Chapter 45
Greatest downfall
Nayakap ko ang sarili ko nang umihip ang malakas na hangin. Kasabay ng pangangatal ng labi ko ang pagtayo ng balahibo ko sa sumigid na lamig sa katawan ko. Mas lalo kong ipinulupot ang balabal sa katawan ko. Napabuntong-hininga ako nang tingnan ang orasan sa cellphone ko.
It's almost 11 pm. He's still not here.
Yumukyok ako sa tuhod ko sa panghihinang naramdaman ko. Naiinis na pinahid ko ang luhang namalisbis sa pisngi ko. I won't cry. This is not me. Hindi ako iyaking tao, kahit nang halos mamatay ako sa sugat na mga tinamo sa nagdaang mga taon ay hindi ako naging iyakin nang ganito. Gahd! May kinalaman ba ang mga operasyon ko sa pagiging uncontrollable ng emosyon ko?
When the clock strikes at 11:30, I already accepted the fact that he won't come. Dapat na akong tumayo at bumalik sa villa pero nanatili pa rin akong nakayukyok sa tuhod ko.
"Are you planning to sleep here?"
I stopped from rocking myself when I heard the voice coming from my back. Nasundan iyon nang malalim na buntong-hininga.
"Leighton..." anas ko nang sa paglingon ko ay bumungad sa akin si Leighton na kung tingnan ako ay tila isa akong bata na hindi nagawang sundin ang ipinag-uutos niya.
"Why are you doing this to me, Alice? What do you want?" tanong niya sabay bato sa akin ng jacket niya. Isasauli ko sana iyon pero sinamaan niya ako ng tingin kaya inilagay ko na lang iyon sa hita ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko.
"I-I told you I wanted to talk to you..."
"Don't you think it's too late for that talk?" saad niya sabay upo sa buhangin.
Kakasya pa ang dalawang tao sa layo ng pagitan namin. Malungkot kong inalis ang tingin sa espasyong namamagitan sa amin.
"What now? Hihintayin mo bang sumikat ang araw bago ka magsalita?"
Tumikhim ako at napapikit iniisip kung papaano ko sisimulan ang pakikipag-usap sa kanya.
"You look so busy with your work--"
"Alice, enough with pleasantries, just get straight to the point."
I never thought that I'll come to this point na mahihirapan akong kausapin si Leighton.
"Hindi ko alam kung paano magsisimula..."
He scoffed. "Then what are you doing here? Naghintay ka hanggang sa lumalim ang gabi pero hindi mo alam kung paano ka magsisimula. Come on, Alice, this is not you. Listen to me, wala na tayong dapat pang pag-usapan...that night, it was just a mistake going to your house."
"Really? Is it just a mistake? O nagpunta ka roon para ipamukha sa akin kung gaano ka kagalit sa akin? Kung gaano mo kinasusuklaman ang presensiya ko? Just what the hell did I do para ituring mo ko nang ganito? Don't you even want to hear the reason why I left you?"
"Are you seriously asking me that? Nakalimutan mo na ba kung anong ginawa mo? Kung paano mo ko pinagmukhang tanga? Kung paano mo ko pinaniwala na mahal na mahal mo ako ng gabing 'yon para lang iwan ako kinabukasan para sa kanya? Ano pa bang rason ang kailangan kong marinig mula sa 'yo?! Nasabi mo na sa akin noon, you need to f*cking leave because he needs you! Na wala kang choice! Don't tell me nakalimutan na rin kung paano ako lumuhod sa 'yo sa harap ng maraming tao, para lang 'wag ako iwanan?"
Umiling ako habang pilit inaalala ang mga sinabi niya pero blanko.
"What's with you? Ano 'to? Ganoon na ba katagal para sa 'yo ang limang taon para makalimot? Talagang kinalimutan mo--"
"Hindi ko kinalimutan! Hindi ko ginustong kalimutan, L-Leighton..."
Sinulyapan ko siya habang patuloy ako sa pag-iling. "I'm h-here because I'm still stuck up to the past...to that night when I'm still with you, when you're still mine."
"Hindi kita maintindihan! Stop crying and stop talking in riddles, Alice! Just tell me what the hell is wrong with you? Ano bang pinagsasasabi mo?!"
Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko.
"Exactly eight months ago, I woke up in a hospital..." Kumunot ang noo niya pero hindi siya kumibo. "It's hard for me to talk and move that day without knowing why, I was confused why am I in that place...I thought it's just a dream. But it's not...gulong-gulo ako ng araw na 'yon at ang tanging hinahanap ng mga mata ko ay ikaw. Dahil ang huling naaalala ko ay ikaw ang kasama ko, I remember how I closed my eyes beside you that night..."
"You're telling me that you had an amnesia?" tila sa sarili niya sinasabi 'yon habang hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin.
"I-I still have it. I can't remember anything that happened after that night I spent with you. T-They told me that I was asleep for four y-years, in a comatose state and they didn't even expect that I'll wake up, five months prior to my accident I can't remember anything. I-I can't remember how I left you, how you followed me in Maryland, those hurtful words I've said..."
Bumuga siya ng hangin at tila kinurot ang puso ko nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mga mata niya. "You didn't remember how you left me but I believed that you remember why you left, right? You had a plan to leave before that night..."
Tumango ako at mariing pumikit bago siya sinulyapang muli. Hindi ko matagalang tingnan ang mga mata niyang puno ng sakit at pait kaya muli kong ibinaling ang tingin sa dagat habang patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
"I should have known because you acted strange that week...You should have just left o nakipag-break ka na lang then maybe it m-might be fucking easy for me to m-move on, hindi iyong pinakita mo sa 'king mahal na mahal mo ako katulad ng pagmamahal ko sa 'yo. You made me believe that we're going to end up together until we grow old. You even gave yourself to me! Ano 'yon, farewell gift?!"
"Hindi mo naiintindihan! H-Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa akin ang iwan ka!"
Marahas siyang tumayo at pumunta sa harap ko. "Hinding-hindi ko maiintindihan Alice, kasi hindi mo ko binigyan ng pagkakataon na intindihin! You just f*cking left with nothing but a sorry note! Do you think it will be enough for me para hayaan kang umalis?! I was worried for you so I did everything para malaman kung nasaan ka! A-and when I found you in the airport sinabi ko sa sarili kong hindi ko hahayaang umalis ka, na iwanan ako! K-Kasi tang*na hindi ko kayang mawala ka!"
Napaluhod siya at halos pangapusan na ako ng hangin nang makita ang pagtangis niya. He's broken and it's because of me. Kung may ikasisira pa ako, ito 'yon. Ang makita siyang umiiyak dahil sa akin.
He's my greatest downfall.
"I-I'm so inlove with y-you na kahit ipagtabuyan mo ako ng araw na 'yon, pinilit kong paniwalain iyong sarili ko na b-baka may hindi ka lang sinasabi sa akin...na baka napipilitan ka lang u-umalis kasi mahal mo ko 'eh...Sinabi mo sa 'king mahal mo ko! Na hindi ka aalis para sa kanya...Pero anong sabi mo noon? na m-mahal mo ko pero m-mas mahal mo siya. Na hindi mo kayang mawala siya sa 'yo..."
"L-Leighton, hindi 'yon totoo m-maniwala ka!"
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
"Papaano k-kong maniniwala, Alice? Nakalimot ka p-pero hindi ako...Ibinaba ko ang sarili ko para sa 'yo, w-wala akong pakialam sa sasabihin nang iba mapanatili lang kita sa tabi ko p-pero hindi sapat. Hindi ako sapat...P-pero kahit ganoon hindi pa rin ako sumuko, kahit halos lahat sila sinasabing hindi ko dapat paikutin ang buhay ko para sa 'yo...na bata pa ako at marami pang iba diyan, hindi ko sila pinakinggan, kasi ang nasa isip ko lang no'n ay ikaw...Maraming iba p-pero ikaw iyong mahal ko."
Napahagulgol ako at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Hindi man siya tumutugon ay nagpapasalamat akong hindi niya ako tinutulak palayo.
"Despite of every ones' objection, I still searched for you and when I found you...nagsisi ako 'coz while I am trying hard to find you, na kasehodang mapabayaan ko na ang lahat ng meron ako sa buhay ko mahanap ka lang, a-ayon ka at kasama siya. You don't have any idea how I felt when I saw you kissing him...how you killed me when you beg me to leave! You cried asking me to leave dahil ayaw mong mag-isip siya ng tungkol sa atin! You cried because you can't afford to lose your relationship with him!"
Umiling ako at lumayo sa kanya. "N-No, believe me mali ang iniisip mo tungkol sa amin! Nakalimot ako oo pero alam ko sa sarili kong wala akong minahal bukod sa 'yo!"
"How can I believe you?! Tell me, Alice! How?!"
"I-I'll tell you everything! Just please listen..."
Umayos siya ng upo at nakita kong marahas niyang pinahid ang mga luha sa pisngi niya. Hindi siya nagsalita pero kinuha kong senyales iyon nang pagbibigay niya sa akin ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang mga rason ko.
Huminga ako nang malalim para simulang magsalita. Palakas nang palakas ang tahip ng puso ko dahil hindi madali para sa aking ikuwento sa kanya ang lahat-lahat ng tungkol sa nakaraan ko.
Talking about my past is like opening my scars.
Nagpapasalamat ako na hindi siya umalis kahit ilang minuto na ang nakakalipas na hindi pa rin ako nagsasalita dahil pinapakalma ko ang sarili ko. I can't talk with my unstable emotions.
"Nasabi ko na sa 'yo na ipinadala ako ni Daddy sa Mommy ko dahil sa kinasangkutan kong gulo...pero may hindi ako naikuwento sa 'yo. There's this man I met in Maryland, my stepfather, Xenon. We called him X, it wasn't easy for me to be comfortable with him. S-Sa nangyari sa akin noon, hindi naman talaga magiging madali. Pakiramdam ko sasaktan niya rin ako, but he didn't. Hindi p-pa pala," pumikit ako para alalahanin ang nakaraan na pilit kong tinatakbuhan. "I thought iba siya, na nakatagpo si Mommy ng lalaking mahal siya at kayang mahalin ako bilang isang tunay na anak. Pero balat-kayo lang pala ang lahat. One day, I found them fighting, duguan si Mommy pero balewala lang 'yon kay X. Tila isang gamit ang sinasaktan niya at wala siyang pakialam kung mapatay niya pa ang ina ko...That night changes everything in my life, again. Iyong normal na buhay na akala ko makakamit ko mas malala pa pala."
Nilingon ko siya at nakita kong titig na titig siya sa akin. Tila bawat isang salitang binibigkas ko ay hindi niya pinalalagpas sa tainga niya. He was listening intently that it made me nervous that I stopped talking.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at muling nagsalita. "N-Nalaman ko kung anong tunay niyang negosyo. He was a drug syndicate, at i-iyong nanay ko ay asset niya pala sa mga illegal niyang gawain...but my mother needed to stop kasi may nakakilala sa kanya."
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "D-Don't tell me..."
Ako ang nagpatuloy sa mga salitang hindi niya mapaniwalaan at binalingan siya. "Yes, I became his asset. N-Naging tulak ako ng droga sa ibang bansa, Leighton. Sinikmura ko 'yon kasi ayokong mamatay iyong Mommy ko...my mother begged me na palitan ko siya at mahirap man para sa akin hindi ko kayang mawala siya, p-pero in the end she still died."
Naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko sa alaalang bumalik sa isipan ko. Ramdam ko ang kakapusan ko ng hininga kaya paulit-ulit akong huminga nang malalim.
"I-If it's hard for you to continue then stop, Alice..."
Umiling ako. "She died by killing herself in front of m-me...she died thinking that I'm a whore because she saw me naked beside her husband...diring-diri siya sa akin pero kung alam niya lang mas diring-diri a-ako sa sarili ko. Sa p-pangalawang pagkakataon, may bumaboy na naman sa akin pero ang mas masakit ay h-hindi ako nagawang paniwalaan ng sarili kong ina. Mas pinili niyang mamatay habang iniisip na inagaw ko sa kanya ang asawa niya."
Hindi ko siya magawang masulyapan kaya hindi ako lumingon sa kanya pero dinig na dinig ko ang makailang ulit niyang pagbubuntong-hininga na tila ba ay katulad kong nahihirapan ding huminga.
"Y-You need to rest--"
"Gusto ko na ring mamatay noon, L-Leighton. Pero palagi akong nabubuhay, b-binubuhay ako ni X dahil p-pagmamay-ari niya raw ako. So I did a desperate act, pinagplanuhan ko ang pagtakas mula sa kanya sa t-tulong ni Terrence...Tumakbo ko rito sa Pilipinas dahil umaasa akong sa lugar na ito hindi niya na ako masusundan pa..."
"B-But he found you, is he the reason why you left?"
"Y-Yes, pero wala siyang kakayahan na mapabalik ako sa lugar na tinakasan ko k-kung wala siyang alas laban sa akin."
"It was T-Terrence? Mas pinili mong bumalik sa impyernong buhay mo roon para sa kanya?"
Umiling ako. "He was one of the reason pero sa lahat ng rason ko para piliin kong sumama sa kanya," Huminga ako nang malalim at binalingan siya. "Ikaw 'yon, you have no idea how scared I was knowing na alam niya ang tungkol sa 'yo. He's dangerous! Parang pagpatay lang ng ipis ang pagpatay ng tao sa kanya...Hindi ko kakayanin kung madadamay ka sa gulong meron sa buhay ko!"
"I should be the one to protect you, Alice, not the other way around! If only sinabi mo sa akin ang tungkol sa kanya, I could have done something! We could have help you! It would be easy for us to throw him in jail!"
"Hindi mo ba ko narinig? You don't know anything about him! Halang ang kaluluwa niya! Bago mo pa siya mapakulong baka p-patay ka na!"
Tumayo siya at sinipa ang buhangin para doon ibunton ang galit niya.
"But what if hindi iyon ang nangyari?! You know what's the problem with you?! Ang hirap para sa 'yong pagkatiwalaan ang mga tao sa paligid mo! Tingin mo kaya mo ang lahat!"
Tumayo na rin ako at hinarap siya. Halu-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Ayokong kaawaan niya ako sa mga pinagdaanan ko pero ang hirap lang tanggapin na marinig mula sa kanya na tila sinisisi niya ako sa desisyong ginawa ko.
"Don't talk as if nandoon ka sa sitwasyon ko noon, Leighton! I can't risk your life! Hindi lang ikaw kung hindi ang pamilya ko!"
"Kami lang ba talaga o si Terrence ang iniisip mo?"
Umiling-iling ako habang lumalayo na sa kanya. "H-Hindi mo alam kung gaano kahirap para sa aking piliin ang desisyong iyon...H-Hindi ko hinihinging maintindihan mo 'ko pero sana hindi mo pagdudahan ang intensyon ko noon na protektahan ka. Hindi ko pinagdududahan ang kakayahan mong protektahan ako p-pero hindi kaya no'ng talunin ang takot kong saktan ka niya dahil sa akin."
Yumuko ako at pilit na ngumiti sa kanya. "M-Maybe the reason why I forgot everything that happened after that night was because I wanted to forget those painful memories with you. Ang gusto ko lang maalala ay kung gaano natin minahal ang isa't-isa, kung gaano mo 'ko tinanggap sa kabila ng lahat."
I took another step away from him. I heavily sighed and looked at him.
"Wala akong inaasahan na mula sa 'yo dahil matagal na taon na ang lumipas para sa 'yo...gusto ko lang ipaalam sa 'yo ang lahat ng 'yon para baguhin ang paniniwala mo na umalis ako dahil hindi ka sapat...na umalis ako para sa kanya. Dahil maniwala ka man o hindi Leighton...ikaw lang din ang lalaking minahal ko. I-Ikaw hanggang sa huli...kahit na hindi na ako."
TBC
Sorry for the late update. Mukhang maikli dahil nasa iisang scene pero ito na po ang isa sa mahabang chapters ng Falling Relentlessly ^__^ I'll try my best to update again this week :) Don't forget to vote and comments ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top