Chapter 50

This is the final chapter. Epilogue up next. Thank you for reading this story until the end.

Marry me

Isang halik sa pisngi ang siyang nagpaalis ng mga mata ko sa labas ng hospital na kinaroroonan ko. Hindi ko namalayan na nakabalik na pala si Leighton mula sa pagkuha niya ng mga naiwan kong gamit sa Celestine.

"How's your morning? We're leaving in an hour. Are you sure you're okay now?" sunod-sunod niyang tanong habang ang kamay ay humihimas sa tiyan kong impis pa rin.

It's been two days since that night, but I still can't believe that I'm pregnant. Hindi maalis-alis ang takot sa akin na paano kung nawala siya sa amin? The doctors even told us that it's a miracle that our baby survived.

I'm thinking that maybe this is His way to help me cope up from remembering what happened to me five years ago. I wonder what could have happened kung nagising ako at hindi nabura ang alaala ng gabing 'yon. Will I even survive?

Hindi ko pa rin masikmura na nagawa ko iyong bagay na sinabi ko sa sarili kong hindi ko kailanman gagawin. That is to kill someone. Hindi ako nagmamalinis. I've done so many bad things. I've hurt a lot of people especially this man who's hugging me tight right now.

"I'm really a bad person," saad ko imbes na sagutin ang mga tanong niya.

"Alice, come on, stop thinking that. You are not a bad person."

"Then bakit hindi ako nagsisisi?"

"Nagsisisi saan?"

"Sa nagawa ko. I can't take the fact that I accidentally killed someone, but I don't feel guilty about killing him. I h-hate myself for that Leighton," pagharap ko sa kanya habang ramdam ko ang pagkabasa ng pisngi ko dahil sa mga luhang tila wala ng katapusan.

"Alice, you think that way because of what he did to you. He deserved it, kung nagkataon na alam ko ang tungkol sa kanya. Hindi ikaw ang gagawa no'n sa kanya kung hindi ako. So please don't hate yourself, because you don't deserve that hate."

Natahimik ako at niyakap na lang siya. Hinaplos niya ang likod ko at napapikit ako nang maramdaman ang paghalik niya sa ulo ko.

"Do you love me?"

Lumayo ako sa kanya at kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Do I even need to answer that? Of course, I love you. Ikaw lang."

"Then if you love me don't hate someone that I love. Masyado nang maraming sakit ang idinulot sa 'tin ng nakaraan, love, can we focus on our present and future now?"

"Leighton..." naiusal ko nang ilabas niya ang isang kahita mula sa bulsa niya.

"Dad gave this to me last year on my birthday. He said that I should give this to the woman I want to spend the rest of my life with...I found that woman five years ago and I never thought that I'll have her again. I don't want to lose you again, Alice. Not this time."

"Leighton—"

"Will you marry me?" He asked as he bended on his one knee.

"Are you d-doing this because I'm pregnant?"

Umiling siya habang nanatili pa ring nakaluhod sa harap ko. "I'm doing this because I love you."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nanatili akong nakatingin sa kanya. I love him so much. Walang pagdududa roon. Then why I can't just easily say yes?

Am I scared na baka magaya lang ako sa ina ko? Na baka tama si X na katulad niya rin ako. Nasaktan ko na siya noon, papaano kung magawa ko ulit 'yon?

"Alice..." pagtawag niya nang pansin sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot sa reaksyon ko.

"I'm scared," hindi ko napigilang sabihin sa kanya.

"Scared of what? Of us getting married?"

"—of me hurting you. Natatakot akong magkamali ka sa pagpili sa babaeng—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumayo siya at mariin akong halikan. Humiwalay siya agad sa akin at hinaplos ang pisngi ko.

"You don't have to be scared about that. Love, what I realized after what we've gone through was part of loving someone is getting hurt. We've come this far, Alice. Wala ka nang dapat ikatakot pa. We're going to build our own family and I promise you we'll be happy. I'll make you happy."

"Leighton, what did I do to deserve someone like you?" naluluha kong tanong sa kanya.

Ngumiti lang siya at inabot ang kamay ko para isuot ang singsing sa daliri ko.

"It perfectly fits," aniya sabay dampi ng halik sa palasingsingan ko.

"Can we get married after I give birth?" tanong ko sa kanya.

"Is that what you want?"

"Kung okay lang sa 'yo—"

"Whatever you want, I'll do it for you."

***

Makalipas ang ilang buwan...

HINIHINGAL akong nagising mula sa isang panaginip. Agad na kinapa ko ang tabi ko pero wala si Leighton. Inis kong binato ang unan at pinasadahan ng tingin ang orasan sa side table. Pasado alas-tres na nang madaling-araw, nasaan ba siya?!

Lumabas ako ng kuwarto at natagpuan siya sa sala na may kausap sa cellphone. Nakatalikod siya mula sa akin at nagkalat ang mga papeles sa center table niya.

"Is Jacy okay? Claudi, thanks for taking care of them. I'll find some time to visit them."

Jacy?

Padabog kong isinara ang kuwarto at doon ko nakuha ang atensyon niya. Agad niyang ibinaba ang cellphone niya at nilapitan ako.

"Why are you awake? Nagugutom ka ba?"

"Hindi ba ako ang dapat magtanong niyan? Alas tres na nang madaling-araw tapos nandito ka at busy sa kausap mo?"

Napalunok siya at tangkang hahawakan ako nang umiwas ako sa kanya. "Alice, it's Claudi. May sakit kasi si Jacy—"

"And so? Anak mo ba siya? Hindi naman 'di ba? Imbes na ako ang inaatupag mo busy na busy ka sa kanila!"

Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin pero umiwas ako sa kanya at nagtungo sa kusina. Pinaglalabas ko ang mga laman ng ref at padabog kong pinaglalapag 'yon sa countertop not even knowing the reason why I'm doing this.

Huminto ako sa ginagawa ko at napaiyak nang mapagtanto ang inakto ko sa harap ni Leighton. F*ck this life!

It's been two months when we moved in together. Bagama't noong una ay tutol ang Daddy na humiwalay ako sa kanya ay pumayag na rin siya sa pakiusap ko at ni Leighton. Masyadong naging mahirap ang nakalipas na dalawang buwan sa 'kin. Bukod sa maselan kong pagbubuntis, I was diagnosed with post-traumatic stress disorder.

Pakiramdam ko sa paglipas ng araw unti-unti akong nawawala sa sarili ko at kung wala si Leighton at ang batang nasa sinapupunan ko ay hindi ko na alam kung paano ko magagawang harapin ang bukas. Minsan hindi ko na makilala ang sarili ko. Katulad ngayong gabi, parang sirang plaka na umuukilkil sa utak ko ang mga nabitiwan kong salita.

"Alice, come on, let's sleep. I'm sorry for leaving you. I promise hindi na mauulit." pagyakap niya sa akin mula sa likod.

Umiling ako. "A-ako ang dapat mag-sorry. I'm sorry if I'm like this. I'm being indifferent again, pinahihirapan na naman kita!"

"Sshhh, it's just hormones. Did you drink your meds yesterday?"

Hindi ako nakaimik at mukhang nakuha niya na ang sagot sa tanong niya.

"Alice, napag-usapan na natin 'to. Sinabi naman ng doktor mo na ayos lang na inumin mo 'yon kasi kailangan mo 'yon."

"A-Ayos lang? Puwede akong mapaaga sa panganganak kung iinumin ko ang mga gamot na 'yon tapos p-paano kung may masamang epekto 'yon sa baby natin?!"

"Alice, baka mas makasama sa baby natin kung hindi mo iinumin 'yon. Stress can lead you to miscarriage, nasabi na sa atin 'yon ni Jude. Alice, believe me you need those medicines katulad ko."

Yes. Katulad ni Leighton, 'coz just like me he was suffering too from PTSD na hindi ko malalaman kung hindi ko nakita ang mga gamot niya sa drawer sa condo na tinitirhan namin ngayon. But he assured me that he's okay now. Pero hindi ko maiwasang isipin na baka sinabi niya lang iyon para hindi ako mag-alala para sa kanya.

Tinitigan ko siya bago ko malalim na bumuntong-hininga at tinungo ang medicine cabinet namin para inumin ang gamot ko. Sumunod siya sa akin bitbit ang baso ng tubig. Tinitigan ko muna ang gamot sa kamay ko bago ko inumin iyon.

Ngumiti siya at masuyong hinalikan ang noo ko. "Let's sleep?"

Hinaplos ko ang pisngi ni Leighton at hindi ko maiwasang makaramdam ng awa nang makita ang nanlalalim niyang mga mata. Sa loob ng dalawang buwan ng pagsasama namin ay wala siyang ginawa kung hindi alagaan ako na pati trabaho niya ay napapabayaan niya na maging ang sarili niya.

Mahigpit ko siyang niyakap. "Sorry kung nahihirapan ka na sa akin."

"Hindi ako nahihirapan, ano bang sinasabi mo?"

Umangat ako sa ere nang kargahin niya ako at dalhin sa kuwarto. Kahit nang makahiga na kami ay hindi ko inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.

"What happened to Jacy?" tanong ko at hindi maiwasang makonsensya sa mga nasabi kong salita kanina.

"Okay na raw pero may mga gagawin pang tests."

"Ano bang sakit niya?"

Huminga siya nang malalim at hindi nagsalita. Tila walang balak sagutin ang mga tanong ko.

"Bakit ba ang hirap sa 'yong sabihin ang tungkol sa kanila sa akin? K-Kahit ang nangyari sa inyo ni Jace..."

Nang malaman ko ang tungkol sa PTSD niya at sinabi niyang dahil iyon sa aksidenteng kinasangkutan nila ni Jace labis ang lumukob na pagsisisi sa akin. I blame myself for what happened to them. Iyon siguro ang dahilan kaya pilit niyang iniiwasang pag-usapan ang tungkol doon. Dahil na naman sa akin.

Lumipas ang ilang segundo na wala pa rin akong tugon na narinig sa kanya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at tumalikod.

"Sorry, ayoko lang na mas madagdagan ang iniisip mo. Ayokong sisihin mo na naman ang sarili mo sa isang pangyayaring hindi mo hawak."

Hindi ako kumibo sa sinabi niya at pumikit na lang. Niyakap niya ako at hinaplos ang impis na umbok sa tiyan ko.

"Do you really want to know?"

Hindi ako sumagot at hinawakan lang ang kamay niya.

"When I returned from Maryland, I lost myself. I still can't accept the fact that you chose him...so just like a brokenhearted fool, I drowned myself in alcohol. One night, I was drunk in a bar and Jace picked me up, but we got into trouble with some men."

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay niya kaya hinarap ko siya at nanikip ang dibdib ko nang makita ang paghihirap sa mga mata niya.

"N-nasaksak siya kahit dapat ako 'yon pero hinarang niya ang sarili para sa akin, Alice."

Napasinghap ako sa sinabi niya.

"That night I killed him twice, hindi ako nag-isip at kahit na nakainom ako pinilit ko ang sarili kong magmaneho para madala siya sa hospital to save him but we got into an accident."

Niyakap ko siya nang makita ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Nag-umpisa na rin akong maiyak sa sinapit ni Jace at para kay Leighton na alam kong hanggang ngayon ay sinisisi pa rin ang sarili niya.

***

KUMUNOT ang noo ko nang maringgan ang doorbell. Wala akong inaasahan na bibisita sa akin. Ibinaba ko ang librong binabasa ko at tinungo ang pinto. Bago ko buksan ay sinilip ko muna sa peephole kung sino ang nasa labas at napasinghap ako nang makita kung sino sila.

Agad kong binuksan ang pinto at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"Careful Rence, baka maipit mo si baby!" hampas ni Agnes sa kanya kaya dali-dali niya akong binitawan.

Agnes even knew that I'm pregnant. How did they even get here?

Nang humiwalay sa akin si Terrence ay hindi pa rin maalis sa akin ang gulat sa pagdating nila. Hindi maalis ang tingin ko sa isa pang kasama nila.

"H-Heidi..."

"Alice, h-how are you?"

Napipilan ako at hindi makasagot. Still overwhelm about their presence.

"Can we go inside, Alice?" tanong ni Agnes nang lumipas ang ilang segundong nakatitig lang ako sa kanila.

Tumango ako at iginiya sila papasok sa loob ng condong tinutuluyan namin ni Leighton.

"How did you know my place? Bakit h-hindi mo man lang ako tinawagan, Rence?" magkasunod kong tanong habang ikinukuha sila nang maiinom. Agad na lumapit sa akin si Agnes at binitbit ang dala kong tray.

"If I call you, will you answer my calls?" may himig pagtatampo sa boses niyang tanong.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at hindi nakapagsalita. When I remembered my lost memories, I wanted to escape. I wanted to erase those memories again. Tumatakas ako na pati ang isang taong walang ginawa kung damayan ako ay pinili ko ring takasan.

"Your father told me that you were brought to the hospital two months ago. Then I figured it out, you remember everything right?"

Nanlamig ang mga kamay ko at hindi ko pa rin magawang salubungin ang tingin ni Terrence. Dumako ang tingin ko kay Heidi na matiim ang tingin sa akin.

"Are you thinking that you killed him, Alice?"

Napalunok ako at naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. Napahawak ako sa tiyan ko at marahang hinaplos iyon. Doon ako kumukuha ng lakas para hindi sila iwan at piliing magkulong sa kuwarto.

How ironic my life is?

Almost a year ago, I'm begging myself to regain my lost memories but when I remember it, I badly wanted to forget it.

"Alice, it wasn't you. You didn't kill him," saad ni Heidi at inabot ang nanginginig kong mga kamay.

"What do you mean?" hindi ko mapaniwalaang tanong sa kanya.

"It was me."

Umiling ako sa sinabi niya at napatayo. "That's impossible, I-I was the one who shot him!"

Lumapit sa akin si Terrence at hinawakan ang balikat ko. "Alice, remember everything! There are gunshots that we've heard before we left! Believe us, it wasn't you who killed that bastard!"

Mariin akong pumikit at naalala ang magkakasunod na putok ng baril na narinig ko bago kami umalis ni Rence.

"I should have told you right from the start, but I thought that it won't be good for you if I told you. That's why we're here to explain everything to you."

Nanghihina akong napaupo at agad na inabutan ako ng tubig ni Agnes. "Maybe this isn't a good idea, baka mapaano pa si Alice. Maigi sigurong ipagpaliban na muna natin ito, Rence—"

"No, k-kaya ko. I wanted to know what really happened. I shot him, that is what I remember so how come?"

"You did shoot him Alice, but he would live because you didn't shoot him on any vital parts. B-But I did. I shot his chest a-after he tried to shoot me. His medico legal proved it."

***

"HOW's your day love? I brought some sansrival cake, gawa ni Mommy. She'll visit us--"

Napahinto siya sa pagsasalita nang harapin ko siya mula sa pagtitig sa pababang araw sa balcony.

"What happened?" tanong niya at agad na ikinulong ako sa bisig niya. "Why did you cry again?"

"I missed you..."

"Sorry next time, hindi na talaga ako aalis--"

"Sira! I was just kidding. How's Jacy?"

Yesterday evening, Jacy was rushed to the hospital. Then I found out that the little boy is suffering from a congenital heart disease. Iyon din pala ang rason kaya nasa airport sila ng unang beses ko silang makita ni Trish sa pagbabalik ko.

"He's doing fine."

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at humilig sa balustre. Seeing the sunset always calms my mind. Napangiti ako nang yakapin niya ako mula sa likod at katulad nang palaging ginagawa ay hinahaplos ang nakaumbok kong tiyan.

"May problema?"

"I had some visitors an hour ago."

"Your dad?"

Umiling ako. "Terrence..."

I felt him stiffen as I uttered Terrence name.

"Alone?" I can already sense bitterness in his voice as he asked.

"Visitors nga tapos alone? He's with his girlfriend, Agnes and Heidi."

Hindi siya umimik at mas niyakap lang ako.

"Y-You won't leave me again, r-right?" bulong niya sa akin nang lumipas ang ilang minuto na nabalot kami ng katahimikan.

Humarap ako sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Hindi nagugustuhan ang takot na nakikita ko sa mga mata niya. 

"I will never leave you again, Leighton. We're going to build our family and I'll do my best--no I'll just not do my best. I'll make sure that I won't be like my mother. I'll make sure that our love would be enough to be together until the end. K-Kahit anong mangyari hinding-hindi na ako bibitiw pa."

"Promise?" nangingilid ang luhang tanong niya na hindi lang pagtango ang isinagot ko kung hindi masuyong halik sa labi ang iginawad ko sa kanya na agad niyang tinugunan.

"Iniisip mo ba na kaya sila nagpunta rito para yayain akong bumalik sa Maryland?" tanong ko sa kanya matapos naming pakawalan ang isa't-isa.

Napalunok siya at hindi ko na kailangan nang kumpirmasyon para malaman na iyon ang tumakbo sa isip niya nang mabanggit ko ang pagdating nila Terrence.

"They went here to tell me what really happened that night."

Kumunot ang noo niya at nakita ko ang pagtalim ng tingin niya. "They made you talk about that  again? Is that the reason why you cried?!"

"It's not me, Leighton. H-Hindi raw ako ang pumatay sa lalaking 'yon. I-It was Heidi..."

Hindi ko kailanman ikinuwento ng buo kay Leighton ang nangyari ng gabing iyon. Ang tanging alam niya lang ay ang aksidente kong pagkakabaril kay X. Kaya inumpisahan kong ikuwento sa kanya ang tunay na nangyari ng araw na 'yon. Ni hindi ko nga inaakalang kakayanin ko, hirap para sa aking pag-usapan ang mga alaalang iyon kahit na kay Leighton pa pero hindi ngayon. Handa na akong tuluyang pakawalan ang nakaraan. 

Heidi told me that I saved her that day. Ako raw ang nagbigay ng kalayaan sa kanya kahit hindi niya agad iyon nakuha. She was jailed for almost a year but she didn't give up and someone helped her with her case. Fortunately, na-classified as self-defense ang pagkakapatay niya kay X. Sa pagkamatay ni X nawala rin ang mga connection niya. He died along with his power to manipulate us.

Matapos kong magkuwento ay niyakap ako ni Leighton. Ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. Inamin ko sa kanya na tinangka kong kitlin ang sarili ko para makawala kay X.

"I should have tried harder...I should have stayed even when you beg me to leave."

"Let's stop dwelling on our past, Leighton. Let's focus on our future now, together with our miracle." Ngiti ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya at patong sa tiyan ko.

If you don't leave your past in the past, it will destroy your future. Live for what today has to offer, not for what yesterday has taken away.

***

KINABUKASAN ay magaan ang pakiramdam kong nagising sa bisig ni Leighton. Sa nakalipas na mga buwan tila isa ito sa mga araw na walang masamang panaginip nangyari sa akin.

Nakangiti kong hinalikan sa labi si Leighton at napanguso lang ako nang hindi siya nagising. Bumangon ako at napagpasyahang ipagluto siya ng almusal. Dahan-dahan akong bumangon at nagtungo sa kusina. Pero napailing nang makitang paubos na ang stock namin. 

Wala naman sigurong masama kung pupunta ako sa grocery shop sa baba. Masyadong masarap ang tulog ng kasintahan kaya hindi naman siguro ito magigising. But in case na magising siya naglagay ako ng note sa center table na bibili lang ako sa baba. 

Magaan pa rin ang pakiramdam kong binuksan ang pinto para lang mapatda sa babaeng nakatayo roon na tila kanina pa nandoon pero hindi magawang pindutin ang doorbell ng unit namin ni Leighton.

"Trisha..."

Nagulat siya sa paglabas ko pero lumamlam ang mga mata niya at napadako sa tiyan kong pansinin na bagama't hindi pa ganoon kalaki. 

"S-Si Leighton ba? T-Tulog pa kasi siya. Pumasok ka muna gigisingin ko siya--"

"Hindi na kailangan kasi ikaw ang sadya ko, Alice."

Napalunok ako at kusang bumaba ang mga kamay ko para yakapin ang tiyan ko. Bumalik sa alaala ko ang gabing muntikan nang mawala sa akin ang anak namin ni Leighton.

Nang mapansin niya iyon ay mariin siyang umiling. "W-Wala akong gagawin sa 'yo, Alice! B-Believe me, I regret that you almost lost your baby because of what I did. I just really wanted to talk to you. C-Can we talk downstairs?"

Namalayan ko na lang tumatango ako sa kanya at sumama sa kanya pababa sa coffee shop. 

We stayed silent. She was just looking at me and I can't help but to feel uncomfortable with her stare.

Trisha was my friend. At least for her, but for me she still is. 

"S-Sorry about that night. Ilang beses na kitang gustong puntahan p-pero ayaw ni Klode. He's scared that I might hurt you again."

"H-Hindi mo sinadya ang gabing 'yon. You were drunk, Trisha."

Umiling siya. "I was drunk but I know what I'm doing. G-Ginusto ko talagang saktan ka noon because I hated you. Hated you for coming back again...Because I dreamed that one day, Klode and I would end up together."

A teardrop escaped from her eyes but she quickly wiped it. Her hand is shaking as she sip on her coffee.

"Trisha, I'm sorry for what happened to Jace..."

Umiling siya at mapait na ngumiti. "It was an unfortunate accident. Everyone's right, walang may gusto nang nangyari. Hindi maibabalik nang paninisi ko kay Klode ang buhay ni Jace. Hindi rin iyon gugustuhin ni Jace. Maling-mali na itinali ko siya sa responsibilidad kay Jacy. T-That's why I'm letting him go. I'm just here to tell you to please take care of him and don't you ever dare leave him again."

Kumunot ang noo ko sa tila pagpapaalam niya sa akin.

"A-Aalis ba kayo?"

Tumango siya. "Jacy needed an operation, again. We're leaving tomorrow for States."

"I-I'm sorry to hear that..."

"Klode helped us a lot. Kung wala siya hindi ko alam kung paano ko kakayanin na maging isang ina kay Jacy. He'll be a great father to your child, Alice. You were really lucky to have him."

"D-Do you love him?" 

Isang katanungan na hindi ko napigilang maimutawi.

"You can't blame me not to fall for someone like him."

"Sorry--"

"Enough with your apologies." Tumayo siya at dumako ang paningin sa lalaking humahangos na lumapit sa amin. "Make him happy, Alice." mahina niyang saad at tila nanikip ang dibdib ko sa nakikitang emosyon sa mga mata niya habang nakatingin kay Leighton na nakalapit na sa amin.

"What did you do to her, Trish?!" 

"Leighton!"

Ngumisi lang si Trisha at umalis pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagtakas ng luha sa mga mata niya.

"Anong ginawa niya sa 'yo--"

"Wala siyang ginawa sa akin!" paghampas ko sa kanya.  "She's leaving for States alam mo ba 'yon?"

Natahimik siya at dahan-dahang tumango. "Can you send them to the airport tomorrow?"

"I can't leave you."

"It won't take you a day. Don't you want to see Jacy?"

Nanghihina siyang napaupo sa tabi ko at humilig sa balikat ko. "I want to...I love that kid, baka mas mahirapan ako kung makita ko ang pag-alis niya."

"We can visit them, Leighton. Please do this for me. No-- do this for Jacy."

Tumango siya at niyakap ako. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Trisha.

I feel sad for her. I hope one day she'll find someone who can make her happy again.

***

HINDI maalis ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan si Leighton na karga-karga si Louisse at pinapatawa ang pamangkin kong bungisngisin. 

"Blooming ang buntis!" ani Heaven sabay lapag ng salad sa harap ko. 

It's my father's birthday. Kami-kami lang ang bisita kasama ang pamilya ni Leighton. Busy na nag-uusap si Daddy at Tito Cloud ganoon din sina Tita Cha at Tita Sky.

"Dalawang buwan na lang madadagdagan na naman ang chikiting sa pamilya! Kaka-excite!"

"Kaya nga! May papalit na sa pagiging prinsesa ko kina Daddy!" pagnguso ni Claudi pero halatang walang kaseryosohan ang sinabi. "I can't wait to dress her up! Hindi ko kasi nagawa sa baby ko. Uy, Alice, pahiram kay baby ah!"

Natawa ako sa sinabi niya. I'm glad na ayos na kami ngayon. 

"Ate, hindi laruan ang baby ni Kuya para hiramin. Bakit hindi mo na lang sundan si Dash--"

Hindi na natapos ang sasabihin ni Clarence nang pasakan siya ng tinapay sa bibig ni Claudi. 

"Susundan? Dashiel will only be the last man in my life. Wala nang iba pa...hindi na ako magkakamali pa."

Nang mapansin na natahimik kaming mga nasa mesa ay iniba ni Claudi ang usapan.

"Anyway, Heaven and I we're planning to host a baby shower by next month. Anong theme you want, Alice?"

"Hindi naman na kelangan--"

"Kailangan!" pagputol ni Claudi sa akin na ikinatawa ko. 

Ngumiti ako at hinaplos ang malaki ko ng tiyan. Two months from now, magiging isang ganap na ina na ako. Pero naglaho ang ngiting iyon nang makaramdam ako nang pananakit sa tiyan ko. 

"May problema ba, Alice?" tanong ni Heaven nang makita ang pagngiwi ko. 

"Nothing, sumipa lang si baby. Restroom lang ako saglit," sabi ko sabay tayo pero lumakas ang kabog ng puso ko nang maulit ang pagsakit ng tiyan ko.

No. Hindi pa puwede ngayon, baby. Please...

TBC

-Edited huwag na po i-flood ang comment box huhuhuhu. Probably Monday midnight po ang epilogue :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top