Chapter 43
You killed me
"Kuya Gary!" Malakas kong sigaw nang lumipas ang halos isang minuto na hindi pa rin umaahon si Leighton.
As much as I want to throw myself in the water, I can't. Not with my limping foot. Palakas nang palakas ang tahip ng puso ko habang salitan kong isinisigaw ang pangalan ni Leighton at ni Kuya Gary.
"Ma'am, ano pong problema?!"
"Si Leighton, Kuya! P-pakitulungan naman po!" Umiiyak ko ng saad at tinuturo ang kinaroroonan ni Leighton.
He's not moving!
Nanghihina akong napaupo habang inaahon ni Kuya Gary si Leighton mula sa pool. Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan nang dalhin sa akin ni Kuya Gary ang walang malay na si Leighton.
Tinapik-tapik ko ang pisngi ni Leighton pero hindi pa rin siya gumagalaw. "L-Leighton, wake up!"
Lumunok ako at pilit pinakalma ang sarili ko. I started pumping his chest and performed a mouth-to-mouth resuscitation. Seconds passed by but it feels like a long time when he coughed and opened his eyes.
Nakahinga ako nang maluwag pero parang may karayom na nag-umpisang tumusok sa puso ko. Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko mawawalan ako ng malay sa sakit no'n. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol ako.
"A-Alice..." Pagtawag niya sa akin na sinagot ko nang malakas na paghampas sa dibdib niya.
"Damn you! Damn you, Leighton!" Malakas kong sigaw habang patuloy ako sa paghampas sa dibdib niya.
I can't control myself. Hindi ko na matandaan kung kailan ako napaiyak nang ganito. Iyong pag-iyak na nakakapangapos ng hininga. Na gusto mo mang ihinto ay hindi mo magawa. Parang walang katapusan ang luha na nagpapatuloy sa pag-agos.
Naramdaman ko ang pananakit ng kamao ko sa ginagawa ko hanggang sa hinawakan ni Leighton ang magkabilang palapulsuhan ko.
"Stop. You're hurting yourself, Alice."
Marahas kong hinila sa kanya ang mga kamay ko.
"I-I'll accept everything...Insultuhin mo 'ko ayos lang...iparamdam mo kung gaano mo kinamumuhian ang presensya ko, okay lang. I-I'll accept it because I know I deserve it 'cause I hurt you..." Humihikbi akong huminto para kahit paano ay makahinga. "B-But not this, hindi ko matatanggap na ipapahamak mo ang sarili mo! I told you t-to just stay because you were drunk, bakit hindi ka nakinig!? This is not y-you, Leighton. Kailan ka pa naging reckless--"
"And whose fault is this? Who changed me to be a f*cking reckless man?!"
Nakagat ko ang labi ko at pinakatitigan ang mga mata niyang nababanaag ang poot. Oh God, what have I done to him?
"I-It's me...that's why I-I'm sorry. B-But it's been five years, you've moved on right? So w-why are you acting like this? Why did you have to come here in the middle of the night?" Tanong ko pero hindi na hinintay pa ang sagot niya at nanghihinang inabot ang tungkod ko para makatayo.
Hindi ko maintindihan kung anong rason sa mga inakto niya.
Is it possible that he still loves me?
Umiling ako at mapait na ngumiti habang patuloy pa rin ako sa paghikbi. Gusto ko nang sampalin ang sarili ko dahil hindi ko magawang tumahan at para gisingin din ang sarili ko na malabo ang iniisip ko.
He has a family now. It's impossible for him to still love me.
Nakakadalawang hakbang pa lang ako nang bumigay ang mga tuhod ko at bumagsak ako. I stood up again and I felt so pathetic when I fall again. Mas lalo tuloy ayaw huminto ang pag-iyak ko. When was the last time that I cried like this?
Make it stop, please.
Hindi ko na tinangka muling tumayo at tatawagin na sana ang pangalan ni Kuya Gary na tahimik na umalis kanina nang makitang gising na si Leighton. Pero nagulat ako nang maramdaman ang pag-angat ko sa ere. Instinctively, I wrapped my hands on Leightons' neck.
Tumingala ako para makita siya at walang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha niya. Tumutulo ang basang buhok niya at ramdam kong basa na rin ako pero mas sumiksik ako sa kanya. Ibinaba ko ang ulo ko sa dibdib niya at napapikit nang maramdaman ang malakas na tibok ng puso niya. I wanted to look at him but I stopped myself. It's not easy for me seeing his cold eyes because I'm not used to it. I wanted to go back to those days when he'd look at me and I can see in his eyes the love he had for me.
"Where is your room?"
Napadilat ako at doon ko napagtanto na nakapasok na pala kami sa loob ng bahay. Wala sa loob na itinuro ko ang kuwarto ko sa baba. Hindi mapigilang isipin na sana mas matagal pa ang oras na buhat niya ako dahil alam kong ito na ang huling beses na magiging malapit kami sa isa't-isa.
Kaya naman nang ibaba niya ako sa kama ay humigpit ang kapit ko sa leeg niya imbes na pakawalan siya. Naramdaman ko ang tensyon sa kanya. Sinalubong ko ang mga mata niyang nakikitaan ko ng pagtataka.
"W-What are you doing?"
Nang hindi ako sumagot ay tinangka niyang alisin ang mga kamay ko pero hindi ako nagpatinag.
Just this once. Susundin ko ang inuutos ng puso ko at hindi ko papakinggan ang isinisigaw ng utak ko na mali itong gagawin ko. Maling-mali dahil may maaapakan akong mga tao.
Pumikit ako at inangat ang sarili ko para dampian ng halik ang labi niya. Another tear fell from my eyes when he didn't respond. I was about to move away from him when he suddenly nibbled my lower lip. A moan escaped from me and he grabbed that chance to enter my mouth.
Naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan niya sa katawan ko. Nagpatuloy siya sa pagbibigay ng mapusok na halik sa akin. Umangat ang kamay ko papunta sa buhok niya nang bumaba ang halik niya papunta sa leeg ko.
"Leighton..." Anas ko.
He stopped kissing my neck as soon as he heard my voice. Tila nagising sa ginagawa na bumangon siya. Tinangka kong hawakan siya pero umiwas siya.
Mabigat ang paghinga na tinalikuran niya ako at tila nauupos na kandila na napaupo siya at sumandal sa kama ko.
"This is wrong...I shouldn't come here in the first place. I-I'm sorry--"
"Alam kong mali p-pero puwede bang ibigay mo na sa akin ang gabing 'to?"
Kumunot ang noo niya at hinarap ako. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ano ba talaga ko para sa 'yo, Alice? Isang gamit na gagamitin mo 'pag gusto mo pero itatapon mo 'pag ayaw mo na?" Puno ng pait na tugon niya.
Walang galit akong nakikita sa mga mata niya kung hindi sakit.
"Hindi 'yan totoo!"
"Then, alin ang totoo sa 'yo, Alice?"
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Napakarami kong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano magsisimula kaya napayuko na lang ako.
"Hanggang ngayon ba hirap ka pa ring sabihin sa akin ang lahat?" Tumawa siya pero walang bakas ng kaligayahan doon. "I'm sorry for barging here, I don't even know how I ended up here but thank you for letting me in."
"N-No, I should be the one to say sorry. E-everything that happened was wrong, I shouldn't kiss you 'coz you already belong to s-someone else. I forgot na hindi na ikaw iyong L-Leighton noon, may pamilya ka na--"
"What the hell are you saying?" pagpuputol niya sa sinasabi ko. "Pamilya? Saan mo nakuha ang ideyang 'yan?"
Natigilan ako at napatingin ako sa kanya. Nagbabaga ang tingin niya sa akin. Napalunok ako at nauutal na nagsalita.
"S-Si Trisha at i-iyong bata..."
He scoffed. "Are you talking about Jacy?"
"Yes--"
"Goddamn it! Do you know kung ilang taon na si Jacy? He's four years old. You were gone for five years, pinapalabas mo bang nakipagrelasyon ako kay Trisha ilang buwan matapos mong iwan ako sa kabila ng pagmamakaawa ko sa 'yo?! I even followed you in Maryland just to f*cking have you back! Ganoon kita kamahal, Alice!"
"Y-You followed me?" Halos walang boses kong tanong pero mukhang hindi niya narinig 'yon at nagpatuloy sa galit na pagsasalita.
"And now you're assuming that I already have a son with your friend?! Hindi ganoon kababaw ang pagmamahal ko sa 'yo, Alice! Tang,na, i-ikaw lang ang minahal ko!"
"Leighton, I--"
Umiling siya at itinaas ang kamay niya na nagsasabing ayaw niya nang marinig ang sasabihin ko.
"Hindi ako katulad mo, Alice. Hindi kailanman naging marupok ang pagmamahal ko sa 'yo," Huminga siya nang malalim at napasinghap ako nang makita ang pagtulo ng luha sa mga mata niya. Pinunasan niya iyon at muli akong sinulyapan. "Kung alam ko lang, nakinig ako sa 'yo noong sinabi mong sisirain mo lang ako, baka sakaling..." Hindi siya nagpatuloy at nakita ko na naman ang pagtulo ng mga luha niya. "I was broken before but you broke me more. You didn't just broke me, you killed me Alice."
Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko habang pinagmamasdan ang likod niyang papalayo. Gusto kong tawagin siya at pigilan pero hindi ako makagalaw. Tila sirang plaka na umuukilkil sa isip ko ang mga binitiwan niyang salita. Maraming katanungan ang nabuo sa isip ko pero hindi ko alam kung paano masasagot ang lahat ng 'yon. Gulong-gulo na ako at nag-umpisang sumakit ang ulo ko sa pagpipilit na maalala ang nakaraan.
You killed me, Alice...
What have I done to him? Even if it will shattered me into pieces, I want to remember...Everything.
***
"ATE! Why are you wearing shades?"
Tangkang aalisin ni Mandy ang itim na shades ko nang pigilan ko siya. Ayoko naman takutin ang kapatid ko 'pag nakita niya ang namamaga kong mga mata. Idagdag pa ang nangingitim na ilalim ng mga mata ko dulot ng walang tulog at labis na pag-iyak.
"Medyo masakit kasi mata ni Ate, nasisilaw ako sa liwanag," palusot ko pero narinig ko ang pagtikhim ni Daddy na nagmamaneho.
"I see! I'm very excited to see baby Louisse Ate, do you think she'll like me?"
"She'll love you, I'm sure of it."
Bumungisngis siya at nabalik na ang atensyon sa Ipad niya.
"May nabanggit si Gary kaninang umaga, Alice..."
Napalunok ako at napipilan sa sinasabi niya.
"Someone visited you last night?"
Tumikhim ako at iniwas ang tingin sa rearview mirror nang makitang sumulyap doon si Daddy mula sa pagmamaneho.
"Hon, you're making her uncomfortable," ani Tita Charice kaya naman napabuntong-hininga na lang si Daddy at hindi na nagsalita.
Alam kong kaninang umaga niya pa gusto akong kausapin nang pumasok siya sa kuwarto at madatnan akong tulala habang namamaga ang mga mata. Nagpasalamat na lang ako kay Mandy na maagang nagising at gusto nang makita ang baby ni Heaven.
"Do you want to hold her?" tanong sa akin ni Heaven nang masulyapan ako na nakatingin sa kanila.
"C-Can I?"
Tumayo si Rick at kinuha si baby Louisse kay Heaven. Lumapit siya sa sofang kinaroroonan ko at maingat na inilagay sa bisig ko ang anak nila.
My heart melted as I looked at the newborn baby. She was so small that I'm scared that I might hurt her. I gasped when she opened her eyes.
"She's so beautiful..."
"You'll have your own child in the future, Alice, and I bet she'll be as beautiful as you."
Malungkot akong napangiti sa sinabi ni Tita Cha. Magiging ina nga rin ba ako katulad ni Heaven?
Paano mangyayari iyon kung alam kong maliban kay Leighton ay hindi na ako magmamahal nang iba.
Nag-umpisang umiyak si Louisse kaya kinuha siya ni Rick para ibalik na kay Heaven.
Tumunog ang cellphone ko at nang makita kung sino ang tumatawag ay napatayo ako.
"I'll just answer this, maiwan ko muna kayo."
Lumabas ako at agad na sinagot ang tumatawag na si Terrence.
"I'm sorry Alice, I was busy yesterday that I forgot to charge my phone. Why did you call? Is everything okay?"
"I want to ask you a question...did you know that Leighton went to Maryland to see me?"
Natahimik sa kabilang linya at doon ko nakumpirma na totoo nga. Talagang pinuntahan ako ni Leighton sa Maryland.
"Why didn't you tell me?"
"I don't think it's important for you to know about it."
"It is important to me, Rence! Because it's him...Now tell me, when did he come to Maryland? Where did he see me?"
He sighed. Seconds passed by but there's no answer coming from him.
Ano ba talagang itinatago sa akin ni Rence?
"Tell me, Rence! Please!" Hindi ko na napigilang isigaw.
"He came on the day you got into an accident..."
"What happened that day?"
"H-He saw me kissing you in the yard, Alice. We were in Xenons' house."
"W-What? I-I don't understand, Rence. Why would you kiss me?"
He didn't say anything so I let out an exasperated sigh.
"Then, what happened n-next?"
"I don't know. I went in the house and left the two of you...I wanted to tell you everything Alice about what happened between the two of you but I have no idea. I don't know everything that happened that day, Alice. I'm sorry...please--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Rence at naibaba ko na ang tawag. Hinubad ko ang salamin ko at hinilot ang nag-uumpisa nang manakit na ulo ko.
"Alice? Are you okay?"
Sinulyapan ko si Tita Cha na nag-aalalang lumapit siya sa akin.
Umiling ako. "I don't know what to do Tita, how can I fix someone that I've broken if I don't remember what really happened between us?"
Tumabi siya sa akin at niyakap ako.
"Hindi porke't nakalimutan mo ang nangyari sa inyong dalawa ay ganoon din siya...he might be the one who can tell you."
Kaya ko ba siyang muling harapin? O magagawa niya kayang muli akong kausapin?
TBC
A/N: Raw version. Walang edit-edit ang chapter na ito kaya pasensya sa mga mali.
I know you're curious sa kung ano talagang nangyari kina Alice kaya more updates ang nais ninyo. Kalma lang guys, hindi po puwede ang araw-araw na UD. May problema po ang mga kamay ko at hirap po akong mag-type ngayon. Votes and comments will be highly appreciated. Keep safe everyone ❤
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top