Chapter 48
Murderer
"Relax, love. I told you wala ka nang dapat ipag-alala pa."
Ngumiti ako kay Leighton at tumango bago ko muling ibinalik ang tingin sa dagat. Natatanaw ko na ang Celestine at kulang-kulang sampung minuto ay dadaong na ang small yacht na kinasasakyan namin ni Leighton. Sa buong durasyon ng biyahe naming mula plane hanggang dito hindi mawala-wala ang kaba sa puso ko.
"Alice, if you're uncomfortable, we can still go back? May isa pa kaming island dito at puwedeng doon na lang tayo pumunta."
"No, they're your family. Wala akong dapat ikatakot, kung anuman ang magiging pakikiharap nila sa akin tatanggapin ko 'yon."
Hinapit niya ang bewang ko at masuyong ginawaran ng halik ang noo ko. "Kung may hindi man ako magustuhan sa pakikiharap nila sa 'yo, we'll go."
Makalipas ang ilang sandali ay dumaong na kami sa Celestine. Mahigpit na hinawakan ni Leighton ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa restaurant. Nandoon daw sina Tita Skyleigh at nananghalian. Pilit kong pinawala ang kaba sa dibdib ko at ipinakita kay Leighton na ayos lang ako.
Nasa bungad pa lang kami ng pinto ay dinig na dinig ko na ang ingay na nanggagaling sa dulong lamesa. Gusto ko mang sabayan ng lakad si Leighton ay tila nanghihina ang tuhod ko kaya nagpatianod na lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan kaming huminto sa kinaroroonan nila.
Natigilan ang lahat nang nandoon sa pagdating namin.
"Good a-afternoon po," halos pabulong kong bati sa kanila.
"Mabuti naman at nakarating kayo, kumusta ang biyahe hija?"
Tumayo si Tita Sky at bumeso sa akin. Hinawakan niya pa ang balikat ko at pinisil 'yon. Nakangiti siya na tila ba sinasabi sa aking wala akong dapat ipag-alala.
"Wow, isn't she the girl in the picture sa room mo Kuya?"
"Keegan, she is. Don't you remember her? She used to come over to our house before." Seryosong sagot sa kanya ni Kieran.
"She looks different, mas gumanda," ani Keegan na kumindat pa sa akin. Tuluyan akong napangiti sa kanya.
Sa tantya ko ay nasa labing-tatlo na sila ngayon ng kakambal niya. Pero mukhang nanatili sa pagiging pilyo at makulit si Keegan samantalang tila naging seryoso si Kieran.
Bumaling naman ang tingin ko kay Claudi na sinulyapan lang ako at nagpokus sa pagpapakain sa anak niya. Si Clarence naman ay tumango lang sa akin bilang pagbati.
"I heard from Leighton na mag-aaral ka na ulit hija, anong course mo?" pagkausap sa akin ni Tito Cloud.
"BS Social work po," sagot ko.
"Nice choice, kapag kasal na kayo ni Leighton at nakatapos ka na, puwede mo bang tulungan ang Tita mo sa pag-ma-manage sa foundation?"
"Sure po, Tito."
"No need to ask for her help, Dad. Puwede namang kami na lang—"
"Claudine..." pananaway ni Leighton sa kakambal niya.
Umismid lang ang huli at nagpatuloy sa pagkain. Napuno ng kuwentuhan ang lamesa at nagpapasalamat ako na walang nabanggit tungkol sa nakaraan. It's as if they have a silent deal to never talk about stories that might ruin the atmosphere.
"Dada!!" sigaw na siyang nakapagpalingon sa amin. Nakitaan ko ng gulat si Leighton sa mga dumating pero tumayo siya sa kinauupuan niya at sinalubong si Jacy na tumatakbo papalapit sa amin.
Agad niyang kinarga si Jacy na pinupog siya ng halik sa mukha. Napunta ang tingin ko kay Trisha na ang tingin din ay nasa akin pala. Sa tabi niya ay si Migael na alanganin ang ngiting ibinibigay sa akin.
"Trish! You came, tamang-tama at kanina pa bukambibig ni Dash si Jacy," ani Claudi nang makalapit sila sa amin.
"I-I hope it's okay that we c-came, I didn't know na nandito ka pala, Alice." Baling niya sa akin imbes na kausapin si Claudine.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya sa akin na tila ba hindi ayos sa akin na nandito sila. I admit, nagselos ako sa pinagsamahan nila ni Leighton pero naiintindihan ko ang dahilan kung bakit. Isa pa ay may pinagsamahan din kami. She's my friend and I pity her for what happened to Jace.
"Oh come on, Alice, don't tell me pinagseselosan mo si Trish?" nakataas-kilay na tanong sa akin ni Claudi.
Umiling ako. "Of course not, there's no reason for me to get jealous."
"Really?" ngisi niya sabay baling kay Leighton na dinala si Jacy kina Tita Sky at Tito Cloud.
Halatang komportable sa kanila ang bata na narinig ko pang Gramps at Grandma ang tawag sa magulang ni Leighton.
"Claudine, come on, bakit ba maldita ka pa rin ngayon? Hindi ka na nagbago. Mali. Nagbago pala. Mukhang mas lumala ka pa."
"Shut up, Migael." Ismid niya at tila nakahinga ako nang ayain niya si Trisha na pumunta sa restroom.
I envy Trisha, gusto ko ring bumalik sa panahon na kaibigan pa ang turing sa akin ni Claudi.
"Sorry, I was actually hesitant na pumunta rito dahil alam kong isasama ka ni Klode pero hindi ko naman matiis si Trish, I can't let them go here na sila lang dalawa ni Jacy."
"Look, bakit ba ang tingin ninyo sa akin kontrabida? Leighton told me everything, at naiintindihan ko ang relasyon na meron sila ni Trisha at nung bata."
Kumunot ang noo niya. "Klode told you everything?"
Magsasalita pa sana ako nang maramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Leighton na nakabalik na pala at nakaupo na sa tabi ko.
"Let's take a rest, love," aniya na mas dumikit sa akin at hinapit ang bewang ko.
Nagpanggap na nasamid si Migael at nginiwian kami. "Too cheesy bro, baka hindi na makahinga niyan si Alice."
"If you're jealous, you should find your own love, Migael."
"And be like a crazy man like you? No way..."
Tila may masamang nasabi na binigyan ako ng apologetic look ni Gael. Tinawanan ko lang siya dahil wala namang masama sa sinabi niya.
"I doubt you could say that again when you found the right one..."
Napangiti ako sa sinabi ni Leighton at inihilig ko ang sarili ko sa kanya nang hindi ko napapansin na meron na palang mga matang puno ng sakit na nakatingin sa amin.
***
"Whenever I'm weary...From the battles that raged in my head...You made sense of madness...When my sanity hangs by a thread..."
Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Tito Cloud na kumakanta habang titig na titig kay Tita Sky. Noon hanggang ngayon, naroon pa rin ang labis na paghanga ko sa pagmamahalang meron sila. Hindi itinago sa akin ni Leighton ang nangyari sa pamilya nila pero tila mas lalo lang noon pinatatag ang relasyong meron sila ngayon.
"Until the day the ocean doesn't touch the sand...now and forever...I will be your man..."
Bulong ni Leighton sa tenga ko na sinabayan sa pagkanta ang ama niya. Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya at napangiti.
"Inaantok ka na?" tanong niya na ikinailing ko. I've slept for almost six hours na marahil ay dahil sa sobrang pagod ko sa biyahe namin bukod sa wala pa akong tulog kagabi.
Nagpatuloy ang simpleng event na inihanda ni Claudi para sa parents niya hanggang sa lumalim na ang gabi at napagpasyahan nang patulugin ang mga bata nila Tita Sky.
Lumapit sa akin si Jacy at hinalikan ang pisngi ko. Jacy called me Tita Alice now, ipinakilala ako ni Leighton kanina sa kanya. He's a sweet little boy. He really reminds me of Jace lalo na sa tuwing ngumingiti siya.
"Where's Trisha?" tanong ni Tita Sky sa amin.
"Baka nag-restroom lang Mommy, mauna na tayo at isama si Jacy. Sabihin mo na lang sa pinsan mo Migael na nandoon sa kuwarto namin si Jacy," ani Claudi kaya nag-sialisan na silang lahat at kaming tatlo na lang nila Leighton ang naiwan.
They're still drinking kaya nagpaiwan pa kami at para na rin antayin si Trisha pero naubos na nila ang alak ay wala pa rin siya.
"Magpahinga na kayo, I'll find her." Baling sa amin ni Migael matapos niyang tawagan si Claudi at malaman na hindi pa rin bumabalik doon si Trisha.
"Sasama kami sa 'yo, masyadong malaki 'tong resort para mag-isa mo lang siyang hanapin. Isa pa napansin kong marami siyang nainom kanina, I'm worried about her."
"Alice, you need to sleep—"
"Hindi rin naman ako makakatulog 'eh. Let's just go."
Malalim na bumuntong-hininga lang si Leighton at hindi na nagprotesta pa.
Makalipas ang halos dalawampung minuto ay nakita namin siyang nasa tabing dagat at umiinom sa bote ng wine. Napapitlag ako nang malakas niyang ibato iyon. Kung hindi dahil sa buhangin ay umalingawngaw ang pagkabasag noon.
"Trisha!"
Nilapitan namin siya at napalunok ako nang makita ang luhaan niyang mukha. Nang makita niya ako ay tumalim ang tingin niya.
"Anong ginagawa mo rito?! Bakit ka pa ba bumalik?! U-Umalis ka na lang!" mautal-utal niyang sigaw sa akin marahil sa kalasingan.
"Let's go, Alice. Si Migael na ang bahala sa kanya—"
"No! Hindi siya aalis hangga't hindi natatapos ang sasabihin ko!"
"Trisha enough, lasing ka lang. Let's go, baka hinahanap ka na ni Jacy," akag sa kanya ni Migael pero tinulak niya lang ang huli.
"H-Hindi ko maintindihan bakit kailangan mo pang bumalik?! N-Nanggugulo ka lang alam mo ba 'yon..." umiiyak niyang baling muli sa akin.
"Trisha, I'm sorry pero—"
"Sa 'yo na ang putang ... mong sorry! Hindi niyan maibabalik ang mga nawala sa akin at ang mawawala pa!"
"Trisha, don't talk to her like that!"
"What? Eh putang ... niya naman talaga. I-Ipinagpalit ka niyan, Klode. Iniwan ka pinagmukha kang tanga, kaya hindi ko maintindihan bakit siya pa rin?!"
"You're drunk, let's talk some other time."
Inakay ako ni Leighton papaalis pero hinila ako ni Trisha pabalik sa kanya kaya nabitiwan ni Leighton ang kamay ko. "Dito ka lang! Kanina ko pa 'to gusto gawin 'eh."
Mabilis ang pangyayari at naramdaman ko ang malakas na pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko.
"Damn you, Trisha!" sigaw ni Leighton na mabilis ang kilos na hinapit ako sa kanya.
"Damn you, too! You promised me na aalagaan mo kami ni Jacy! Nangako ka, kapalit ng kasalanan mo sa akin! Sa amin ng anak ko! Kasalanan mo kung bakit namatay si Jace! You killed him!"
Naramdaman ko ang tensyon ni Leighton sa tabi ko. Umuukilkil sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Trisha. Anong ibig niyang sabihin?
"Trisha goddamn it! What the hell are you saying?! Lasing ka na—"
"A-Anong ibig mong sabihin?" pagputol ko kay Migael. Binalingan ko si Leighton at umiling-iling siya habang nakatingin sa akin.
"N-Nasabi sa akin ni Leighton, car accident ang ikinamatay ni Jace, bakit siya ang sinisisi mo?"
Humikbi si Trisha at itinuro si Leighton. "Bakit hindi siya ang tanungin mo? Kung sino ang lasing na nagmaneho ng araw na 'yon at naging dahilan para mamatay ang tatay ng anak ko?"
Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga ni Leighton sa sinabi ni Trisha. May kutob na namumuo sa akin kay napipilan ako at pinagmasdan lang siya.
"W-What now? Hindi mo ba tatanungin ang boyfriend mo kung bakit siya lasing ng araw na 'yon na namatay si Jace?"
"Leighton..." napapalayo kong anas sa kanya.
"Alice, it w-was an accident. B-But yes it was my fault. I was drunk and I drove that car with Jace."
Hinaklit ni Trisha ang braso ko at iniharap ako sa kanya. "Alam mo ba kung bakit nangyari ang aksidenteng 'yon? Kung bakit siya nagpakalasing at ang t-tanga namang Jace na 'yon s-sinamahan siya...it was you. Kasi hindi niya matanggap na niloko mo siya! Na pinagpalit mo siya sa iba! Everything changed because of you! You ruined everything! At ngayong nasa ayos na ang lahat bumalik ka pa! Sinira mo na naman ang lahat!" nanlilisik ang mga mata niya at malakas akong itinulak na siyang ikinatumba ko sa malaking bato sa gilid namin.
"Alice!"
Napangiwi ako nang maramdaman ang pagkirot ng gilid ng noo ko. Ganoon din ang biglaang pananakit ng gilid ng tiyan ko paikot sa puson ko.
"Shit!" mura ni Migael na mabilis akong dinaluhan. "You're bleeding," saad niya sabay lagay ng panyo sa gilid ng noo ko.
Napapikit ako nang makaramdam ng pagkahilo pero mabilis akong dumilat nang maramdaman si Leighton na natatarantang kinuha ang panyo kay Migael at siyang nagtuloy sa pagdiin sa noo ko.
Hinawi ko ang kamay ni Leighton. "I-I'm fine, galos lang to—"
"I'll bring you to the hospital!" pagbuhat niya sa akin.
"No, sa v-villa na lang, Leighton. Nandoon ang pain meds ko."
"No—"
"Please..." pag-iyak ko sa kanya habang tuluyan nang rumehistro sa utak ko ang mga sinabi ni Trisha.
Leighton was involved in a car accident. Kung namatay roon si Jace then it's a grave accident, what if he didn't survive? Kaya ba ganoon na lang ang galit sa akin ni Claudi? Kaya rin ba ganoon ang pagkamuhi niya sa pagbabalik ko?
Partly, it was my fault.
Mabibilis ang hakbang ni Leighton habang buhat ako patungo sa villa namin. Nang mailapag niya ako sa kama ay dali-dali ang kilos niyang kinuha ang first aid kit.
"G-Galos nga lang but still let's go to the hospital..." nanginginig ang kamay niya habang nilalagyan ng gamot ang sugat ko.
Hinawakan ko ang kamay niya para patigilin siya. "Y-You were involved in a car accident?"
"Alice...m-matagal na 'yon. Kung anuman ang sinabi ni Trisha, forget it. K-Kung iniisip mong kasalanan mo, don't please...Kasi ako ang may kasalanan walang ibang dapat sisihin."
"W-Wala nga ba? You were drunk because of me—"
"No! I was drunk because it's my f*cking decision! Labas ka roon!"
Napapikit ako sa sigaw niya at ayan na naman ang pamilyar na pagkahilo ko. Pero nadagdagan iyon nang pananakit ng ulo ko. Tumayo ako nang maramdaman kong may lalabas sa lalamunan ko.
"Alice!" sigaw niya nang nagmamadali akong nagtungo sa banyo.
Inakala kong mawawala ang sakit ng ulo ko at pagkahilo ko nang masuka ako pero tila mas lumala pa iyon at nadagdagan pa ng kirot sa puson ko.
Patindi nang patindi ang sakit ng ulo ko at nanginginig akong napahawak doon nang may mga boses akong naririnig at mga pangyayaring pumasok sa isipan ko.
It was me holding a gun looking at X lying on the ground.
Napadilat ako at napasigaw nang makita ang maraming dugo sa kinauupuan ko. Hinawakan ko iyon at mas lalong nagbalik sa isipan ko ang alaala ng gabing naaksidente ako limang taon na ang nakakaraan.
Malalakas na kalabog ang narinig ko sa labas at sigaw ni Leighton pero ang tanging nagawa ko lang ay umiyak habang pinagmamasdan ang duguan kong hita at mga kamay.
"Shit!" sigaw ni Leighton nang maabutan ako. Umiiyak na yumakap ako sa kanya nang mabilis niya akong buhatin.
"P-Pinatay ko siya, Leighton. Pumatay ako ng tao...I'm a murderer."
TBC
Unedited. Will edit this story after I finish it. Pardon me for errors.
Two chapters left plus Epilogue. Baka next week na po ang kadugtong since mahaba po ang susunod na kabanata. Salamat.
Please don't forget to vote and leave comments for this chapter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top