Chapter 8

Ignore

Alice

Naglalakad ako sa hallway papunta sa first subject ko nang biglang may umakbay sa akin. I immediately pulled his hand into his back without looking at him.

"Hey! Chill b-babe...Ouch damn it!" .

"Do you know what I hate the most?" seryoso kong pagharap kay Migael na umistorbo sa paglalakad ko.

Nakangiwi siya habang hawak-hawak ang nasaktan niyang balikat. Lilinga-linga rin ang mokong habang pinipilit ngumiti sa mga nakatingin sa amin.

"I hate it when someones touching me."

"Even your parents?" nakangisi niyang tanong.

Kumuyom ang kamao ko at nawala ang ngiti sa labi niya na tila alam niyang may nasabi siyang hindi ko nagustuhan.

"Especially them..." Tinalikuran ko siya pero huminto ako nang maalala ang sasabihin ko sa kanya. "Stay away from me...Find someone who would gladly pretend to be your girlfriend."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at mabibilis ang hakbang kong naglakad palayo.

Hindi pa ko tuluyang nakakapasok sa room ay dinig ko na ang ingay roon. Pero pagpasok ko ay tila Professor ang dumating at lahat sila ay tumahimik.

I'm used to it. Getting stared at. Kaya tuloy-tuloy lang ang lakad ko pero napahinto ako nang magtagpo ang tingin namin ni Leighton. Tiningnan ko ang bakanteng silya sa tabi niya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong room. Wala ng iba pang bakante bukod sa tabi niya.

Binalingan ko ang lalaki sa gilid ko. Pasimple kong tiningnan ang pangalan sa id niya.

"Harold?"

Tila nagulat ang lalaking nakasalamin at tinuro ang sarili niya. "A-Ako?"

"Yes. Can I ask you for a favor?" Yumuko ako at nilapit ang mukha ko sa kanya.

Ngumisi ako nang makita ang pamumula ng mukha niya. Nagsigawan ang ilan at tinutukso kami.

"F-Favor? A-Ano 'yon?"

Ngumiti ako at tumango. "Can we exchange our seats?"

Nilingon niya ang likod at nakita kong nagalinlangan siya kaya hinawakan ko ang braso niya at bahagyang pinisil 'yon.

"Please?"

Tila nakuryente na mabilis siyang tumayo at niligpit ang mga gamit niya.

"Thanks Harold!" ngiti kong pamamaalam sa kanya.

"W-Welcome!"

Nawala ang ngiti sa labi ko nang magtagpo ang tingin namin. Iniwas ko ang tingin ko at mabilis na naupo.

It's the right thing to do...hindi ka puwedeng magkaroon ng kaugnayan sa akin.

"Nice one...I'm Yuan by the way--"

"Stop talking. I'm not interested." pagputol ko sa sasabihin ng katabi ko at saglit lang siyang sinulyapan.

"Interesting..." saad niya kasabay nang pagdating ng Professor namin.

Pinilit kong magpokus sa itinuturo ng Professor sa harap ko. Ngunit kahit nasa harap ang tingin ko ramdam ko na may nakatingin sa akin at hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman kung sino iyon.

Nang matapos ang mahigit kumulang dalawang oras na klase ay dali-dali kong niligpit ang mga gamit ko. Ako ang kauna-unahang lumabas ng classroom, ni hindi ko pinansin ang pagdaldal sa akin ng katabi ko.

Hindi pa ko tuluyang nakakalabas ay narinig ko na ang boses niya.

"Alice..."

Napapikit ako sa inis nang marinig ang bulungan ng mga kaklase ko kaya tila walang narinig na nagpatuloy ako sa pag-alis. Tila nagtataka ang mga tao sa loob kung bakit kinakausap ako ng kilalang role model ng university na 'to.

Sa ilang linggo ko na sa unibersidad na ito. Nakilala ko base sa usapan nang iba si Klode Leighton Monteciara. Malimit na siya ang topic nila Fae.

Tagapagmana ng Monteciara GOC. Elitista. Genius.

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko tungkol sa kanya. At ang isang katulad niya ay hindi dapat nakikipag-usap sa katulad ko.

NAPAPAGOD kong binagsak ang bag ko sa lapag at nahiga sa bench na nakita ko sa likod ng school. Mabuti naman at merong isang lugar sa paaralan na 'to na walang mga epal sa paligid ko.

Lunch break pero wala akong gana kumain. Mas gusto kong magpahinga. Kung tutuusin ay dapat na akong masanay sa mga malisyosang tinginan at bulungan pero nakakapagod ang magpanggap na hindi ko sila naririnig at nakikita.

Kasalanan 'to ng dalawang lalake na iyon.

Si Migael at si...Leighton.

Wala pa akong isang buwan ay laman na ako ng usapan sa unibersidad na 'to.

Ano nga ba ang mga narinig kong tawag sa akin?

Bad girl...

Playgirl...

The hell with them.

Pumikit ako, walang pakialam sa sinag ng araw na tumatapat sa mukha ko. Malakas naman ang hangin kaya komportable ako sa kinalalagyan ko.

Wala pang limang minuto akong nakapikit nang mapakunot ang noo ko nang mawala ang sinag ng araw sa mukha ko. Doon ko naramdaman ang presensya sa tabi ko.

Napadilat ako at bugnot akong naupo nang makita si Leighton na hinarang pala ang libro niya para hindi ako tamaan ng sinag ng araw.

"Anong ginagawa mo rito?" inis kong tanong sabay pulot sa bag ko.

"Hindi kita nakita sa cafeteria."

"Eh ano naman sa 'yo?" masungit kong saad.

"So I searched for you..."

Kinuha niya ang bag niya at naglabas ng sandwich at bottled juice.

"Here."

"Busog ako."

"Masamang magpalipas ng gutom." saad niya sabay lapag sa tabi ko ng mga dala niya.

Napailing ako at napapalatak sa kakulitan niya.

"Bakit mo ba ako hinahanap? May kailangan ka ba?" 

"I wanted to ask you something."

Tumingala ako at pinagmasdan ang seryoso niyang mukha. Di na ko nagtataka kung bakit isa siya sa maraming 'fangirls' sa school na ito.

He looks like one of those korean actors na mahilig panoorin ni Terrence. He's a sucker for asian dramas so minsan napapanood na rin ako.

"Ask me then leave me alone."

"Do you hate me?"

I was stunned by his question so I just stare at his serious face.

Nang hindi ko na makayanan ang tingin niya ay tumikhim ako at iniwas ang tingin sa kanya.

"Why would I hate someone na hindi ko naman kilala?"

"Then why are you ignoring me?"

Huminga ako nang malalim at hinarap siya. "May rason ba para pansinin kita?"

"So you hate me then."

"I don't."

"Then be friends with me...again. Just like when we were kids."

"Sinabi ko na sa 'yo hindi ba? Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Tila nanigas ang katawan ko nang yumuko siya at ilapit ang mukha sa akin.

"Alice...I missed you. Can you please stop pretending that you don't know me?" ramdam ko ang hininga niya nang sabihin niya iyon.

"That k-kid that you knew...she's gone. Hinding-hindi na babalik ang batang iyon kaya huwag mo na siyang banggitin pa sa harap ko. Why are you even obsessed with that kid?" Tinulak ko siya pero hindi pa ko tuluyang nakakatayo nang hawakan niya ang kamay ko.

"I almost forgot everyone that I knew when I was a ten years old...due to an incident. Almost everyone except my family and a girl...named Alice. Everytime I heard that name, it reminds me of that little kid...and I made a promise to myself that if we ever meet again, I'll fulfill my promise to her...to always be by her side."

TBC














Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top