 'yang panyo katititig mo, galaw-galaw rin, oo!"
Sinamaan ko siya nang tingin. "Umalis ka nga sa k'warto ko, Shydeen! Paano ka nakapasok dito? Hindi ka man lang kumatok!" Tinago ko ang kamay na may panyo sa likod ko.
"Duh! Kumatok ako, bingi ka lang talaga. Ilanh ulit kitang tinawag pero hindi mo ako pinansin kasi titig na titig ka riyan sa panyo ni Liam! May ngiti-ngiti pang nalalaman. Iba ka na, Asheen! E 'di sana all namam, 'di ba?"
Tinapunan ko siya ng unan na siyang itinakbo niya sa pinto para magtago at tuluyan nang lumabas na may halakhak ang asar sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top