Chapter 49
Darkest hours
I can hear his loud cries as he's holding my hand tightly. I can also feel the throbbing pain in my head and stomach but it wasn't enough to distract me from remembering what happened five years ago.
It was me who killed X. I am a murderer.
"Alice, come on wake up! Don't scare me like this! Malayo pa ba?!"
"Malapit na po Ser! "
"Calm down--"
"How can I fucking calm down, Claudine?!"
I wanted to open my eyes and assure him that I am fine but I can't because I know for a fact that I'm not.
I grunted when another sharp pain shoot me on my head then everything turns black and suddenly I am back in the past.
***
"So did you have fun with him last night?"
Sinamaan ko ng tingin si X na ngumisi lang sa akin.
Two hours from now, I'll be leaving the Philippines. Nararamdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa bulsa ko pero pinigilan ko ang sarili kong silipin iyon.
Tumayo ako at mahigpit na hinawakan ni X ang palapulsuhan ko na marahas kong hinila.
"May bibilin lang ako,"
"You better be sure--"
Hindi ko na hinintay na matapos ang sasabihin niya at mabilis ang mga hakbang na tinalikuran ko siya. Nagpunta ako sa rest room at kinuha ang cellphone ko para sana patayin iyon nang muli iyong tumunog.
He's calling again...
Tears streamed down on my cheeks as I declined his call. Papatayin ko na sana ang phone ko nang makita ko sa notification ko ang isang mensahe mula kay Migael telling me na sinabi niya kay Leighton kung nasaan ako ngayon.
Malakas ang kabog ng puso kong lumabas ng restroom silently hoping na hindi niya ako maabutan. Pero napailing ako imposibleng masundan niya ako rito. Bukod sa hindi siya papasukin rito--
"Alice!"
Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang sigaw na iyon mula sa likod ko. Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad para lang mapahinto nang maramdaman ang pagyakap niya sa likod ko.
"W-Where are you going?"
Nanginig ako nang makita na ilang metro ang layo mula sa amin ay si X na matalim ang tingin sa akin. Kaya nilingon ko si Leighton at marahas siyang itinulak.
Pinigilan ko ang sarili kong magpakita ng emosyon nang makita ang hitsurang niyang tila papaiyak.
"Paano ka nakapasok dito--"
"Hindi 'yon ang mahalaga! A-Anong ginagawa mo rito? Are you really leaving?"
Inalis ko ang mga kamay niyang mahigpit na dumidiin sa braso ko at humakbang palayo sa kanya. "Sorry. H-Hindi ko alam kung paano magpapaalam sa 'yo..."
Umiling-iling siya at humakbang palapit sa akin na sinundan ko nang pag-atras palayo sa kanya.
"Huwag mo gawin sa akin 'to, Alice. I-Is this because of what happened last night? D-Did I scare you? D-Did I hurt you?"
"No! Of course not. Listen, Leighton, I have to leave. I'm sorry if I'm being unfair to you but we're done. I'm breaking up with you."
"No! Alice, huwag namang ganito! Mahal mo ko hindi ba?"
Tumango ako at dahan-dahang hinubad ang kuwintas na ibinigay niya sa akin isinunod ko ang bracelet na binili ko. "Mahal kita p-pero--"
"Mahal mo ako kaya itigil mo na 'to. Don't leave me, please, love..." mahigpit niyang pagyakap sa akin.
"Leighton, mahal kita pero mas mahal ko siya."
Naramdaman ko ang paninigas niya sa sinabi ko. Sinamantala ko iyon para itulak siya at ilagay sa palad niya ang mga bagay na binalak kong dalhin sa pag-alis ko.
"Alice..."
"Hindi ko na sana 'to sasabihin pero kailangan niya ako at kahit na mahal kita hindi no'n mapantayan iyong pagmamahal na meron ako para sa kanya. I'm choosing him over you so just forget about me and move on."
Umiling-iling siya at nanikip ang dibdib ko nang makita ang tuluyan niya nang pag-iyak. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya na ramdam ko ang tila maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko.
Nakakakuha na kami ng atensyon kaya tatalikod na sana ako nang magulat ako sa sunod niyang ginawa. Lumuhod siya sa harap ko at niyakap ang bewang ko.
"I-I don't believe you, I know you're something, just tell me, Alice please," nakikiusap niyang saad sa akin.
"I'm sorry, Leighton."
Inalis ko ang braso niya sa bewang ko pero humigpit lang ang kapit niya sa akin. "Don't leave me!" pagtangis niya.
"K-Kuya, flight ko na po, puwede po bang pakialis siya?" baling ko sa dalawang guard na kasama niya kanina pero hindi nila ako sinunod.
"Alice!" sigaw niya at lumipas ang ilang minuto na mariin pa rin ang pagtanggi niyang bitiwan ako.
"Klode, enough with this. Let her go." paglapit sa amin ng isang lalaki na sinenyasan ang dalawang guard na noon lang kumilos para hilahin palayo sa akin si Leighton.
"Uncle Louie, don't let her leave! Please!" nagwawala niyang sigaw sa lalaking pumipigil sa kanya.
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang kuwintas at bracelet na nasa lapag. Pumikit ako at hindi na sinulyapan si Leighton na nagpipilit pa ring makawala sa humahawak sa kanya.
"Alice!" malakas niyang sigaw pero mabibigat ang hakbang na binilisan ko ang lakad ko.
***
"You didn't eat again, Alice, you're going to kill yourself if you'll keep on doing this!" paglapit sa akin ni Terrence sa front yard at inagaw ang sigarilyong hindi ko na mabilang kung pang-ilan ko na.
"We're planning something, Heidi and I, we're going to escape--"
"Escape? Where are we going? He'll still find us."
Hinarap ko si Terrence at katulad ko ay pumayat na rin siya dahil sa kahayupan ni X. He's a fuck!ng liar. He broke our deal. He didn't free Terrence. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang hitsura niya nang una ko siyang makita.
Na kung hindi lang dahil kay Heidi na pamangkin ni X ay baka hindi ko na siya naabutang humihinga. Luckily, the woman likes him. But like me, wala rin siyang kakayahan para kalabanin ang Uncle niya na may sa demonyo.
"But come to think of it, he only wants me. You can escape and I'll make sure that he will never bother you again."
"Alice, I can't let you stay here--"
"Terrence, stop acting like a goddamn hero because you're not! We're helpless! You shouldn't even be here!"
"But I am! And I am the reason why you're here again! In this f8cking hell! You were supposed to be in the Philippines living a peaceful life but--"
"It wasn't just you. Even if he didn't abduct you, I'll still be here because he found me." pagputol ko sa sinasabi niya. "This is my destiny, Terrence...and what I have to do is just accept it."
Matagal niya akong tinitigan at hindi na ako nakaiwas nang yumuko siya at dampian ng halik ang labi ko. Napahawak ako sa dibdib niya para sana itulak siya pero siya na mismo ang lumayo nang marinig namin ang sigaw ni Heidi mula sa loob.
"I-I'm sorry," saad niya at mabilis ang hakbang na tinalikuran ako.
Susunod na sana ako sa kanya nang manlaki ang mga mata ko nang masulyapan ko ang lalaking nakatayo sa kabilang kalye ng bahay ni X.
"Leighton..."
Kumabog nang malakas ang puso ko at mabilis kong nilinga ang pinto ng bahay sa takot na lumabas doon si X. Nanginginig na lumabas ako at pinuntahan siya.
"A-Anong ginagawa mo rito?"
Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako. He looks different with his disheveled hair and I can see that he lose weight, too.
How did he even find me here?
"I-I thought you're lying that you and him..." tila nahihirapang hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
"Please L-Leighton, umalis ka na rito."
"I will! I f!cking will but not after you explain to me--"
"Wala na akong ipapaliwanag pa kasi nakita mo na! M-Masaya na ako kasama siya at kung miserable ka pa rin sa pag-alis ko p-para sundan pa 'ko rito then I'm sorry! But I'm begging you umalis ka na!" mariin kong pagpipigil na sigawan siya.
"How could you do this to me, Alice? How could you break me like this?"
"I warned you not to fall for me but you did. Leighton, it's been months, let go of your feelings for me...I'm begging you."
Ngumisi siya kasabay nang pagpatak ng luha niya. "I can't let go because you've given me so much to hold on to and I still can't understand why you have to choose him."
"I-I don't have any reason telling you why I had to choose him dahil walang mababago."
Lumapit ako sa kanya at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "Please Leighton, umalis ka na. N-Nakikiusap ako, h-he can't see you,"
"I hope one day you'll realize how much you're hurting me...You're the first person who broke my heart and I think for the rest of my life you'll be the one who hurt me the most. Don't forget that, Alice..."
***
Pinakalma ko ang sarili ko bago ako pumasok sa impyernong tinutuluyan ko. Naabutan ko sa sala si Terrence na nilalagyan ng gamot ang noo ni Heidi. Kumunot ang noo ko nang makitang parehas duguan ang labi nila at kita ko ang namumuong pasa sa mata ni Terrence.
"What happened?"
"H-He found out what I'm planning."
Katulad ko rin si Heidi gusto niya ring makatakas sa impyernong lugar na kinalalagyan namin. She's also an asset like me. Kadarating niya lang halos nang malaman ko ang tunay na kulay ni X. And like me, he was also tortured and abused by him. Ginusto ko siyang isama noon pero hindi ko nagawa dahil hindi sapat ang perang hawak ko para sa aming dalawa.
"Go upstairs Alice, X looking for yah!" sigaw ni Dexter na tinawanan lang ang ayos nila Terrence bago nagtungo sa kuwarto ng dalawa pang tauhan ni X na nakasisiguro akong gumagamit na naman ng bawal na gamot.
Ayoko mang iwanan sila Heidi ay napilitan akong sundin si Dexter sa takot na baka bumaba si X at saktan na naman sila.
"Where did you go?"
"Front yard. I just take--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang malakas niya akong sampalin. Hindi ko ininda iyon at sinalubong lang ang matalim niyang tingin.
"Do you really think that I'll be dumb enough para hindi malaman na sinundan ka niya rito? Na kausap mo siya kanina? Tell me the truth! Kasali ba siya sa plano ninyong pagtakas sa akin?! Sa tingin ba ninyo hahayaan ko 'yon!? Pagmamay-ari kita! Hindi ka puwedeng umalis dito!" galit na galit niyang sigaw.
"Hindi ako aalis pero putangi n a X! Palayain mo na sila Heidi at Terrence! Just tell me what you want, ibibigay ko basta pakawalan mo lang sila."
"Do you want me to do that? Then, let's make a deal, Alice."
Kumunot ang noo ko nang kunin niya ang isang baril sa lamesa na tila kanina pa ako hinihintay no'n.
"W-What do you want me to do?"
"I want you to kill someone."
Umiling ako sa gusto niya. "Nababaliw ka na! Kaya kong sikmurain ang ibang pinapagawa mo sa akin pero hindi ang pumatay!"
"Then, do you want to see how I kill your boyfriend with this? That Monteciara, he's bothering you again--"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang mabilis kong agawin ang baril sa kanya at itutok sa kanya 'yon.
"Huwag na huwag mo siyang papakialaman, X! Mapapatay kita!"
Tumawa lang siya na tila hindi natatakot sa nakatutok na baril sa kanya. Habang ako ay ramdam ang sumisidhi kong galit para sa kanya.
"Do you really think you can pull the trigger? You know how to but the question is can you do it?"
I know for a fact that I can't. Hindi niya ako katulad. Hindi ako mamatay-tao. Kailanman hinding-hindi.
"I can't kill someone but I can kill myself kung iyon lang ang paraan para makalaya ako mula sa 'yo..."
Nanlaki ang mga mata niya nang ilipat ko sa sentido ko ang nakatutok na baril sa kanya.
"Don't you f!Cking do it!"
Pumikit ako habang unti-unti kong hinawakan ang gatilyo ng baril pero bago ko pa magawa iyon ay nahila na ni X ang kamay ko palayo sa ulo ko. Tuluyan kong nakalabit ang gatilyo at umalingawngaw ang malakas na pagputok mula sa baril na hawak-hawak ko.
"Fucking shit!" sigaw ni X kaya napadilat ako para lang magulat nang makitang nababalot ng dugo ang puting damit na suot-suot niya. Napaupo siya habang mariing kapit ang tiyan niya.
Nanginginig akong lumapit sa kanya at sinubukang diinan ang tinamo niya pero napapitlag ako nang sumigaw siya. Agad akong lumayo sa kanya at pinagmasdan ang duguan kong kamay.
Doon bumukas ang pinto at pumasok sina Terrence at Heidi.
"I-I didn't mean to! It was an accident!" mariin kong saad sa kanilang dalawa.
"Terrence, get Alice and leave. "
"What?! We can't leave you here!"
"There's n-no one who's going to leave this house!" nahihirapang sigaw ni X.
"Just follow me! I'll call you! I'll just clean this mess! Go now!" sigaw niya sabay bigay ng susi kay Terrence.
Hindi na ako nakapiglas nang akayin ako ni Terrence paalis. Tila nawawala ako sa sarili ko habang pinagmamasdan ang kamay kong nababalot ng dugo.
Sunud-sunuran ako nang isakay ako ni Terrence sa kotse ni Heidi. Mabilis ang kilos niya marahil sa takot na lumabas ang mga tauhan ni X.
Sabay kaming napapitlag nang makarinig ng sunod-sunod na pagputok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko pero pinaandar niya na ang kotse bago pa ako makalabas.
"W-we need to go back, Rence! Heidi needs us!" sigaw ko sa kanya.
"If we go back--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at mabilis na binuksan ang pinto ng kotse kahit tumatakbo pa iyon.
"Alice fuck!" sigaw niya sabay preno.
Nanginginig man ay lumabas ako ng kotse at basta na lang tumawid nang hindi ko tinitingnan ang paligid ko.
Huli na nang makita ko ang kotse na papalapit sa akin. Sa bilis ng takbo noon ay natitiyak kong hindi na ako makakaiwas pa.
"Alice!" malakas na sigaw ni Terrence kasabay nang pagbangga sa akin ng kotse.
***
Nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa akin pagmulat ng mga mata ko. Wala na ang sakit na naramdaman ko bago ako mawalan ng malay pero ramdam na ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko. Bumaling ako sa gilid ko at nakita ang nakatalikod na si Leighton.
"We'll transfer her to Manila as soon as possible, Klode, but we need to make sure na hindi makakasama sa kanya iyon."
"Thanks, Dad."
"Maiwan muna kita at tatawagan ko ang Mommy mo..."
Kasabay ng pag-alis ni Tito Cloud ay ang pagharap sa akin ni Leighton. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang gising na ako. Agad-agad siyang nagtungo sa akin at mariing hinalikan ang gilid ng noo ko. Pumatak pa sa mukha ko ang luha na nanggaling sa mga mata niya.
"Thank God, you're finally awake." bulong niya sabay punas sa pisngi ko.
Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya at naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko nang makita ang duguan niyang damit.
It reminds me of that night.
"Alice?"
Nakaramdam ako ng hilo at mariing napapikit.
"I'll call the doctor! Wait for me--"
Bumangon ako at mahigpit siyang niyakap. "Don't leave me!" Sigaw ko sabay hagulgol.
"Alice, calm down. I'm here, hindi kita iiwan."
"I remember everything! How I left, how I hurt you! How I k-kill him! Hindi ko na alam k-kung anong dapat kong gawin, Leighton."
"A-Alice, kung anuman ang naalala mo. C-can you just forget it? It's all in the past--"
"H-How can I forget that I killed someone!"
"Alice, kung anuman ang nagawa mo I'm sure na hindi mo 'yon ginusto, na hindi mo sinadya. P-please listen to me, control yourself. You have to take care of yourself because we might lose our baby."
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at gulat siyang minasdan. "I'm p-pregnant?" Tanong ko at napahawak pa sa tiyan ko.
"Yes, love. We almost lose him, but he's a fighter just like you. He didn't give up." Naluluha niyang tugon sa akin. "Can you do it, too? Fight again, Alice. I'm here, we're here for you..."
"How can I be a mother in this state? What if I fail?"
"Don't think that way...kaya mo 'to. Kaya natin 'to."
Kaya ko pa nga ba?
TBC
Unedited.
Last Chapter up next! Comments and votes jebal!!!
A/N: Thank you sa lahat nang nagpadala ng mensahe sa akin. Dedicated po sa inyong lahat ang chapter na ito. Katulad ni Alice, I'll keep on fighting hoping that everything in my life will be okay again. Keep safe everyone and let us always remember that during this pandemic, God is with us. Always. Let's trust Him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top