Chapter 9
Dirty
ALICE
"You're Alice...Rhima Carreon right?"
Saglit akong napahinto sa paghuhugas ng kamay ko at sinulyapan ang nagsalita sa gilid ko.
She's smiling but I knew better.
Sa gilid niya ay nakangisi ang dalawang babae. Hindi ko sila pinansin at tinapos ang ginagawa ko.
Tumalikod ako at umakmang aalis na pero muli siyang nagsalita.
"I'm Alice too...Alice Stacey Yap."
Inis akong bumuntong-hininga at hinarap siya.
"And so? Do I look like I care if we have the same name?"
Nawala ang ngiti sa labi niya pero tumawa siya na nakakairita sa pandinig ko.
"I just got so curious why the new girl in town is so famous...Figures why Klode is talking to you..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya more like sa binanggit niyang pangalan. Muling bumalik sa isip ko ang hitsura niya nang iwanan ko siya kanina, walang sali-salitang iniwanan ko siya at tinalikuran.
"He also talks to me...one day. Bigla siyang lumapit sa akin when someone called me...Hindi lang ako, probably five or more? Basta Alice ang pangalan bigla-bigla niya na lang napapansin."
I never forget you...and I'm hoping na pati rin ikaw, Alice...
Naalala kong huli niyang sinabi sa akin nang talikuran ko siya kanina. He really wants to find me?
"At anong pinupunto mo?"
"You're just like me but one thing is for sure kapag nakumpirma niyang hindi ikaw ang hinahanap niya. He's done with you."
Ngumisi ako. "And what if I'm the one that he's looking for?"
Nawala ang ngisi sa labi niya. "Don't tell me...you're that Alice?"
Ako naman ang ngumisi ngayon at iniwanan silang tatlo nang hindi sinasagot ang tanong niya.
HINDI maalis sa isip ko ang mga nalaman ko. More like hindi siya maalis sa isipan ko. I don't want to be associated with him. Ayoko. Pero hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang kausapin ngayon gayong hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Watch out!" sigaw mula sa likod ko na nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Palingon pa lamang ako nang may malakas na pwersang tumulak sa akin pero imbes na bumagsak sa lapag ay may mga brasong sumalo sa akin.
Narinig ko ang malakas na singhapan at ang malakas na pagbagsak nang tila nahulog na isang bagay sa lapag.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Migael na siyang sumalo pala sa akin.
Nang matantong nakahawak siya sa bewang ko ay mabilis ko siyang tinulak at bumaling sa likod ko.
Napasinghap ako nang makita si Leighton na tila naestatwa sa kinatatayuan niya. Basang-basa siya at punong-puno ng iba't-ibang kalat ang ulo niya pababa sa katawan niya.
Napatingin ako sa timba sa paanan niya. Nagkalat ang mga basura sa paligid. Maraming nakikiusyuso at ang iba ay kumukuha pa ng litrato. Tumingala ako pero wala akong nakitang tao. Napakuyom ang kamao ko sa galit.
Lumapit ako kay Leighton na napansing kong nanginginig ang mga kamay. Hindi pa rin siya gumagalaw. Hahawakan ko na sana siya nang magsalita siya.
"Don't..."
"Leighton..."
Ngumiti siya pero iba ang nakikita ko sa mga mata niya. "I'm glad t-that you're fine. I-I have to go..." saad niya sabay alis.
Pinagmasdan ko ang likod niya habang umaalis siya. Muling bumalik ang tingin ko sa timba at malakas ko iyong sinipa.
"F*cking shit!" sigaw ko bago ko napagpasyahang sundan si Leighton.
"Rhima!" narinig kong sigaw ni Gael pero lakad-takbo akong umalis.
Saktong kakapasok lang ni Leighton sa shower room nang maabutan ko siya. Nanghihinang napasandal ako sa pader at napayukyok.
See?
This is the reason why I don't want to be associated with him. Madadamay lang siya sa kamalasan ko.
An hour and a half passed by pero hindi pa rin siya lumalabas. Tumayo ako at lakas-loob na itinulak ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa naabutan ko.
Mabilis kong isinara ang pinto at nilock iyon. Unti-unti akong lumapit kay Klode.
He's topless and only a towel wrapped around his waist.
And his body...it's covered with scratches.
Pulang-pula ang buo niyang katawan. Nasa harap siya ng salamin habang madiin na kinukuskos ang kamay niya sa labo. Sa gilid ay may nagkalat na tila mga gamot.
"Leighton..." saad ko pero tila hindi niya ako narinig at nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.
Kasabay ng pag-agos ng tubig ay ang agos ng dugo mula sa mga kamay niya. Tuluyan na akong lumapit sa kanya at hindi nakatiis na hinablot ko ang kamay niya.
"Stop!" sigaw ko sa kanya. Tila natauhan siya nang makita ako.
"A-Alice, what are you doing here?"
Tila may pumiga sa puso ko nang makita ang mga kalmot sa leeg niya na alam kong siya ang may gawa.
"A-Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?"
Iniwas niya ang tingin sa akin. Aalisin niya sana nang mahigpit kong hawakan ang kamay niya.
"Why are you hurting yourself?"
"I-I'm not. I'm just cleaning myself. It's dirty. I'm fucking dirty." tila bata niyang saad.
"You're not...Can you put on your clothes and go with me?"
"But--"
"Please Leighton..."
Nang tumango siya ay dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya. Pumunta siya sa locker area. Pinigilan kong sumunod sa kanya. Napunta ang tingin ko sa botelyang nasa sink. Pinulot ko iyon pero walang label ang lalagyan.
What's happening to him?
Naalala ko kung gaano niya madiing punasan ang kubyertos nang kumain kami sa cafeteria. May kinalaman ba ang nangyari kanina kaya siya nagkakaganito ngayon?
Nabitawan ko ang botelya nang marinig ang yabag ng paang papalapit sa akin. Pagharap ko ay bumungad sa akin si Leighton na nakapagbihis na. Tumutulo ang basa niyang buhok at tila may sariling buhay ang mga kamay kong inabot ang towel na nasa bench at pinunasan ang buhok niya. Dahan-dahan kong kinuskos 'yon pero napahinto ako nang maramdaman ang kamay niya sa kamay ko.
"Thank you..."
Napalunok ako nang mapagtantong masyado na kaming malapit sa isa't-isa.
"B-Bakit ka nagpapasalamat? I should be the one to say that... Thank you for always h-helping me."
Lumayo ako sa kanya at tumikhim ako nang hindi niya pa rin bitawan ang kamay ko. Ako na ang kusang bumitaw at tinalikuran siya.
"Let's go..."
Saktong pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga lalakeng pawis na pawis. Base sa mga jersey nilang suot, nahinuha kong varsity team sila Clinton University.
"Woah!"
Tila nagulat sila nang makita ko pero nagsigawan nang masulyapan si Leighton sa likod ko. Mas lalong lumakas iyon nang tuluyang makalapit sa amin si Leighton.
Napailing ako nang mapagtanto ang dahilan ng mga ito. Puro kamunduhan ang mga nasa isipan.
Umirap ako at tinabig ang lalaking nasa unahan ko na kaya pala pamilyar ay dahil siya ang katabi ko kanina sa una kong klase.
Forgot his name though.
"Nice one, Monteciara!" sigawan nila nang maglakad kami paalis ni Leighton.
Itinaas ko ang middle finger ko at ikinaway sa kanila habang naglalakad palayo. Nanahimik ang mga gago pero ilang segundo lang ay muling nagsigawan.
Huminto ako sa paglalakad nang makarating kami convenience store ng CU.
"Stay here." saad ko kay Leighton na kanina pa walang imik. Hindi ko na siya hinintay sumagot at dali-dali akong pumasok.
Isa-isa kong kinuha ang mga kailangan ko at binayaran 'yon sa cashier. Paglabas ko ay naabutan ko si Leighton na pinupunasan ng panyo ang kamay niya. Masyadong madiin 'yon at nangangamba akong mas lumala ang sugat niya. Inagaw ko ang panyo at ako ang nagbalot non sa dumudugo niyang kamay.
Hinila ko siya at hindi ko na binitawan ang kamay niya. Nang makarating kami sa dormitoryo ay doon ko lang siya binitawan.
"What are we doing here?"
"You choose. Clinic or my dorm?"
Kumunot ang noo niya. "I'm fine. I don't--"
"Let's go to clinic then--"
"Don't!"
Ngumisi ako. "Then let's go inside."
"I'm not allowed to go inside."
Sinulyapan ko ang relo ko. "It's still class hours...no one will see you."
"H-how about the guard?"
"She's sleeping at this time."
Hinila ko na siya bago pa siya muling magsalita. Napangisi ako nang masilip na tulog nga ang guard na nagbabantay.
I still have enough time to treat him then.
Why are you doing this? Akala ko ba lalayo ka na sa kanya?
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top