Chapter 44
Afraid
"What are you afraid of, Alice?"
It was a question asked by my psychiatrist when I told him that I can't find the confidence to talk to Leighton even if I'm desperate to know everything that happened to us.
It's been two months since I came back, I'm okay now, atleast physically.
"Hey, hindi ba masarap ang cinnamon na ibi-nake namin ni Mommy?"
Nilingon ko si Heaven na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa akin. Pilit akong ngumiti at kinagatan ang cinnamon na kanina pa inabot sa akin ng maid pero hindi ko pa rin halos nakakain.
"It's delicious," komento ko dahil totoo namang masarap. Wala yata silang hindi niluto na hindi masarap.
Wala lang talaga akong gana.
"Nag-aalala na sa 'yo sila Daddy, you're getting thinner, Alice. You should eat more, may gusto ka bang kainin? I can cook it," nakangiti niyang saad sa akin.
Kitang-kita ang saya sa mga mata niya nang sulyapan si Rick na nilalaro si Mandy sa pool area. They were about to move out when Louisse was born but Dad insisted na mag-stay muna sila kahit ilang buwan. I was relieved when they didn't leave, 'coz I really love seeing and holding her daughter. She calms me down everytime I just wanted to break down.
Umiling ako. "I'm fine, Heaven. I'm sorry kung namomoroblema kayo dahil sa akin..."
"You're not a problem, Alice, when would you stop thinking that?" Bumuntong-hininga siya at pumangalumbaba. Sinusuri ang mukha kong alam kong parang papel na naman sa pagkaputla. "I think I should call Jude because it seems like he can't help you!" Tukoy niya kay Jude na pinakilala niya sa akin.
It turns out that he was a psychiatrist of Heaven years ago. She was clinically diagnosed with depression and I knew it. I witnessed how she tried to kill herself. But looking at her now, she's different. Malayong-malayo sa Heaven noon.
"How did you do it, Heaven?"
"What do you mean?" Kunot-noo niyang balik-tanong sa akin.
"How did you cope up from the p-pain, anxiety, depression and everything that's keeping you from being happy?"
Matagal siyang hindi nagsalita at waring pinag-iisipan ang isasagot sa akin.
"It wasn't easy, and I know na alam mo 'yon kasi iyong kalaban mo iyong mismong sarili mo. But, you kinda wake me up you know..."
"Me?"
Tumango siya at ngumiti. "I really hated you before, I know you felt like you were an outcast nang iuwi ka rito ni Lola but it's not like that for me. Noong wala ka pa, palagi kang bukambibig ni Lola tapos si Daddy naman hindi siya nagsasalita pero sa tuwing mababanggit ka his eyes would light up. I was insecure with you...Kaya nung bumalik ka galing states, I was scared kasi pakiramdam ko sisirain mo ko without realizing na ako pala mismo iyong sumira sa sarili ko because of my insecurities and hatred na hindi naman dapat..."
"Heaven..."
Suminghot siya at pinahid ang luhang namalisbis sa pisngi niya. "Then you saved me that night, you gave me another chance to live. But s-still, hindi ko pa rin matanggap sa sarili ko na may mali sa akin k-kaya pinilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na magiging ayos na ako k-kasi wala ka na...when I found out what happened to you then we visited you in Maryland. Ang dami kong na-realize habang pinagmamasdan ka na halos wala ng buhay, like how I need to accept that there's something wrong with me. That it's not just a simple insecurity or sadness...Katulad mo pilit ko ring tinatakbuhan iyong nakaraan pero sa pagtakbo ko hindi ko alam na ikinukulong ko na pala iyong sarili ko sa sakit sa pag-iisip na mag-isa lang ako..."
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. "B-because of you, I found a will to live. That's when I decided to see, Jude...he helped me but I also helped myself. Mental pain is a battle against yourself and I won...at alam kong ikaw rin kaya mo, Alice. If you want to cope up, you have to face everything that's keeping you from moving on. You've come so far Alice, remember all the battles you've won and all the fears you have overcome. Ngayon ka pa ba susuko?"
Sinulyapan niya ang magazine na nasa tabi ko kung saan si Leighton ang cover. Isang business magazine iyon na nakita kong binabasa ni Rick at walang araw na hindi ko paulit-ulit binabasa ang lahat ng tungkol kay Leighton doon at pinagmamasdan ang larawan niya.
"Nasabi ba sa 'yo ni Daddy na nagpunta siya rito nang umalis ka ng bansa?"
"Si L-Leighton?"
Tumango siya. "Yes, he was asking Dad about your address in states pero si Daddy hindi niya binigay iyon kasi iyon yata ang binilin mo na 'wag na kausapin ni Daddy iyong boyfriend mo. Dad obliged pero galit na galit siya, can you believe it muntikan na kaming magpatawag ng security ni Mommy dahil sa pagwawala niya. I saw his desperation that day, Alice...along with it was his love for you. All of us know na isa siya sa dahilan kung bakit ka nagkakaganito, if he's the reason of your pain, then he might be the one who can heal you..."
Sa sinabi niya ay palakas nang palakas ang tibok ng puso ko habang ini-imagine ko ang pagpunta niya rito.
"Jude asked me kung anong kinatatakutan ko sa pagkikita namin, Heaven..."
"What did you say?"
"I didn't answer kasi parang hindi ko kayang tanggapin iyong sagot ko sa tanong niya."
"Ano nga bang kinatatakutan mo?"
Kinuha ko ang magazine at pinakatitigan iyon.
"I'm scared that even if I told him everything, nothing will change. He'll still hate me...na hindi niya pa rin ako mapapatawad sa mga nagawa ko sa kanya...na hindi pa rin magiging sapat ang mga paliwanag ko."
"Alice, pero paano kung hindi? Paano kung may magbago? Hahayaan mo na lang bang pakawalan ang pagkakataon na baka maging ayos ulit kayo. O kung hindi man ay parehas kayong makalaya sa sakit ng nakaraan?"
Sinulyapan niya si Rick na napapatingin na sa amin. "Years ago, I was like you takot na takot akong harapin si Rick nang malaman k-kong siya p-pala ang kapatid ng batang nabangga ko noon..."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "D-Don't tell me--"
"Yes, siya iyong kapatid ng bata na 'yon, Alice. Hindi ko alam kung gaano kakomplikado ang relasyon ninyo pero kung nagawa namin na malabanan lahat ng pagsubok sa amin. Tingin ko ganoon din kayo...Fight for the people you love, Alice. No matter what task or risk you may face, it will be worth it."
***
Celestine Island Resort
Papalubog na halos ang araw nang makarating ako sa destinasyon ko. Inalalayan ako ng bangkero na makababa at agad na may sumalubong sa akin na empleyado ng resort. Habang isinasabit niya sa akin ang isang bulaklaking kuwintas ay inilibot ko ang tingin ko sa malawak na resort.
"Welcome to Celestine, Madam. This way please."
Sumunod ako sa kanya habang iginagala ang paningin sa paligid. Sumikdo ang puso ko nang matanaw ang tila isang shooting sa kaliwang panig ng resort.
The place was a paradise just like what Migael told me. Pero hindi ko magawang aliwin ang sarili ko sa tanawin. Ang tanging nasa isip ko lang ay siya. Anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang sinundan ko siya?
"Enjoy your stay here, Ma'am."
"Thank you..."
Pumasok ako sa loob ng villa na binook ni Tita Cha para sa akin. I wonder how expensive this place is. Kailangan ko na talagang asikasuhin ang trust fund na binigay sa akin ni Lola. Hindi pupuwedeng sila na lang ang gagastos sa akin gayong may pera naman ako.
I wore a maxi dress and I grimaced when I saw myself in the mirror. What I see was a woman who looked so sick with her thin body and pale face. Inilugay ko ang mahaba kong buhok para kahit paano ay matakpan ang payat kong braso.
Lumabas ako at hindi mawala ang malakas na kabog ng puso ko habang naglalakad ako palabas. Kagat-labi kong iniikot ang paningin ko searching for him.
Yes, I'm here alone in unfamiliar place for him. For Leighton.
After talking to Heaven, I finally find the courage to face Leighton. Kinontak ko si Migael at dito niya ako itinuro sa Celestine. It was an island resort owned by Monteciaras'. Kasalukuyan daw na nandito si Leighton para sa isang pelikula na pino-produce ng kompanya nila. Sa tulong nila Tita Cha at Heaven ay napapayag ko si Daddy na magpunta rito. Pero wala siyang alam sa plano ko, bakasyon lang ang pagkakaalam niya.
Tumunog ang cellphone ko at agad ko iyong sinagot.
"Nandiyan ka na ba?"
"Yes, Dad kadarating ko lang--"
Lumunok ako at natigil sa pagkausap sa ama ko nang makita kung sino ang makakasalubong ko.
"D-Dad, I-I'll call you again."
After weeks, here he is. In front of me.
Salubong ang kilay niya habang kinakausap siya ng isang babae. Mabibilis ang hakbang niya at hindi tumitingin sa dinaraanan niya. Bago pa sila makalagpas sa akin ay humarang ako sa dadaanan nila.
"Sir naman! This is my script bakit po kailangang pakialaman ni Direk--"
"Jesus Joanne, and what do you want me to do?! Ang ipatigil ang production para sa walang kuwenta ninyong away?!"
Pakiramdam ko mabibingi ako sa malakas na tibok ng puso ko nang huminto na siya sa harap ko.
"Excuse--"
Hindi niya na natapos ang sasabihin niya nang mapasulyap sa akin. Kumunot ang noo niya at nakita ko siyang napalunok nang makita ako.
"What are you doing here?" He said after staring at me for a while.
"I-I..."
Umiling siya at nilagpasan ako marahil ay nainip na sa isasagot ko sa tanong niya. Mabilis ko siyang hinabol at hinawakan ang braso niya.
"Leighton--"
"What?!" Napapiksi ako sa sigaw niya at maging ang babaeng kasama niya. Napabitaw ako sa kanya at nakaramdam ng pagkapahiya.
Ngumiwi iyon at iiling-iling na iniwan kaming dalawa.
"I-I'm here because I wanted to talk to you..."
Tumaas ang kilay niya at nakita ko ang pagdilim ng mukha niya nang bistahan ang hitsura ko.
"You went here to find me?"
"Y-Yes," anas ko.
"You should have stay at home, Alice. Looks like you need it, do you even eat?!"
"I'm fine."
"You don't look like you're fine," pumikit siya at tila may gusto pang sabihin pero tinalikuran niya na ako.
"Can we talk? P-Please Leighton..." Muli kong hawak sa braso niya pero inalis niya ang kamay ko.
"Just go home, Alice. Or you can just enjoy your vacation, here. Busy ako."
"I'll wait for you in the beach, later. I-I won't leave until you talk to me..."
Hindi siya kumibo at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Please, give me a chance, Leighton.
TBC
Unedited.
A/N: Prepare tissue for the next chapter. Char. Magkakaayos na nga ba sila? Abangan...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top