Chapter 42

So near yet so far

"Dad, don't worry about me. Kaya ko na po."

"Are you sure hija? Puwede namang samahan na lang kita at ang Daddy mo na lang ang sumama kay Mandy," ani Tita Cha pero mabilis akong umiling at bumaba ng kotse.

"Ayos lang ako Tita, ilang recognition na ang na-miss ni Dad kay Mandy, there's nothing to worry about. I can manage, I'll just book a car 'pag pauwi na ako."

"Sure?" May pag-aalangan pa ring tanong ni Daddy sa akin.

Tumawa ako at kumaway na sa kanila. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na sila nagprotesta pa.

Naglakad ako gamit ang baston na pumalit sa walker ko. After four sessions with my PT, from using a walker, they changed it to a walking stick.

I'm healing. On the road to a perfect recovery according to Doctor Santillan.

"Good morning Alice, you look beautiful as always," ani John na siyang physical therapist ko.

Ngumiti lang ako kay John at naupo sa waiting area. Napaaga ako kaya meron pa siyang pasyente.

It’s been two weeks since the day I saw him--them. Nagkita kami ulit ni Migael pero sa tuwing babanggitin niya ang tungkol kina Leighton ay umiiwas ako at nagpapasalamat ako na hindi niya na sinubukan pang i-open ang topic. I just don't want to know anything about them. Curious ako pero hindi ko kayang pakinggan ang mga kuwentong makakasakit lang sa akin.

Ang pokus ko ngayon ay ang tuluyan nang gumaling. Gusto kong magsimula muli ng panibagong buhay.

"Ready?"

Tumango ako kay John at nagsimula na kami sa session namin. After the session ay kinuha ko na kaagad ang cellphone ko para mag-book ng car. In just a minute ay nakapag-book na agad ako.

"Alis ka na? Hindi ka ba susunduin ng Daddy mo?"

"Nakapag-book na ako. May event iyong kapatid ko kaya ako lang mag-isa," tugon ko kay John habang inaayos ang mga gamit ko.

"Bakit John, gusto mo bang ihatid?" Panunukso ng isa niyang kasamahan na si Jimmy.

Napatda si John at hindi nakatingin sa akin.

"Alice, crush ka niyan. May boyfriend ka na ba?"

Natawa ako nang makitang pinamulahan ng mukha si John.

"Oy Jimmy, manahimik ka nga."

Chinito si John at hindi maitatangging guwapo siya. Katunayan ay siya ang madalas i-request daw ng mga pasyente ayon sa mga kasamahan niya.

"Mauna na ako, see you sa next session, John."

"Pasensya ka na kay Jimmy," aniya na napapakamot sa batok niya.

Ngumiti lang ako at hindi na nagkomento pa.

Wala na sa isipan ko pa ang magmahal muli. No. Hindi ako magmamahal muli nang iba kasi alam ko sa sarili kong walang makakapalit sa kanya sa puso ko.

It will always be him even though it's no longer me.

Nangangalay na ako nang umabot ang limang minuto ay hindi pa rin dumarating ang na-book kong car. Napanganga ako nang makitang nag-cancel ang nakuha kong driver.

I was about to book again, nang may humintong kotse sa harap ko.

Bumukas ang front seat at bumaba si Migael. Mabilis niyang naisarado ang pinto kaya hindi ko nakita kung sino ang nagmamaneho.

"Where's your Dad?"

"May event sa school si Mandy, kaya ko naman na kaya ako lang mag-isa ngayon."

"Is that so? Kung ganoon sumabay ka na sa amin, on the way naman ang bahay ninyo sa bahay ko, or better yet sama ka na lang sa bahay. May onting handaan, it's my birthday."

"Happy birthday, Gael. But I'm sorry, bilin kasi ni Dad umuwi agad ako," pagtanggi ko sa kanya kahit na wala namang binilin ang ama ko sa akin.

Call me a coward, pero natatakot ako na baka nandoon sila. Hindi ako martir para ilagay iyong sarili ko sa sitwasyon na masasaktan lang ako.

"Ganoon ba? Then sabay ka na lang sa amin--"

"Hindi, okay lang nakakahiya sa kasama mo--"

Tumawa siya at inakbayan ako habang iginigiya na ako papunta sa kotse na bumusina na.

"I'm sure he won't mind, on the way naman ang bahay ninyo. Mas convenient pa para sa 'yo..."

Hindi na ako nakatanggi nang buksan niya ang backseat at alalayan ako papasok. Inilapag niya ang walking stick sa hita ko at mabilis na isinara ang pinto.

"S-Sorry--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita si Leighton sa driver's seat. He's not looking at me pero kitang-kita ko mula sa rearview mirror ang pagtatagis ng bagang niya. Nang pumasok si Gael ay nakita ko kung paano niya bigyan ng nakamamatay na tingin ang huli.

"Baba na lang ako, sorry--"

"Just put on your seatbelt."

Napalunok ako nang marinig ang malamig niyang boses. Binalingan ko si Migael at sinamaan ko siya ng tingin. Kumindat lang siya sa akin at ngumisi. Ngali-ngaling hampasin ko siya ng baston ko pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Could you please hurry up? Just wear that seatbelt nang makaalis na tayo..."

Napapahiyang isinuot ko ang seatbelt at mabilis na sumibad ang kotse.

"So Rhima, how's your treatment?"

"Good." maikli kong tugon. Walang balak dugtungan ang sinabi ko.

Hoping na makatunog si Migael para malaman niyang ayokong pag-usapan ang tungkol sa aksidente na kinasangkutan ko.

"I kept asking Dad about your case pero confidential daw. I assume na grabeng aksidente siguro ang kinasangkutan mo to think--"

"I don't want to talk about it."

Umismid si Leighton kaya napunta sa kanya ang tingin ko.

"She doesn't want to talk about it, just like the old days. Nothing change, she still loves playing mystery.  She's still a woman with lots of secrets, isn't she?"

"Klode..." Himig nananaway na tugon ni Migael.

Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya. He's right. I'm a woman with lots of secrets. But keeping those secrets was a choice I had to choose for the sake of the people that I want to protect.

Gusto kong sabihin sa kanya 'yon pero pinili kong manahimik. Lumipas ang labing-minuto na namayani ang katahimikan sa kotse at kahit gusto kong magsalita para sabihing bababa na lang ako ay hindi ko ginawa. Mas nananaig pa rin sa akin iyong kagustuhan na makasama ko siya kahit ramdam kong hindi niya gusto ang presensiya ko. Ni ang sulyapan nga ako ay hindi niya magawa.

"Hello? What?!"

Napunta ang atensyon ko kay Gael na pasigaw na kinakausap ang tumawag sa kanya.

"I'll be there! Do something, she needs to live!"

Kumunot ang noo ko nang alisin niya ang seatbelt niya.

"Klode, patabi nung kotse pre. Kailangan kong bumalik sa hospital,"

"Puwede tayong mag-uturn sa susunod--"

"No, magta-taxi na lang ako. Take care of Rhima, pre."

Bago pa ako makatutol ay mabilis na bumaba si Migael nang huminto ang kotse ni Leighton.

"A-Ah dito na lang din ako--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang muling pasibadin ni Leighton ang kotse niya paalis.

"Leighton--"

"Call me Klode, I hate it when someone calls me by my first name."

Napipilan ako sa sinabi niya. Pinagmasdan ko siya at seryoso ang mukha niyang nakatutok sa pagmamaneho.

"S-Sorry K-Klode, puwede mo namang itabi na lang iyong kotse. Magta-taxi na lang ako."

"Why? Can't stand my presence?" Himig may galit ang boses niyang tanong.

Agad akong umiling. "O-Of course not, nakakahiya lang sa 'yo. Hindi mo naman kailangan--"

"Nahihiya? Is that really the reason? O baka natatakot ka sa boyfriend mo?"

"Wala akong boyfriend."

Napahawak ako sa handle nang bumilis ang pagmamaneho ni Leighton. Bumubusina pa siya sa tuwing may kotse sa unahan namin para mauna siya.

"Husband then."

"Mas lalong wala akong asawa!" Hindi ko na napigilang isigaw. "Just stop the car Leigh--K-Klode, sa ating dalawa ikaw ang may ayaw sa presensya ko kaya bababa na lang ako."

"May dahilan ba para magustuhan ko ang presensya mo? Should I be happy that you came back?"

Natigilan ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko sa pagpipigil sa luhang gustong kumawala mula sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko, kung sa paanong paraan ko siya iniwan. Ang alam ko lang ay nasaktan ko siya. Sobra-sobra yata sa inaakala ko. Pero may pamilya na siya ngayon. Masaya naman siya hindi ba?

"I-I'm sorry for leaving--"

"Don't be sorry for something that you never regret, Alice. It's useless."

Huminto ang kotse dahil traffic kaya mabilis kong tinanggal ang seatbelt ko pero nang bubuksan ko ang pinto ay naka-lock iyon.

"K-Klode, p-pakibuksan iyong pinto," utas ko.

Gumalaw ang kamay niya kaya inakala kong pipindutin niya ang lock button pero binuksan niya ang stereo at nilakasan ang tugtog na nanggagaling doon.

It's his way of telling me to shut up. Muli kong isinuot ang seatbelt ko at nanahimik na lang.

So near yet so far..

So this is what the famous quotes is all about.

Ang lapit-lapit niya sa akin pero gaano ko man kagustong hawakan siya ay hindi puwede dahil wala akong karapatan.

Tanging malakas na tunog lang na nanggagaling sa stereo ang namayani sa amin hanggang sa huminto siya sa gate ng village namin. Binuksan niya ang bintana nang kumatok ang guard.

"Saan po kayo, Sir?"

Hindi siya nagsalita at nilingon lang ako saglit.

"Ay kayo pala, Ma'am. Magandang tanghali po."

Kimi akong ngumiti at binati rin si Manong.

"S-Salamat sa paghatid. Pasensya na sa abala."

Hindi siya umimik kaya bumaba na ako pero dahil medyo may kataasan ang kotse niya ay nawalan ako ng balanse sa pagbaba.

Napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa siko kong naitukod ko. Tumingala ako nang makita ang mga pares ng paa na huminto sa harap ko.

"I-I'm fine--"

Hindi niya ako pinakinggan at tinulungan niya akong tumayo. Tila napapasong binitiwan niya ang magkabila kong braso nang makitang nakatayo na ako.

"Thank you," aniya ko pero hindi siya nagsalita kagaya nang inaasahan ko.

Pinakatitigan niya lang ako at nang hindi ko na makayanan ang paninitig niya ay ako na ang kusang nagbaba ng tingin.

"Where is he?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "H-Huh? Sinong--"

Tinalikuran niya ako at hindi pinatapos ang sasabihin ko. Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang papalayo niyang kotse.

***

NAGISING ako ng alas-onse nang marinig ang ingay mula sa labas ng kuwarto ko.

Lumabas ako at nakita kong natataranta si Rick habang karga-karga si Heaven na tumitili. Nakasunod sa kanila sina Tita Cha at Daddy.

"Anak, manganganak na si Heaven. Ikaw na munang bahala kay Mandy ah," ani Daddy na natataranta.

"Okay Dad, call me kapag nakapanganak na si Heaven."

Nagpasya akong pumanhik ng taas para tabihan si Mandy sakaling magising siya. Kahit malaki na kasi ay nasanay siyang 'pag nagigising sa kalagitnaan ng gabi ay pumapasok siya sa kuwarto nila Daddy.

Papanhik na sana ako matapos uminom muna ng tubig nang tumunog ang telephone.

"Hello?"

"Hello? Si Ma'am Alice po ba 'to?"

"Sino 'to?"

"Ay Ma'am, sa guard office po 'to. Meron po kasing gustong pumunta diyan sa bahay ninyo."

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

"Ma'am hindi ko ho kilala 'eh, pero iyong kanina pong naghatid sa inyo."

Kumabog ang puso ko sa sinabi niya. Anong ginagawa ni Leighton?

"K-Kaya lang Ma'am, nakainom po pero sabi nitong driver 'eh dito daw po sa village nagpapahatid--"

"Papasukin ninyo."

"Siguro po kayo? Baka po mapagalitan ako ng Daddy ninyo--"

"Just let them in. Akong bahala sa Daddy ko."

Ibinaba ko na ang tawag at may pagmamadaling lumabas ako ng bahay.

"Ma'am saan ho kayo pupunta?"

Hindi ko pinansin ang tawag sa akin ng guard namin at binuksan ko ang gate ng bahay. Wala pa kong ilang minuto na nakakalabas ay huminto sa harap ko ang kotse ni Leighton.

Am I dreaming?

"Ma'am? Lasing na lasing ho itong asawa ninyo, baka naman po puwedeng dagdagan ninyo ang bayad sa akin." aniya ng lalaking kababa lang ng kotse na inabot pa sa akin ang car key ni Leighton.

"S-Sorry pero hindi kasi siya rito nakatira--"

"Ma'am, nakailang ikot po kami ni Ser dahil hindi ko siya makausap nang matino. Luging-lugi na po ako. May iba pa po akong customer 'eh."

Binuksan ko ang backseat at sumalubong agad sa akin ang amoy alak na si Leighton.

"Leighton, wake up!" Pagtapik ko sa pisngi niya pero dumilat lang siya saglit at muling natulog.

Nahihiyang nilingon ko ang driver na naghihintay sa bayad ni Leighton. Wala akong dalang wallet kaya kinapkapan ko si Leighton. Napalunok ako nang hugutin ang wallet niya sa bulsa ng pantalon niya.

Humugot ako ng isang-libo at inabot iyon sa driver na mabilis nagpasalamat at umalis.

What now?

Sa isip-isip ko habang minamasdan si Leighton na mahimbing pa rin ang tulog. Hinanap ko ang cellphone niya pero nang buksan ko iyon ay may password.

Gusto ko mang tawagan si Gael ay wala rin akong contact number niya.

I can't let him stay here. Baka kung mapaano pa siya. Pero nakatitiyak akong hindi ko siya kayang bitbitin papasok.

Saktong bumukas ang gate at sumilip si Kuya Gary.

"Ma'am?"

"Kuya, patulong naman ho na ipasok natin siya sa loob."

Kumunot ang noo ni Kuya Gary at lumapit sa amin ni Leighton.

"Boyfriend po ninyo, Ma'am?"

Kung sasabihin kong hindi ay malamang ay hindi pumayag si Kuya Gary na ipasok namin sa loob si Leighton kaya namalayan ko na lang na tumatango ako.

"Saan po natin siya dadalhin Ma'am?" Hirap na hirap na tanong ni Kuya Gary dahil siya ang nagdadala ng bigat ni Leighton.

"Diyan na lang sa sofa Kuya, pasensya na."

"Nako Ma'am, basta po hindi po mapapagalitan ng Daddy ninyo ah."

Nang makaalis si Kuya Gary ay pinagmasdan ko si Leighton na tulog na tulog pa rin. Nahihirapan man ay inayos ko siya ng higa. Saktong kalalagay ko lang ng throw pillow sa ulo niya nang dumilat siya.

"W-What are you doing here?"

Agad akong lumayo sa kanya pero hinila niya ako kaya bumagsak ako sa kanya. Hinawakan ko ang dibdib niya para tumayo pero bumaba ang mga kamay niya sa bewang ko at mahigpit akong niyakap.

"I-I'm dreaming again, at i-ikaw na naman ang nasa panaginip ko. Why can't you just leave me alone, Alice?"

Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang ulo niya papalapit sa akin at hagkan ang labi ko.

Sa una ay marahan hanggang sa naramdaman ko ang pagpusok ng halik niya. Palalim nang palalim hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong tumutugon sa halik na ginagawad niya.

Tumulo ang luha mula mga mata ko. Huminto siya sa paghalik sa akin kaya dumilat ako para lang salubungin ng mga mata niyang banaag ang pagkagulat.

"T-This is not a dream..."

Lumuwag ang kapit niya sa akin kaya mabilis akong lumayo sa kanya. Bumangon siya at nilibot ang tingin sa bahay.

"W-Why am I here?"

Magsasalita pa lang ako nang tumayo siya at hindi diretso ang lakad na iniwan ako. Nasa pinto na siya nang maabutan ko. Mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Y-You're drunk. You can't drive, do you want me to book you a car?"

"S-Stop acting like you care about me!" Marahas niyang hinawi ang kamay ko.

"Leighton--"

"I told you, d-don't call me that."

"Sorry. P-Please, kung gusto mong umalis hindi kita pipigilan pero hindi mo kayang magmaneho so magpaalis ka muna ng kalasingan mo o tatawag ako--"

"Stop pretending Alice na may pakialam ka sa mangyayari sa akin."

"H-Hindi ako nagpapanggap! I-I'm worried about you."

Blanko ang mga matang pinakatitigan niya ako. "H-Hindi ko kailangan ang pag-aalala mo."

Matapos sabihin iyon ay nagpatuloy siya sa paglabas. Nasa akin ang susi niya kaya nakasisiguro akong hindi siya makakaalis pero sumunod pa rin ako sa kanya.

Halatang lasing pa rin siya dahil hindi tuwid ang paglakad niya. Kumunot ang noo ko nang imbes na maglakad siya papunta sa gate ay nagdire-diretso siya papunta sa pool area.

Binilisan ko ang lakad ko para makalapit sa kanya pero huli na. Umalingawngaw ang ingay ng pagbagsak ng katawan niya sa pool.

"Leighton!"

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top