CHAPTER 1

Chapter 1: Coffee and Jerk

PAGPASOK na pagpasok namin ng kapatid ko sa coffee shop ay sinalubong kami ng naghahalimuyak na amoy ng kape.

The place was simple but pretty catchy for people who loves coffee. May mga halaman sa gilid at mga frames ng mga hayop na nakasabit sa bawat sulok. It was relaxing.

Napaka-cute rin ng mga upuang gawa sa kahoy at may mga nakaukit na iba't ibang baso sa gilid no'n. Ang mesa ay hugis tasa at nasa iba't ibang desinyo.

Tanging kami pa lang ni Shydeen ang costumer kaya hindi kami nahirapang maghanap ng mauupuan.

"I'm so excited sa bago nating school, Ash!" Tumili ito na kaming dalawa lang ang nakaririnig. "I think, maraming boys na guwapo ro'n." Napapadyak ito sa ilalim ng inuupuan, kinikilig. Napatigil ito as if may naalala. "Wait, I need to check my make up baka wala na."

"C'mon, Shy, kanina ka pa nag-aayos diyan. Saka bawas-bawasan mo nga ang pagmi-make up mo! Hindi ka ba nangangati riyan?" I irritatedly said.

Napatigil siya sandali sa pagre-retouch at napabaling sa akin. Sinamaan ako nito ng tingin at napasimangot. "Gosh! Asheen Ignacio! You are being so, so, so, manang na naman! Alam mo, boys nowadays, they like this kind of beauty." Tinuro nito ang sarili. "Gets mo? Kaya I am making myself beautiful para may magkagusto sa akin, 'no!"

I rolled my eyes for what she had said. That apperance again. I really don't give a d*mn when it comes to my face unlike her.

She said that people will start to like you when you're beautiful, when you have a sexy body, a silky hair, and have smooth skin. Idagdag pa ang naputing balat. This was really a toxic standard of beauty. This society was rotten and it was getting worse day by day.

All girls are beautiful. Being beautiful was not all about having these standards, it was not about the color, the shape, smell, and so on. Ang pagiging maganda ay nasa kalooban nakikita, hindi sa panlabas na kaanyuan.

"Shy, kapag gusto ka ng tao, tatanggapin at tatanggapin ka no'n kahit ano ka pa at kung ano pa ang itsura mo. Huwag kang maghanap ng taong magugustuhan ka base sa panlabas na kaanyuan. You will not know, baka ang gandang nagustuhan sa iyo ng isang tao bigla na lang nawala at kasabay rin no'n ang paglaho ng nararamdamn nito sa 'yo." Napabuntonghininga ako nang takpan nito ang tainga habang nagsasalita ako.

"Blah, blah, blah. I don't heard what you said."

"I was just saying that you need to make sure if that someone was true to his words towards you, Shy. Ang tigas talaga ng ulo mo. Kapag ikaw nabigo sa pag-ibig, huwag kang iiyak-iyak sa harapan ko," banta ko at ininom na ang kape ko.

Shydeen was saying something but my attention was not on hers anymore. Ganoon iyo kabilis inagaw ng dalawang lalaking pumasok sa coffee shop.

They were talking and laughing. Seemed that they were really that close. They have the same uniform as what we are wearing kaya sigurado akong schoolmate namin sila.

They have the looks and by seing them was giving me a hint what they are, a playboy. The first guy handed a coffee to the second but seemed he doesn't like it.

Umiling lang ang lalaki pero parang pinipilit ito ng isa. Napabuntonghininga pa ito at hindi sadyang napatingin sa direksyon ko ang lalaking may dalang dalawang kape.

Our eyes met pero mabilis lang iyon. Ako ang unang umiwas at tumingin sa labas. Nararamdaman ko pa rin ang tingin ng lalaking iyon kaya hindi na ako nag-abalang tumingin pa.

Nang maramdaman kong wala na ito sa loob ng coffee shop ay pinagmasdan ko na lang ito papalabas. They are walking at hindi inaasahang nabangga siya ng isang babae.

Dahil sa hindi inaasahang pagkakabangga ay hindi naiwas ng lalaking iyon ang kapeng dala. Tumalsik ang laman ng dalawang kapeng dala-dala niya sa kaniya at sa kaibigan nito, ganoon din sa babaeng bumangga sa kanila.

Bigla akong napatayo kaya nagtaka si Shydeen. "Oh? Aalis na tayo? Anong oras na ba?" Napati gin siya sa relong pambisig nito.

Napakurap ako ng ilang ulit. Nagulat din ako sa reaksiyon ko kaya bumaling na lang ako kay Shydeen. "A-ah, o-oo. Let's go? I don't want to be late, Shy. This was our first day of school, remember?" I reasoned out.

Pasimple akong napasulyap sa labas. They seemed arguing and that guy, the coffee boy, was in a neutral position base na rin sa ginagawa nitong pagpapagitna sa dalawang nagtatalo.

Niligpit ko na ang mga gamit namin at kinuha ang coffee na natira saka tinapon sa basurahan. Gumayak na rin si Shydeen pero for the last time, she check her face again. Napairap na lang ako at iniwan siya sa loob ng café.

"Wait for me, Shy! Ang bilis mo naman! Madaling-madali ka? Excited?" pakinig kong ungot nito at tumakbo palapit sa akin.

"Maglalakad pa tayo, Shy, kaya bilisan mo riyan at baka ma-late talaga tayo," kunwa'y singhal ko sa kaniya.

"Whatever! Salty." Napatigil ako sa narinig na iyon at nilingon si Shydeen. Hahampasin ko na sana kaso lumayo na at nag-peace sign sa akin habang tumatawa.

This girl really knows how to pissed me!

"Shydeen!" I shouted at hinabol siya.

The café was near to our school kaya hindi naging mahirap na lakarin ang distansyang iyon papunta sa Leehinton. Hindi naman kami naglakad dahil naghabulan kaming dalawa.

Nang marating ang eskwelahan ay halos mapanganga ako sa engrandeng main gate nito. Nakaukit sa gitna ng gate napakalaking kulay gintong simbolo ng Leehinton University. Bilog iyon, may dalawang espadang nakaekis at sa ibabaw no'n ay nakadapo ang isang agilang nakabuka ang mga pakpak na may nakapaloob na pangalan ng eskwelahan.

Ito ang una kong kita rito dahil noon ay hindi ko man lang nasilip ito sa folder na binigay ni Shydeen sa akin patungkol sa Leehinton. Why I didn't opened it? Sana pala ay binuksan ko iyon.

I thought mga kalokohan lang ni Shydeen ang nasa folder na binigay niya sa 'kin. Ang babaeng talagang iyon!

I tap my identification card sa isang machine kaya nakapasok na ako. Ganoon din ang ginawa ni Shydeen. Nang tuluyang nakapasok sa loob ng eskwelahan, ay hindi pa nga nag-iinit ang mga paa ko sa puwesto bigla na lang akong hinila ni Shydeen.

I can't run the same as her pace kaya muntikan na akong masubsob sa semento kung hindi ko lang nabalanse ang katawan. Ilang ulit na nangyari iyon kaya abot ang kaba ko na baka masugatan ang tuhod o paa.

"Shy! Stop it! Aray! Teka lang!" Huminto naman ito sa pagrereklamo ko. She faced me creating a peace sign on her fingers. I rolled my eyes sa ginawa niyang iyon. "Why are you running?! Muntikan na ako ro'n!" Turo ko sa pinanggalingan ko.

"Ash, naman! Ang kj mo, you know that? Nagbo-boy hunting ako!"

"Boy hunting nang tumatakbo? Hinahanap mo yata mukhang paang lalaki, Shy, e!"ungot ko.

Pinalo ako nito sa braso kaya napaaray ako. "Ganoon dapat mag-boy hunting! Mabilis, matang lawin! Kailangan mong maghanap ng papa at kapag nakakita ka, sunggaban mo na agad!"

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Talk about first class flirt." Napairap ako at kinrus ang dalawang baraso. "Ewan ko sa 'yo, Shydeen." Iniwan ko na siya at nagpatiunang maglakad.

Puro lalaki ang laman ng isip. Hindi ko na alam kung may utak pa ba iyang babaeng iyan o wala. I was wondering kung saan niya isisiksik ang mga lessons namin ngayong school year kung bawat sulok ng isip niya ay paglalandi.

What am I gonna do with this, girl? Hindi pa nga nagsisimula ang klase ay parang sumasakit na ang ulo ko sa isiping paano siya mapapaaral.

Naalala ko tuloy kung paano ko siya pilitin bawat school year na mag-aral. I'm always yelling at her at home just to open her books. She have the wit but she's not into this. Shydeen was never a fan of studying.

Ayaw niyang ma-pressure kaya ganiyan siya. Kesyo raw hindi naman magagamit ang mga tinuturo sa bawat subject kapag namumuhay na siya. Wala naman daw test na 100 items kapag bibili siya ng damit, essays na ipapasa kapag aalis ng bahay, at recitation sa totoong buhay kaya bakit niya pagkakaabalahan iyon?

Whenever she was giving me reasons like that, there was a part of me that wanted to strangled her. Hindi ko alam kung anong klaseng specie ng uod ang pumasok sa utak niyan at kinakain lahat ng interes niya sa pag-aaral.

Kahit na ganoon itong kapatid ko, hindi ko naman siya maiwan sa ere. Kahit na anong gawin niya sa buhay niya ay hindi ko siya mapapabayaan.

She was the only family I have. We have a parents but they got divorce when we are in grade school, grade 1 in particular.

When they are separated, napunta ako sa daddy ko at si Shydeen ay sa mommy namin. We never had the communucation but I know we are longing for each other. I felt it, she felt it too.

When we reached highschool we decided to move out on our parents' house. Both of us never talked about that plan pero iisa ang takbo ng utak namin, ang makaalis sa puder nilang dalawa at magsama kami sa iisang bahay.

They granted our request but after that ay nawalan na kami ng communication sa kanilang dalawa. Nalaman na lang namin na may mga pamilya na sila pero hindi naman nila kami pinapabayaan financially. Buwan-buwan ay may nakalaang pera sa bank account namin kaya hindi kami nahihirapan sa pamumuhay na kaming dalawa lang.

Hindi naman kami sobrang gastos kaya naipon ang mga perang pinapadala nila. We spoil our self sometimes but we do limit ourselves, we agree that we can't spent over twenty thousand pesos each in a month. It was the maximum limit, our minimum was ten thousand pesos.

Nabalik ako sa wisyo nang pinalo ako ni Shydeen sa balikat. Mabilis kong sinapo ang parteng iyon at binalinangan ito ng tingin.

"Oh? Andito na tayo. Kanina ka pa nakatunganga riyan, sis. Diyan ka na lang sa labas ng classroom natin?" puna niya sa akin pero sumilay ang isang ngisi sa labi nito.

Inambahan ko siya ng palo. Kasiyahan niya talaga ang saktan ako ng ganito, 'no? Sadista talaga ang isang ito!

Naghanap na kami ng mauupuan sa likuran pero walang bakante. Ang tanging walang umuukupang upuan ay iyong nasa unahan kaya walang nagawa si Shydeen kun'di sumunod sa akin.

Mas okay na ito dahil medyo may kalabuan ang paningin ko. Hindi pa ako nakakapag-check up sa mata ko kasi tinatamad naman akong lumabas. Maybe it's time for me to do an eye check up later kapag umuwi na kami.

Pabagsak na naupo si Shydeen sa tabi ko habang nanunulis ang mga nguso. Bumubulong ito at sobrang hina no'n kaya wala akong maintindihan.

Base on her expresaion, as if she was casting a spell para sa mga kababaehang umuukupa ng mga seats sa likuran na gustong-gusto niyang puwesto kanina. Pinalo ko siya kaya napatigil iyon.

"What?" lukot na mukhang asik nito.

"Stop murmuring, Shy. Unang araw mo pa lang. baka makahanap ka ng kaaway. Tsk! Ibigay mo na sa kanila iyon, sila ang nauna," suway ko.

Sinulyapan niya iyon bago binalik ang tingin sa akin. "I don't like them! Lalo na 'yong blonde-haired girl. Inirapan daw ba ako kanina nang pumasok tayo rito! Palibhasa angat ang ganda ko sa aming dalawa!"

"Hoy! Ano ka ba! Can't you talk not so loud? Baka marinig nila iyang inuungot mo! Ako na naman ang pag-iinitan niyan!" simangot ko.

"Mabuti nga kung marinig nila. Besides, hindi naman mahirap tukuyin kung sino si Shydeen and Asheen, right?" she reasoned out.

Napailing ako sa sinabi nito at tumahimik na lang. Kinuha ko ang librong nasa bag at nagpalipas oras habang wala pa ang teacher namin.

Shydeen was doing her make up again. She was babbling something but I tried harder to ignore it and focused on the novel that I'm reading. Nang magsawa ito kasasalita ay tumahimik din naman. Thanks, god!

Natigil lang ako sa pagbabasa nang pumasok na ang teachet namin. We do sort of things that was a cliché scene on the first day of class. We introduced our selves but in a creative way. I really hate this on the first day.

Time flew fast and we have no class on the last subject. I decided to go to the soccer field, tutal hindi naman mainit at maganda ang simoy ng hangin.

When I sat down, isang hampas ng hangin ang nagpagulo sa maikli kong buhok. Hinayaan ko iyon, hindi naman magkakandabuhol-buhol iyon sa haba no'n. My cut was not a typical cut na makikita sa mga kakabaihan dito sa Leehinton. Sa mga nakikita ko sa school na ito, ako lang ang parang nakapanlalaking gupit.

Wala naman akong pakialam kung ako ang naiiba. I don't include someone's opinion on my life anyway. I was just being me here.
I rest my back sa mga upuang nasa labas ng soccer field at binuklat ang librong dala. Nasa kalagitnaan ako nang pagbabasa ng maging hindi kumportable na ako sa puwesto. It seems like someone was watching me. Doon ko ginala ang paningin at hindi inaasahang mahagip ng mata ang isang lalaking nakatitig sa akin.

Mabilis na nangunot ang noo ko. Bumalik ako sa pagbabasa pero may mga oras na napapasulyap ako sa lalaking iyon dahil hindi nito makuha-kuha ang paningin sa akin.

Nagsimula na rin akong mailang at napunta sa inis kalaunan.

Why he was staring at me like a mad man? May balak ba ito sa akin?

Pabagsak kong sinara ang libro at nilagay sa bag. Hindi ko na natiis na lapitan pa ang lalaking iyon. Nang ilang dipa na lang ang distansya ko ay roon ko nakilala ang lalaki.

He was the guy on that coffee shop earlier! I scanned him, as if it would give me hints what his personality was.

He was sitting on the grass at kunwaring nagbabasa ng libro. Napasulyap ulit ito sa akin kaya tinaasan ko na siya ng kilay.

Napalunok ito at biglang tumayo, natataranta. He give me a smile but I just stared at him seriously.

"H-hi. . . I'm reading books. You want something?" he said. "Ah! I'm William Alexjandro Scott, just call me Liam." He raised his right hand, hinihintay na makipagkamay rin ako sa kaniya.

Reading a book? Napasulyap ako sa hawak nitong libro na binabasa niya kuno. It was upside down. I smirked, reading his a*s.

Binalik ko ang tingin sa mukha nito at hindi interisadong tingin. I raised a brow. "I'm not here to befriend you but to warned you, mister. Stop staring, will you? Hindi ako makapagpokus sa binabasa ko dahil sa ginagawa mo!"

"Uh. . . sorry, I'm just. . . wondering if you're new here that's why I'm staring a while ago," he reason out at binaba na lang ang kamay na hindi ko tinanggap.

Napangiwi ako sa sinabi nito. Was he hitting on me? Nagpi-pick up line ba ito? Bulok na 'yang mga linya niya, e. I can't see if there was a difference on the boys I dumped at sa kaniya.

He have the looks but by just looking at him right now, I felt like I need to be careful when he was around. His aura says it so. I rolled my eyes and left him without saying goodbye.

Jerk.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top