CHAPTER 10
Chapter 10: An apology
"KUNG hindi sina Mr. Lee at Ms. Fernandez ang laman ng office ko ay kayo naman ang narito sa lugar nila! What you are all thinking? Naku! Sumasakit ang batok ko sa inyong tatlong magkakaibigan!" Tinuro nito si Liam at Xavier.
Napatitig ako sa principal namin. He was massaging his temple dahil sa ginawa nina Liam at Xavier.
I felt bad for them. Putok ang gilid ng labi ni Liam, magulo rin ang buhok. Si Xavier naman ay namamaga ang gilid ng mata.
Napunta ang paningin ko sa apat na lalaking naging kaaway nila. Halos hindi makilala ang mga pagmumukha nila sa ginawa ng dalawa sa kanila.
Narito kami sa principal's office dahil muntik ng magrambol ulit ang mga kalalakihang ito at sina Liam at Xavier sa diciplinary office.
Napakagat-labi ako. Baka malagay ito sa record ko at maapektuhan ang acads ko. Napayuko na lang ako at nanahimik.
"What really happened?" kalmadong tanong ni Principal Vico.
"Iyan sir, sila ang nauna!"
"Nanuntok ang dalawang 'yan!"
"Kayo ang nauna."
"Wala kaming ginawa."
"Binugbog kami nang binugbog, sir."
Halos mabingi ako sa kanilang lahat. That made me put my hand on both of my ears. Ganoon din ang ginawa ni Shydeen at napangiwi sa ingay.
Principal Vico's forehead creased, nabalot ng inis ang mukha nito kaya napatayo siya at hinampas ng malakas ang kaniyang mesa. "Enough!"
Biglang nanahimik ang lahat at gulat na napatingin kay Principal Vico.
"Sa harap ko pa talaga kayo nag-away! Pare- pareho talaga kayo nina Mr. Lee at Ms. Fernandez kung magsagutan sa harapan ko!"
Napuno ng sermon ang isang oras namin sa office ni Principal Vico hanggang sa mapilitan itong palabasain kami dahil sumasakit na ang batok nito.
Pinarusahan kaming magpulot ng basura sa buong campus kaya ungot nang ungot ang mga nabugbog nina Liam at Xavier.
Nagkaniya-kaniya kaming ruta kaya kami na lang ngayon ni Liam ang magkasama.
Habang naglalakad, may bibit siyang plastic bag at ako 'yong nagpupulot ng basura. Wala kaming imikang dalawa, besides it was a bit awkward for my side because of what I said to him earlier.
Naroon pa rin naman ang mga tinging nang-uusig sa akin pero hinayaan ko na lang sila. Baka kung patulan ko ay mapaaway na naman ako at si Liam.
Napadpad kami sa soccer field kaya minabuti naming maupo muna roon.
"Um. . ." Napatigil ako dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin kay Liam. Napaiwas ako ng tingin ng bumaling ito sa akin.
"Hmm?" pakinig kong aniya.
"Ano. . ." Napalunok ako at napabaling sa kaniya ulit. "S-sorry for what I've said to you. Halo-halo kasing emosyon ang naramdaman ko kanina kaya nabuntong sa 'yo ang lahat." Napayuko ako.
Kawawa naman itong si Liam. Siya na nga 'yong napaaway at napuruhan tapos ito ako, sinabihan ng masasakit na salita kanina.
I heard him chuckled. "It's okay. Kasalanan ko naman talaga but I won't take an apology for that."
Napalingon ako sa kaniya at pilit na inaalam kung nagbibiro ba siya, pero parang hindi naman.
Nangunot ang noo ko. "W-what?" hindi makapaniwalang anas ko.
He smirked. "Kiss me here."
Namilog ang mata ko sa sinabi ni Liam. Baliw ba 'to?
"H-ha? A-anong k-kiss?" Napalingon ako sa paligid. May mga estudyanteng nakatingin sa kinaroroonan namin at parang pinag-uusapan pa kami. Biglang nabaling ang tingin ko kay Liam nang mas lalo itong natawa.
"Look at your face!" Napapalo ito sa tuhod nito. "I'm just kidding. Parang totohanin mo naman ang sinabi ko sa mukha mong 'yan. . . pero kung 'yan ang gusto mo, sige," nang-aaasar na anas nito at pumikit. Nginuso niya rin ang bibig kaya tinampal ko ang mukha nito nang mahina.
"Ewan ko sa 'yo. Aalis na nga lang ako!" Inirapan ko siya at akmang tatayo ng higitin nito ang kamay ko kaya napabalik ako sa kinauupuan.
"Just stay here for a while, Ash, please," pakiusap nito at lumamlam ang mga mata.
He sounded so serious kaya wala akong nagawa kung hindi umupo na lang. Nag-iba rin kasi ang aura nito at nawala ang pagiging maloko.
Seriously, hindi ako sanay na ganito si Liam. I prefer that part of him of being silly. Para kasing may kung anong kabang sumisibol sa dibdib ko kapag ganito ang pinapakita niya.
Napalayo ang tingin ko sa kaniya at pinagmasdan ang kaulapan. Binalot ng katahimikan at ninamnam ang kapayapaan sa pagitan naming dalawa.
He broke the silence between us. "I'm really sorry, Ash."
I smiled and gazed on his direction. "No, I'm sorry. Pinagsabihan kita ng masasakit na salita.I've hurt you. I'm really sorry for that."
Tumahimik ulit sa pagitan namin at biglang natawa si Liam. "Alam mo, paulit-ulit tayo, e."
Natawa na rin ako. "I agree. Kaya drop the topic na, baka hanggang bukas itong pag-sorry natin sa isa't isa."
"But I will not drop that ligaw thing," paninigurado niya. Tinaas-baba nito ang kilay kaya napalo ko siya sa braso.
"Aray!"
Napailing na lang ako kay Liam. Habang nakaupo rito ay panaka-nakang nagnanakaw ng tingin si Liam sa akin. Hindi ko na lang iyon pinansin at nagkunwaring hindi siya nakikita.
Nasasanay na ako sa kakulitan niyang ito. Hindi siya boring kasama at lalong-lalo na at okay na okay kakuwentuhan. May kung anong nasa kaniya na nagpapakuha ng atensyon sa sino mang kausap nito.
Bigla kaming natahimik sa pagkukuwentuhan nang may dumaang grupo ng estudyante rito sa soccer field. Nag-uusap sila lahat at halatang pinaparinig talaga sa 'kin ng iba ang mga sinasabi nila.
"Look at them. Siguro totoo 'yong sa post, ano? I can't believe that Liam got her pregnat that instant!"
"Yeah, I agree. They are making a family now. Sana all, 'di ba?"
"Anong maganda ro'n? Hindi pa nga nagkakapagtapos ng pag-aaral, paglalandi pa ang unang inatupag."
"Shh! Ano ba kayo, baka marinig kayo ng tao, oh!"
Iniwas ko agad ang tingin ng sabay-sabay silang tumingin sa akin. Tinuon ko ang atensyon sa mga damo at pinalaikot-ikot ang dahon no'n sa daliri ko.
Sanay naman na ako sa mga paganito ng mga tao sa paligid ko. Iyon nga lang may gumuguhit na sakit sa dibdib ko tuwing nakaririnig ng ganoon. Sino ba kasing tao ang gustong marinig ang sarili na pinag-uusapan ng iba, 'di ba?
Narinig kong unti-unting lumalayo na sila base na rin sa mga usapan nila. Muli akong napaangat ng tingin. The only thing I did was to watch their backs going farther.
Napayuko ako at mas lalong natahimik. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang hanging umiihip sa paligid at mga punong nagsasayawan ang mga dahon dulot no'n.
"Ash," malumanay na tawag ni Liam at naramdaman ko na lang ang maiinit na yakap nito sa akin.
Hindi ako naka-react noong una ngunit kalauna'y nagsiunahan ang mga luha kong tinatago sa lahat.
His hug was soothing at hindi ko maintindihan kung bakit ako naiyak ng ganito sa mga bisig ni Liam.
"It's okay, Ash. Cry your heart out. Nandito lang ako." Marahang hinagod ni Liam ang likod ko kaya mas lalo akong naiyak.
I felt bad for this dahil nasaksihan niyang ako sa ganitong sitwasyon. I do not like someone seeing me crying dahil gusto ko lang ay makita nila ako na masungit, seryosong tao and a strong woman.
We remained on that position for few minutes. Nilabas ko lahat ng nararamdaman sa mga oras na iyon at iniyak nang iniyak. I breakdown in front of him not minding what he would think about me.
Nang mahimasmasan ay unti-unti kong pinahid ang luhang dumaloy sa mukha ko.
"Here." Inabot nito ang isang puting panyo kaya kinuha ko iyon. Napalayo na ako sa kaniya at inayos ang sarili. "Maganda ka pa rin kahit pulang-pula ang ilong at mata mo." Ngumisi ito kaya tinapon ko sa mukha nito ang panyo niya at inirapan ito.
"I-I don't let anyone see me crying but you do. Pretend that you didn't see anything," masungit na saad ko.
I heard him chuckled. "It's okay to cry, it's normal. We humans tend to cry our heart out whenever we're in pain. Don't feel embarrassed about it."
Napatulala ako sa kaniya. I didn't see it coming from Liam. I just realized that he have a side like this. Iyon nga lang, lamang 'yong kakulitan nito.
He teased me hanggang sa naging bangayan iyon. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa tumawa ako sa mga sinasabi niya.
Liam and his silliness. Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaniya, I can't deny that.
"So, let's go?" biglang 'aya nito at tumayo. Nilahad nito ang kamay sa 'kin pero hindi ko iyon pinansin.
"Where are we going?"
"Lunch. Doon sa Lalela." He moved his head, tinuturo ang labas ng Leehinton.
"Lalela? Saan ba 'yon?" Nangunot ang noo ko at tuluyan ng kinuha ang kamay nito saka tumayo.
"Basta! Tara ro'n. Maraming nagla-lunch doon,baka mawalan tayo ng mauupuan." Hinila niya na lang ako basta kaya nagpatianod na lang ako.
Makalipas ang ilang oras ay narating naming ang isang magandang kainan. Nakalagay sa entrance ang Lalela Restaurant kaya parang ayaw ko ng pumasok dahil alam kong gagastos ako ng malaki rito. Panlabas pa lang ay parang ang mamahal na ng pagkain.
"What's the matter?" Napatigil si Liam sa entrada ng Lalela dahil sa pagtigil ko sa paglalakad.
"Sa iba na lang tayo kumain," pigil ko sa kaniya at hinila ang kamay nito pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
"Bakit? Ano mo ba rito? You didn't like this place?" nagtatakang aniya.
"No. . . I like the place but. . . is it too much having a lunch to a fancy restaurant like this?"
"This is not too much, Ash. Allow me to treat you here, okay?"
"But—"
"No buts, let's go," pinal na sabi niya at tuluyan na akong hinila sa loob.
When we are inside, I was amazed by the classy designs of the restaurant. Ang gaganda ng mga upuan at ng paligid. It was a a dirty white color na nagpapadagdag sa ganda ng paligid.
Masarap sa mata ang bawat disenyo ng bawat sulok kaya hindi nakasasawang tingnan. Marami nga talagang kumakain dito at nakikila ko ang uniform ng karamihan, estudyante ng Leehinton ang halos animnapu't porsyento na bumubuo sa paligid.
Nawala ang pagsuri ko sa paligid ng marinig ko ang pagtawag ng pamilyar na tao. I scanned the whole place to know who it was only to find out it was Shydeen all along.
She was smiling widely and back to what she used to be. Parang walang namagitang tampuhan sa aming dalawa ng ilang araw. Siguro ay dahil noon pa man ay away-bati kaming dalawa. Saka normal lang naman sa mga magkakapatid na mag-away at saka magbabati rin.
Wala naman na akong sama ng loob sa kaniya. Basta sana huwag na niyang uulitin iyon.
Mabilis napunta ang paningin ko sa katabi ni Shydeen. It was Xavier, one of Liam's friend. Bakit palagi ko silang nakikitang magkasama these days?
Nang makalapit sa kinaroroonan nila ay roon ko lang napagtanto na hindi ma-spelling ang ekspresyon na mukha nito. Mukhang napipilitan lang samahan ang kapatid ko.
"Ash! You are here! With that. . ." sadyang binitin ni Shydeen ang sasabihin. She purposely moved her right brow and grinned wickedly that made my eyes rolled on the thin air.
"Hey, dude! Sumabay na kayo sa 'min," Xavier commanded. His eyes met mine and then eyed Liam. "You really are serious?" he sounded amused.
I don't really get what he said but I have a hint that he was pertaining on me.
Liam laughed inwardly and nodded. Hinawi rin nito pataas ang buhok na humaharang sa noo nito. "Kailan pa ba ako naging hindi seryoso? Sa g'wapo kong 'to?"
Napailing si Xavier, tila hindi naniniwala sa sinasabi ni Liam. "Maupo na nga lang kayo. Kung hindi lang ako gutom, hindi ako kakain dito kasama 'to," he bluntly said, pertaining to Shydeen.
He sounded so rude to my ears kaya papalag sana ako pero inunahan ako ni Shydeen, inagapan ang gagawin ko. She really knows me too well.
"Ash, what's your order? Here's the menu. Masasarap ang pagkain dito." She handed me the menu book, so I don't have the choice to get it from her. I just glared on Xavier but he seemed uninterested for what I did.
Nabalik ang tingin ko sa nakangiting Shydeen. Seryoso ko lang siyang tinitigan pero hindi niya pinapakita na nasaktan siya sa sinabi ni Xavier. She was smiling the whole time as if she didn't heard anything. I sighed at tinuon na lang ang atensyon sa menu book.
I was silent the whole time after me and Liam ordered. Kinakausap at kinukulit naman ako ni Liam pero iniirapan ko lang ito. Xavier ruined my mood at gusto ko siyang sipain tuwing kinakausap siya ni Shydeen pero hindi niya pinapansin.
Alam ko namang rinig nito ang sinasabi ng kapatid ko pero nagbibingi-bingihan lang ang lalaking ito. Panaka-naka niyang sinisiringan si Shydeen na ayaw nitong kasama ang kapatid ko at kung ano-ano pang masasakit na salita.
I was containing my anger towards this man as the time passed by. My patience was slipping pero pilit kong pinapahaba 'yon, for Shydeen's sake at sa amin na rin dito. Dahil baka kapag sumabog ako ay mapahiya kaming lahat dito sa dami ng tao at maging laman ng social media kinaumagahan.
I don't know what's the real score between them but I can feel that Xavier don't want Shydeen to be near him.
Ilang ulit ko na bang sinabi sa kapatid kong ito na stop chasing someone na hindi naman siya gusto? Goodness gracious! She was always like this! Hindi na na magbago. Kahit nasasaktan siya ay todo bigay pa rin.
Napahilot ako sa sintido matapos na makakain sa Lalela.
"Are you okay?" Liam asked.
I nodded. "Yeah. Hindi ko lang gusto ang tabas ng dila ng isang tipaklong d'yan," parinig ko kay Xavier.
Rinig kong napaismid si Xavier sa tinuran ko. Seriously? What's with this awful attitude? I really thought that he was nice.
Tumayo na ako at sinamaan siya ng tingin saka binaling ang tingin kay Shydeen. "Let's go, Shy," utos ko rito.
"Ano. . . dito na muna kami, Ash, p'wede? Mauna na kayo," ngiting anito.
Mariin akong napapikit at naramdaman ang marahang pagtapik ni Liam sa balikat ko. "Mauna na tayo. I think this is not the time for that, Ash. Something was been off to Xavier, he's in a bad mood. I really don't like it if he was like that. Saka, I think, nakaiistorbo tayo in the first place," mahinang saad niya.
Nabaling muli ang tingin ko sa kaibigan ni Liam. He was boredly staring on the glass wall wearing a poker face. Nabaling ang tingin ko kay Shydeen and heaved a sighed, a sign of defeat.
Ayo'kong magmatigas pa at baka magsimula na naman ang away naming dalawa. Kababati pa nga lang namin tapos away na naman agad.
"Okay. Mauuna na kami." Nagpaalam na kami ni Liam sa dalawa at tuluyan ng lumabas sa Lalela.
I don't have the right to hinder what she really wanted. May sariling puso at isip si Shydeen. Kapag gusto nito, gusto talaga nito. Hindi lahat ng oras ay kailangan ko siyang pigilan at baka lumayo ang loob nito sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top