Chapter 46
TRIGGER WARNING: Mentions of self-harm/suicide. Some scenes may not be suitable for young audiences.
Tired of being tired
Napadilat ako mula sa mariing pagpikit nang makarinig na may kumakatok sa labas. Idinilat ko ang nanakit kong mga mata sa pag-iyak at sa pagpipilit na ring makatulog. Pagtingin ko sa orasan ay pasado alas-tres na pala nang madaling-araw pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nanatili akong nakatitig sa kisame habang patuloy sa pagkatok ang kung sino sa labas. Wala akong lakas o ganang tumayo para tingnan kung sino man iyon.
I'm exhausted. Emotionally, physically and mentally tired.
You know that feeling. When you're tired of being tired. Iyong pagod na kahit na itulog mo alam mong hindi mawawala. I'm starting to question why I'm still alive after all what I've gone through. Ano ba talagang purpose ng buhay ko?
Bumangon ako at kinuha ang sleeping pills na ibinigay sa akin ng doktor ko. I already taken one but I'm still awake. Maybe another two won't hurt right?
Naibagsak ko ang botelya at nagkalat ang gamot sa lapag sa gulat nang malakas na bumukas ang pinto sa kuwarto ng villa na tinutuluyan ko.
"Goddamn it, Alice! Bakit hindi mo binubuksan--"
Napatigil sa pagsasalita si Leighton nang makita ang nagkalat na gamot ko sa lapag. Gulat ko siyang pinagmasdan. Anong ginagawa niya rito?
"W-What's this?" anas niya sabay kuha ng botelya ng gamot ko. "Sleeping pills?! W-What the hell are you going to do with this, A-Alice?"
"A-Anong ginagawa mo rito--"
"Are you trying t-to kill yourself?"
Natigilan ako sa tanong niya. "O-Of course not, I- I just can't sleep...no, why would I try to kill myself?" Umiling-iling ako at pinagmasdan ang nagkalat na gamot sa lapag.
"I-I just can't sleep...w-wala akong balak na ganoon..."
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang tono ko na tila ang kinukumbinsi ko ay ang sarili ko.
Huminga ako nang malalim nang maramdaman ang panginginig ng mga kamay ko at unti-unting paninikip ng dibdib ko.
No! Hindi ko papatayin ang sarili ko...mali siya nang iniisip. Gusto ko lang makatulog para makapagpahinga...
Liar! You're going to do it! Kung hindi siya dumating baka inubos mo na yan at tuluyan ka nang hindi nagising! Stop pretending that you're okay 'cause you're not, Alice!
Napapikit ako at tinakpan ang tenga ko sa pagnanais na mawala ang mga boses na naririnig ko.
"A-Alice..."
"Leave me a-alone, please..." anas ko at tinitigan ko ang mga gamot na nagkalat. May nag-uudyok sa aking pulutin ang mga iyon. Bumaba ako sa kama at lumuhod para pulutin ang nagkalat na gamot.
"No! I'm not going to leave you alone," mariing tugon niya at pinigilan ako sa tangkang pagpulot ng mga gamot. "Not until you explain to me what this is all about?!" sigaw niya at malakas na ibinato ang botelyang hawak niya.
"Nasabi ko na sa 'yo! I can't sleep kaya ko iinumin 'yan!"
"Hindi iyan ang nakikita ko. I-I can feel you're planning t-to..."
"...to kill myself?" pagtatapos ko sa mga salitang hindi niya mabigkas. "Maybe you're right...I wanted to just end everything...I'm so tired, Leighton."
"Alice..."
Hinaklit ko ang braso ko mula sa kanya at nanghihinang napaupo. "Pagod na pagod na 'ko..."
"Is it because of me?" may pagsisisi sa mga mata niyang tanong.
"No..."
"Then is it because of that man?! W-Where is he?! I'm going to kill him!"
"You can't kill someone who's already dead," mapait kong tugon sa kanya. Andoon na naman ang katanungan sa mga mata niya pero malalim lang siyang bumuntong-hininga.
"T-Then why? Nagkakaganito ka ba dahil sa akin?"
Umiling ako. "Hindi nga...Please don't look at me like you're blaming yourself for what's happening with me...it's not you, Leighton. You're even one of the reasons why I'm still here despite of everything...but I'm just so done. All my life I'm fighting, struggling to live but for what reason? A-Akala ko magiging okay na ako kapag nakausap kita but it's not. I-I'm still not okay. I realized na wala pala sa ating dalawa ang problema! Nasa sarili ko ang problema! Hindi ba puwedeng h-hayaan mo na lang ako? Magalit ka na lang sa akin! Kamuhian mo na lang ako!" Pumikit ako at napahagulgol.
"Ang tanga-tanga ko! Alam ko namang walang magbabago, bakit pa ba ako nagpunta rito? Bakit ko pa ba sinabi sa 'yo ang lahat?! Bakit ba kasi nandito ka? Naaawa ka ba sa akin kaya ka nagpunta rito? Did you realize kung gaano kalupit ang mundo sa akin? Just go, Leighton! H-Hindi ko kailangan ang awa mo!"
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nagpunta ko rito dahil desperada akong makausap siya. Gusto kong itama ang mga maling akala niya sa akin dahil may kapiranggot na pag-asa sa puso ko na baka pu-puwedeng bumalik kami sa dati. Pero bakit ngayon ay itinataboy ko siya? Gulong-gulo na ako sa mga emosyong lumulukob sa akin.
Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang nanginginig kong mga kamay. "If you're tired, then I am too..." Tumingala ako at sinalubong ang mga mata niyang lumuluha na rin pala. "P-Pagod na rin ako, Alice. Pagod na pagod na..."
"Leighton..."
"Pagod na akong pahirapan ang sarili ko. Ang isiksik sa utak ko na tanging galit na lang ang nararamdaman ko sa 'yo when it's not...you know what they always say, there's a thin line between love and hate. I just can't admit it to myself until now that after all these years, I'm still not over you...I don't know what you did to me, I-I just can't stop myself from loving you. I'm sorry sa mga nasabi ko sa 'yo, sa galit na ipinakita ko, sa reaksyon ko kanina sa mga sinabi mo. I'm just confused, I can't accept the fact na nagkamali ako ng tingin sa 'yo...na mali lahat ng paratang ko sa 'yo, then I started blaming myself for failing to protect you. Nanliit ako dahil sa mga taon na galit ang nararamdaman ko para sa 'yo. You were struggling to live, just thinking that you could have died makes my heart ache. I can't f*cking breath thinking about your sufferings...I'm sorry, love...please forgive me."
"L-Leighton, I-I...what do you mean...do you still want m-me? Are you saying that you still love me?" paputol-putol kong tanong sa kanya.
Is this a dream?
"Yes, I'm still in love with you. I-I'm here begging for you to take me back. Let's start all over again, Alice...If you want to heal yourself, can you please do it with me? If you're looking for a reason to live, can I be that reason?"
Words won't be enough for my answer so I leaned forward on him and kissed him. Can I be really happy this time?
I wrapped my arms on his neck as he kissed me back. Naghahalo na ang luha naming dalawa at sa gitna ng paghahalikan namin ay naramdaman ko ang pagguhit ng ngiti sa labi niya.
"T-Thank you, love..."
"I love you, Leighton..." anas ko at hinayaan ang sarili kong malunod sa pagmamahal niya.
Mali.
Pagmamahalan pala naming dalawa.
***
"SORRY..." bulong niya sa akin habang mahigpit ang yakap sa akin.
We're both naked still recovering from another mind-shattering climax. I hugged him back and moaned when I felt his throbbing manhood. "Another sorry again? P-Para saan naman ngayon?" humikab ako nang makaramdam nang pamimigat ng ulo ko sa kaantukan.
But I don't want to sleep. Natatakot akong baka sa paggising ko ay wala na naman siya sa tabi ko at isang panaginip lang pala ang lahat.
"Sorry for not controlling myself...you were vulnerable, I feel like I've taken advantage of you...I should have waited--"
"I've waited long enough for this moment, hindi ka nag-take advantage sa akin, Leighton kasi ako ang may gusto nito. So should I be the one to say sorry for taking advantage of your purity?" Tumingala ako at natawa nang makita ang pamumula ng mukha niya.
Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at pinakinggan ang malakas na tibok ng puso niya. I feel so safe whenever I'm with him. Noon hanggang ngayon, siya lang ang may kakayahan na pakalmahin ang emosyon ko.
"I-Is this the scars of your operation?" saad niya habang hinahaplos ang mahabang peklat sa ulo ko.
"Hmmmm, they performed two surgeries on me..."
"How did the accident happened? When did the accident happened?"
It happened when you came in Maryland...
"Told you, I forgot about it. Terrence doesn't want to talk about it, too so I don't have any idea how did it happen. He just said I got hit by a car..."
"Terrence, huh?"
I felt him stiffen and so I hugged him tight. "Jealous again? Terrence is happily in love with someone now. They're even planning to get married after their graduation..."
"Doesn't change the fact that he's been with you during those times na dapat ako ang nasa tabi mo at hindi siya..."
"Let's stop talking about the past, Leighton. Please..."
Tumalikod ako at nakita ang unti-unting pagsinag ng araw sa labas. Unti-unti ko nang ipinipikit ang mga mata ko nang mapapitlag ako nang maramdaman ang daliri ni Leighton na tine-trace ang peklat ko sa likod.
A scar that X did to me.
"It's ugly, right?"
"Siya ba ang may gawa nito?"
Pumikit ako at hindi na siya sinagot pa. Tumigil siya sa paghaplos sa mga peklat ko at mahigpit akong niyakap.
"I love you...all of you Alice including your scars. Never be ashamed of it, because those scars means how strong you are, and I'll forever be thankful for that. Thank you for being brave, love..."
Nakatulog akong may ngiti sa labi sa mga binitiwan niyang salita.
Lumukob ang kaba sa akin nang magising ako nang maramdaman na wala na akong katabi sa kama. Bumangon ako at nabawasan ang malakas na kabog ng puso ko nang makitang suot ko ang polong puti ni Leighton. Pagtingin ko sa side table ay may nakapatong doon na tray na naglalaman ng pagkain at meron pang vase na nakasuksok ang pulang-pula na tatlong rosas.
I prepared this for you...Eat well, love. Gotta do some work, see you later. I love you.
-Leighton
Ilang linggo na akong walang gana pero tila ngayon ay nakaramdam ako ng labis na gutom kaya naubos ko ang inihanda niyang tanghalian para sa akin. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naliligo. Pero nang mapadaan ako sa trash bin at nakita ang sleeping pills ko roon ay lumukob ang kaba sa akin. Did I really try to kill myself last night? What if he didn't come? Will they found me this morning lifeless? Anong mangyayari kay Daddy? Kina Tita Cha at Mandy? and most importantly, si Leighton? Will they blame themselves?
I remember how I told Heaven before...Suicide doesn't take away the pain, you just give it to someone else.
I imagined them crying while I am being buried on the ground.
I shivered from those thoughts. Ipinilig ko ang ulo ko at ang inisip ko na lang ay ang ngayon. Leighton and I were back together. He will be my reason to live not just him pero para rin kina Daddy. I'll forget about the past but not those happy memories I had with Leighton. We'll continue what we had before and I'll be happy, now. We'll be happy together.
Inilabas ko ang pouch na naglalaman ng mga gamot ko at isa-isa kong ininom 'yon. Nasa huling inom na ako nang bumukas ang pinto ng kuwarto.
"What are you doing?!"
Kumunot ang noo ko sa sigaw ni Leighton at lumunok muna ako bago ko siya hinarap. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya nang binalingan ko siya.
Look what you did to him, Alice...you're scaring him...
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "I'm drinking my meds. Prescription sa akin iyon ng mga doktor ko...I'm not going to do that, again. Promise," malambing kong anas sa kanya.
Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga at niyakap ako pabalik nang mahigpit. "Sorry for being overreacting, I'm just scared when I saw you drinking those tablets."
Lumayo ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi. Tumawa ako nang mabilis na namula ang tenga niya.
"Don't start with me, Alice. You're still sore," nangingiti niyang saad.
"Hinalikan lang kita, assumero ka masyado," pang-aasar ko sa kanya na inilingan niya lang. "Bakit ang bilis mo bumalik? Tapos na ba ang trabaho mo?"
"I just needed to supervise the production, no need for me to stay there nang matagal."
Nagtungo ako sa tokador para i-blower ang mahaba kong buhok. Nakakapagod masyado ang buhok, I think I should cut it kapag bumalik na ako sa siyudad.
"Let me," aniya at kinuha ang blower sa kamay ko.
"So, what's your job? Ceo?"
Tumawa siya. "I won't need to be here if I am the CEO. Aside from managing the company together with Dad, I'm also an executive producer."
"Executive producer?"
Tumango siya at inumpisahang ikuwento sa akin ang trabaho niya. Hindi ko maiwasang maisip na ang layo na nang narating niya sa loob ng limang taon samantalang ako ay hindi pa rin nakakatapos.
"Seems like you're a busy man..."
"Not really, and even If I am the busiest man, Alice. Pagdating sa 'yo hindi."
He kissed my temple makaraang matapos niya ang pagsuklay at pagtuyo sa buhok ko.
"I guess something about you never change," harap ko sa kanya at parang bata na yumakap sa bewang niya.
"What is it?"
"You always find words that can make my heart go wild..."
Tumawa siya at binuhat ako na akala mo ay isa akong bata. Kusang pumaikot ang mga braso ko sa leeg niya.
"Masyado kang magaan, let's eat? I need you to gain some weight."
"Kakakain ko lang kaya," nguso ko sa tray na wala halos natira.
"Parang hindi naman," aniya sabay haplos sa tiyan ko. Napalunok ako nang makaramdam nang pag-iinit sa paulit-ulit niyang paghaplos doon.
"I'm hungry...pero parang iba yata ang gusto kong kainin."
Napatili ako nang may pagmamadaling nagtungo siya sa kama at ibinagsak ako roon.
"Leighton!" sigaw ko nang ibagsak niya ang sarili sa akin at sinibasib ng halik ang leeg ko.
***
"WAIT for me here, I'll just get some food for us."
Tumango ako at nginitian siya. Maraming yumuyuko sa tuwing nakikita si Leighton sa resort. Seryoso lang ang mukha niyang tumatango sa mga bumabati sa kanya. Inilibot ko ang tingin sa restaurant ng resort. Ikipinag-kibit balikat ko na lang ang tingin sa akin ng mga nakilala kong empleyado ng kompanya ni Leighton. Parte ng production team ng palabas na tinatrabaho nila ngayon.
Isinama ako ni Leighton kaninang umaga sa set ng film na ginagawa nila. Walang nagtanong kung sino ako pero hindi naman na siguro kelangan pang pormal akong ipakilala ni Leighton para malaman nila kung sino ako. Imposibleng hindi kumalat sa buong resort na buong araw kaming nagkulong ni Leighton sa villa na tinutuluyan ko kahapon.
"Grabe, akala ko si Ma'am Trisha ang girlfriend ni Sir Klode?"
"Gaga, ako rin! Maganda naman pero nakakaloka lang biglaang sumulpot!"
"Naku, hindi kaya nagloloko si Sir? Grabe naman!"
"Sira, magloloko bulgaran, imposible!"
"Malay mo naman!"
"Sssshh! Baka marinig tayo..."
"I'm not deaf. Of course, I can hear you...you're just one table away from me, girls," taas-kilay kong aniya kasabay nang paglingon ko sa kanila.
Napahinto sa pagdadaldalan ang tatlo at kanya-kanyang iwas ng tingin sa akin. May pagmamadaling nagsitayuan sila nang makita nilang papalapit na sa akin si Leighton dala na ang mga pagkain namin.
"Problem?" tanong sa akin ni Leighton nang tahimik kong kainin ang dala niyang tanghalian.
Masarap ang buttered shrimp pero walang ganang nilalaro ko lang iyon sa pinggan ko. Biglang nawala ang gana ko sa mga narinig ko. I shouldn't be affected with what I heard but I can't help it as I remember the day I came back in the Philippines.
Bumuntong-hininga ako at pinunasan ang labi ko. "I'm done..."
"Alice, wala ka halos nakain. May gusto ka bang kainin?"
Umiling ako. "Nothing."
Matagal niya akong tiningnan na tila ba binabasa kung anong tumatakbo sa isip ko. "What's really the problem?" aniya sabay hawak sa kamay ko.
Then I remember what I promised to myself, hindi ko na hahayaang magkaroon ng lamat ang relasyon namin ni Leighton.
"Si Trisha...sino ba talaga siya sa buhay mo?"
Natigilan siya sa tanong kong tila hindi niya inaasahan. "May mga narinig ka ba sa kanila?"
"Just answer me."
"Trisha and I are friends."
"Pero bakit parang hindi iyon ang alam ng lahat?"
Bumuntong-hininga siya at hinilot ang sentido niya na tila hirap na paliwanagan ako. "Alice, what they think doesn't matter..."
"It matters to me! Ayokong isipin nila na nagloloko ka sa girlfriend mo," mariin kong saad sabay hila ng kamay ko mula sa kanya.
"She's not my girlfriend, Alice! I told you, I never love someone else after you. Trisha and I were close, but it's not what you think. We never told them that we're together, nag-assume lang sila at hindi ako obligadong ipaliwanag ang estado ng pribado kong buhay sa kanila!"
Tumango-tango ako at malalim na napabuntong-hininga. "I see..."
Tumayo ako pero mabilis niyang hinawakan ang braso ko. "Saan ka pupunta?"
"I want to sleep. Sa villa muna ako--"
"I won't let you leave until I make it clear to you na walang namamagitan sa amin ni Trish,"
I scoffed. "Trish? Wow, close nga talaga kayo."
"Alice please, we just got back together. I don't want us to fight..."
Matagal ko siyang tinitigan bago ako muling naupo at kinuha ang halo-halo na nabanggit kong gusto kong kainin sa kanya.
"You're jealous about us?"
"Is that even a question? Of course I am...I can't help it." malalim akong bumuntong-hininga at iniwas ang tingin sa kanya. "Kasi ako mismo inakala kong kayo na talagang dalawa, I even thought na anak mo iyong bata..."
"Alice, I love Jacy and I treat him as my own son but believe me he's not mine."
"I know and I believe you. But you can't blame me na maiisip ko iyon kung sa unang tapak ko sa Pilipinas nakita ko kayong magkasama. Sinalubong ka niya at tila ba sanay na sanay ka na kinuha mo sa kanya iyong bata. Kahit sinong makakakita sa inyo iisiping pamilya kayo..."
"You saw us in the airport?"
Hindi ako kumibo at muli malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan niya.
"Trish--I mean Trisha and I, we really became close these past few years. Dahil kay Jacy at dahil na rin kay Jace,"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Jace?"
Hindi ko maiwasang magtaka nang makita ang ekspresyon sa mga mata ni Leighton sa pangalang nabanggit niya. Jace is his best friend. Come to think of it, bago 'ko umalis ng Pilipinas ay may something kay Trisha at Jace.
"Si Jace ba ang tatay nung bata?"
Tumango siya at nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya. "Yes..."
"Where is he, then?"
"He's dead, Alice."
TBC
Votes and comments will be highly appreciated! Thank you so much for supporting Falling Relentlessly ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top